Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18: Palengke



NAPAPAYAG ni Shenrey na kay Uriel magpahatid sila ni Marin. Buong byahe ay tahimik lang si Marin at malayo ang tingin.

Nahihiya si Shenrey kay Uriel dahil sa inaasta ng tiyahin. Hindi niya maintindihan bakit ba nagkakaganoon si Marin. Napasulyap siyang muli sa rear view mirror at natagpuang nakatingin din si Uriel sa kaniya. Sabay silang napabuntonghininga dahil hindi rin naman nila alam ang gagawin.

Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse hanggang sa marating nila ang bahay nina Shenrey at Marin.

"Maraming salamat," ani Shenrey ng pagbuksan siya ni Uriel. Kinuha rin ng binata ang mga dala nila ni Marin at nagtungo sa bahay.

Totoo ngang sabi ni Uriel na patapos na ang bahay. Kulang nalang ng pintura ang pader at may tatlong bintanang hindi pa natatapos.

Napatitig si Shenrey sa kabuuan at manghang binalingan si Uriel. Unlike Marin, this is the first time that Shenrey saw their entire house.

"Ang ganda naman! Naku bakit mo naman pinasemento ang kabuuan? Mas malaki tuloy ang nagastos mo. Okay na sana kahit kawayan lang," nahihiyang ani Shenrey sa binata.

"Okay lang naman, Shenrey. Masaya na akong nakikita kayong kumportableng nakatira rito."

Hindi mapigilang mapangiti ni Shenrey at mapatitig kay Uriel. Biglang sumagi sa isip nito ang relasiyong mayroon silang dalawa. Gusto niyang tanungin si Uriel kung anong lebel nga ba talaga ang pagitan nilang dalawa.

"May gusto sana akong—"

Naputol ang nais na sabihin ni Shenrey nang magsalita si Marin. May panghihinayang man ay hindi na lang tinuloy ang sasabihin. Siguro ay hindi pa iyon ang tamang oras. Matatanong niya rin ang lebel sa pagitan nilang dalawa.

"Pasensya ka na, Uriel, sa abala naming dala. Maraming salamat sa pagtulong mo sa 'min ni Shenrey. Malaki ang utang na loob namin sa 'yo, hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Madamo gid nga salamat."

Uriel smile. "It' okay, tita, hindi kayo naging abala sa 'kin. Tulungan ko na ho kayo."

Kinuha ni Uriel ang mga gamit nila  at nilagay iyon sa may sala. Malinis na ang loob dahil agad niyang tinawagan ang mga trabahante na dapat ay malinis na ang lugar.

Napapangiti na lamang ang binata sa nakikitang saya sa mukha ni Shenrey. Gustong-gusto nito ang bagong bahay at panay ang libot niya roon.

The house have 2 rooms, sakto lang para sa kanilang dalawa. Meron ng bintana ang dalawang kwarto dahil tig- iisa lang naman ang bintana at tanging sa labas na lang ang kulang.

Uriel provided some furnitures. May tig-iisang kama ang bawat kwarto at isang bedside table.

Naramdaman ni Uriel na dapat na siyang umuwi sa pana ahinik ulit ni Marin kaya nagpaalam na siya na dalawa. Nang maiwan na sina Shenrey at Marin ay tanging katahimikan na lang ang bumalot sa dalawa.

Shenrey wanted to asked Marin why did they left Uriel's house suddenly but she remain silent for that. Ayaw niyang magdamdam ang tiyahin sa kakulitan niya.

Days had passed and their house is completely done. Kulay krema na ang buong bahay at pula naman ang bubong. Napakaeleganteng tingnan ang bintana na gawa sa jealousy na kulay tsokolate.

May mga tanim na rin sa paligid ng bahay at mga naggagandahang pulang rosas na alagang-alaga ni Marin.

Usap-usapan din sa baryo ang relasyon nina Uriel at Shenrey. Kagaya nga noon na tinatapunan nang masasakit na salita ang kalagayan ni Shenrey ng mga tao, ngayon naman ay maasim ang mga dila ng mga taong naiinggit sa kanila dahil alam ng buong baryo na may kaya sa buhay si Uriel.

Kinaiinggitan si Shenrey ng mga kababaehan sa baryo nila at siya ang palaging topiko ng mga tsismosa sa kanila. Pero hindi na iyon pinansin ng dalaga. Wala naman siyang magagawa.

Malapit na ang uwian ng mga nagtatrabaho sa office ni Mayor at abala rin si Shenrey sa pagliligpit ng gamit niya.

Lingid sa kaalaman ng dalaga, patuloy ang pagsulyap ni Tristo sa kaniya. Tristo blow some air at ilang ulit na napaupo at napatayo.

He really likes Shenrey and he wanted to confessed jis feelings today. Napaupo siyang muli nang magtama ang paningin nilamg dalawa ni Shenrey.

"Ah. . . Shenrey. . ." simula niya at napatayo.

This is it! Wala ng atrasan 'to!

Shenrey stop for what she was doing and smiled at Tristo. "Po, sir?"

"Can I talk to you?" mahinang ani Tristo.

"Po? Hindi ko po narinig, sir. Sorry po," pagpapasensya ng dalaga.

Muling napabuga si Tristo ng hangin. He was so tensed. Hindi niya rin alam paano ba sisimulan ang sasabihin.  Gusto niya lang talaga umamin ng nararamdaman niya at baka hindi siya makatulog ng ilang araw kung sakaling hindi niya magawa ito.

Binalot muli ng katahimikan ang palagid. Shenrey was confused for the sudden silence. Napansin niya pa ang malalim na paghugot ng hininga ni Tristo bago magsalita.

"I like you."

Shenrey blinked twice and chuckled. Akala niya ang nagbibiro lang si Tristo pero nang makita niyang seryoso ang binata ay napatigil ito.

Napaiwas agad siya ng tingin at muling binalik ang t8ngin kay Tristo.

"Sir, pasensya na po—"

Pinutol ni Tristo ang sasabihin ni Shenrey. "No,  stop. I don't want to hear it, Shenrey. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko, that's it." Tristo smiled.

Simula pa lang ay alam niya naman na wala siyang pag-asa. He wants to move on, that's it. All he wants now is a rejection from Shenrey to finally keep moving.

Tinatantya ni Shenrey kung ano ba ang sasabihin niya kay Tristo. She's speechless. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang itugon sa sinabi ni Tristo.

"It's okay, Shenrey. I hope we can be friend after this, same old friend?" natatawang ani Tristo.

"Oo naman! Ano ka ba?" Shenrey smiled finally.

Ang paghahanda nilang pauwi sa kaniya-kaniyang bahay ay napuno ng tawanan at kwentuhan.

"Mauuna na ako, ah?" ani Tristo.

Mag nagsasabi sa loob niya na ihatid si Shenrey sa kanila perp pinili niya hindi gawin iyon. He wanted to move on. Shenrey was one of a kind. She's beautiful and a soft heart. That was the quality that he really likes about a woman kaya hindi mahirap na ma-fall siya sa isang katulad ni Shenrey.

"Sige po, Sir Tristo. Mauuna na rin ako," paalam ni Shenrey at kumaway sa papaalis na kotse.

Pinihit ni Shenrey ang katawan para harapin ang palengke. Balak niyang bumili ng uulamin nila mamaya ng tiyahin niya.

Agad siyang naglakad papunta sa direksyong iyon pero napansin niya ang isang pulang kotse na kanina pa naka-park sa harap ng munisipyo.

Binaliwala niya iyon at naglakad na papasok na makipot na daan papuntang palengke.

Naghahalo ang ingay ng bawat tao na namimili sa bawat kiosk. Hapon na pero hindi mapaghulugang karayom ang lugar.

Ilang ulit pang naapakan ang sapatos niya at nasisiko siya sa tagiliran. May naamoy rin siyang hindi kaaya-aya sa bawat tao pwro hindi niya naman iyon binigyan ng pansin dahil normal lang naman sa tao na may amoy.

Nakipagsiksikan si Shenrey para marating ang bilihan ng manok. Agad siyang nginitian ng tindera dahil suki siya nito rito.

"Oh, suki! Anong bibilhin mo?" matinis na tinig na aniya.

"Kalahating kilo po ng manok, tita!" ngiti ni Shenrey saka kumuha ng pera sa pitaka.

"Tunga sa kilo," sambit ng tindera at kumuha ng isang parte ng manok at hiniwa. "Oh ito, iha. Salamat."

"Maraming salamat din po," sagot ni Shenrey bago kinuha ang plastic na naglalaman ng manok.

Pinili niyang dumaan sa hindi mataong lugar para makaiwas sa siksikan pero mali yata ang ginawang iyon ni Shenrey. Nakaabang sa madilim at makipot na daan si Laureen na may nagbabagang tingin.

Shenrey was humming habang tinatalunton ang makipot na daan ng palengke. Walang muwang-muwang ito sa anumang mangyayari sa kaniya sa oras na marating nito ang gitnang bahagi.

The moment Laureen saw Shenrey coming, she immediately hid herself and wait for Shenrey to come where she was.

Laureen balled her fist and cursing Shenrey to death. Hindi puwedeng sa kaniya mapunta si Uriel, hindi p'wede! Uriel is mine, mine only!

Dinalahik ng kaba si Shenrey sa oras na maramdaman nito ang hapdi sa anit. Pikit niyang inaninag kung sino ang nagmamay-ari ng malalalakas na kamay na iyon.

"Malandi ka!" gigil na ani Laureen.

Shenrey was confused but that voice was really familiar. Alam niyang narinig niya na iyon sa kung saan, ang problema ay hindi niya maapuhap ang bawat sulok ng memorya niya.

Shenrey think about it carefully but the moment Laureen grabbed her hair again, she finally remembered.

Si Laureen!

"Layuan mo si Uriel!  Akin lang si Uriel!" gigil na sambit ni Laureen. She grab tightly Shenrey's hair.

"Aray!" Napaigik ang dalaga sa sakit at pilit ding nanlaban. Tuluyan niyang nabitawan ang manok na binili. "Bitiwan mo ako."

Shenrey locked her hands to Laureen's and disperately grappled to free herself. A loud thud engulf the ghost-like alley as Laureen's butt landed on the wet floor.

A pungent smell lingered on Shenrey's nose, probably from a rotten rat or any other animal.

"How dare you! You bitch!" Laureen grumbled under her breath. She balled her fist and forcefully burst up. Diring-diri si Laureen dahil basa at may amoy ang mamasa-masang daang napagsadlakan niya. She send a dagger look towards Shenrey.

Hindi  alam ni Shenrey ang gagawin nang sumugod ulit si Laureen sa kaniya. Ang tanging laman lang ng isip nito ay dapat niyang protektahan ang sarili sa abot ng kaniyang makakaya.

Laureen swing her left hand into Shenrey's face. Hindi iyon inasahan ng dalaga at gulat na nanlaki ang mata.
Ano ba ang kasalanan niya?

"Ito ang tatandaan mo! Hinding-hindi mapapasa'yo si Uriel! I will make sure of that!" gigil na sinabunutan ni Laureen si Shenreu. Napasigaw na lang si Shenrey ng sipain siya sa sikmura ni Laureen.

"Tama na!" pagpupumiglas ni Shenrey. Mangiyak-ngiyak itong napakapit sa kamay ni Laureen.

Ramdam na ramdam nito amg hapdi sa anit dulot ng pananabunok ni Laureen. Wala naman siyang ginagawa sa kaniya at bakit ganito na lang siya pag-initan ni Laureen.

"Hoy! Ano 'yan?!" bigla sigaw ng isang ale matapos na napadaan sa gawi nila Shenrey.

Agad na binitiwan ni Laureen ang buhok ni Shenrey at walang ano-ano'y iniwan ang dalaga.

Biglang tumulo ang luha ni Shenrey at pinilit na inayos ang sarili. Agad siyang dinaluhan ng ale.

"Okay ka lang ba, ineng? Bakit ka inaaway no'n?" alalang aniya.

Inalalayan ng ale si Shenrey at lumabas na sa madilim na daanang iyon. Sa oras na nasilayan ng maayos ng ale si Shenrey ay nahabag ito sa gulo-gulong buhok ng dalaga.

"Ayos lang ho ako. Maraming salamat po," mahinang sagot ni Shenrey. Napatitig siya sa paligid at halos matunaw siya sa mga nakatitig na tao sa paligid niya. "M-mauuna na po ako," paalam niya at dali-dali lumabas sa palengke.

Pumasok si Shenrey sa pinakamalapit na cr at halos maawa siya sa sarili ng makita ang repleksyon. Sinuklay niya ang gulo-gulong buhok at ang mga lagpas na lipstick sa bibig.

Wala siyang balak na isumbong ito kay Uriel o kahit sa Tita Marin nito. Alam niyang magagalit ng husto ang tiyahin niya kapag nalaman niyang sinaktan siya ng ex-girlfriend ni Uriel.

Hinugasan niya rin ang olastic ng manok na puro putik bago pinagpasyahang umuwi sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro