Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

A/N: Hello everyone! I hope you are enjoy reading Stolen Sweetheart in Iloilo. 2 chapters left and  we will say goodbye to Shenrey and Uriel. Thank you so much sa mga silent readers dyan. ヽ(^。^)ノ

***

Chapter 23: Oo




"SIGURADONG ayos ka lang?"

Napatango si Shenrey. "Ilang beses ko na bang nasagot 'yan, Yel?" nakasimangot na reklamo ni Shenrey.

"Look at your bruises. Paano ako hindi mag-aalala niyan?"

"Tinataasan mo ako ng boses?" masungit na ani Shenrey at tinaasan ng kilay si Uriel.

Uriel sighed. "I'm sorry, I'm just worried, okay?"

"Okay lang talaga ako, Uriel. Ano na ang mangyayari sa kanila?" tukoy ni Shenrey kay Laureen at Ian.

"Ipapakulong ko silang dalawa," diing ani Uriel.

"Alam na ba ni Tita Marin ang nangyaring 'to?"

Napailing si Uriel. "Hindi pa. No one knows about it except us and the police."

Hinawakan ni Shenrey ang kamay ni Uriel. "Please, 'wag na nating ipaalam. Ayokong mag-alala pa si Tita Marin."

Uriep sighed. "But she needs to know about this. After all she's your guardian."

"Uriel, naman. . ."

Mas lalong napabuntong-hininga si Uriel. Wala namang siyang magagawa sa gusto ni Shenrey. Rerespetohin niya na lang ang desisyon niya.

"Okay, fine."

Napatigil sila ng maaninaw nila sina Laurewn at Ian na nakaposas. Matalim na tinitigan ni Laureen ang magkahawak na kamay nina Uriel at Shenrey.

"You two will pay for what you've done," malamig na anas ni Uriel sa kanilang dalawa.

"Hindi kayo magiging masaya! Sisisgiraduhin ko 'yon! Makakalabas ako sa kulungan!" sigaw ni Laureen.

Uriel laughed. "Sisiguraduhin kong patong-patong ang sentensya niyo para hindi na makalabas."

Bago pa man makasakay sa sasakyan ng mga pulisya sina Ian at Laureen na nagbabaga ang tingin nilang binabato kina Shenrey at Uriel.

Dinala ni Uriel si Shenrey sa bahay niya. Nahabag ito sa itsura ni Shenrey. Gulo-gulo ang buhok at madumi na ang dilaw na bistida.

Alam niyang pinaghandaan ng dalaga ang araw na ito pero nauwi lang sa ganito.

Bagama't ganoon ang itsura ni Shenrey ngayon ay gandang-ganda pa rin siya sa dalaga. Litaw na litaw pa rin ang angking kagandahan ni Shenrey dulot ng nangyari.

Pinagmaneho niya si Shenrey at ilang minuto lang ay narating nila ang bahay niya.

"Wait here," aniya matapos na maipark ang sasakyan. Dali-daling bumaba si Uriel sa sasakyan at pinagbuksan si Shenrey sa passenger's seat.

Isang matamis na ngiti ang ginawad ni Shenrey kay Uriel dahil sa ginawa nito. Iyon tuloy ay kilig na kilig siyang napababa sa sasakyan habang todo alalay sa kaniya si Uriel.

Parang biglang naglaho ang sakit at hirap na naranasan niya kanina sa musuyong pag-aasikaso sa kaniya ni Uriel. Ingat na ingat sa kaniya si Uriel sa bawat galaw man lang niya ay handang umalalay sa kaniya ito.

Shenrey blushed for a moment and couldn't suppress her smile. She was truly inloved with Uriel, walang duda iyon. She stared lovingly at Uriel.

Kung ito man ang kapalit ng hirap na pinagdaanan ko kanina ay okay lang sa 'kin.

"Wala akong pambabaeng damit dito but you can use my shirt and pants. E-wa-washing ko na lang 'yang damit mo para magamit mo agad pag-umuwi ka, okay lang ba?"

Napatango si Shenrey sabay abot sa damit na inaabot ni Uriel. Ang isiping masusuot niya ang mabangong damit ni Uriel ay bumuhay sa libo-libong boltahe ng kuryenteng nagtatago sa katawan niya.

"S-sige, magbibihis lang ako," utal na ani Shenrey na pilit na tinatago ang kilig.

"Just take your time. Nasa washing area lang ako kapag natapos kang magbihis."

Shenrey smiled and nodded in respose bago pumasok sa isang kuwarto. After she finished wearing Uriel's shirt, magiliw niyang pinagmasdan ang sarili sa isang full length mirror.

Wala sa sariling inamoy niya ang damit at matamis na napangiti. Sa pagkakataong iyon ay pumasok sa isip niya na para silang mag-asawa.

Ano kaya ang pakiramdam na maging asawa si Uriel? Ipagluluto niya ba ako sa umaga? Makakatanggap ba ako ng morning kisses paggising? Mababahuan ba siya sa amoy ng hiningi ko kapag bagong gising?

Iginaya ni Shenrey ang kamay sa harap ng bibig at huminga. Inamoy nito ang hanging lumabas bagama't wala naman siyang nasisinghot na amoy panis na laway.

Sumilay muli ang isang maliit na ngiti sa mukha ni Shenrey. Sa pagkakataong 'yon napansin na niya ang kabuuan ng kwartong pinasukan niya, it's Uriel's room.

Pinaghalong puti at kulay abo ang kwarto ni Uriel. Napakasarap tingnan sa mata ang maaliwalas at walang kalat na kwarto.

Inabot ni Shenrey ang picture frame na nakapatong sa bedside table ni Uriel. Litrato ito ni Uriel at ng isang pamilyar na lalaki.

Nangunot bigla ang noo ni Shenrey at pilit na inalala ang lalaking kasama ni Uriel.

Saan ko ba siya nakita?

Isang katok ang biglang nagpaahon kay Shenrey sa malalim na pag-iiisip. Agad niyang binalik sa pinagkuhanan ang litrato at pinihit ang pinto ng kwarto.

Sinalubong siya ng ngiti ni Uriel. "Are you done? Dinner is ready."

Shenrey nodded. "Ang bango-- este ang kumportable ng damit mo." Napakamot ng ulo si Shenrey.

"You look good in my shirt."

Kapagkuwa'y napasabit ng ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga si Shenrey. "T-talaga? Medyo maluwag nga e-eh," kanda utal na aniya habang namumula ang pisngi.

Napangiti si Uriel sa pamumula ng pisngi ni Shenrey. "Let's have dinner?"

Nilahad niya ang kamay at walang pag-aalinlangan naman itong kinuha ni Shenrey.

Abot langit ang saya ng dalaga habang hawak niya ang kamay ni Uriel. Halos lumuwa na ang dibdib nito sa sobrang kabog at halos mapunit ang labi niya sa pagngiti habang minamasdang naglalakad si Uriel.

Nang marating ang hardin ay halos mapanganga si Shenrey sa surpresa ni Uriel. Puno ng matitingkad na kulay ang paligid at may banayad na tugtog ng violin ang nagpapabuhay sa payapang paligid.

"Hinanda mo lahat ng 'to?" manghang tanong ni Shenrey at napasapo sa bibig. Napatango sa kaniya si Uriel. "Ang ganda! Sobra!"

"All for you, my sweetheart."

Iginaya ni Uriel si Shenrey para maupo sa isang kulay abong upuan na puno ng maliliit na detalye ng mga dahon. Agad namang naupo si Uriel at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya ngunit ang kabog ng dibdib niya ay hindi niya mawari kung sasabog ba ito o ano.

They eat dinner together at napuno ng tawanan at kwentuhan sa pagitan nilang dalawa. They are enjoying each other's company at kitang-kita sa mata nilang dalawa ang pagmamahalan ng bawat titig nila.

Kabado masyado si Uriel sa gagawin pero alam niyang ito na 'yong pagkakataon na iyon at hindi na dapat pang palampasin.

Palihim niyang sinensyahasan ang Kuya Josef niya na tugtugin ang Sining gamit ang violin.

Tumayo si Uriel at pinatayo si Shenrey.

"Alam kong marami na tayong tampuhang naranasan at marami pang problemang madadaanan pero pangako kong aalagaan ko ang puso mo at hindi sasaktan," ani Uriel.

Hindi mapigilang mapangiti ni Shenrey dahil parang alam na niya kung ano ang kahahatungan nito. Hindi na siya mapirmi sa kinatatayuan.

"Ayoko ng patagalin pa 'to. I love you. Will you be my girlfriend, sweetheart?"

Napatango si Shenrey. "Mahal din kita."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro