Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22: Gun



ANG pag-asang makakatakas sana ay bigla na lang nawala sa sistema ni Shenrey ng maramdaman nitong may malamig na bakal ang lumapat sa kaniyang sintido.

"At tatakas ka pa talagang babae ka!" Laureen grabbed Shenrey's hair. "Hindi ka p'wedeng tumakas dito dahil magiging akin pa si Uriel!"

"Nahihibang ka na," komento ni Shenrey kahit na nasasaktan na ito sa sabunot ni Laureen sa kaniya. Tila matutuklap ang anit niya sa higpit na pagkakakapit nito sa buhok niya.

"Tumahimik ka!" Laureen shouted. "What did you do to Uriel at patay na patay siya sa 'yo, ha? Maybe you did some black magic para maakit sa 'yo?! You filthy witch!"

"Aray! Bitiwan mo ako! Wala akong ginagawang ganiyan kaya tumigil ka na, Laureen!" nahihirapang sigaw ni Shenrey.

Tila walang narinig si Laureen at pinanlisikan ng mata si Shenrey.

"Or maybe you and Uriel do the deed?! Bakit? Mas masarap ka ba kaysa sa 'kin? You bitch! Malandi ka!" Mas lalong sinabunutan ni Laureen ang buhok ni Shenrey. "Pera lang siguro ang habol mo sa kaniya?!"

"Aray! Ikaw ang malandi! Ex ka na at ako na ngayon ang mahal niya kaya sarili mo ang tawagin mong malandi at hindi ako!" sigaw ni Shenrey at nagpumiglas  kay Laureen ngunit mas mahigpit ang pagkakapit ni Laureen sa buhok niya.

Hindi niya maintindihan bakit pa ba ni Laureen pinaglalaban ang pagmamahal niya kay Uriel gayong siya naman ang nakipaghiwalay sa dating nobyo. Ngayong nasa kaniya na ang buong atensiyon ni Uriel ay pinagsisiksikan ni Laureen ang sarili sa lalaking hindi na siya mahal.

Ganito na ba siya kadesperada?

Nakarinig sina Laureen at Shenrey ng kasa ng baril na nagpatigil sa kanila ng dalawa. Napalingon sila sa kabilang pinto at naroon nakatutok kay Laureen ang kalibre quarenta 'y singco na baril.

"Ang usapan ay huwag mong sasaktan si Shenrey!" nanlilisik na wika ni Ian.

Nahihibang na tumawa si Laureen at gamit ang kamay na nakasabunot sa buhok ni Shenrey ay nilapit nito ang mukha ng dalaga sa kaniya. Binunot ni Laureen ang nakatagong baril sa palda niya at tinutok sa sintido ni Shenrey.

"Iputok mo 'yan dahil siguradong dadanak ang dugo ng babaeng 'to, Ian," bantang balik ni Laureen. "Traidor ka!" nagngangalit na sigaw ni Laureen.

"Ikaw ang traidor, Laureen! Narinig kitang tinatawagan mo si Uriel. Maghuhugas kamay ka pang babae ka! Ako pa ang isusuplong mo sa pulis at magmamalinis ka sa planong ikaw ang gumawa!"

"Wala akong sinabing ganiyan, Ian! Nahihibang ka na!" Laureen denied.

"Ikaw ang nahihibang!" nanlilisik na matang sigaw ni Ian. "Bitiwan mo si Shenrey. Nagawa ko na ang dapat kong gawin."

Mapanuyang tumawa si Laureen. "Over my dead gorgeous body! Hindi mo makukuha ang babaeng 'to!"

Napasigaw si Shenrey ng iputok ni Laureen ang baril na hawak sa kisame.

"Sige! Lumapit ka, Ian! Kakalat ang utak ng babaeng mahal mo!"

Dinalahik ng kaba si Shenrey ng maramdaman ang malamig na nguso ng baril sa sentido nito.

Katapusan ko na ba 'to? Paano ang tiyahin ko? Si Uriel?

"Laureen!"

Walang ano-ano'y pinaputok ni Ian ang baril at tinamaan sa kaliwang paa si Laureen. Napaluhod si Laureen at nawala ang atensyon niya kay Shnenrey.

Halos mawalan ng ulirat si Shenrey sa dugong nakikita niyang dumadanak sa paa ni Laureen. Tila naitulos siya sa kinatatayuan at hindi iniinda ang hapdi at sakit sa ulo niya dulot ng pananabunot sa kaniya ni Laureen.

"Putangina ka!" galit na ani Laureen at tinutok ang baril kay Ian. "You filthy traitor! You used me!"

Ian smirked. "You used me too, Laureen."

"You fucked me! You raped me!" kunwa'y giit ni Laureen kay Ian. An evil smirked formed when she look at Shenrey. Tila nagwagi siya sa sinabi niyang iyon at tuwang-tuwa sa nakikitang pagkadisgusto sa mukha ni Shenrey.

Nanlaki ang mata ni Ian sa narinig kay Laureen. Maagap siyag napatingin kay Shenrey na may nalalaking mata at nang-aakusa.

"No. . .no. . . Shenrey it's a lie. We did not fucked, I didn't raped her."

Akmang lalapit si Ian kay Shenrey. "Huwag kang lalapit."

Napansin ni Shenrey ang pagtutok ng baril ni Laureen kay Ian pero tila hindi iyon pansin ni Ian.

Doon tila natauhan si Shenrey at agad na sinunggaban si Laureen.

"Let go!" giit ni Laureen sa kamay na pumipigil sa kaniya.

"Wala ka ng masasaktan, Laureen!" lakas na loob na aniya sa kaharap.

Umalingawngaw ang serena ng pulis an palapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Nanlaki ang mata ni Ian at hindi mapakali bigla sa kinatatayuan. Hindi nito pinansin ang dalawang babaeng nag-aagawan ng baril sa harap niya.

"This is your fault, Laureen!" bintang nito. "This is all your fault!" Napasabunot si Ian sa buhok niya. "I need to escape. Bahala ka ng managot sa kapulisan!" aniya at tumakbo agad palayo sa kanilang dalawa.

Mas lalong lumakas ang loob ni Shenrey at nanlaban pa lalo kay Laureen.

"You bitch!"

"Sumuko ka na sa mga pulis, Laureen. Hindi-hindi ka magtatagumpay sa gusto mo. Ako na ang mahal ni Uriel at kahit kailan ay hindi na siya babalik pa sa 'uo!"

"No! No! I owned Uriel! Akin siya! Hindi ka p'wedeng mahalin ni Uriel dahil akin lang siya!" Malakas na tinulak ni Laureen si Shenrey ay napabulagta ang dalaga sa sahig.

Mabilis niyang tinutukan ng baril si Shenrey. "Kung hindi siya mapapasakin, papatayin nalang kita para maging miserable din siya!"

"Masaya ka ba sa ginagawa mo, Laureen?"

"W-What?!" naguhuluhang aniya.

"Magiging masaya ka ba kapag pinatay mo ako? Kapag nakapatay ka ng isang tao? Will that satisfy you?"

Hindi makasagot bigla si Laureen. Nanginig ang kamay nitong nakakapit sa gatilyo ng baril.

Will I be happy? tanong niya sa isip nito and then realization hit her hard.

"S-Shut up!"

"Sikat kang modelo. Napakaganda mo. Nakikita pa kita sa isang sikat na magazine. Sasayangin mo lang ba lahat ng 'yon para malugmok sa kalawanging rehas?"

"Tumahimik ka!"

"Meron ka ng wala ako, Laureen—"

"Wala kang alam! Wala kang alam," sigaw pa Laureen.

"Kahit na patayin mo pa ako, ay hinding-hindi mo pa rin makukuha ang isang pusong minsan mo ng sinaktan!"

Nagsukatan silang dalawa ng tingin at bigla na lang nagsisigaw si Laureen na parang baliw. Nakasabunot siya sa buhok niya at nagpapapadyak na parang batang inagawan ng kendi.

"I'm a model! Everyone adores me! Me and my beauty but. . .but there's always more beautiful than me! Mas bata, mas makinis! Dumadalang na ang taong kumukuha sa 'kin bilang modelo! I need Uriel! I need his money! His father's connection in modelling industry!" Napatigil siya at nanlilisik ang matang nilapitan si Shenrey. "You! Because of you hindi na ako babalikan ni Uriel! Dahil sayo!"

Naawa bigla si Shenrey sa mga naririnig mula kay Laureen. Mas importante pa sa kaniya ang pera at kasikatan kahit na nakakasakit na siya ng ibang tao.

Tinitigan na niya lamang ang babaeng naghihisterya sa harap niya.

Money is the most evil thing in this world. Shenrey realized that in this world, fame and money is the most important thing that a person wants. Pero hindi naman siya ganoon, kahit simpleng pamumuhay lang ay okay na at masaya siya roon.

"Dahil sayo mawawala lahat ng 'to sa 'kin!" Tinutok ni Laureen ang baril kay Shenrey.

"'Wag mong ibaling ang sisi sa 'kin sa mga bagay na ikaw mismo ang kumokontrol," giit ni Shenrey.

"Die bitch!"

Sa pagkakataong iyon ay tila bumagal ang oras sa paligid ni Shenrey. Naipikit niya ang mga mata at hinanda ang sarili sa kung saan mang dadapo ang bala ng kalibre quarente y cingkong baril na hawak ni Laureen.

Umalingawngaw ang tatlong putok na magkakasunod sa buong paligid.

"Shenrey!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napahinga ng malalim si Shenrey ay mabilis na minulat ang mga mata ng walang maramdamang masakit sa katawan niya. Agad na sumalubong sa paningin niya si Uriel na puno ng pag-aalala amg mukha.

"Are you hurt? May masakit ba sa 'yo? Anong ginawa nila sa 'yo?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Uriel.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro