Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8: Ex-girlfriend


"KUYA  Josef, inlove na ba ako?" bigla na lang tanong ni Uriel sa driver nito habang nagkakape sila sa bakuran isang umaga.

Napatigil sa pagsimsim ng kape si Josef at napatitig kay Uriel. "Ikaw lang ang makakasagot niyan, sir."

Napatango si Uriel bilang pagsang-ayon. "Sabagay."

Uriel's been thinking his feelings towards Shenrey. Nilatag niya lahat ng nararamdaman niya para mapagtanto kung ano ba talaga iyon.

He's happy whenever they meet, he wanted to be with Shenrey everytime. Hindi mawala-wala sa isip niya si Shenrey at kasiyahan lang ng dalaga ang hangad nito.

Kahit ang pag-inom ay tinigilan niya para lang kay Shenrey. Ayaw na ayaw niyang magtanim ng galit ang dalaga dahil sa bisyo niyang iyon kaya kahit mahirap ay pinigilan niya ang sarili na huwag matukso sa inumin.

Pero kapag nakikita niya ang mga pictures ni Laureen sa social media kasama ang bago niyang boyfriend ay nagpupuyos siya sa galit.

Hindi niya na alam kung ano ba talaga itong nararamdaman niya ngayon. He can't tell if it's really love or what.

"Bakit, sir? May nagpapatibok na ba ulit sa puso mo?" tanong ni Josef.

Uriel smile for a bit but didn't answer Josef's question.

"Si Shenrey po ba 'yong babaeng nagpapatibok sa puso niyo, sir?" Napatigil si Uriel pero hindi sinagot ang hula ni Josef. "Masaya ako na naka-move on ka na sa wakas kay Laureen, sir," hindi mapagsidlang galak ni Josef kahit na wala pang natatangap na sagot sa amo. "Kayo na ba ni Shnerey, sir?"

Napatigil si Uriel sa muling pagsimsim ng kape at napaisip. Hindi nga niya nililigawan ang dalaga, ang makuha at maging girlfriend pa niya kaya?

Napakamot sa gilid ng pisngi si Uriel habang nag-aabang ng sagot si Josef.

"The truth is—"

"Sabi na nga bang natotorpe ka, sir," biglang putol ni Josef sabay tapik sa balikat ni Uriel.

Napaangat ng tingin si Uriel. "Hindi ako natotorpe, Kuya Josef! Nagkakamabutihan pa lang kami ni Shenrey, parang hindi naman pwede yatang ligawan ko agad iyon."

Ipinagkibit-balikat ni Josef ang sagot ni Uriel sa kaniya, hindi kumbinsido sa tinuran ni Uriel. Sa kabila no'n ay masaya siya para sa amo dahil nakakita na ito ng babaeng matino at hindi 'gaya kay Laureen.

"Saka. . . hindi ko pa alam kung naka-move on na ba talaga ako kay Laureen, Kuya Josef. Nahihirapan akong timbangin ang nararamdaman ko."

Nabalot ng katahimikan angbpagitan nina Uriel at Josef hanggang sa magpasyang basagin iyon ni Josef at magsalita.

"Sir, 'yung akin lang ay sana malaman mo na agad kung ano ang laman ng puso mo. Hindi pu-pwedeng paaasahin mo si Shenrey. Narinig ko rin kasi sa mga tao na may mabigat na pinagdadaanan iyan, kawawa naman kung masasaktan 'yan dahil sa 'yo."

Uriel sips his coffee and heaved a heavy sighed. Josef was right, he needs to figure it out as soon as possible. Hindi niya maaatim ang isiping masasaktan si Shenrey sa kagagawan niya.

Ayaw niya naman isiping rebound lang si Shenrey dahil kagagaling niya lang sa isang masakit na break-up.

Napahilamos si Uriel dahil pati utak niya ay gulong-gulo na.




○••○••○••○

"BAKIT palagi ka na lang late sa usapan natin, Yel?" tunog nagtatampong wika ni Shenrey ng maaninaw ang palapit na Uriel sa pwesto niya.

"I'm really sorry, na-flat-an 'yong kotse ko kanina habang papunta rito," mahinang boses na rason ni Uriel.

Inis na inalis ni Shenrey ang tingin kay Uriel at binuntong ang inis sa mga buhangin.

Maingat na naupo si Uriel sa gilid ni Shenrey, nag-aabang sa sasabihin ng dalaga. Napalu ok ito ng ilang ulit ng makitang inis na inis talaga sa kaniya ang dalaga.

"Bakit parang sa tingin ko ay ako lang 'yung may gustong magkita tayong dalawa, Yel? Kung ayaw mong magkita tayo, prangkahin mo ako. Okay lang naman sa 'kin 'yon," masamang loob na ungot ng dalaga.

"It's not like that, Shen. Look, palaging naaaberya ang lakad ko kapag pumupunta rito, hindi ko naman 'yon sinasadya. I felt bad about it too," mahinahong pagpapaliwag ni Uriel kay Shenrey pero alam niyang hindi kumbinsido ang dalaga sa mga sinabi niya. "I'm telling the truth."

"Hindi ko naman sinabing nagsisinungaling ka, Yel. Ang akin lang ay sana 'wag ka namang ma-late, palagi na lang akong naghihintay at nag-iisip na baka hindi mo ako gustong makasama kaya hindi ka darating tuwing may usapan tayo." Napayuko si Shenrey.

She felt bad about this too. Naisip niya na baka siya lang talaga ang may gusto sa binata at umaasa lang siya na gusto rin siya ni Uriel.

Baka nag-a-assume lang talaga ako. Ilusyunada!

Biglang nangiligid ang luha niya pero ilang ulit niyang kinisap-kisap ang mata para mawala iyon. Ayaw niyang makita siya ni Uriel na umiiyak at baka isipin nitong nahihibang na siya.

"It's not like that, please don't think that way, Shen. Gusto kitang makita pero—"

"Pero ano? Kasi ganito, ganiyan?" Marahas na tumayo si Shenrey at padabog na naglakad palayo. "Kung ayaw mo sa 'kin, pwede mo namang diretsahin, Yel."

Tarantang napatayo si Uriel at hindi maproseso ng utak
niya ang pagsusungit ni Shenrey sa kaniya.

Napalunok ito at pilit na hinahabol ang dalaga.

"Shenrey, wait. It's not what your think. I'm really sorry. I promise hindi na mauulit 'to."

Shenrey stop for a moment and stared at Uriel's hand holding hers. Nalungkot nitong binalingan ng tingin si Uriel.

"Gusto mo ba ako, Uriel?" walang pag-aalinlangan turan siya sa binata.

Uriel didn't expect that question kaya nabitiwan niya ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. Nanlaki bigla ang mata ni Uriel at dinalahik ng kaba ang puso.

Nangibabaw ng ilang minuto ang tunog ng mga alon na humahampas sa dalampasigan kasabay ng mahinang pag-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa bawat hibla ng buhok nilang dalawa.

"H-huwag mo na lang sagutin. Biglang s-sumama ang pakiramdam ko, Uriel. Sa s-susunod na lang na araw tayo magkita."

"S-sandali lan—" Tila nahimasmasan si Uriel ng makitang tumulo ang luha ni Shenrey. Napakhakbang ito at akmang aabot ang dalaga pero umiwas ito.

"M-mauuna na ako, Uriel," basag na boses na aniya.

Mangiyak-ngiyak na tumalikod si Shenrey sa nakitang reaksyon ni Uriel. Ang marahang lakad ay umabot sa pagtakbo nang mabilis. Hindi niya nilingon si Uriel na batid pa rin sa mukha ang pagkabigla.

Iniwan niya ang binata sa dalampasigan kasabay ng pag-iwan niya sa pag-asang mayroon siya.

Humahangos na pumasok sa loob ng bahay si Shenrey at takang-taka ang Tiya Marin nito bakit umiiyak ang dalaga.

"Shenrey? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tarantang buntot sa kaniya ni Marin.

"Wala po, tita." Pinahid ni Shenrey ang luhang tumatalanton sa pisngi niya. Hindi siya makaharap sa tiyahin kaya minabuti niyang yumungo sa kwarto at ni-lock ang pinto.

Nag-aalalang kumatok sa pinto ni Marin. "Shenrey, anong nangyari? Kausapin mo ako, nandito lang ako. Ano bang problema anak?" malambing na aniya sa dalaga para lumabas ito.

"Tita, gusto ko munang mapag-isa. Pabayaan niyo po muna ako," basag na boses na sagot ni Shenrey.

Napabuntonghininga si Marin sa sinabi ng pamangkin. Nag-aalala man ay hinayaan niya  na lang ang dalaga.

Sa loob ng kwarto ay patuloy ang pag-iyak ni Shenrey. Ramdam niya ang pagkapahiya sa binata kanina. Para tuloy siya ang naghahabol sa inasta niya kanina sa harap ni Uriel.

Talaga nga sigurong may pagtingin pa si Uriel sa ex-girlfriend nito. Ayaw niya namang ipagpilitan ang sarili sa lalaking hindi naman pala siya gusto.




••○••○••○

TANGING mga bakas na lang ng paa ng dalaga sa buhangin ang naiwan sa paningin ni Uriel. Bagsak-balikat itong napaupo sa dalampasigan at napahilamos sa mukha.

His phone beeped while his mind is freerly wondering in the horizon. Agad niyang kinuha ang telepono at tiningnan kung ano 'yon.

Balita ko nasa Iloilo ka raw. Can I come to your place? Can we talk about us?

Uriel's forehead knotted. Hindi naka-register ang number sa telepono nito pero kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng numerong iyon.

Mas lalong nagulo ang isip niya. Pumunta nga siya rito sa Iloilo para kalimutan si Laureen pero heto siya, nagpaparamdam sa kaniya.

"Fuck it!" Uriel disheveled his hair and put his phone in his pocket.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at nagtungo sa bahay ni Shenrey at kinalimutan ang natanggap na text mula kay Laureen.

Naaninaw niya ang Tiya Marin sa labas na nakaupo habang nagmumuni-muni.

"Tita, magandang gabi po. S-si Shenrey?" alanganing tanong nito kay Marin. Naupo uyo sa tabi ng ginang.

Malungkot na binalingan ni Marin si Uriel. "May nangyari ba sa pagitan niyo ni Shenrey, Uriel? May hindi ba kayo pagkakaintindihan? Umiiyak na umuwi si Shenrey kanina. Hayun at nagkulong sa kwarto."

Napayuko si Uriel. The feeling of guilt is slowly crippling into his system. Parang gusto niya na lang maglaho sa harap ng tiyahin ni Shenrey.

"I'm sorry po, tita. Ang totoo niyan ay sumama ang loob niya sa 'kin kanina," mahinang paliwanag ni Uriel sa kaniya. "Dinamdam niya 'yong palagi akong late sa usapan namin," dagdag pa ng binata.

"Uriel, anak, alam kong wala ako karapatang panghimasukan ang namamagitan sa inyong dalawa pero sana. . .kung ano man ang pinagtalunan niyo o hindi pagkakaunawaan ni Shenrey, sana ay mapag-usapan niyo ng maayos iyon. Alam kong, alam mo na may umuusbong na pagtingin ang pamangkin ko sa 'yo. Labis-labis na ang sakit na naranasan ni Shenrey, hindi ko na kayang makitang bumalik sa ganoon ang pamangkin ko, Uriel."

"Naiintindihan ko po, tita. Sorry po talaga."

"Hindi ako ang dapat mong hingan ng tawad, Uriel. Kung gusto mong makausap si Shenrey, siguro ay bumalik ka na lang bukas. Hayaan muna natin siyang mapag-isa at makapag-isip-isip."

"Sige po, tita. Uuwi na po muna ako. Pumasok ka na po sa loob, baka magkasakit po kayo sa lamig ng hangin dito sa labas at hamog."

"Oh siya, papasok na ako. Halong ka, ha?" Marin tap Uriel's shoulder.

Uriel nodded. "Oho."

Hinintay ni Uriel na makapasok si Marin sa loob at ng hahakbang na ito ay bigla na lang nag-ring ang telepono.

The caller's number flashed on the screen. It's just a number but brings hundred of memories.

"Uriel! I'm glad that you didn't change your number! How are you? You're in Iloilo? In your dads place ba?" masayang turan ng nasa kabilang linya.

Hindi makapagsalita si Uriel ng ilang saglit. "Laureen," sambit niya sa kabillang linya. "Why are you calling me?"

"Of course, I miss you! Duh! Can I come to your place? Magpapasundo ako kay Kuya Josef. I know he's with you. Are you free?"

"Laureen—"

"Ah, I gotta go, Uriel. I have a photoshoot pa pala. I'll call you again. Bye!"

Nang mamatay ang tawag ay napatitig na lang si Uriel sa cellphone nito. Hindi niya maintindihan bakit ganoon na lang ang naging asta ng ex-girlfriend nito. Kahit naguguluhan ay nagpasya na lang siyang maglakad na pauwi lulan ang isiping iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro