Chapter 6
Chapter 6: Friend
KINABUKASAN maagang gumayak si Uriel para bumili ng dadalhing pagkain kina Shenrey. Takang-taka si Josef sa inaasta ng amo dahil hindi mapunit ang ngiti sa labi nito.
Ngayon niya lang yatang nakitang ganadong-ganado sa umaga si Uriel at hindi naghahanap ng pain killer at malamig na tubig.
"Sir? Bakit ang saya naman po ninyo ngayon? May pupuntahan kayo?" usyuso ni Josef.
"Ah. . ." Nakamot ni Uriel ang pisngi nito. "Pupunta lang ako sa resort."
Napatango na lang si Josef pero nawiwirduhan pa rin sa inaasta ng amo. Napatitig lang siya kay Uriel sa bawat galaw nito na hindi mapunit ang ngiti sa labi. Hanggang sa ihatid nito si Uriel sa beach resort nila.
"Tatawag na lang ako kapag magpapasundo na ako, Kuya Josef. Ingat ho."
"Mag-ingat ka rin ho, sir. Mauna na ako."
Napalanghap ng sariwang hangin si Uriel at napapikit pa bago pagpasyahang magtungo sa bahay na tinutuluyan ni Shenrey.
Natagpuan niyang naglilinis ng bakuran ang si Marin at abala sa pagpulot ng iilang bote. Naririnig niya pa kung paano magreklamo ang ginang patungkol sa mga lasengong walang disiplina sa sarili.
"Tita. . ." nahihiyang tawag ni Uriel sabay kamot sa gilid ng mukha nito.
"Oh, iho! Ari ka? Dali di! Halika rito, napasyal ka?"
"Ah. . . ano kasi wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta rito. Okay lang ba?" Napakamot si Uriel sa gilid ng pisngi nito.
Tagos rin ang paningin niya sa kaharap na Tiyahin dahil sinisilip niya sa loob ng bahay kung na roon ba si Shenrey.
Natawa si Marin sa binata nang mapansing may hinahanap ito. Napailing na lamang siya sa umuusbong na ideya sa isipan nito.
"Ano ka ba? Kahit kailan ay pwede kang dumalaw rito. Si Shenrey ba ang hinahanap mo? Nasa loob siya at natutulog pa no'ng iwan ko kanina. Halika," nakangiting sambit ni Marin kay Uriel.
"Ah ganoon po ba?" Biglang nag-alinlangan si Uriep kung tutuloy pa ba o hindi. "Baka natutulog pa siya tita, siguro sa susunod na la—"
"Shenrey? Nandito si Uriel. Gising ka na ba?" pagputol ni Marin sa sinasabi ng binata. "Shenrey?" Kinatok nito ang pintuan ng kwarto ng dalaga. "Papasok ako, ha?"
Sinilip ni Marin ang dalaga at hindi nga siya nagkakamali, natutulog pa rin ito nang mahimbing. Inayos niya ang kumot ni Shenrey at natagpuang hawak-hawak ng dalaga ang litrato ni Ian.
Biglang bumagsak ang balikat ni Marin at naaawang hinaplos ang buhok ni Shenrey. Kailan ba niya matatanggap na wala na ang kasintahan nito?
Napansin ni Marin ang paggising ni Shenrey kaya agad niyang kinuha ang litraro ni Ian at tinapik ng mahina ito. "Na roon sa labas si Uriel, hinihintay ka."
Kapansin-pansin ang pag-angat ng ulo ng dalaga at napatitig kay Marin. Halos gulat na napatitig si Marin kay Shenrey dahil ito ang kauna-unahang beses na hindi nagbingi-bingihan ang dalaga sa kaniya.
Natitiyak nitong maaring si Uriel ang sagot sa pagiging ganito ng pamangkin niya.
"Maiiwan na kita, ha? Gumayak ka na kung gusto mong makita si Uriel. Kanina pa siya naghihintay sa 'yo at baka mainip iyon kakahintay." Hindi na hinintay ni Marin na su.agot si Shenrey at tu alikod na pero hindi mapunit ang ngiti sa labi ni Marin ng palabas na ito sa kwarto.
Natagpuan niyang nagbabasa ng libro si Uriel na nasa ibabaw ng lamisita habang kumportable nakahilig ang katawan sa kawayang upuan.
"Iho, hintayin mo na lang. Gising na siya."
"Pasensya na po at pinakialaman ko ito," nahihiyang tukoy ni Uriel sa libro at isasauli na sana sa lagayan nito.
"Naku! Ano ka ba? Okay lang, magbasa ka lang. Huwag kang mahiya," pigil ni Marin kay Uriel.
"Salamat po."
"Oh siya, iwan ko na muna ikaw rito ha?"
Napatango si Uriel bilang sagot. Nang lumabas na si Marin at bumalik sa paglilinis ay inikot muli ni Uriel ang paningin sa bahay nina Shenrey.
Semento ang sahig at kalahati lang rin ng bahay ang sementadong parte. Kawayan at plywood ang bumubuo sa bahay pero napakapreskong tingnan. Napangiti si Uriel sa simpleng bahay na iyon.
Halos tumalon sa gulat si Uriel ng sumulpot na lang bigla si Shenrey. Kamuntikan pa siyang mapasigaw kung hindi niya lang pinigilan ang sarili.
Uriel noticed how radiant Shenrey's smile. Kapansin-pansin ang kulay rosas na bibig ng dalaga dahil sa paglagay nito ng lipgloss. Nakaayos din ang buhok nito kumpara sa unang kita niya rito at kagabi na gulo-gulo ang hanggang bewang na buhok ng dalaga.
"Hi, gorgeous. 'Di mo sinabing may pupuntahan ka pala ngayon," nahihiyang untag ni Uriel at napakamot sa pisngi. "Sana pala. . . siguro sa susunod na lang ako pupunta rito kas—"
Dali-daling bumaba sa hagdan si Shenrey. "Wala akong pupuntahan. N-nag-ayos lang. . . nakakahiya kasing para akong taong grasa tuwing nakikita mo, Yel."
Yel? tanong ni Uriel sa isip. Ako ba 'yon?
"You're beautiful kahit hindi ka naman mag-ayos. But. . ." Napatitig si Uriel sa kabuuan ng dalaga. Nakasuot ito ng sleeveless na white dress kaya labas na labas ang ganda ng kutis nito. "Wow. You're so gorgeous. I mean, don't get me wrong, maganda ka, pero mas lalo kang gumanda ngayon."
Shenrey bit her bottom lip for the complement. Uriel noticed it kaya marahas itong napalunok ng sariling laway at napaiwas ng tingin.
"N-naisip ko lang kasi na kapag pinabayaan ko ang sarili, hindi iyon magugustuhan ni Ian at ni Tita Marin. Saka pwede ba kitang tawaging Yel? Okay lang kung ayaw mo," namumulang wika ni Shenrey.
"It's okay. Call me whatever you want." Uriel smile yo her. "Nga pala, may pasalubong ako sa 'yo." Binigay nito ang iilang box ng pizza at cupcakes.
"Hala! Madamu gid nga salamat! Ang dami naman nito."
"Hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo kaya inorder ko na lang lahat ng flavor ng pizza na available." Natatawang sambit ni Uriel.
"Sobra-sobra naman 'to. Hindi naman ako mapili sa pagkain, kahit ano naman kinakain ko."
Napatigil bigla si Uriel sa sinabi ng dalaga at napaiwas ng tingin. Gusto niyang kaltukan ang sarili sa kaberdehang naisip nito.
Tangina! Aniya sa isip.
"Shenrey, I want you be my friend. Sana ay wala kang makuhang masamang ideya sa pakikipagkaibigan ko."
"Oo naman! Ano ka ba?" Pinalo ni Shenrey ang balikat ni Uriel. "Alam ko naman hindi ka masamang tao, Yel. Dahil kung may masama kang balak, baka hindi ka na pinapasok ni Tita Marin kagabi sa bahay at ngayon. Mabilis 'yon makaramdam." Ngiting sagot niya kay Uriel.
SA loob-loob ni Shenrey ay nagdiriwang ito dahil kahit papaano ay may kaibigan na siya rito.
Sa kabilang banda, ngiti-ngiting sinusubaybayan ni Marin ang dalawa sa hindi kalayuan. Nagagalak itong makita ang biglang pagbabago ng pamangkin simula kagabi matapos siyang ihatid ni Uriel.
Kitang-kita ang sigla sa mga mata ni Shenrey buhat ng makilala itong si Uriel. Kakaiba ang siglang nasa mukha ng dalaga na hindi niya nakita noon noong pumanaw ang kasintahan nitong si Ian.
Ang minsanang pagdalaw ni Uriel sa pamangkin nito ay naging araw-araw hindi kalaunan. Malakas ang pakiramdam ni Marin na tuluyan na ngang nagbalik ang sigla ni Shenrey.
Palagi na itong nagsasalita at nakikihalubilo na sa ibang kapitbahay nito. Nag-aayos na rin ito ng sarili at ginagawa ang mga nakasanayan niyang gawain bago pumanaw si Ian.
Mangiyak-ngiyak na napatitig si Marin kina Uriel at Shenrey na pumupulot ng mga kabibe sa dalampasigan. May paninsanang naghahabulan pa ang dalawa at halos walang mapagsidlan ng tuwa ang tiyahin.
Sa kabila ng lahat ng ito, ay kabado pa rin siya sa kalagayan ng pamangkin dahil baka maulit muli ang nangyari noon na pagkawala nito sa sarili.
Dapit-hapon na no'ng pinagpasyahang umuwi nina Shenrey at Uriel. Kagay ng nakasanayan ay ihahatid ni Uriel si Shenrey sa bahay nila.
"Tita, mauuna na ho ako," paalam ni Uriel kay Marin.
Napatigil sa pagluluto si Marin. "Sige iho. Mag-ingat kang umuwi, ha? Ayaw mo bang maghapunan dito?"
Napailing si Uriel. "Naku hindi na po. Dadalaw rin kasi si dad mamaya sa bahay kaya may pinaluto ako kay Kuya Josef."
"Ah gano'n ba? Sige ha, basta mag-ingat ka."
"Maramung salamat po, tita. Shenrey mauuna na ako."
"Sige! Halong gid." Kumaway si Shenrey kay Uriel at hinatid ito ng tingin hanggang sa hindi na niya maaninaw ang binata.
Nakangiting pumunta si Shenrey sa tiyahin. "Anong niluluto mo, tita?" Napatigil saglit si Shenrey para alamin kung ano va ang niluluto ni Marin. "Wow! Ang sarapa naman niyan!"
"Shenrey. . ."
Napatingala si Shenrey kay Marin, nagtataka bakit seryoso ang mukha ng tiyahin.
"Po?"
Marin give her a warm smile. "Masaya lang ako na okay ka na. Sana ay tuloy-tuloy na iya at huwag ka ng bumalik sa dati, Shenrey," tunog nakikiusap na sambit nito.
Napatayo nang maayos si Shenrey at hinagkan ang tiyahin sa likod. "Sorry po at pinag-alala kita, tita. Sobrang sakit lang talaga noon at hindi ko kayang tanggapin na nawala na si Ian."
"Mapapaso ka, Shenrey. Yung kamay mo."
"Tita?"
"Hmm?" sagot ni Marin kahit nahihirapan na siyang magluto sa yakap ng pamangkin.
"Salamat sa palaging pagbantay sa 'kin. Pasensya ka na po at naging kunsomisyon ako sa 'yo. Pinapangako ko pong hindi na ako babalik sa dati," malambing na wika ni Shenrey.
Marin blinked as many as she can so that her tears can't fall. Pinilit niyang pigilan ang luha para hindi makita iyon ni Shenrey.
"Basta Shenrey ha, kung ano man 'yang nararamdaman mo kay Uriel, huwag muna, anak. Kakakilala mo pa lang sa binatang iyon. Hindi mo pa siya lubusang kilala. Bigyan mo muna ngboras iyang puso mo, ha?"
Kumalas bigla sa pagkakayakap si Shenrey kaya napaharap si Marin sa kaniya. "Tita! Anong sinasabi niyo? Kaibigan ko lang po si Uriel. Kaibigan lang po!" Shenrey pouted.
"Oo na, kaibigan na kung kaibigan. Basta ang akin lang ay kilalanin mo muna ang tao. Huwag kang magpadalos-dalos, anak. Ay'kong nakikita kang nasasaktan."
"Kaibigan ko nga lang ho si Uriel, tita," pilit ni Shenrey.
Natawa si Marin, nanunukso. "Oo na. Akin na 'yung plato at kunin mo na 'yung lagayan nito."
"Hindi ka naniniwala, eh! Tita naman, eh!" ungot pa ng dalaga habang inaayos ang plato at mangkok sa mesa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro