Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25: Wakas





"BAKIT masaya ang babaeng 'yon?! Matapos niyang agawin sa 'kin si Uriel? Hindi p'wede. Hindi p'wedeng mapasakaniya ng ganoon na lang si Uriel! Hindi p'wede!" paghihisterya ni Laureen at tila nawawalan ng bait.

Napasabunot siya sa buhok at hindi alintana ang tama ng bala sa kaniyang kaliwang braso dahil sa pagtakas sa kapulisan.

"Lintik na Ian na 'yan! He's a traitor! Damn him!" sigaw niya at pinaghahampas ang mga kahoy na mayroon sa loob ng isang abundunadong establishementong pinagtataguan niya.

"Kailangan kong maghiganti! Hindi p'wede 'yo! Hindi!" Magbabayad ka Shenrey! Uriel!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya.

Hindi mapakali si Laureen at papalit-palit ang pwesto ng kikatayuan. Puno ng galos at may kakaunting punit ang kaniyang damit dulot ng pagtakas niya sa kapulisan.

Talagang balot na ng inggit at galit ang puso niya at hindi na siya makapag-isip pa ng maayos at nakatuon lamang ang isipan sa paghihigante.

Ang dating sopistikada at kilalang babae na hinahangaan ng karamihan sa angking ganda ng mukha at hubog ng katawan ay tila isang piksyon na karakter na lamang dahil sa itsura niya ngayon. Malayong-malayo at hindi masasabing isang modelo, hinding-hindi makikita ang dating Laureen dahil sa pagtatago ni Laureen ay hindi maayos ang pananamit nito at ang mga kinakain niya.

Tahimik siyang naglakad palabas ng abundunadong building na iyon na suot-suot ang kulay itim na jacket na may hoodie na nakatalukbong sa ulo ni Laureen.

Maingat siyang naglakad at sumakay sa tricycle ng makarating sa highway.

"Saan ka, Miss?" tanong ng driver at tila takang-taka sa suot ng pasahero gayong tirik na tirik ang araw at walang masyadong hangin na umiihip.

Kahit na gusto niyang tanungin ang pasahero ay ipinasantabi na lamang niya ang tanong.

Hindi tumugon si Laureen dahil ukupado ang isipan nito kung paano niya matityempuhan si Shenrey na mag-isa. Halos ilang araw na ring tinitiktikan niya si Shenrey subalit hindi niya magawa ang balak dahil palaging may kasama ito, kung hindi man si Uriel ang kasama ay ang Tiya Marin naman nito minsan ang kasa-kasama sa kahit anong lakad.

"Miss? Saan ka bababa?" ulit ng driver.

"Dyan lang sa may poste," sagot ni Laureen at tinuro ang malapit na poste sa kalsada.

Pagkababa na pagkababa niya ay kumaripas siya ng takbo ng hindi nagbabayad sa tricycle driver.

"Bayad mo! Hoy!" sigaw ng driver. Napailing na lang siya dahil sa simula pa lang ay kahi-kahinala na ang babaeng iyon. "Lintik oh. Sampung piso na nga lang, oo. Tsk."

Dali-daling nagtago si Laureen at pinakiramdaman kung sumusunod sa kaniya ang driver. Nang masigurado niyang hindi na siya pinag-aksayahang habulin ay lumabas siya sa eskinita at madaling-madali na naglakad.

Hindi niya pinansin ang mga taong nabubunggo niya at ang tanging laman lang ng isip ay kung paano niya magagawang makahigante kay Shenrey.

"Hindi p'wede! Hindi ka p'wedeng sumaya. A bitch like you deserve nothing," she continously murmured.

Napahinto siya bigla ng mamataan ni Laureen sina Shenrey at Uriel. Halos magdugo ang palad niya dahil sa pagkakabaon ng kuko niya dulot ng pagkakakuyom at tila sinusunog ng paningin niya ang masayang imaheng nakikita niya sa dalawa.

• • • • • • • •

BAGAMAT masayang namamasyal sina Shenrey at Uriel ay may kaba pa ring nararamdaman si Shenrey ng mabalitaang nakatakas si Laureen sa mga otoridad.

"I didn't expect that my vacation here in Iloilo will lead me into you," ngiting sambit ni Uriel.

Shenrey pinched Uriel's nose. "Asus! Nangbola na naman."

"Totoo yan ha. Sinungaling na ba talaga ako sa 'yo?" kunwaring tampo ni Uriel.

Napailing si Shenrey at magsasalita na sana ng makuha ng atensyon niya ang isang iyak ng bata.

"Mama! Papa!" ngawa ng isang batang babae na nasa edad limang taong gulang.

Nahabag si Shenrey at agad na nilapitan ang bata. May maliit na sugat ito sa tuhod.

"Mama! Papa!" iyak ng bata.

"Shhh tahan na. Ganutin natin 'yang sugat mo?" masuyong sambit ni Shenrey.

Umiling ang batang babae at mas lalong umiyak na ikinataranta nina Uriel at Shenrey.

"Gusto mo ng kendi?" Uriel offered.

Napatigil bigla ang bata ng makita ang sari-saring kulay ng kending nilahad ni Uriel.

"Gusto ko. . ." mahinang sambit ng bata.

"Ako si Kuya Uriel at ito naman si Ate Shenrey. Ibibigay ko 'to lahat kapag matapos nating gamutin 'yang sugat mo, hmm?"

Napatango ang bata.

"Ano'ng pangalan mo?" malambing na tanong ni Shenrey.

"Ysabella," pahikbing sagot niya.

"Aw, halika Ysabella, gagamutin natin 'yang sugat mo, ha."

Mabilis na naghanap ng malapit na botika si Uriel at agad nilang nagamot ang sugat ng bata. Patapos na sila ng biglang dumating ang ama at ina ni Ysabella.

"Oh my, God! Ysa!" hangos ng nanay niya. Mabilis niyang niyakap ang anak niya at ganoon din ang ama.

"Mama! Papa!"

"Okay ka lang ba? I'm sorry."

"Okay lang po ako, mama."

Muling hinagkan ng magulang ang anak nila at tumayo para pasalamatan sina Uriel at Shenrey.

"Maraming salamat sa inyo, iha, iho," ngiting sambit ng ginang.

"Walang anuman, ho," ngiting sagot ni Uriel.

"Paumanhin sa istorbong dala. Pasensya na talaga," napapahiyang sambit ng ginang.

"Masayang bata si Ysa. Giliw na giliw kaming dalawa ni Uriel, tita. 'Wag mong isipin 'yon. Naku!" sagot ni Shenrey.

They bid their goodbyes after that at naiwan na lang sina Uriel at Shenrey. They spend their day at the park at ng magsawa ang dalawa ay hinatid na ni Uriel si Shenrey sa kanilang bahay.

"Dito ka na kaya matulog?" biglang alok ji Shenrey.

"Sa bahay na. Ayoko namang samantalahin ang kabaitan ni Tita Marin porket okay na siya sa relasyon natin. Also, dad will kill me if I run away with you again without persmisson coming from Tita."

"Pero nasa tamang edad naman tayo."

"I know but I respect Tita Marin and Dad as I respect you, sweetheart."

"Ihahatid na kita sa inyo. Dad and I will be there in dinner." Ngunit si Uriel.

Shenrey nodded. "Sige na nga."

Nang mahatid ni Uriel si Shenrey ay agad itong nagpaalam kina Marin at Shenrey. Lingid sa kaalaman nilang lahat ay nasundan sila ni Laureen at tahimik silang pinagmamasdan sa malayo-nag-aabang ng pagkakataon.

Dapit-hapon ng magpasyang maglakad-lakad si Shenrey sa tabing-dagat.

Damang-dama niya ang bawat hampas ng hangin at simoy ng dagat na nanunuot sa kaniyang ilong.

Lingid sa kaalaman niya ay tahimik siyang sinusundan ni Laureen na naghihintay lamang ng eksaktong pagkakataon para mapalayo siya sa mga kabahayan.

"Aray!" biglang daig ni Shenrey matapos na matapilok sa nakausling bato.

Iyon na ang pagkakataong pinakahihintay ni Laureen. Mabilis siyang tumakbo at tila baliw na nakangisi palapit sa walang kamuwa-muwang si Shenrey.

Tinakpan niya ang bibig ni Shenrey gamit ang bibig at mahigpit na pinulupot ang isang kamay sa leeg ni Shenrey.

Mabilis ang pagtibok ng puso ni Shenrey ng makilala kung sino ang may gawa no'n.

"Mmmmm! mmmmm!" pagpupumiglas niya ngunit mas malakas si Laureen.

Halos kapusin siya ng hininga sa paraan ng pagkaladkad sa kaniya ni Laureen. Mas lalo lamang siyang nagpumiglas ng tangayin siya ni Laureen papunta sa dagat.

"Walang hiya ka! Dapat sa 'yo patayin! You don't deserve to live happily with Uriel! Hindi p'wede!" gigil na ani Laureen.

Sinakal niya si Shenrey at patuloy na kinaladkad ito sa dagat hanggang sa gabewang na ang tubig.

Dulot din ng papalubog na araw ay hindi na masyadong maaninag ang kinalalagyan nilang dalawa na mas lalo niyang ikinangisi.

"Mamatay ka!" Nilubog niya si Shenrey sa tubig ngunit patuloy pa rin sa pagpiglas ang dalaga.

Sinabunutan niya si Shenrey at pilit namang umaahon si Shenrey.

"T-Tulong!" sigaw ni Shenrey ng makaahon siya at nakabawi sa paglubog sa kaniya ni Laureen.

"Shut up!" Hinugot ni Laureen ang patakas na si Shenrey ng maabutan niya at nilubog ulit sa tubig. Sinakyan niya ang katawan ni Shenrey na nagpupumiglas sa kaniya. "Akin lang si Uriel! Akin!" nababaliw na halakhak ni Laureen.

Bagamat nagpupumiglas si Shenrey ay paunti-unting nawawalan siya ng lakas dahil sa dami ng tubig-dagat na naiinom niya. Kinakapos na rin siya ng hininga sa patuloy na paglunod sa kaniya ni Laureen.

Katapusan ko na ba talaga?

Biglang lumabo ang paningin niya at tila hinihila na ang pilik mata niyang pumikit.

Uriel! Tulungan mo 'ko!

Sigaw niya sa isip at alam niyang hindi talaga siya maririnig ni Uriel.

• • • • • • • •

SAMANTALA masayang nagmamaneho si Uriel kasama ang ama nirong si Ariel na ang dalang mga pagkain para sa hapunan.

Masaya ang dalawa dahil makikita nila ang mahahalagang tao sa buhay nila.

"Dad, I want to marry her," basag ni Uriel sa katahimikan.

"Do what you're heart desires, son. That's the only thing that I want you to do," sagot ni Ariel na nagpangiti kay Uriel.

"But I want to prepare a better future for her, dad. I think, it will wait, I will marry her at the right time. Ayokong nagmamadali, maybe a year or two?"

Tumawa si Ariel. "You're a grown up man, huh?"

Napuno ng tawanan ang byahe ngunit hindi nila akalain na ang mumunting kasiyahan pala na 'yon ay may kapalit.

"Tita, na saan po si Shenrey?" nakangiting bungad ni Uriel kay Marin.

"Magandang gabi," sabay na bati nila ni Marin at Ariel.

"Kanina nagsabi na maglalakad lang dyan sa dalampasigan, ewan ko nga at hindi pa nakauwi mag-a-alas syete na. Akala ko nga ay magkasama kayong dalawa kaya hindi pa nauwi."

Biglang dinalahik ng kaba si Uriel at walang ano-ano'y tumakbo ito patungo sa dalampasigan. Taranta niyang inilawan ang daan gamit ang flashlight ng cellphone niya at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Shenrey.

Nasa malayong parte na siya na wala ng kabahayan ng may marinig niya ang boses ni Shenrey.

"T-Tulong!"

Nanlaki ang mata ni Uriel at agad na inilawan ang parte kung saan nanggaling ang boses.

"Shenrey!"

Doon niya nakitang nilulunod ni Laureen si Shenrey at nakangisi ng nakakakilabot ang dating kasintahan. Nahihibang na siya!

"Hindi siya p'wedeng maging sa 'yo, Uriel! Akin ka lang!" sigaw ni Laureen.

"Fucking stop it, Laureen!" nanggagalaiting ani Uriel at tila tinawid niya ang distansyang nakapagitan sa kanila.

Malakas niyang dinakip ang kamay ni Laureen at inahon si Shenrey sa tubig.

"Are you okay?" alalang aniya sa kasintahan.

Napaubo ng ilang ulit si Shenrey at ilang ulit na bumawi ng hininga habang nanghihinang nakakapit kay Uriel.

"M-marami akong. . . nainom na tubig," hingal at ubong aniya.

"Bakit mo ko pinigilan?! Uriel! Akin ka lang! Dapat na mamatay 'yang babaeng 'yan!"

Pilit na hinarangan ni Uriel si Shenrey at hinigpitan ang pagkakahawak kay Laureen para hindi makatakas.

"Laureen, ano ba? Can fucking stop?! We end our story at wala akong balak na bumalik pa sa 'yo. You are no longer the Laureen I know. I didn't expect that you will stoop too low like this."

"Mahal kita, Uriel. Mahal na mahal!"

"Stop this!" sigaw ni Uriel. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa selda."

"Jusko!" sigaw ni Marin ng makita sina Uriel at Shenrey. "Shenrey, okay ka lang?" alalang aniya.

Mabilis na nagresponde ang mga pulisya at agad na dinakip si Laureen. Walang mapagsidlan ang inis niya kina Uriel at Shenrey ngunit wala na siyang magagawa dahil makukulong na siya sa apat na rehas ng prisento.

Matapos na makuha ng pulisya si Laureen ay minabuti ni Uriel na doon matulog sa bahay nila Shenrey.

"Are you okay? You need to rest," alalang aniya at hinawakan ang kamay ni Shenrey.

Napatango si Shenrey. "Okay na ako. Salamat at dumating ka. Siguro kung hindi ay baka. . . baka. . ."

"Shhhh. No, hindi ka mawawala, hmm?" Uriel kissed Shenrey's lips. "I will protect you no matter what."

"Thank you sa lahat-lahat, Uriel."

"No. Ako dapat. Thank you for everything. Thank you for coming into my life unexpectedly. You brought the light back into my messy and dark world. Binuo mo ulit ako."

Uriel kissed Shenrey again.

"Alam kong marami pa tayong pagdadaanan pero mananatili ako sa tabi mo-matatag at buo," ngiting sambit ni Shenrey.

"You will always be the sweetheart that I stole here in Iloilo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro