Chapter 15
A/N: hello, thank you so much for patiently waiting for this update. I'm really sorry ngayon lang talaga nakapag-edit nito huhu. Naging busy na sa life ang lola niyo.
****
Chapter 15: New house
ANG ilang araw na pananatili nina Marin at Shenrey ay umabot ng linggo. Gusto na rin naman nilang umalis na sa bahay ni Uriel pero ayaw nitong pumayag.
Bukod sa pinapagawa ni Uriel ang bahay nina Shenrey at Marin ay gusto pa nitong makasama sa iisang bahay si Shenrey.
Napatingala si Uriel sa bahay na malapit ng matapos. Marami siyang tauhang pinatrabaho para mabilis matapos ang bahay.
Sakto lang naman ang kalakihan ng bahay para sa dalawang magtiyahin kaya alam niyang agad na matatapos sa mga susunod na araw iyon.
Uriel walked alone in the seashore with a smile. Napangiti ito bigla ng maalala si Shenrey sa dalampasigan at makita ang iilang bakas ng mga paa ng kung sino sa buhangin.
"I miss her footsteps in the sand," wika niya at napailing.
Sumagi sa isip niya ang gabing naangkin niya ang dalaga. It was so addicting that he want to rock Shenrey in every corner of her room.
Nag-init bigla ang katawan nito ng maalala ang magandang hulma ng katawan ni Shenrey. Ang bawat kurba ng katawan niya ay naghahatid ng kakaibang boltahe ng kuryente sa katawan ni Uriel. Sa makinis at malinis na kutis nito animo'y nahihiya ang maliit lamang na dumi ang dumapo.
He bit his lower lip for Shenrey's naked body popped into his head. Napabuga ito ng hangin at napatingin sa karagatan para makatulong na maibsan ang init na nararamdaman.
For fuck's sake, he was just reminiscing for what happened that night and here he was, having a blast of desire that he wants to touch Shenrey even more.
Kinutongan niya ang sarili para mahimasmasan. Bibigyan niya pa sana ng isang batok ang sarili nang hindi niya mapansin ang mga kabataang naghahabulan sa likod niya.
Aksidenteng nabangga siya ng bata sa likod nang pagkalakas-lakas kaya hindi niya mapigilan ang sariling matumba sa tubig.
"Shit!" usal niya sa oras na tumalansik ang tubig na pinagkatumbahan niya. Napaubo si Uriel ng may pumasok sa bibig nitong maalat na tubig-dagat.
"Hala gago ka, Francis! Natumba ang lalaki!"
"Sala mo na ya!"
"Na hala niyo ah!"
Nagtulakan lalo ang mga bata, tila kinabahan sa nagawang kasalanan kay Uriel. Ang iba sa kanila ay natatawa pero ang iba ay natatakot sa kung ano mang sasabihin ni Uriel.
Basang-basang napatayo si Uriel at tinitigan ang sarili. He was dripping wet when he glanced at those children. Sa isip niya ay baka mga grade 4 at grade 6 ang mga kaedaran nilang anim.
Alam niya namang nagkakatuwaan ang mga bata at aksidente lang iyon pero hindi niya maitangging mainis siya ginawa nila sa kaniya.
Pinakalma niya ang sarili bago nginitian ang mga bata. "Sa susunod, mag-ingat kayo, ha?" pilit niyang pinalambing ang boses pero parang lumabas na nagbabanta ito sa mga bata.
Bumalatay ang takot ng ibang bata sa kaniya at nagtulakan.
"Hoy, mag-sorry ka, Francis!" tulak ng batang babaeng panglalaki ang gupit.
Napatingin sa kaniya si Francis. "Ikaw ang may kasalanan, Shana, eh! Tinulak mo kaya ako!" depensa ni Francis. "Nat-nat, oh!" sumbong nito sa batang nasa likod niya, naiiyak.
"Uy! Mag-sorry na lang kasi kayong dalawa! Baka aswangin tayo ng mama, e!" naiiyak na ani Nat-Nat sa kanila, kinakabahan.
Napailing si Uriel. Aswang? Nukha ba akong aswang? Sa isip niya ay baka mag-iyakan pa ang mga bata sa harap niya, e, kasalanan niya pa. Ang sama niya naman kapag ganoon, pati bata ay papatulan niya pa.
"Sige na, umuwi na kayo mga bata. Mag-ingat kayo sa susunod para hindi kayo makadisgrasya ng ibang tao, ha?" mahinanong aniya bago nagsitakbuhan ang mga bata palayo sa kaniya matapos tumango.
Uriel sighed at napakiskis sa braso nito ng maramdaman ang lamig nang malakas na umihip ang hangin.
He's dripping wet now and he can't stay here any longer. Since Uriel don't have any extra clothes in his car, he decided to go home.
Napapangiwi siya dahil mababasa ang driver's seat pero ano nga ba ang magagawa niya? Nang makauwi ay basang-basa ang upuan ng kotse ni Uriel.
Nanlulumong napasulyap siya sa kotse bago pagpasyahang pumasok sa loob.
Sinalubong siya nang nagtatakang mukha ni Josef bago nilapitan ang amo. "Sir! Bakit ka ganiyan? Anong nangyari? Naligo ka ba sa dagat?"
Napakamot sa pisngi si Uriel. "Aksidente akong natulak ng mga batang naglalaro malapit sa dalampasigan, heto, basa," natatawa niyang paliwanag.
Lumabas sa kusina si Marin at nanlalaking matang nakitang basa si Uriel. May dala-dala itong sandok nang lumapit kay Uriel.
"Jusko! Ngaa basa ka, Uriel?" Marin exclaimed.
"Naitutulak po kasi ng mga bata, aksidente lang naman," he eplained.
"Naku naman, oo! Mga bata talaga ngayon. Ang kukulit! Tsk! Oh siya, magbihis ka na ro'n at baka magkasakit ka pa. Nagkapagmeryenda ka na ba?"
Uriel moved his head sideways. "Hindi pa po." Lumampas ang paningin nito kay Marin at tinitigan ang kusina, nagbabakasakaling naroon na si Shenrey.
"Wala pa si Shenrey, iho, mamaya pang alas-cingco 'yung uwi no'n," sagot ni Marin sa naghahanap na mata ni Uriel.
"Ganoon po ba? T-tita may nasabi ba si Shenrey sa 'yo. . . patungkol sa 'kin?" kahit na nag-aalangan ay nagtan9ng pa rin si Uriel.
Ngumiti si Marin kay Uriel tila alam na ang ibig sabihin ng binata. "Wala naman, iho. Bakit? Hindi pa ba kayo okay?"
"Ah okay po—"
"Alam mo bang may pagtingin sa 'yo si Shenrey?" diretsang anang ni Marin.
Napatigil si Uriel ng ilang sandali pero agad itong napakamot sa pisngi, kinikilig. Pilit niyang pinipigilan ang sariling ngumiti pero hindi siya nagtagumpay. "Ah. . .oho, tita."
Hinampas ni Marin ang balikat ni Uriel. "Boto ako sa 'yo! Basta, h'wag mong paiyakin si Shenrey, ha? Ako talaga makakaharap mo kapag nagloko ka," banta ni Marin na ikantawa ni Josef sa likod nito.
"Opo, tita. I promise."
Napag-usapan nina Uriel at Marin ang bahay na pinapagawa niya at malapit na talaga itong matapos. Mga bukas o makalawa ay p'wede na silang lumipat kung gugustuhin man nila.
Sa isip ni Uriel ay nananalangin ito na sana ay huwag muna silang umalis pero nasira iyon ng magsalita si Marin.
"Nakakahiya na talagang tumira rito sa inyo, Uriel. Malaki ang utang na loob ko sa 'yo dahil sa ginawa mo. Kung p'wede na man lang matirhan iyon ay lilipat na kami ni Shenrey."
"Naku, tita. Naiintindihan ko naman po kayo. Saka okay lang talaga na magtagal kayo rito. Nasabi ko naman na kay dad na may pinapatira ako rito, okay lang naman din sa kaniya."
Mas lalong nahiya si Marin sa narinig. Ayaw niyang maging abala sa mag-ama at may pribadong buhay rin naman si Uriel kaya kailangan na nilang bumalik sa bahay nila.
Gusto pa sanang tanungin ni Marin kung ano ang oangalan ng ama ni Uriel pero biglang dumating si Shenrey.
Mabiois niyang sinalubong ang pamangkin at kinuha ang bag na dala. "Nagugutom ka ba? Kunain ka lang doon may hinanda akong miryenda."
"Mamaya na po siguro, tita. Kunain naman po ako. Masakit po talaga ang ulo ko, mauuna na ako sa kwarto." Hunalikan nito sa pisngi si Marin at pagod na nginitian.
"Nalipasan ka na naman ba ng gutom?" tunog nanenermong tanong ni Marin. Napailing na lang ito.
Napakamot ng ulo si Shenrey dahil natumbok agad ni Marin ang pinagmulan ng sakit ng ulo niya. Of course she knows, why did she forgot?
"Opo, eh," Shenrey answered and give a peace sign.
"Nakung bata ka! Sabi na nga ba, eh. Oh siya magpahinga ka na nga."
Napasulyap si Shenrey kay Uriel at doon lang napansin ang binata. Nandoon ,pala siya? Hindi na niya napansin dahil nasa sakit ng ulo nito ang ang buong atensyon niya kanina at sa tiyahin nito.
Muling sumagi sa isip niya ang hubad na katawan at pawisan nitong dibdib na binabayo siya. Umiinit bigla ang pakiramdam niya at tila nawala ang sakit ng ulo.
"M-mauuna na ako sa k'warto," iyon na lang ang nasabi nito bago dali-daling naglakad papuntang k'warto.
••○••○••○
"AHHH!" Napasabunot ang dalaga sa buhok at ilang ulit na hinampas ang manibela. "Why, Uriel?! Why?" muling sigaw nito.
Matalim niyang binalingan ng tingin ang bahay ni Uriel at kasalukuyang tinatanaw ang papasok na si Shenrey. Napakuyom ng kamao si Laureen at hinampas muli ang manibela.
"Hindi p'wede! Ako lang dapat ang babae mo, Uriel! Ako lang!" histerya niya sa loob ng kotse.
Her car is bot tinted kaya makikita agad sa labas ang ginagawa niya. May iilang mga taong napapansin si Laureen at tila inaakusahan ng isip na nababaliw na ang dalaga.
Nahagip ng paningin ni Laureen ang batang napadaan sa gilid ng kotse niya. Ibinaba nito ang bintana at pinanlisikan ng mata ang bata.
"Anong tinitingin-tingin mo?!" galit na asik niya.
Natakot ang bata at kumaripas ng takbo sa inasta ni Laureen.
Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag hindi niya naangkin ulit si Uriel? Nang hiwalayan niya si Uriel ay roon niya lang napagtanto na mahal niya pala talaga si Uriel. Mas gwapo ang pinalit niya pero mas gwapo sa paningin niya si Uriel. Mas sweet din ito kumpara sa bago niya at inaamin niyang nagkamali talaga siya na iwan si Uriel.
Sabi nga nila, nasa huli talaga ang pagsisisi. She now realized that she wasted a diamond. Napakatanga niya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro