Chapter 21
Chapter 21: Fight
KINALAGAN ni Ian si Shenrey matapos buhusan ng tubig ni Laureen ang dating kasintahan.
"Ayos ka lang?" alalang ani ni Ian at marahang hinawakan ang kamay ni Shenrey ngunit pabalibag na binawi ni Shenrey ang kamay nito kay Ian.
Binalingan siya ng masamang tingin ni Shenrey. "Okay ba ako sa sitwasyong 'to, Ian? Ha? Hindi ko akalain na kaya mong gawin ang lahat ng 'to! Anong nangyari sa Ian na kilala ko?"
"Para satin naman ito. Nagawa ko lang naman 'to dahil mahal kita, Shenrey. Ilang taon kong hinintay ang pagkakataong ito para lang makapiling ka," malambing at mapanuyong ani Ian.
"Pagkakataong 'to na dukutin ako? Nasa normal pa ba ang takbo ng pag-iisip mo, Ian?!" Napabuga ng hangin si Shenrey at mabibigat na paghinga ang kasunod no'n dahil sa halo-halong nararamdaman. "Ibang-iba ka na, Ian! Hindi na kita kilala! Ang kilala kong Ian ay hindi gagawa ng ganito. Mali 'to!"
"Shenrey. . ."
"'Wag kang lalapit! Huwag mo akong hawakan!" galit na sigaw ni Shenrey na nababalot ng galit ang mukha. Pumasok sa isip niya ang naghihintay na si Uriel. Kausap niya kanina ito pero bigla na lang siya nawala. Baka nag-aalala na 'yon dahil hindi pa ako nakarating at nasundo si Kuya Josef.
"Mahal ko. . ." mapanuyong tawag sa kaniya ni Ian.
"Huwag mo akong tawaging mahal!" galit na sigaw niya.
Sa isang iglap ay nasilayan ni Shenrey ang pag-iiba ng ekspresyon ng taong kaharap niya. Tila ibang tao at hindi niya makilala ang banyagang emosyong nasa mukha nito.
Hindi niya lubos maisip na may tinatagong pag-uugali pala si Ian na binaon sa kailalim-laliman ng karagtan.
Marahas na dinakot ni Ian ang magkabilang braso ni Shenrey na halos ikabaon ng kuko nito sa malaporselanang balat niya.
Napaigik si Shenrey sa bumabaong kuko ni Ian.
Ian's eyes was raging with fire. "Hindi mo na ba ako mahal?! Patay na patay ka na ba do'n sa mayaman mong manliligaw, ha? Marami ba siyang perang binibigay sa 'yo? Papantayan ko 'yon. Marami akong perang mabibigay sa 'yo ngayo—"
Hindi na ni Ian natapos ang sasabihin ng humalik sa pisngi niya ang malambot na palad ng dalaga. Sa galit ni Shenrey ay rinig na rinig sa bahay ang lakas ng sampal niya kay Ian.
"Naririnig mo ba iyang pinagsasabi mo, Ian? Gano'n na ba ang tingin mo sa 'kin, ha? Mukhang pera?!" sigaw na galit ni Shenrey.
Hindi makapaniwala si Ian sa sampal na iginawad sa kaniya ng dating kasitahan. He look at Shenrey's beautiful face with accusation. He clenched his fist and greeted his teeth. His expression darkened. Tila natapakan ang pagkalalaki niya dulot ng sakit ng sampal na iyon.
Nanlisik ang mga mata ni Ian. "Hindi ba totoo?! Alam kong yaman lang ang habol mo sa Uriel na 'yon! Kilala kita, Shenrey. Pera ang habol mo sa lalaking 'yon!"
Napakuyom ng kamao si Shenrey sa masasakit na paratang sa kaniya ni Ian.
Ganito ba ang tingin niya sa 'kin?
Muli ay isang sampal ulit ang iginawad niya sa pisngi ni Ian. Bakat sa mukha ng lalaki ang palad niya at mga daliri nito.
"Hindi pera ang habol ko kay Uriel, Ian. Mahal na mahal ko ang lalaking 'yon at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na mahalin ang pera niya!" halos mangiyak si Shenrey sa galit na nararamdaman niya habang binabato ang mga salitang iyon.
Mas lalong namula sa galit si Ian sa mga narinig. Sarado na ang isip nito sa panibughong nararamdaman.
"Lumuwas ako ng Maynila para magtrabaho at magpayaman! Naging isang modelo ako para sa 'yo Shenrey! Tiniis ko ang pangungulila sa mga panahong iyon ngunit ayokong bumalik sa 'yo na bigo at mahirap! Tapos ngayon?! May ibang lalaki ka na? Ganoon na lang kadali na palitan ako, ha?!"
Napatigil sandali si Shenrey sa narinig na rason niya mula kay Ian. Tunog nanunumbat ang mga pinagsasabi ni Ian gayong hindi niya naman inutusan ang lalaking kaharap niya na gawin ang bagay na 'yon.
Shenrey is just a simple girl and appreciate little things. Kahit kailan ay hindi niya pinaramdam kay Ian na naghahangad siya ng sobra noon.
Ngiti lamang mg binata ang magpapasaya sa kaniya dati at ang mabuting puso nito, ngunit anong nangyari? Ibang tao ba ang kaharap niya ngayon?
"Ian, binalitang patay ka na baryo natin. Akala ko wala ka na! Nagluksa ako ng ilang taon dahil sa pagkawala mo at halos masiraan ng bait! Gumuho ang mundo ko ng malaman kong nalunod ka! Tapos heto? Manunumbat ka ng mga ginawa mong sakripisyo? Pa'no ako, Ian? Naisip mo man lang ba na sana ay ipaalam sa 'kin—sa amin na buhay k-ka?!"
Nabasag ang boses ni Shenrey. Muling nagbalik sa alala niya ang sakit na naranasan niya at ang sakripisyo ng Tiya Marin niya sa kaniya.
A sudden wave of memory flashed right through her eyes. Ang mga alaalang umiiyak si Tiyahin niyang si Marin dahil hindi na nito alam ang gagawin sa kaniya. Ang mga araw na walang-wala sila ngunit nanatiling matatag at masaya ang pinapakita sa kaniya ni Marin.
All those years na akala nilang baliw si Shenrey ay nakikinig at nagmamasid ng palihim ang dalaga sa paligid. Rinig niya lahat ng masasakit na salitang binabato sa kanila ng mga chismosa niyang kapitbahay. Nasa tamang huwisyo siya ng pag-iisip ngunit pinili niyang magpakalunod sa sariling damdamin ng ilang taon.
A lone of tear fell on Shenrey's cheek. "Kahit sana nagpaalam ka lang sa'kin na buhay ka, sana binalikan mo ako ng panahong hinihintay pa kita! Kaya wala kang karapatang kwestyunin ang pagmamahal ko sa lalaking nagpapasaya sa 'kin ngayon, Ian!"
"Dahil alam kong maiintindihan mo ako! Kinalimutan mo ako, Shenrey! Binaon mo sa kailalim-laliman ng karagatan ang pagmamahalan nating dalawa!" rason ni Ian.
"Sinabi ko na sa 'yo noon na masaya ako sa kung anong meron tayo o sa kung anong buhay ang maibibigay mo! Kahit kailan ay hindi ako humiling ng higit pa sa ikakaya ng bulsa natin! Masaya ako noon at kuntento, Ian! Ikaw lang ang naghangad ng mas higit pa!"
Humakbang muli palapit si Ian at marahas na isinandal sa pader si Shenrey.
Shenrey felt the coldness of the wall at halos mapangiwi siya sa sakit na dulot ng pagsandal sa kaniya ni Ian.
Nanlisisik muli ang mata ni Ian. "Hindi ka p'wedeng magmahal ng ibang lalaki. Ako lang dapat. Ako lang dapat!"
Pinilit na halikan ni Ian si Shenrey ngunit nanlaban ang dalaga. "Ian, ano ba?! Ian!" sigaw na pigil niya ngunit mas malakas ng triple si Ian sa kaniya.
"Ako dapat ang makauna sa 'yo! Hindi ang Uriel na 'yon!"
Ian forcely kissed Shenrey's neck and lips. Marahas iyon at walang halong pagmamahal. Ang bawat halik na ginagawad ni Ian kay Shenrey ay puno lamang ng pagnanasa.
"Ian, ayoko! Mahal ko si Uriel! Hindi na kita mahal!" pilit iyon pinaiintindi ni Shenrey kay Ian pero parang wala ng naririnig ang lalaking kaharap niya.
Dinakot ni Ian ang kaliwang dibdib ni Shenrey na ikinalaki ng mata ng dalaga. Iyon na ang naging dahilan para tuhudin ni Shenrey ang gitnang parte ni Ian.
"Oh fuck!" namimilipit sa sakit na ani Ian.
Ginamit ni Shenrey ang pagkakataong iyon para tumakas sa mga braso ni Ian.
Napansin niya ang baril na nasa sahig kaya nanginginig niya itong kinuha at tinutok kay Ian.
"Huwag kang lalapit!" aniya na puno ng kaba ang dibdib.
Napapangiwing tinuwid ni Ian ang pagtayo ngunit nabigo siya dahil sa sakit sa pagitan ng hita niya. "Tanginang babae ka!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro