Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20: Together



Uriel stare at his reflection on the mirror once again. Kanina pa siya pabalik-balik sa salamin na ultimo kinakabisado ang mukha at sinisiguradong walang dumi ang guwapong mukha.

"Sir, baka mabasag ang salamin," mapaglarong asar ni Josef na nakasandal sa hamba ng pinto ng k'warto ni Uriel. Nakakrus ang mga braso nito at kanina pa napapailing sa ginagawa ng amo.

Napalingon si Uriel kay Josef. "Sigurado kang presentable na ang mukha ko, Kuya Josef? Parang may kulang pa," alanganing aniya at napatitig muli sa sariling repleksiyon.

Josef chuckled and put his palms in his pocket. "Sir, kahit hindi naman ho kayo mag-ayos ay maglalaway sa 'yo ang mga kababaihan."

"Including Shenrey?" Lumingon ulit siya kay Josef at tuluyan ng nawala sa sariling repleksiyon ang atensiyon.

"Oo naman po, sir. Sa tinginan pa lang ni Ma'am Shenrey sa inyo ay alam na alam nang may gusto siya sa 'yo. Kahit ikaw ay makakapagsabi rin no'n, 'di ba?"

Bagamat nagdadalawang isip ay gumaan bigla ang loob ni Uriel sa narinig.

"Kinakabahan ako. Baka hindi pa siya handa."

"Sir, alam kong oo 'yang magiging sagot ni ma'am sa 'yo."

"Shit, namamawis ang mga kamay ko. Tangina! Kinakabahan talaga ako, Kuya Josef, para naman akong high school nito!" hindi makapaniwalang alintana ni Uriel.

Bagama't kinakabahan ay hindi na nag-atubiling tawagan ni Uriel si Shenrey. "Wait, I'll call her."

"Hello?"

It was just Shenrey's sweet voice but his heart was racing rapidly. Daig niya pa yata ang kaba ng isang groom na nag-aabang sa gitna ng simbahan.

She's such a sweetheart.

"Tapos ka na ba? Ipapasundo na kita kay Kuya Josef," hindi mapigilang ngiting ani Uriel.

"Ah. . .oo, doon na lang ako sa labasan maghihintay kay Kuya Josef."

"Sige—"

Uriel's eye widened when he accidentally click the end button of their call. Sa halo-halong emosiyon na nararamdaman niya ay parang wala na siyang kuntrol sa katawan niya.

"Shit! Shit! Shit! I accidentally ended the call, Kuya Josef! I ended the call! Damn!" he said hestirically and embarrassed.

Napailing si Josef sa inaasta ni Uriel. Aliw na aliw sa nakikita sa binatang amo. "Masarap talaga maging bata, oo," komento niya at natatawa sa amo.

Uriel called again Shenrey pero ring na lang nang ring ang phone nito.

"Galit ba siya?" nag-aaalalang tanong ni Uriel. Napahilot ito sa sintido. "Baka ayaw niya ng pumunta rito dahil pinatayan ko siya ng tawag."

"Sir, baka naglalakad lang iyon o naghahanda. Pupunta naman siya rito kaya huwag ka ng mag-alala. Susunduin ko na po siya para sa ikakatahimik niyo," pag-aalo ni Josef.

Natapango si Uriel at hinatid na lang ng tingin si Josef palabas ng mansiyon.






SAMANTALA wala mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman ni Shenrey at ilang ulit na inayos ang sarili.

Kulay dilaw ang suot nitong dress na pinaresan ng puting sapatos. Napakasimple ngunit litaw na litaw ang magandang kutis ni Shenrey. Pulang-pula ang labi at naglagay rin siya ng kulay dilaw na bulaklak na pang-ipit sa buhok niya.

Nang pagsawaan niya ang sarili sa salamin ay napabuga siya ng hangin. Natatakot siya na baka magalit ang Tita Marin niya sa oras na makitang nakapanlabas siya. Pero nasa isip niya ay hindi na siya bata para pa alagaan at gabayan ang bawat kilos niya.

Buo na ang pag-iisip niya na kung ayaw man ng Tita Marin niya si Uriel para sa kaniya ay ipaglalaban niya ang pag-ibig niya para sa binata.

Pinihit niya ang siradura at naglakad papuntang sala. Na roon ang tiyahin nito, nanonood ng telebisiyon.

Nagtagpo ang paningin nilang dalawa at halos dalahikin siya ng ubo ng sipatin ni Marin ang suot mula ulo hanggang paa.

"Saan ka pupunta? Maggagabi na."

"Sa bahay po ni Uriel, tita," diretsang sagot ni Shenrey.

Pansin niya agad ang paglukot ng mukha ni Marin. "Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo, Shenrey? Layuan mo si Uriel! Walang magandang maidudulot ang lalaking iyan sa buhay mo!"

"Tita, hindi na po ako bata para kuntrolin ni'yo ang bawat desis'yon ko! Ano po ba ang problema? Okay na okay kayo ni Uriel, e! Ano po ba ang kinagagalit mo sa kaniya?!"

"Aba't ang lakas na ng loob mong sigaw-sigawan ako!" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Marin.

Napabuntonghininga si Shenrey at pilit na pinapakalma ang sarili. "Mauuna na po ako, tita," mahinahong aniya at hindi na nag-abalang makipagtalo pa sa tiyahin.

"Aba't! Tinatalikuran mo na ako ngayon, ha, Shenrey? Ganiyan ba ang nakukuha mo kay Uriel?!" rinig na sigaw ni Marin sa kaniya.

Mabilis niyang iniwan ang tiyahin kahit na mabigat ang loob nito sa pagtalikod niya. Ayaw niya lang talaga mas lumala pa ang sagutan nilang dalawa kaya hangga't maari ay siya na lang ang iiwas.

Napapahid siya ng luha ng tumulo ito sa pisngi niya dulot ng ginawa sa tiyahin. Ayaw niyang masira ang gabi nila ni Uriel dahil lang sa tiyahin  niya kaya agad niyang isinawalang bahala iyon.

Bigla ring nag-ring ang phone nito at agad na nag-flash ang pangalan ni Uriel.

Ilang ulit siyang napalunok at kinalma ang sarili, she even cleared her throat before she answered the call.

"Hello?" pilit niyang pinasaya ang sarili at hindi niya mapigilang ang pag-alpas ng luha sa mga mata niya. Mabilis niyang nilayo ang phone nito sa kaniya at ilang ulit na huminga ng malalim.

"Tapos ka na ba? Ipapasundo na kita kay Kuya Josef."

Naipikit niya ang mata sa nagbabadya na namang luha. "Ah. . .oo, doon na lang ako sa labasan maghihintay kay Kuya Josef."

"Sige—"

Titingnan niya pa sana ang cellphone nito ng bigla na lang may tumakip sa bibig niya.

Her eyes widened and fight for that person who did it to her. Nasa likod niya iyon kaya hindi niya maaninaw ang mukha ng taong tumatakip ng panyo sa ilong niya.

Shenrey smells a weird scent on the handerchief that made her dizzy. May kung anong humihele sa kaniya para unti-unting bumigay ang talukap ng kaniyang mga mata. Bumibigat na rin ang buo niyang katawan.

Hindi niya iyon mapigilan hanggang sa mawalan na siya ng malay at tuluyang nabitawan ang cellphone na hawak.

Agad siyang binuhat ng lalaking nakaitim at may takip ang mukha sa kotseng nakaparada hindi kalayuan.

"Nakuha ko na siya," anito at pinatay ang tawag. Ilang ulit pa siyang nagpalingon-lingon para masiguradong walang nakakita sa ginawa niya at tuluyan ng umalis sa lugar ang estrangherong dumukot kay Shenrey.






NAALIMPUNGATAN si Shenrey sa malamig na tubig na bumuhos sa buo niyang katawan na halos ikasigaw at ikalabas ng kaluluwa niya. Napamulagat ito at malalim na hiningang napasinghap.

Agad na gumapang ang kilabot sa buo niyang sistema ng sumalubong sa kaniya ang hindi pamilyar na lugar. Nakuha ng atensiyon niya ang mahigpit na pagkakatali sa kamay niya at paa habang nakaupo sa isang magarang upuan.

Na saan ako?

Iyon agad ang tanong na nabuo sa isipan ni Shenrey. Pinilit niyang kalagin ang tali pero mas lalo lang humihigpit iyon na nagdudulot ng hapdi at sakit sa kamay niya.

Iginala niya ang paningin at pinagmasdang mabuti ang paligid.

Hindi iyon isang abundanadong gusali katulad ng nakikita niya sa mga drama sa telebisyon. Walang kahit sinong tauhang nakaitim o kaya nakatakip ang mukha na may hawak na di kalibreng baril. Wala ding naninigarilyong mama na nakaupo sa upuan at pinagmamasdan siya.

Muli niyang ginalaw ang katawan pero sa pagkakataong iyon ay napalakas ang pag-uga ng silya na naging dahilan para masadlak siya sa sahig na kasing kinis ng balat niya.

"Argh!" daing ni Shenrey.

Unang tumama ang braso niya kasabay ng pagtama ng ulo niya sa sahig. Agad siyang nakaramdam ng hilo dahil sa impact na iyon.

Maliyo-liyo niyang inangat ang ulo ng may maaninag siyang pulang sapatos na naoakataas ang takong na papunta sa direksyon niya. Bawat pagtama ng sapatos nito ay naglilikha ng tunog sa magarang sahig.

"Aba't gising ka na pala," sarkastikong tugon ng isamg tinig babae.

Agad na nangunot ang noo si Shenrey dahil parang panilyar ang boses. Hinagilap niya sa kasulok-sulukan ng utak niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Hindin pa man si Shenrey nakakaangat ng mukha ay agad na may dumapong mabigat na palad sa pisngi niya. Hindi niya halos maproseso ang nangyayari sa utak niya at natameme na lang sa hapding dulot ng sampal na iyon.

"Laureen! Bakit mo siya sinampal?! Anong gunawa mo sa kaniya?!" isang boses ang nagpagising kay Shenrey sa pagkakatulala. Boses na hinding-hindi niya makakalimutan kahit kailanman.

Mga yabag nito ang una niyang narinig at ang mga pares ng kulay asul na sapatos ang una niyang nasilayan. Agad na kumabog ng husto ang dibdib nito.

Asul. Ito ang paboritong kulay ng lalaking akala niya ay matagal ng wala.

Mabilis na inangat ni Shenrey ang ulo nito para masilayan ang taong nagmamay ari ng boses na iyon.

"Ian. . ." mahinang sambit ni Shenrey.

Unti-unting nagsibalik ang masasayang alaala nila sa dalampasigan at pagsasama nila ni Ian sa utak ni Shenrey. Hindi niya alam ang nararamdaman kung matutuwa ba siya sa nakikita niya ngayon sa harap niya.

"I-ikaw ba yan? Ian?" nauutal na aniya.

Ngumiti si Ian at maingat na inaayos ang upuan niya. Humalik ito sa labi ni Shenrey na ikinanlaki ng mata ng dalaga. Dala ng gulat ng ginawa ni Ian ay hindi makagalaw si Shenrey.

"I miss you," malambing na ani Ian.

Tila natauhan si Shenrey at agad na nilayo ang mukha kay Ian na hahalik ulit sa labi nito.

Nangunot ang noo ni Ian sa inasta ni Shenrey ngunit ngumiti ito kalaunan.

"Nandito ulit ako sa harap mo Shenrey para patunayan na karapatdapat ako buhay mo," malambing na aniya kay Shenrey. "Mahal kita, mahal na mahal."

Hahawakan sana ni Ian ang pisngi ni Shenrey pero agad na iniwas niya ito. "Huwag mo akong hawakan," malamig na boses na ani Shenrey.

Ganun na lang bigla ang inis ni Shenrey ng maisip na sina Laureen at Ian ang may pakana nito. Hindi makapaniwala si Shenrey na kaya pala siyang ipadukot ni Ian.

Agad na bumaling ang paningin ni Shenrey kay Laureen na ngayon ay tuwang tuwa pa sa nangyayari sa harap niya.

Gusto na niyang makawala sa pagkakatali at sabunutan ng husto ang babaeng impakta sa harap niya.

"Oh scary!" nang-aasar na patutyada ni Laureen ng mapansin ang nagbabagang tingin ni Shenrey sa kaniya.

"Anong pakay niyo sakin, ha?" inis na sigaw ni Shenrey sa dalawa.

"Well. . . just to make things short, akin si Uriel at ikaw na malandi kang babae, diyan ka kay Ian!" mapanuwang tunawa si Laureen at agad na nanlisik ang mata. "Akin lang si Uriel at wala kang karapatang kunin amg pagmamay-ari ko!"

Sasabunutan sana ni Laureen si Shenrey pero agad na hinarang iyon ni Ian. "Tangina Laureen! Ang usapan ay usapan! Huwag mong saktan si Shenrey kung ayaw mong bugbugin ko din ang Uriel mo!" madiing banta ni Ian.

Nanlaki ang mata ni Shenrey sa matalas na pananalita ni Ian. Kahit kailan ay hindi niya noon narinig si Ian na nagmumura at ganiyan ang tono ng pagsasalita sa ibang tao lalong-lalo na at babae ang kaharap niya.

Napatitig siya kay Ian. Ganun pa rin amg mukha nito, guwapong guwapo pero parang ibang tao na ang kaharap niya.

May nagbago. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro