Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Like


NALAMAN ni Uriel na nagbabakasyon pala sila sa Iloilo ngayon dahil sa caption ng nasa litrato. Wala sa isip niya na makikita ang dahilan ng pagkakalasing niya gabi-gabi.

Uriel balled his fist while staring at the photo. Laureen was smiling and the guy was hugging him from the back. I'm supposed to be on his place. D*mn it!

He saw how Laureen's face reflected the happiness because of that guy. Naiinggit siya, iyon ang totoo kaya hinahanapan niya ng kapitasan ang itchura ng lalaki para lang magpalubag loob sa nararamdaman niya. But he couldn't find any flaws on that handsome face. He lose.

Natawa si Uriel, realization hits. After their break-up, nawalan siya ng gana sa mundo kahit ultimo pag-browse sa social media ay hindi niya magawa.

Pinagpalit ako sa guwapo! He laughed harder. Oo, may itsura siya pero hindi maipagmamalaki iyon ni Laureen kaya siguro naghanap nang mas lamang sa kaniya, para may ipagmayabang.

Laureen was a model pero hindi ganoong sikat, ngunit sapat na iyon para lumaki ang ulo ng babae. Despite of her attitude, Uriel loves her so much.

Instead of clicking the back button, Uriel browse on the comment section of the photo. There was a lot of comments. The guy commented kaya binasa niya ito.

Naghaharutan. Komento nito sa isip matapos na mabasa ang nakasusuka nilang convo. Umabot siya sa account ng lalaki at napag-alaman niyang Ben Samanio ang pangalan nito at modelo rin, parehong nagtatabraho sa isang kumpaniya. Ang panghi ng pangalan.

"Sh*t!" bulalas nito nang aksidenteng ma-like ang latest post ni Ben. "Sh*t, sh*t, sh*t!" Pinagsusuntok nito ang kama. Agad niya t-in-ap ang nabigay na like nito sa litrato ng lalaki.

Sana ay hindi nakita ng lalaking iyon ang nagawa niya. Paulit-ulit niyang sinuntok ang kama. Minsan na nga lang siya mang-stalk, palpak pa.

Pinatay na nito ang cellphone at nagbihis na ng pangbahay. Gusto niya pang i-stalk ang lalaking iyon pero pinipigilan siya ng pride niya. He was just wasting his time, binibigay niya lang dapat ang oras nito sa mga taong karapat-dapat.

He got out on his room while carrying a paper bag. Dumiretso siya sa may living room ng bahay at in-on ang telebisyon saka niya binuksan ang laman ng sisidlan. Doon dumungaw ang nakakalasing na inumin.

Uriel didn't noticed Josef who was about a meters away from him. Dali-dali siyang naglakad papunta sa amo para pigilan ang anumang balak nito.

"Sir, pasensiya na po pero hindi ko na po kayo mapapahintulutang uminom dito. Kabilin-bilinan kasi ni Sir Ariel na kapag nakatapak ka rito ay pigilan kita sa paglalasing kahit anumang mangyari," mahabang pahayag ni Josef kay Uriel. Josef hold the liqour but Uriel didn't let go of it. Tila naka-glue na kamay ng binata ang bote ng alak at hindi na puwedeng makuha ng iba.

"Josef, kahit ngayon lang. I promised this will be the last," Uriel convinced his driver, looking sad.

Nagsusumamo ang tingin nito kay Josef kaya napaiwas ang driver nito ng tingin. Kailangang-kailangan nitong uminom ngayon para hindi niya maisip ang nakita kanina. Ngunit kailangan ding sundin ni Josef ang kabilin-bilinan ng kaniyang Sir Ariel.

Uriel wanted to be not on his mind again, just this one night. Dahil baka pagkaraan lang rin ng ilang araw ay masasanay na ito sa nakikita niya kay Laureen. Uriel badly want to moved on for an instant but he coudn't do it. He can't just command his heart to let go of that pain instantly.

Gusto niya naman talaga naka-get over sa ex-girlfriend nito kaso nga lang hindi naman iyon ganoon kadali. Sino ba naman kasi ang hindi gustong mag-move on ,'di ba?

Kapag kasi matagal magkasama ang isang tao ay hindi parang pagkisap lang ng mata ang pag-aalis nito sa sistema. Madaling sabihin nga talaga ang mag-move on pero parang pagsilid lang ng sinulid iyon sa isang napakaliit na butas ng karayom.

Sir, hindi talaga puwede," pagpupumilit ni Josef, tuluyan nang nakuha ang bote ng alak mula sa kamay ni Uriel.

Uriel sighed heavily. He can't argue with Josef dahil may isang salita ito kapag utos na ng ama ang pag-uusapan. Loyal ito sa ama nito at kahit kailan ay hinding-hindi susuway iyon. Kaso minsan ay nakalulusot siya sa tauhan nito. Sa kadahilanang may pusong mamon si Josef, konting paawa lang ay matitibag ang pader na nakapalibot dito.

Uriel keep on silent, trying to do it. He looked so down while watching the television. Ilang ulit siyang napabuntonghininga nang matunog para mapansin iyon ni Josef.

I hope this will work.

Josef on the other hand, saw how Uriel's aura became gloomy. Malungkot na nakatingin sa telebisyon ang amo kahit nakatatawa naman ang palabas doon. Mabilis na nahabag si Josef at ilang ulit na napalunok.

Kasiyahan lang ang gusto nitong makita sa mukha ng amo, hindi kalungkutan. Josef was battling his own thoughts and few moments later he finally spoke, "Sir. . ." Napatingin si Uriel sa kaniya. "Basta po ay huwag kayong mapapasobra sa kaiinom at huwag nang lalabas dito."

Uriel wanted to shout the moment heard Josef's approval. Sa wakas ay tumalab ang ginawa nito. All these years, hindi pa rin nagbabago si Josef. He was always be the kind-hearted man he know back then.

Agad na dinakip ng kamay ni Uriel ang bote ng alak at binuksan ito. Inalok niya pa si Josef pero hindi na pumayag ang drayber nito.

Again, Uriel let himself drowned with thoughts and the liquor he drink. He promised na dapat bukas ay magsisimula na siya sa pagmo-move on para kalimutan si Laureen. He need to—no, he should do it!







SHENREY tried to removed Marin's grip after they left the station. She was struggling but Marin didn't let her get what the lady wanted. Her aunt was trying her best not to loosen up her grip on Shenrey's forearm.

Shenrey was protesting dahil nauna silang lumabas sa presinto, ni hindi man lang hinintay ang binata. Lahat ng paraan ginawa niya na pero hindi pa rin talaga siya makaalis sa tiyahin.

"Tita, bakit po natin iniwan si Ian? Magpapakasal kami, 'di ba? Mahirap bang intindihin iyon?" madamdaming saad ng dalaga habang pilit na sinasabayan ang mabilis na hakbang ng tiyahin dahil kung hindi ay hahalik sa semento ang mga tuhod nito.

Napahinto si Marin at iniintinding hinarap si Shenrey. Nakukulitan na rin siya sa dalaga. "Rey, anak, 'di ba sabi ko ay hindi na babalik si Ian sa piling mo? At hindi si Ian ang lalaking iyon," nagpapaintinding aniya.

"Kita ninyo naman pong buhay si Ian, tita! Nakita ng dalawa ninyong mata at nasaksihan pang bumalik siya kanina! Buhay po si Ian. Hinding-hindi niya ako iiwan, tita! Kahit kailan ay hindi siya nabigong tuparin ang mga binitiwang pangako niya sa akin dahil mahal na mahal ako ni Ian! Palangga niya ko!" sigaw ni Shenrey sa tiyahin.

Nagtinginan ang mga taong napapadaan sa gawi nila at pilit na nakiusyuso sa nangyayari. Ginapangan ng hiya si Marin dahil baka isipin nilang nag-iiskandalo ang pamangkin nito at isiping may saltik sa ulo. Ayaw na ayaw niyang makarinig ng mga ganoong komento dahil siya ang nasasaktan para sa dalaga.

Kailangang mahaba ang pasensiya niya at pag-unawa kapag kaharap si Shenrey. Pero minsan, kailangan niyang ipagduldulan sa isip ng dalaga na patay na ang dati nitong kasintahan na hindi umabot sa kasalang bayan.

Ian was dead and that was the sad truth about their love story. A love story that ended immediately because of tragedy.

Hindi na nagsalita pa si Marin at hinila na lang nang pilit si Shenrey at pinasakay sa dyipney. Pinipilit pa rin ni Shenrey na balikan si Ian pero pinagbibingi-bingihan lang ito ni Marin hanggang sa magsawa ang dalaga at makaidlip sa biyahe.

Marin decided to take Shenrey home in their house on the province of Iloilo. She have no choice left dahil wala naman siyang kamag-anak pa rito sa syudad. Saka, planado na rin naman ang pag-uwi nilang ito, muntikan pang mabulilyaso dahil nawala ang dalaga kanina.

Hindi naman malayo ang probinsyang pupuntahan nila. Hindi aabot sa isang oras o higit pa ang biyahe dahil sa distansiya.

Kapag naroon na sila sa probinsya ay maipaparanas nito sa pamangkin  ang pagiging payapa at sariwa ang hangin. Idagdag pang mababantayan niyang mabuti roon si Shenrey at marami siyang mapagbibilinan kapag aalis ito para mamalengke.

Bukod doon ay tiyak na makakapagliwaliw ang dalaga sa angking kagandahan ng probinsya. Sana ay magbalik na sa dating pag-iisip nito ang dalaga at hindi na siya mamroblema pa sa kinabukasan ni Shenrey. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na babalik sa katinuan ang pamangkin. Naniniwala siyang babalik ito, babalik siya.

Nang marating ang destinasyon ay walang naging imik ang dalaga simula nang magising. Tulala na ulit ito at malayo ang tingin. Nagpapatianod na ito ngayon sa bawat akay sa kaniya ng tiyahin.

Masaya ang mga kapitbahay ni Marin dahil sa pagbabalik ulit nila sa probinsya. Narinig ni Marin kung paano lihim na pag-usapan ang sitwasyon ng kaniyang pamangkin kaya dali-dali na itong pumasok sa bahay-bakasyonan ng pamilya nila.

Malungkot na binalingan ni Marin si Shenrey na ngayon ay nakaupo na sa upuang kawayan, hawak-hawak ang litrato ng namayapang kasintahang si Ian. Kung p'wede lang talagang makapagpabuhay ng patay ay matagal na niya iyong nagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro