Chapter 11
Chapter 11: Fire
MALIGAYANG nakauwi si Shenrey at binalita sa tiyahin nito na may nahanap na siyang trabaho. Galak na galak si Marin dahil nakikitang niyang masaya ang dalaga sa ginagawa nito.
Pinakita rin ni Shenrey ang damit na nabili niya sa department store sa tiya niya at ilang ulit na sinukat ang iilan.
"Bagay na bagay lahat sa 'yo, Shenrey. Kagwapa simu."
Shenrey smiled for the complement. Magsasalita na sana ito pero biglang tumunog ang cellphone nito. Agad na nanlaki ang mata niya sa nakitang text.
"Tita! Magsisimula na raw ako bukas! Hala!" nanlalaking mata ni Shenrey. Napatakip ito sa bibig at hindi makapaniwalang walang interview na nangyari, basta na lang siyang nakapasok. "Totoo ba 'to?"
Pinaharap ni Shenrey ang cellphone sa tiyahin para mabasa iyon ni Marin. Pumalakpak sa galak si Marin at niyakap ang pamangkin.
"Totoong may trabaho ka na, Shenrey!" masayang anito. "Pursigido na ba ang loob mo sa ganito? P'wede ka rin namang magpahinga muna sa bahay natin."
"Tita, kailangan ko pong magtrabaho. Sapat na 'yong paglalagi ko sa loob ng bahay. Gusto ko rin namang magkaroon ng sariling pera, hindi 'yong palagi na lang akong nanghihingi sa inyo."
Ginulo ni Marin ang buhok ni Shenrey. "Naku! Ikaw talaga, oo. Basta kung hindi mo kaya 'yong trabaho, magsabi ka lang, ha?"
Shenrey nodded in response. Ngiting-ngiti ang magtiyahin sa buong magdamag. Napuno ng hagikhikan ang bahay nilang dalawa sa usapan nila.
Alas-singko na ng hapon ng maaninaw ni Shenrey sa labas si Uriel na may bitbit na kung ano. Taranta itong napapasok sa loob ng bahay at dali-daling ginising ang nayutulog na tiyahin.
"Tita! Si Uriel!"
"Oh? Anong mayro'n?" pumupungay-pungay ang matang abi Marin.
"Si Uriel po papunta rito, tita. Huwag mong sabihing dumating na ako. Basta huwag mong sasabihin, tita!" babala ni Shenrey at mabilis na iniwan ang tiyahin.
Yinago nito ang sarili sa kwarto at ni-lock iyon. Sinilip niya rin sa bintana ang binata kung malapit na ba ito sa bahay nila.
"Oh! Uriel," bati ni Marin.
"Hello po, tita. Nandito na po ba si Shenrey? Ah. . . nakita ko po kasi siyang papuntang bayan kanina," Uruel explained.
"Naku! Wala pa siya, hindi pa siya nakauwi, eh."
"Gano'n po ba? Niluto ko po kasi 'yong paborito niyang binakol," nahihiyang sabi ng binata.
"Talaga? Magugustuhan niya 'yan!"
"N-nagtatampo pa rin po ba si Shenrey sa 'kin?" tanong bigla ni Uriel.
"Si Shenrey lang ang makakasagot niyang tanong mo Uriel. Siguro ay dapat ni'yong pag-usapang dalawa ang bagay na 'yan, iho. Hayaan mo, sasabihan ko siyang pakinggan ka sa pagkakataong ito," pampalubag-loob na ani ng ginang.
Tila nabuhayan si Uriel sa sinabi ng tiyahin ni Shenrey. Halos hindi mapagsidlan ang bagong pag-asang sumibol sa puso niya at hinawakan ang kamay ni Marin.
"Maraming salamat po."
"Oh siya, maggagabi na. Umuwi ka na at baka gabihin ka sa daan. Marami pa namang disgrasya ngayon, mag-iingat kang bata ka."
Uriel smiled. "Opo. Thank you po ulit, tita."
Nang makitang wala na ang binata ay agad na lumabas si Shenrey sa kwarto at dali-daling kinuha ang binakol na nasa supot.
Mabilisan niyang nilagay iyon sa lagayan at kumuha ng kutsara't tinidor.
"Naku, oo! Bakit ba ayaw mong nakita si Uriel, Shenrey?"
"Gusto ko po munang iwasan siya, tita," mabilis na sagot ni Shenrey sabay subo ng binakol. "Ang sarap!"
Napailing si Marin sa inaasta ng pamangkin. Hindi man niya alam ang buong detalye ng k'wento ay alam niyang may hindi pagkakaintindihan ang dalawa.
Napabuntong-hininga na lamang si Marin at ilang ulit na napapailing habang pinagmamasdan si Shenrey.
"Sana ay h'wag magtagal ang hindi ni'yo pagkakaunawaang dalawa. Mahirap na at humantong pa iyan sa malaking gulo, Shenrey. Mas mabuting pag-usapan ang problema kaysa takasan, hmm?"
○••○••○••○
MAHIMBING na natutulog sa bawat kwarto sina Marin at Shenrey nang maalimpungatan ang dalaga dulot ng ingay ng mga tao sa labas.
Napakamot ito sa ulo dahil dis oras ng gabi ay nag-iingay ang mga kabahayan.
"Marin! Sunog!"
"Sunog!"
Napaubo ito ng makalanghap ng usok. Ilang ulit siyang dinalahik ng ubo at napasapo sa dibdib.
Shenrey realized that their house is on fire. Agad na dinalahik ng kaba ang buo niyang sistema at humangos sa kwarto ng tiyahin niya.
"Tita!" sigaw niya habang pikit na nilalabahan ang masakit sa dibdib na makapal na usok. Ilang ulit niyang kinatok ang kwarto ng tiyahin pero walang sumasagot sa loob ng kwarto. "Tita, nasusunog po ang bahay! Tita? Tita Marin!"
Napahawak si Shenrey sa dibdib niya at ilang ulit na napaubo. Napaluhod ito habang hawak ang door knob ng kwarto ni Marin.
"Tita gumising p-po kayo!" sigaw pa niya.
Sa huling pagkakataon ay kumatok ito nang pagkalakas-lakas at bigla na lang bumukas ang pinto. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Shenrey ng makitang maayos ang tiyahin.
"Shenrey!" alalang wika ni Marin at niyakap ang dalaga. Ilang ulit din itong napaubo sa makapal na usok na nalalahanghap. "Saan ka pupunta?" histerya nu Marin.
"Teka lang po. Kukunin ko lang po ang masasalba kong gamit, tita!"
Mabilis na iniwan ni Sgenrey ang tiyahin at walang nagawa si Marin kun'di gawin d8n ang ginawa ni Shenrey. Mabilisan nilang nilagay sa malaking bag ang makakayanang nilang dalhing mga gamit.
May iilan din hinagis nila sa labas ng bintana para lang masalba sa sunog. Nang hindi na nila kaya ay kusa rin silang lumabas sa nasusunog na bahay.
Nagtamo ng iilang paso ang katawan ni Shenrey at Marin matapos na makalabas sa nasusunod na bahay. Hindi nila lubos maisip bakit nangyari ang bagay na iyon sa kanila.
Lumuluhang pinagmamasdan na lang nila ang nasusunog na bahay habang ang ibang mga tao ay nagtutulong-tulong para apulahin ito.
"Saan tayo nito titira, tita?" Shenrey sadly asked Marin.
"Hindi ko alam, Shenrey," maluha-luhang tugon ng ginang.
Nagyakapan ang dalawa dala ang mabigat na nararamdaman. Napakasakit saksihan na unti-unting natutupok ng apoy ang bahay nila. Wala silang magawa kun'di umiyak at manalangin na sana matigil na ang pagkalat ng apoy.
Ilang minuto lang ay rumesponde ang mga bombero para tuluyang maapula ang apoy. Naghatid din ng iba't ibang tulong ang kapitbahay nina Marin sa kanila.
"Marin kung gusto ni'yo sa bahay ko na kayo tumuloy," alok ni Aling Pasita sa kanila. "H'wag kayong mahiya, ha?"
Marin smiled for the offer. "Naku, h'wag na Aling Pasita. Ayoko pong makaabala."
Napatulala si Shenrey sa bahay nilang kinain ng nagngangalit na apoy kanina. Halos manlumo siya dahil parang walang maisasalbang gamit kahit na naapula na ang apoy.
In a blink of an eye, all of their belongings vanished in the thin air. Napakagat-labi na lang ito.
Kailangang-kailangan ko talaga ng trabaho. Kailangan kong pumasok para maipagawa ko ulit ang bahay namin.
Naputol lamang ang malalim na iniisp ni Shenrey ng may tumawag sa pangalan nila.
"Shenrey!" alalang tumakbo si Uriel kasama ang nag-aalalang si Josef.
Gulo-gulo ang buhok ng dalawa tila nagmamadaling pumunta rito.
"U-Uriel. . ." sambit ni Shenrey.
Hindi niya alam ang gagawin at mararamdaman. Paano niya haharapin ang binata gayong ganoon na lang ang ginawa niya kaniya? Nahihiya siya sa inastang pag-aasal sa harap ni Uriel doon sa dalampasigan.
Hindi maayos na makatingin si Shenrey pero walang pakialam si Uriel. Basta na lang itong tumakbo sa piling ng dalaga na labis ang pag-aaalala sabay yakap kay Shenrey.
"Are you okay? May masakit ba sa 'yo? Saan?" Uriel checked Shenrey's arms at doon niya nakita ang iilang mga paso sa kamay ng dalaga.
"O-okay lang ako. . ." alanganing sagot ni Shenrey at napaiwas ng tingin kay Uriel.
Halos mamatay ito sa kabog ng dibdib sa paraang pagkahawak ni Uriel sa kaniya. Ilang ulit itong napalunok at ilang ulit ding iniwas at binalik ang tingin kay Uriel.
Napalitan ng lungkot ang mata ni Uriel sa nakitang sinapit ni Shenrey. Napabaling ito kay Marin bago kalasin ang yakap sa dalaga.
"Tita, okay lang po ba kayo? Doon po muna kayo sa bahay namin kung gusto ni'yo. P'wedeng-p-wede po kayo roon," Uriel offered.
Saglit na nag-isip si Marin at tatanggihan na sana ang alok ni Uriel pero bigla niyang naisip si Shenrey. May tampuhan ang dalawa kaya ito siguro ang tamang oras para magbatiin silang dalawa. Mas mabuting magkasam sila at nagkikita sa isang bahay para tuluyang mawala ang tampo ng pamangkit kay Uriel.
"Okay lang ako, iho." Marin smiled. "Okay lang ba, Uriel? Hindi ba nakakaabala kami sa inyo?"
"Okay lang po, tita."
"Salamat."
Alanganin pa si Shenrey noong una pero wala pa rin siyang magagawa sa desisyon ni Marin. Tinulungan sila ni Uriel na buhatin ang mga mabibigat na bag na dala at ang tanging magagaang bagay na lang ang hawak ng dalawa.
Malimit ang pagsusulyapan nina Shenrey at Uriel sa isa't isa sa loob ng kotse.
Napapailing na lang si Marin sa nasasaksihan. Parehong nag-iiwasan at nagkakahiyaan ang dalawa pero iisa lang naman ang nararamdaman.
Mga bata nga naman, sabi ni Marin sa isip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro