Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9


Chapter 9: Babe


"SIR? B-ba't ka umiiyak?" Tanong ni Kuyang taxi driver sakin. Chismoso lang? Pero mukha namang mabait si Kuya eh. Di naman siguro masama magshare diba? Saka wala ngayon si Spike para patahanin ako.

"W-wala Kuya, broken lang hahaha."

"Nako iniwan ka ba ng girlfriend mo?" Yung totoo, kuya boy is that you?

"Ah o-opo," sabi ko nalang. Baka magaling mag-advice si Kuya edi gora na.

"Sus babae lang 'yan, maraming tao sa mundo. Malaya kang pumili kung sino ang kakaibiganin mo, pero hindi ka makakapili ng magmamahal sayo hanggang hindi tumitibok ang puso mo sa isang tao."

"Makahugot ka naman kuya, may jowa ka?"

"Single ako hahaha ewan ko ba manhid na yung puso ko eh."

"Jusko single pero makahugot hahaha! Dito nalang po," sabi ko at inabot ang bayad.

Pagbaba ko ay tinignan ko muna ang sarili ko sa phone ko. Pagpasok ko sa building ay hindi na ako nag-abalang umorder ng dinner sa food court. Wala akong ganang kumain, ang kailangan ko ay tulog. Tama, matutulog nalang ako. Pero may part pa rin talaga sa isip ko na sinasabing "Inom muna bago matulog, para paggising limot na ang lahat".

Yung para bang iisipin ko na lahat ng mga lagi kong iniisip. Hays, ayaw ko na talaga. Una palang dapat sumuko na ako. Una palang kasi dapat hindi ko na hinayaang mahulog yung loob ko. Ikaw ba naman kasi, kapag yung kaibigan mo caring at mabait sayo, paanong di ka mapofall diba? Iyon yung mahirap eh, dahil sa closeness nahuhulog ka ng hindi mo inaasahan.

Mabuti sana kung yung taong kinahulugan mo, kayang kaya mong umamin. Pero hindi eh, masyadong complicated ang lahat. Bukod sa lalaki rin ako at walang wala akong pag-asa kay Blade, magiging ama na siya. Magiging tatay na siya kahit 'di niya alam. Ano nalang iisipin nung bata paglaki at makilala niya ang tatay nya diba? Hays.

Kumuha ako ng wine sa ref at isang shot glass. Pumunta ako sa balcony at naupo sa duyan ko doon. Napakasarap ng sariwang hangin, damang dama mo talaga yung malamig na hangin.

Ang hirap hirap hirap pala talagang magmahal. Dati akala ko kapag nainlove ka sobra saya, pero mali sila. Kasi kapag na inlove ka, sobrang lungkot din pala. May kaklase kaming bakla rin, si Aaren, aka Ayeh. Siya naman kasi baklang bakla ang itsura, pagpasok no'n todo make up pa, 'di na nahiya. Ayoko sa mga gano'ng bakla eh, yung kay kakapal ng mukha tapos ang yayabang, syempre hindi ko nilalahat ah kasama ko dun eh. Ako yung tipo ng bakla na, lalaki pa rin mag-ayos. Lalaki pa ring kumilos at magsalita. Pero deep inside, yung puso ko malambot. Hahaha kaya ako marupok eh.

Hays ayoko na ngang magdrama, promise last na 'to. Itutulog ko nalang 'to. Tatayo na sana ako nang may umakbya sakin. Amoy pa lang alam ko na eh.

"Ba't napunta ka rito Spike?" Tanong ko. Buti nalang hindi ako magugulatin kung hindi kanina ko pa nasipa yung ano niya.

"Wala lang. Magkasama kayo ni Blade diba? Ba't mo pala siya iniwan do'n sa bar? Ayon nando'n sa condo ko, tulog, sinundo ko pa kanina," sabi niya at naupo sa tabi ko. Nagsalin siya ng wine sa shot glass at ininom, ang tamad talaga hindi kumuha ng kan'ya.

"Wala bruh masama kasi pakiramdam ko eh," tanggi ko. Hindi ko pa alam kung paano ako aamin sakanya na...na may gusto ako sa kapatid niya.

"Tsk masama raw. Alam kong nasasaktan ka ngayon bruh."

Napatingin ako sakanya. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sakin at parang, parang may alam na siya sa nararamdaman ko. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko at napaiwas ng tingin.

"Alam ko naman eh. Alam kong mahal mo siya, mahal mo si Blade."

Para akong binuhusan ng 5 balde ng tubig. Shit para akong nahuli ni teacher na nagchicheat. Hindi ako makagalaw. Yung heartbeat ko huminto ata.

"Ahmm..."

"'Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sakanya. Saka ako pa? Magaling ata akong secretary hahaha! So ngayon, maglabas ka na ng luha sakin, I'm here to be your wall."

Hindi ko alam kung saan magsisimula, natameme na ako dito. Saka pagod na akong umiyak, kailangan ko nalang alamin kung paano niya nalaman 'yon eh ako lang nakakaalam no'n sa sarili ko. Saka nakakatuwa lang dahil bukod sa tanggap ni Spike na bakla ako, mabait din talaga siya. He keeps my secret kahit na tungkol pa 'yon sa kapatid niya. Hindi ko na alam kung paano ko siya pasasalamatan dahil ang dami na niya, nilang, naitulong sakin.

"Hindi na siguro Spike, sa totoo lang katatapos ko lang magdrama at saka pagod na akong umiyak. Salamat ah, basta atin atin lang 'to," sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin naman siya sakin.

"Oo naman, bestfriends tayo eh."

"Hahaha nga pala, paano mo nalaman na you know."

"Nahahalata ko lang. The way you look at him, ibang iba. Saka nakikita ko rin yung lungkot at inggit sa mga mata mo sa tuwing magkasama sila, noon. Nakakapagtaka nga eh pumayag kang tulungan si Valeen kahit alam mong ex 'yon ni Blade."

"Talaga? Galing mo naman nahalata mo pa 'yon haha. Saka, okay na okay lang 'yon sakin no. Para rin naman 'yon sa magiging anak niya, gusto kong...gusto kong kahit ngayon lang, kahit hanggang pagkapanganak kay baby ay maalagaan ko siya. Kasi nasesense ko na hindi magtatagal at malalaman ni Blade ang totoo, at kapag nalaman niya 'yon alam kong magagalit siya sakin," sabi ko at tumulo na naman ang mga pesteng luha na 'to. Kailan ba matatapos ang pagdadrama ko? Pakshet naman oh...

"Kaya gusto kita eh," sabi niya. Napalunok ako at tumingin sakanya. Gusto raw ako?

"Huh?"

"I mean, kaya gusto kita as bestfriend. Kasi ang bait bait mo. You really have a good heart. You keep helping them, even if they hurt you. Why are you like that? Why are you so selfless?"

"Haha wala eh. Mahal ko eh, ganoon naman lagi diba? Gagawin mo lahat para sa mahal mo kahit masaktan ka pa."

"Kung sabagay, ganoon din naman ang ginagawa ko eh. Hinahayaan ko yung mahal ko sa iba, kasi do'n siya masaya. Kahit masakit din para sakin, kung sakanya ka masaya, kung siya talaga yung mahal mo," sabi niya ngunit dahil sa antok ay hindi ko na narinig yung iba niyang sinabi.

Hanggang sa nakatulog nalang ako sa balikat ng bestfriend ko.

---

UMAGA na at kagigising ko lang. Hindi nga pala ako papasok ngayon dahil maglilipat dito si Valeen mamaya. Kailangan kong mag-ayos ng condo, syempre no nakakahiya naman medyo makalat pa naman ako, medyo lang hehe. Wala namang gagawin ngayon sa school, wednesday naman at PE lang.

Tumingin ako sa wall clock ko at quarter to 5 palang. Inaantok pa ako, makaidlip muna. Maga pa mata ko eh. Pagtagilid ko ng higa ay may nahigaan ang ulo kong bagay na malambot. May tela siya at may tali pa ata yung tela. Ewan ko ba baka unan ko lang 'yon. Pero ba't ganoon? Parang gumagalaw yung bagay na 'yon? Parang tumatayo na ewan.

Kahit inaantok ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Ay tangina," mahina akong napamura ng makita ko sa harap ko ang ano ni Spike, nakaboxer lang siya at sando. Ba't nandito ang kupal na 'to?

Hinampas ko siya ng unan, "Hoy bruh! Ba't dito ka natulog?!" Sigaw ko sakanya at unti-unti naman siyang nagising. Kasi naman eh malikot akong matulog, nakakahiya kaya.

"Eh diba nga nasa condo ko si Blade, alangan namang tabihan ko siya no eww," naparoll eyes pa sya hala.

"K."

Hindi ako galit kapag "K" lang ang sagot ko, it's just my expressiom hahaha. Tumayo na ako para maghilamos. Pagkatapos ay pumunta na akong kusina para magtimpla ng kape at magluto ng pancake. Pagkatapos kong magtimpla ay nagluto na akong pancake, si Spike naman nakatingin lang. Sabik na sabik ng kumain, katakaw talaga.

"Ang sarap mo talaga magtimpla ng kape babe," sabi niya at napahinto pa sa pag-inom. Parang nagkamali ata siya sa sinabi niya.

"Babe?"

"Huh? O-oo babe, alam mo yun? Yung baboy si babe hahaha! Tumataba ka na kasi eh."

Ako? Tumataba? Bulag ba sya? Ang sexy ko nga eh. Ang weird niya kainis parang nakadrugs, patokhang siya eh.

"Hala ka hindi ka pumasok," paborito niya ang PE class kaya never siyang umaabsent kapag wednesday pero tignan mo nga naman nandito sa condo ko.

"Eh tinanghali na rin ako ng gising eh. Tulungan nalang kitang mag-ayos ng condo mo," sabi niya sabay kindat. Naks! Feeling hot.

Nilapag ko na sa lamesa ang apat na pancakes. May hulmahan akong letters at napili ko ang love tutal four letters naman 'yon tig-dalawa kami.

"Sakin yung L at O," sabi niya at kinuha na ang mga iyon.

"Bakit?"

"Para hindi ako kumpleto kapag wala ka-- I mean, hindi kumpleto kapag walang V at E kaya sayo na."

Ano raw? Hindi ko gets hahaha baliw talaga!

May kumatok sa pinto at tatayo na sana ako para buksan ng pigilan niya ako. "Ako nalang hehe," tumango nalang ako sakanya. Kinain ko na ang pancakes ko na may syrup na strawberry, yum yum yum.

Ang bilis niya namang naubos yung kape, grabe lang parang may karera ang lolo niyo.

"Bakit mo dito dinala? Sabi ko sa condo!" Sabi ni Spike doon sa kung sino man yung kausap niya. Kunwari pang hinihinaan yung boses eh dinig ko naman, maygash.

"Sorry sir eh walang tao sa condo nyo eh," sabi nung babaeng kausap niya na hindi ko naman maakita kung sino dahil baka sabihan ako ng chismosa, 'lam na.

Bumalik na uli siya dito at parang nanginginig pa. "Sino 'yon?"

"Ay babe! Ano ba?" Nagulat pa ang gags, yung totoo para siyang nakahigh eh. Pero mas nag-init ang ulo ko ng tawagin niya akong babe. Tumataba na ba talaga ako?

Hays nevermind. As far as I know, I'm sexy and I know it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro