Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14: Flashbacks


MAAGANG nagising si Shenrey at nagligpit para sa pagpasok sa trabaho. Nakangiti itong nag-aayos at pilit na huwag indahin ang hapdi sa pagkababae nito tuwing maglalakad.

Pumasok ulit sa isip nito ang hubo't hubad na katawan ni Uriel. Those six pack abs made her drool and imagine silly things early in the morning.

Napailing ito at winaglit sa isipan ang makamundong ginawa kagabi. She face herself in the mirror and put a light make up on. Nang pagsawaan nito ang pagtingin sa sarili sa salamin ay agad itong umalis at sumakay sa tricycle.

"Moan for my name, baby."

"Uriel. . . bilisan mo please."

"I didn't hear you, baby."

"Ahhh! Bilisan mo pa!"

Shenrey's cheeks tainted red when a sudden flash of memory inhabited her mind. She scoffed that made the tricyle driver asked her.

"Okay lang po ba kayo, ma'am?"

Shenrey nodded as if the driver can see her. "Opo, manong. Ah, d'yan lang po ako. Ito po 'yong bayad." Inabot niya ang pamasahe sa mama at naglakad papunta sa karindirya.

Bumili ito ng sampung pisong kanin at trentang adobong manok. Tahimik na kunain si Shenrey at panay ang tingin nito sa relo sa takot na baka hindi niya mapansin ang oras.

"Salamat ho," anang tindera na ikinangiti ni Shenrey

"Ikaw 'yong bagong asssistant ni Sir Tristo?" bungad ng isang binabae kay Shenrey nang makapasok ito sa establishimento. Matangkad ito at sakto lang ang hulma ng katawan. Nakapanglalaking haircut din ito ngunit pulang-pula ang bibig animo'y nasobrahan sa pulang pintura.

Napatango si Shenrey. "Opo."

"Ah teka, may ipadadala akong mga documents kay Sir Tristo. Kailangang-kailangan na namin 'yong pirma niya kaya i-remind mo siya mamaya, ha? Kapag natapos niyang pirmahan, ibalik mo rito sa office ko, ha?" mataray na utos niya.

Napatango na lang din si Shenrey at inabot ang dalawang dangkal na dokumento.  Napansin niya pa ang saglit na pagtaas ng isang kilay nito sa kaniya pero pilit niyang huwag pansinin ang binabae.

Shenrey knocked twice at the door when she got in Tristo's office before she opened it.

Bumungad doon si Tristo na abala sa pagbabasa sa mga dokumentong nakapatong sa working table nito.

"Good morning, Sir Tristo," bati ng dalaga.

Doon na lang napaangat ng tingin si Tristo, hindi napansin ang pagkatok at pagpasok ng dalaga. Ang kaninang nakalukot na mukha ng binata ay biglang nawala at napalitan ng ngiti.

"Nand'yan ka na pala, maayong aga," bati ni Tristo. "Tulungan na kita," aniya akmang tatayo para kunin ang mga dala ni Shenrey.

"Sir, okay lang, kaya ko naman po," magalang tanggi nito sa binata at nilagay sa ibabaw ng desk ang mga papeles. Bukod sa nahihiya siyang gawin ni Tristo ang ginagawa niya ay naisip ni Shenrey na ano pa ang silbi ng pagiging assisstant niya kung si Sir Tristo nito palagi ang sasalo sa mga gawain niya.

Nagk'wentuhan silang dalawa sa office buong magdamag habang nagtatrabaho, umabot din iyon sa mga personal na bagay kaya mas lalong nagkakilalahan ang dalawa.

Naging busy rin si Shenrey sa mga ini-encode na mga dokumento. Noong una ay hindi niya alam kung oaano gawain iyon pero maigi siyang matutuo kaya agad niyang nakuha kung paano gawin ang lahat ng inuutos ni Tristo.

Alas-singco na ng hapon ng  magligpit na si Tristo at Shenrey para umuwi. Tristo offered Shenrey to take her home but she refused.

"Naku, sir, huwag na po. Magta-tricycle na lang po ako. Malapit lang naman po ang pinag-i-stay-han nami ng tita ko."

"Are you sure?" paninigurado ni Tristo. Bigla siya tulog nalungkot dahil hindi niya mahahatid ang dalaga pero hindi niya pinahalata ito sa mukha niya. "Sige, mauuna na ako. Keep safe, Shenrey," ngiting paalam nito at sumakay na sa kotse.

Naglakad na rin si Shenrey at hindi na inabalang lumingon pa. Habang naghihintay iyo ng masasakyan ay kapansin-pansin ang kanina niya pang nakikitang kulay pulang sasakyan na sumusunod kung saan siya pupunta.

Hanggang sa marating nito ang bahay nina Uriel ay na roon pa rin ang sasakyan sa hindi kalayuan. Nang makababa siya sa tricycle at kumukuha ng barya sa pitaka ay humarurot na lang bigla sa likuran niya ang pulang kotse at kamuntikan na siyang masagasaan kung hindi lang siya hinila ng driver.

"Diputa nga salakyan! Tsk! Hindi tumutingin sa dinaraanan, kita na ngang may tao pa rito! Porket may kotse ka ganiyan ka na lang umasta, ha?!" galit na sigaw ng driver sa kotse. Napabaling ulit ito kay Shenrey. "Okay ka lang ba, iha?" lumambot ang ekspresyon nito, nag-aalala kung nasanggi ba si Shenrey o ano.

Shenrey was shocked for what happened at napatutulala sa daang tinahak ng pulang kotse. Alam niyang pamilyar sa kaniya ang pulang kotseng iyon kaya pilit niyang inaalala kung saan ba niya nakita 'yon.

"Miss? Ayos lang ho ba kayo?" ulit ng driver.

Tila nabalik sa wisyo si Shenrey at napabaling ulit sa driver. She smile in an assurung way. "Ah. . .o-opo manong. Maraming salamat po."

"Mag-iingat ka palagi, ha?"

Napatango si Shenrey at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay ni Uriel. Inalis na niya sa sistema ang nangyari dahil may kasalanan naman din siya, hindi siya sa gilid tumayo.

Sinalubong si Shenrey nang nakangiting tiyahin niyang may dala-dalang sandok at suot na kulay berdeng apron.

"Shenrey!" excited na aniya at lumapit.

"Oh, tita? Bakit parang ang saya-saya ni'yo? May magandang balita ba?" Shenrey curiously asked.

"Oo! Alam mo bang pinagawa ni Uriel ang bahay natin?! Kinausap niya ako kanina at humingi ng permiso. Nakakahiya namang tanggihan."

"Tita nakakahiya naman sa kaniya! Bakit mo naman tinanggap?!"

Pinalo ni Marin ang balikat ni Shenrey. "Mahihiya ka pa ba niyan? Wala na nga tayong bahay! Saka mas nakakahiyang dito tayo nakatira kay Uriel. Mas mabuti na lang na tanggapin natin 'yon. Saka, ikaw, bakit hindi ka pa nakikipagbati kay Uriel, ha? Alam kong iniiwasan mo 'yong  tao, hindi ni'yo pa ba napag-uusapan ang kung ano mang bagay na iyan?"

Napaiwas si Shenrey at iniba ang usapan. "Nagugutom na po ako, tita. Ano pong pagkain?" kunwa'y tanong niya at naunang maglakad papunta sa napakagarang kusina.

Napailing na lang si Marin at nahalatang ayaw pag-usapan ni Shenrey ang bagay na tinanong niya.
Napabuntonghinga ito at tuluyan na ngang sumunod kay Shenrey sa kusina.

"Meron akong banana cue r'yan. Kumain ka na," iyon na lamang ang nasabi nito.

Kapagkuwa'y kumuha si Shenrey ng banana cue at doon tinuon ang atensyon. Napapasulyap siya sa Tita Marin nito at inaalam kung ano ba ang ekspresyon nito nang hindi niya sinagot ang mga tanong patungkol kay Uriel.

Nang mapatingin si Marin kay Shenrey ay halos mapatalon ito sa gulat.

"Nagkausap na ba kayo ni Uriel?" mahinanong tanong ni Marin.

Shenrey immideately grab the glass of water and drink it. "O-opo, tita " aniya at napaiwas ng tingin sa tiyahin.

Muling sumagi sa isip ni Shenrey ang ginawa nila ni Uriel kagabi. Her face suddenly turned red and fan her hands in her face.

"Okay na ba kayo?" paninigurado ni Marin.

Imbes na magsalita ay tanging tango na lang naisagot ni Shenrey.

Okay na nga ba kami?

Iyon ang tanong na patuloy na umiikot sa utak niya buong gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro