Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7: Anger


THE SUN was setting already but Shenrey's been patiently waiting for Uriel to come. The majestic waves was singing through Shenrey's ears. Ang tanging nagagawa niya lang ay lunurin ang sarili sa pakikinig sa bawat hampas ng alon sa tabing dagat.

Usapan ng dalawa na magkita ngayong gabi sa dalampasigan at sabay na manood sa malaking buwan. Uriel will set a bonfire as they share a meal under the night sky witnessed by hundreds of twinkling stars above.

Napabuntonghininga siya. Isang oras na siyang naghihintay kay Uriel pero wala pa rin ang binata.

Naisip niyang baka nakalimutan ni Uriel ang usapan kaya ganoon na lang ito katagal dumating sa tagpuan nila. Gustong maluha ni Shenrey dahil nakaramdam ito ng pagkabigo sa binata.

Shenrey was about to stand when she heard a footsteps in the sand. Napatingala siya ng maaninaw na lalaking papalapit sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang?" tunog nagrereklamong aniya. Salubong ang kilay niyang tinitigan si Uriel ng maupo ito sa gilid niya dala-dala ang isang bote ng alak at mga pagkain.

Nilapag ni Uriel ang dala maliban sa alak na hawak-hawak ng kaliwang kamay niya. Naupo siya sa tabi ni Shenrey at tumingala sa langit bago balingan ng tingin ang dalaga.

"Pasensya ka na, naghanap pa kasi ako ng makakain natin," pagpapaliwanag ni Uriel sabay inom ng alak.

Lumukot ang mukha ni Shenrey. Gusto niyang magtampo sa binata dahil kanina pa siya naghihintay rito. Kumakalam na rin ang sikmura niya kanina pa dahil hindi ito kumain ng miryenda sa pag-aakalang darating si Uriel agad sa tagpuan nila.

Nagngitngit ang ngipin nito at nakalukot ang mukha hinarap si Uriel. "Huminto ka na nga sa pag-iinom ng alak! Alam mo bang masama sa katawan 'yan? Maaga kang mamamatay!"

Napalingon sa kaniya si Uriel at natawa sa yinuran ng dalaga. "Mamamatay agad? Maganda sa katawan ang alcohol, pampalinis ng bituka."

"Kailan pa naging maganda ang dulot ng bisyong 'yan sa katawan, Yel?" simangot ni Shenrey.

"Isang bote lang naman," Uriel reasoned out.

Napakuyom si Shenrey dahil sa inis at biglang tumayo. "Alam mo, nakakainis ka! Kanina pa ako naghihintay rito tapos pupunta ka lang dito para uminom ng alak sa harap ko. Bahala ka da, Uriel!"

Mabilis na naglakad palayo si Shenrey  pero agad na nadakip ng kamay ni Uriel ang kamay ng dalaga.

"Teka. . .I'm sorry. Maupo ka na please, hindi na ako iinom," tarantang sambit ni Uriel at binitawan ang bote ng alak. Natapon ang lama no'n sa buhanginan at halos manlumo ang binta. Muli siya g napabaling kay Shenrey. "Oh wala na," anito sa dalaga at pinakita ang kamay.

"Nasasayangan ka pa, eh!" ungot ng dalaga noong sandaling makita ang panghihinayang ni Uriel sa alak.

Napailung si Uriel. "Hindi. I'm sorry. Hindi na talaga ako iinom, I promise you that."

"Tuod ka? Baka binobola mo lang ako para huwag umalis. Patunayan mong hindi ka na iinom," Shenrey challenged him.

Walang maisip na paraan si Uriel kung paano niya iyon patutunayan sa dalaga. Biglang may sumaging ideya sa isip niya at napatitig ito sa hawak na kamay ng dalaga.

Walang pag-aalinlangan niyang hinigit ang kamay ng dalaga kaya napalapit ang katawan nito sa kaniya.

Without hesitation, he gave Shenrey a quick kissed on her lips but that quick kiss seems like an hour to them. Rinig na rinig niya ang paghampas ng alon sa dagat kasabay ng pagtambol nang pagkalakas-lakas ng puso niya.

Saksi ang buwan at mga bituin sa langit sa pangyayari sa gabing iyon.

"That's the proof that I will not drink alcohol anymore," ani Uriel bago binitiwan ang kamay ni Shenrey na ngayon ay tulala lang sa kaniya.

"A-anong—" natigil ang pagsalita ni Shenrey ng ibahin ni Uriel ang topiko.

"Kumain na tayo. Alam kong gutom ka na. Maupo ka na," ngiting ani Uriel sa dalaga.

Napahawak sa labi si Shenrey at wala sa sariling naupo sa harap ni Uriel. Nakatitig lang ang dalaga sa ginagawang bonfire ni Uriel sa gilid nila.

Lihim na nagdiwang ang isip ni Shenrey dahil sa halik na ginawa ni Uriel sa kaniya. Ilang beses niyang hinawakan ang labi at nagkukumahog sa pagtibok ang puso niya tuwing nakikitang lumilingon sa kaniya si Uriel.

Naghalikan naman na noon sila ni Ian pero itong halik ni Uriel ay kakaiba sa lahat ng halik na nakuha niya.

Napaiwas si Shenrey ng tingin at tinatago ang panumula ng mukha nang matapos si Uriel sa ginagawang bonfire.

"You want pizza?" alok ni Uriel.

Napatango si Shenrey at ngumiti.

Ngayon ay si Uriel na naman ang napatulala sa dalaga. Halos halungkatin ang kung ano mang pakiramdam ang lamang loob niya sa pagngiti ng dalaga.

Nagtataka siya bakit ang ganda-ganda naman yata ni Shenrey ngayon? Mas lalo siyang gumaganda araw-araw sa paningin niya.

Shenrey was wearing a simple white shirt paired with black skort. Gamit rin ng dalaga ang starfish na ipit na niregalo nito sa kaniya. Napalunok ito ng mapatitig muli sa kulay rosas na labi ni Shenrey.

"May. . . may dumi ba ang mukha ko, Yel? Pangit ba ang ayos ko?" biglangbuntag ng dalaga nang mapansing titig na titig si Uriel sa kaniya.

Napaayos si Uriel at napakurap ng ilang ulit. He secretly pinshed his legs but Shenrey noticed it.

"W-wala. . . a-ang ganda mo nga. Bagay na bagay sa'yo 'yang ipit," aniya habang ilang na ilang sa titig ng dalaga.

Fuck! Para akong highschool student sa inaasta ko! Get a grip Uriel!

Bagamat alam ni Shenrey kung bakit titig na titig ang binata sa kaniya. Nagdidiwang ang kalooban niya dahil nagustuhan ni Uriel ang ayos niya ngayong araw.

Mabuti na lang at nanood siya ng iilang videos kung paano mag-make up. Tuwang-tuwa siya sa isiping iyon.

Magana silang dalawa na kumain habang tanaw ang karagatan at mga bituin sa langit. Ang kaninang tampo na nararamdaman ni Shenrey ay ganoon na lang ang paglaho at napalitan ng kasiyahan kasama si Uriel.

They are enjoying each others company. Hindi na nga nila namalayan na naubos na pala nila lahat ang pagkain at hindi lang man natirhan ang Tiya Marin niya.


○••○••○••○

"SHENREY, tapatin mo nga ako. Mahal mo na ba si Uriel?" intrigang tanong ni Marin sa pamangkin isang araw.

Napatigil si Shenrey sa pagtutupi ng damit at napaangat ang tingin sa tiyahin. Hindi nito mapigilang mapangiti sa tanong ng tiyahin at pamulahan ang mukha.

Tanong pa lang iyon pero nagpapakabog na ng husto sa puso niya. Hindi niya inakalang ganoong na lang kabilis ang pagkahulog ng loob niya kay Uriel.

Ang image of Uriel smiling flashed in her mind that made her bit her lower lip. She suddenly smelled Uriel's perfume out of nowhere. Her face now is painted of red colors.

Kiming napatango si Shenrey sa Tiya Marin nito kasabay ng paghawi ng buhok nito sa likod ng tainga niya.

"Masaya akong makita kang ganiyan, Shenrey." Naluha na lang bigla si Marin kaya nataranta si Shenrey. "Sana ay magtuloy-tuloy na pero sa pagkakataong 'to, anak, sana magtira ka naman ng pagmamahal sa sarili mo, huwag lubos-lubos."

"Tita. . . tahan na po," pag-aalo ng dalaga sa tiyahin.

Kahit man siya ay bigla na lang nakonsensya dahil ganito na pala kabigat ang nararamdaman ng tiyahin niya. Nasasaktan siyang nakikitang nahihirapan si Marin kaya pinapangako niya sa sarili na huwag na huwag ng babalik sa kung ano man siya noon.

Inaamin niyang gumawa siya ng mundo kung saan na roon si Ian. Pilit niyang binabalewala ang sinasabi ng tiyahin na pumanaw na ang dating kasintahan.

She's so selfish, iyon ang totoo. She always ignored those cares that Marin showered to her. Wala siyang pakialam noon sa tiyahin niya basta lang ay malunod siya sa kalungkutan at umikot ang mundo niya sa ilusyong ginawa niya.

Bigla niyang pinagsisihan ang lahat dahil alam niyang sarili niya lang ang niloloko noon.

"Pasensya na po, tita sa problemang dala ko sa 'yo. Pangakonko pong hindi na ako babalik sa ganoon. Sorry po talaga," iyon na lamang ang lumabas sa bibig ng dalaga no'ng uniyak na ito.

"Oh bakit ka naman umiiyak? Ako dapat amg maiyak kasi bumalik ka na sa dati," tumatawang kunwa'y ni Marin sa pamangkin habang pinupunasan ng kamay ang mga luha nito. "Oh sya, tama na, Shenrey. Basta ha, kung ano ang mapagpapasaya sa 'yo, susuportahan kita. Basta matinong lalaki, ha?"

Shenrey pouted. "Tita, matinong lalaki naman po si Uriel, ah!"

"Wala man ko may gin hambal nga amu na! Defensive ka, Shenrey," natatawang aniya.

"Tita, nanukso pa! Ambot sa imo, tita!" kunwaring tampo ni Shenrey.

"Oo na. Basta kilalanin mo muna, anak. Baka may pamilya 'yan, ha? Uso pa naman ngayon ang kabet. Baka gawin ka niyang kabit sa gandan mong iyan, tatapyasin ko talaga betlog no'n!" banta ni Marin.

Shenrey's eyes widened. Walang preno ang bibig ng tiyahin niya, aminado naman siya ro'n. "Tita!"

"Nililigawan ka na ba ni Uriel?" taas kilay na pangunguwistiyon ng tiyahin.

Napatigil si Shenrey at napayuko. Ang kaninang saya sa mukha niyo ay naglaho at nabahiran ng tinta ng kalungkutan.

"H-hindi siya nanliligaw, tita. . ." mahinang sambit ng dalaga.

Ginapangan ng konsensya si Marin. Sana ay hindi niya na lang tinanong iyon. "Hayaan mo na, Shenrey. Alam kong doon din patungo ang magandang tingininan niyo. Diyan naman lahat nagsisimula sa pakikipagkaibigan ang lahat bago mapunta sa ligawan na 'yan," kinikilig na tukso ni Marin sa pamangkin para lamang ay huwag malungkot ito.

Napaangat ng tingin si Shenrey at biglang nanumbalik ang ngiti sa mukha. "Sa tingin niyo po, kailan kaya ako liligawan ni Uriel, tita?"

Nagkibit-balikat si Marin. "Hindi natin alam. May sariling utak ang mga lalaki."

Sa loob-loob niya ay boto naman siya kay Uriel. Alam niyang mabuting bata ang lalaking iyon dahil ramdam naman nito ang sensiridad nito.

Ang kinakabahan niya lang ay baka masaktan ang pamangkin niya. Natatakot siyang makita muling naghihinagpis dahil sa pag-ibig si Shenrey.

She knows that love is really unpredictable, maaring payapa ngayon ang buhay pag-iibigan nila pero baka bukas o makalawa ay bigla na lang may dumapong masakit na pangyayari sa kwento nila.

Kahit man siya ay hindi mapagkakailang masakit talaga ang pag-ibig. Maaring may dala itong kasiyahan pero sa huli ay may tinik pa rin itong dala na magpapadugo ng labis-labis sa puso ng isang taong nagmamahal.

She onced love a man but it ended up chosing someone that she can't ever imagined would be. Betrayal is the sharpest thing that could tear a person's heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro