Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10: New Job


"NAPAKAGANDA naman ng pangalan mo," komento ni Tristo. "So. . . bakit ka nga ba umiiyak kanina?" usisa niya.

Natahimik si Shenrey at napatingin sa malayo kaya nataranta si Tristo. "Okay lang kahit hindi mo na sagutin. Sorry. Maiba na lang ako, may pupuntahan ka ba? I mean. . ." Natawa ang binata ang napakamot sa batok. "Sorry, hindi talaga ako magaling sa mga ganito."

Natawa si Shenrey at napansin ang suot ng binata. Bigla na lang siyang nabuhayan ng loob dahil logo iyon ng munisipyo ng bayang ito.

"Sa munisipyo ka gaubra? Naghahanap kasi ako ng trabaho ngayon. Kakapalan ko na talaga amg mukha ko, pwede mo ba akong mapasok do'n? Kailangang-kailangan ko talaga ng trabaho. Kahit na maglinis ng banyo ay kaya ko!" pursigidong anito.

Lingid sa kaalaman ng dalaga, si Tristo ay anak ng Mayor ng bayang tinatapakan niya. Napangiti si Tristo at hindi inaasahang may taong hindi pa pala siya kilala.

"Sure! Pwede kitang i-recommend bilang assistant ng anak ni Mayor," aniya.

Nanlaki ang mata ni Shenrey sa narinig. "Talaga? Maraming salamat! Sa wakas ay may trabaho na ako!"

Sa galak nito ay napahawak siya sa kamay ni Tristo na ikinatigil ng binata. Nahihiyang kinuha ulit ni Shenrey ang kamay ng mapagtanto ang ginawa.

Nagpalitan silang dalawa ng number para matawag ni Tristo ang dalaga kung kelan siya magsisimula sa trabaho.

Tuwang-tuwa na nagpaalam si Shenrey kay Tristo dahil may bibilhin pa siyang mga damit na gagamitin sa trabaho.

Shenrey bid her goodbye and headed to the nearest department store. Ilang minuto ang nilagi niya sa pag-ikot-ikot at napagpasyahang bilhin ang mga damit na nagustuhan nito. Meron din siyang nagustuhang sapatos at iilang make up at binili niya lahat ng iyon.

Shenrey was in a good mood at nawaglit sa isip nito ng ilang sandali si Uriel. Binilhan niya rin ng pasalubong ang Tiya Marin nito bago tuluyang mapagpasyahang umuwi.






○••○••○••○

"KUYA Josef, may bisita ba tayo?" takang tanong ni Uriel habang niluluto ang binakol na manok na dadalhin niya kay Shenrey.

Naalala kasi nitong nabanggit iyon ni Shenrey kaya bilang paghingi ng sorry ay siya mismo ang nagluto sa gabay ni Josef.

Inabot ni Josef ang kutsara kay Uriel. "Wala naman po, sir."

Napakunot ng noo si Uriel ng mag-ring ang cellphone nito. Mabilis niyang inabot iyon at hindi niya alam ang mararamdaman ng makilala ang nagmamay-ari ng number na 'yon.

Ayaw niya naman maging bastos kaya sinagot niya pa rin ang tawag.

"Laureen," sambit ng binata na nagpatigil kay Josef at napatitig kay Uriel

"Uriel, pagbuksan mo naman ako!" demanding na ungot ni Laureen sa kabilang linya.

Ilang ulit na tumunog ang doorbell kaya walang magawa si Uriel na lumabas at pagbuksan si Laureen.

Confused, she stared at Laureen who's standing in front of him. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ex-girlfriend nito na ngayong nakangiting nakatayo sa harap niya na parang walang nangyari.

"How are you? I miss you!" nasasabik na ani Laureen and hug Uriel.

Hindi nakapaghanda si Uriel at hindi nakapalag sa ginawa ng dalaga. Kung makikita man iyon ngayon ni Shenrey ay baka mas lalong magtampo sa kaniya ang dalaga dahil may babaeng umaaligid sa kaniya. At hindi lang basta babae 'yon, dahil ex-girlfriend pa nito ang kayakap.

Sa isang gabing pagmumuni-muni ni Uriel ay alam na niya ang nararamdaman sa dalaga. Buo na ang loob nitong magsabi ng totoong nararamdaman kaya heto siya ngayon ay naghanda ng paboritong ulam ni Shenrey.

Nakakatawang isipin dahil napagtanto niya lang lahat ng magtampo sa kaniya si Shenrey. He was such a jerk para iparamdam sa dalaga na hindi niya ito gusto.

When Uriel was about to pushed Laureen, he accidentally meet someone's eyes. Agad na dinalahik ng kaba ang buo niyang sistem at tila tumigil ang mundo sa pagitan ng taong titig na titig sa kaniya na may nagsusumamong mata.

"S-shenrey. . ." utal na sambit niya sa pangalan ng dalaga bago tuluyang umalis ang sinasakyang tricycle nito.

Uriel pushed Laureen so hard kaya nasadlak sa semento ang dalaga dahil hindi nito inaasahan ang hinawa ng binata.

"Ouch! Why did you push me?!" galit na asik ng babae.

Natauhan si Uriel sa ginawa kaya dali-dali niyang tinulungang makatayo ang dalaga. "I'm really sorry, Laureen," Uriel apologitically said.

"You should be! Look at my knees! I have a wound and it's bleeding! Oh my gosh! It will leave a scar!" inis na turan ni Laureen.

Naiinis si Uriel sa pinapakitang ugali ni Laureen, mula noon naman talaga ay ganito ang karakter ng dalaga. Iyon nga lang ay mas lamang ang pagmamahal niya noon kaya tinanggao nito ang masamang ugali ng babae.

Napabuntonghininga si Uriel. He's really sorry for what he did pero kung si Laureen lang naman ang kaharap niya ay parang nawawalan ng sinsiredad ang paghingi nito ng paumanhin.

Mas lalo niyang pinahaba ang pasensya at tinulungang maglakad ang dalaga papasok sa bahay nila.

"Kuya Josef? May first aid kit ba rito?" he asked.

Dali-daling lumabas si Josef sa kusina at halos mapamulagat siya ng makitang nakakunyapit sa leeg ni Uriel ang maarteng ex-girlfriend nito.

Umasim bigla ang timpla ng mukha ni Josef pero hindi niya iyon pinakita kay Laureen.

Dati na talagang tutol si Josef kay Laureen para kay Uriel dahil nasaksihan nito ang masamang ugali ng dalaga. Pinaparamdam sa kaniya ng dalaga na napakababa ng estado niya sa buhay at ilang ulit siyang ininsulto ngunit hindi niya iyon sinabi kay Uriel.

"Kukunin ko lang, sir," magalang na anito kay Uriel at sinulyapan si Laureen na abot hanggang tainga ang ngiting kumaway sa kaniya.

Napangiwi si Josef ng tumalikod ito at mabilisan kinuha ang first aid kit at binigay kay Uriel. "Heto na po, sir." Tatalikod na sana si Josef ng makaisip ito ng kalokohan. "Ah sir, 'yung binakol pala, luto na 'yon. Sabihan mo ako kapag pupunta ka na sa girlfriend mo, tiyak magugustuhan 'yon ni Shenrey."

"Girlfriend? Shenrey?!" Laureen hissed. "May girlfriend ka na, Uriel?! This can't be!" hestirya bigla ni Laureen.

Uriel stop for what he was doing and glanced at Josef. He look to his driver telling him what he's up too. Josef give him a shrugged and walk in a carefree way into the kitchen again.

"Uriel!" Laureen shouted.

"Laureen it's not what you—"

Laureen cut him off. "Then what?! Akala ko ba ako lang?!"

Uriel's forehead knotted. Hindi niya alam kung ano na naman ba itong pakulo ni Laureen at bigla itong naging ganito sa harap niya.

Gusto niyang ipagtabuyan ang dalaga pero hindi siya pinalaki ng ganoon ng magulang niya. "Laureen look. . . we are done. Our relationship ended already, why are you acting like that right now?"

"Hindi ba halata?! Because I love you, Uriel! I love you! I want you back. I want us to be back!" Laureen shouted and started to cry.

Hindi alam ni Uriel ang gagawin sa pag-iyak ni Laureen sa harap niya. Noong sila pa ay agad niya itong yayakapin at hahalikan sa labi para lang mapatahan, ngayon ay hindi niya na alam ang gagawin kung paano ba patatahimikin ang kaharap.

Uriel massaged his temple. "Laureen, maybe you need to go home now. I have many things to do right now and I don't have time for your whims."

"Whims?! You call this whims, Uriel? Hindi mo ba naiintindihan? I want you back! Please, Uriel, I want us back." Lumapit ito kay Uriel at disperadong hinawakan ang kamay ng binata. "I'm sorry for what I did," Laureen pleaded.

Napaiwas ng tingin si Uriel. Kung sana ay ganito ang ginawa niya noong nagmakaawa siya na balikan niya, e 'di sana ay okay sila ngayon. Kung sana ay ganoon lang kadaling kalimutan ang ginawa niyang panggagago sa kaniya. Kung sana ay pwedeng madaan pa sa pagmamakaawa ang lahat, pero hindi, e.

It's not the case anymore, they broke up and Uriel wanted to move forward. That painful past with Laureen will serve as memory now that he finally accepted.

Kahit na magmakaawa pa si Laureen sa kaniya, wala na itong magagawa pa dahil hinding-hindi na niya tatanggapin kahit kailan ang babaemg nasa harap niya.

Pilit niyang pinapahaba ang pasensya at pinapalawak ang isip para huwag mapahiya si Laureen. Malalim na napabuntonghininga si Uriel at marahang kinalas ang pagkakahawak ni Laureen sa kaniya.

"Us will never come back, Laureen," he emphasize. "You can leave the house any moment. I'm busy right now and I don't have time for you," pinal na anito sa dalaga at tumalikod na para puntahan ang nilutong binakol para kay Shenrey.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ni Uriel ay nakaramdam ito ng pagtama ng isang bagay sa likod nito. Napapihit ang buo niyang katawan para alamin ang tumama sa likod niya at ng malamang bag iyon ni Laureen ay balanko itong napatitig sa dalaga na nagpupiyos na ngayon sa galit.

"Bakit ayaw mo na sa 'kin, ha, Uriel? Parang kahapon lang ay patay na patay ka sa 'kin, why the sudden change?! Bakit? Mas maganda ba at sexy iyang bago mo? Mas mayaman at sikat ba 'yan sa 'kin, ha?!" sigaw ni Laureen na namumula sa galit. Napakuyom ito sa kamao at kulang na lang ay matunaw si Uriel sa kinatatayuan.

"Kuya Josef, please escort Laureen outside," seryosong utos ni Uriel after he turn his back to Laureen.

"Remember this day, Uriel. I will own you again and no woman can have you! Ako lang!" sigaw ni Laureen ay padabog na lumabas sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro