Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


Chapter 8: Fake Love

NANDITO ako ngayon sa sasakyan ni Blade dahil papunta na kami sa bar ni Kenny daw. Diba nga maglalasing na naman siya at idadamay na naman ako. Hays ngayon ko lang makikitang magdadrama si Blade, ano kayang itsura niya no? Hahaha nevermind.

Naalala ko yung kanina...

Nung dumating kanina si Blade ay wala na si Val, tumakbo na siya agad papalayo, siguro nasense niya rin na may tao. Kaya nung paglapit niya samin ay kami lang ang naabutan niya ni Spike.

Nagtaka pa nga siya ano raw ginagawa namin do'n buti nalang nung nakita niya kami ay kunwari kaming nanghuhuli ng tutubi at ibibigay sakanya, mahilig kasi kaming manghuli ng tutubi nung mga bata pa kami. Edi ayon ang ending nanghuli na nga lang kami, bonding din 'yon ah at kita ko sakanya kanina na masaya siya.

"Blade..."

"Hmm?"

"Anong feeling ng may kasintahan?" Tanong ko at napatawa naman siya. Tamang tama at nakastop kami kasi red light. May naalala tuloy akong quote doon.

"Masaya, masarap sa feeling. Alam mo yung feeling na sa dinamidami ng tao sa mundo ay may isang taong nakaka-appreciate ng existence mo. Alam mo yung feeling na, may sumusuporta sayo sa mga pangarap mo. At yung feeling na, may isang taong tumanggap ng mga pagkakamali mo."

Gano'n lang ba 'yon? Eh halos lahat ng sinabi niya nagawa ko na ah. Lahat ng iyon nabigay ko na sakanya. Pero bakit parang wala lang, useless. Hahaha oo nga pala, bakla lang ako. Bakla lang ako kaya wala lang 'yon. Gusto kong sabihin na "Lahat naman 'yon lagi kong binibigay sa'yo, sa totoo lang wala na akong tinira sa sarili ko."

"Kung ganoon, ang sarap pala magmahal. Lalo na kapag mahal ka rin ng mahal mo," sabi ko habang nakatanaw sa labas ng salamin.

Nakakatawa lang dahil nag-o-open ako ng ganitong topic sa taong mahal ko, tapos kapag nakarinig ako ng hindi magandang sagot, ay masasaktan.

Ang tanga mo naman Harley nakakainis kana, bakit sinasaktan mo yung sarili mo...

"Yeah but it's better if it's true."

Pagbaba namin ay pumasok na agad kami sa loob ng bar. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa, usually naman kasi gabi sila nagbubukas. Ewan ko ba rito kay Blade gusto ata magsolo. Ano ba Harley magsosolo ba 'yan kung kasama ka? Ang tanga talaga.

"Lahat naman ng pagmamahal totoo ah," sabi ko pagkaupo ko sa stool. Agad naman siyang umorder ng tequilla. Totoo naman kasi diba? Meron bang fake love?

"Yeah many think love is always true, but they're wrong. It can be sometimes fake love," sabi niya sabay tungga ng wine glass.

"How can you say that there have a fake love? Paano mo natatawag na love 'yon kung fake naman diba?"

"Gaya ng nangyari sakin. Pinaniwala niya akong mahal niya ako pero sa huli ano? Sasabihin niyang hindi niya na ako mahal. Siguro may iba na siya, at narealize niyang hindi pala talaga ako para sakanya. Paasa fake love eh hahaha," pagkasabi niya noon ay may tumulong mga likido sa mga mata niya.

Hays, ayaw ko ng gan'to eh, mas nasasaktan ako kapag nakakakita ako ng may nasasaktan sa harap ko. Sa totoo lang mas masakit sa side ko, dahil pareho kaming lalaki at kahit anong gawin ko, hinding hindi siya magkakagusto sakin.

May pumasok na lalaki at bakla at naupo sila malapit samin. Napatingin naman kami ni Blade doon. Hindi mo mahahalatang bakla siya dahil ang gwapo niya pero base sa kilos niya ay isa siyang bading.

"Buti pa 'yong bakla may lovelife hahaha!" Natatawa kong sabi sabay inom ng tequilla.

Buti pa siya kahit gano'n may nagmamahal sakanya. Pero gaya ng sabi ni Blade, hindi lahat ng love ay true. Malay natin niloloko lang pala siya no'n diba. Kaya laging naloloko ang mga bakla eh, selfless kasi kami, mas inuuna namin ang iba kaysa sa sarili namin. Ganoon kami magmahal, oh diba wala ring pinagkaiba sa loyal na lalaki.

"Sus fake love lang 'yan. Magbebreak din 'yan hahaha. Walang forever."

"Luh nakikiuso ka na ngayon ah. Merong forever bro, wag ka nga."

"Harley sa henerasyon natin ngayon, karamihan ay wala pang 1 month nagbebreak na. Paano pa kaya yung forever diba? Siguro mga 5% nalang ang umaabot sa forever."

"Sa tao walang forever pero sa pagmamahal ay meron."

"Pa'no mo nasabi?"

"Love never dies. Hindi first love ah hahaha."

"Tch bakit ikaw ayaw mo pang magkaroon ng girlfriend? Ba't di mo ligawan si Imee?" Tanong niya. Hays eto ka na naman, aalokin akong magjowa eh ikaw nga ang gusto ko.

"Ayoko muna, wala pa sa bucket list ko yan hahaha!"

"Sus ang sabihin mo 'di ka lang marunong manligaw!" Sabi niya at tumawa ng malakas. Kaloka nagtinginan na tuloy sakanya yung mga bartender. Lasing na po ang lolo niyo.

"Hoy anong hindi? Kaya ko naman eh pero basta ayoko muna, sabi mo nga walang forever. Ayoko ng break up. Gusto ko kapag nagkagirlfriend ako, siya na yung first and last ko," sabi ko at ininom ang huling shot ko.

"Hindi rin, kahit anong gawin natin magkakaex at magkakaex pa rin tayo."

"Ang bitter mo."

"Kasi ampalaya na ako."

"Wow kailan pa?"

"Last week lang noong iniwan niya akong mag-isa..."

Ouch, parang ako yata yung nasaktan doon ah. Bigla kong naalala yung mga araw na nanliligaw palang siya kay Valeen. Talaga namang todo effort siya.

Nagawa niya na ang mga tradisyon sa panliligaw noon. Nag-igib na siya ng tubig para kay Val, nagbitak na rin siya ng kahoy dahil doon lang nagluluto si Val, tapos doon din siya natuto at nahilig sa paggigitara.

Sabi kasi ni Val gusto niya sa manliligaw ay hindi iyong bibigyan siya ng chocolates and roses or teddy bears, gusto niya iyong magtyaga at nasa gawa talaga. Kahit alam ni Blade na gano'n lang ang buhay ni Valeen ay tinggap niya ito ng buong buo. Wala siyang pake kung sa isang maliit lang na apartment nakatira si Val o wala itong maayos naa buhay, ang importante raw sakanya ay mahal na mahal niya ito.

Kaya naman noong 19th birthday niya last last year ay sinagot na siya nito. Yoon nalang yung niregalo sakanya ni Val at alam kong sobrang saya nilang pareho.

Sa bawat araw na nagdaan, sa mga buwan at taon na lumipas ay saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Sino pa ba susuporta diba? Edi ako lang din, si bro, si bestfriend. Si Blade yung tipong kapag naging boyfriend mo ay hindi niya hahayaang lumipas yung isang araw na hindi nakakacommunicate sayo.

Minsan na rin niyang dinala si Valeen sa Canada para ipakilala siya sa parents niya. Tanggap naman nila si Valeen dahil sobrang bait daw nito, kasama rin ako noon. Mula nang maging sila ay ang laki ng ipinagbago ni Blade, tahimik siya lagi sa school dati pero ngayon ang kapal na ng mukha. Dati rin ilag siya sa mga babae dahil feeling niya nababakla raw siya kapag may nakakasama siyang babae pero ngayon nakikipaglandian na at iba-iba pa ang babae araw-araw.

Totoo nga, ang lakas ng impact satin ng pag-ibig. Love can change people, so hurt does. Kung ang pagmamahal ay kaya tayong baguhin, paano pa kapag nasaktan tayo diba?

Yung pagmamahal kasi kapag naramdaman mo 'yan nagiging selfless ka talaga. Yung tipong ibibigay mo lahat ng dapat ibigay sa taong mahal mo kahit wala ng matira sayo, basta para sakanya, sige lang.

Tapos kapag nasaktan tayo, magbabago uli. Yung dating selfless magiging selfish. Kapag may bago na, sasabihin "akin lang siya", takot na takot mawalan ng jowa. Akala mo naman kapag itinali niya sakanya hindi na maagaw ng iba. Nasosobrahan kasi sa ka-possessive-an, kaya nang-iiwan eh, nasasakal na kasi.

Nabalik ako sa diwa ko ng kalabitin ako ng bartender. Maygash medyo nakanganga na pala ako doon at nakatulala, mukha tuloy akong nakadrugs. Pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit niya ako kinalabit. Tinuro niya sakin ang isang lalaking nakaupo sa sofa at may babaeng nakaupo sa ibabaw niya.

Pamura ah? P*tangin*. Sino pa ba? Edi yung kasama ko, yung bestfriend ko, yung bro ko, yung taong mahal na mahal ko...

Naramdaman ko nalang na namamasa na ang pisngi ko, dulot ng mga tubig na nanggagaling sa mga mata ko.

Alam mo yung feeling na ginugupitan ka ng buhok sa parlor, syempre nasa harap ka ng salamin edi makikita mo yung buhok mong kaytagal mong pinahaba eh binabawasan na ngayon. Masakit para sayo, ilang taon mong inalagaan eh ta's gugupitin lang. Syempre masasaktan ka kasi wala kang magawa kung hindi manatiling nakaupo at tignan ang buhok mong unti-unting umiigsi. Wala kang magawa kundi tumitig kahit sobra ng sakit...

Kasi p*tangin* 'yon yung nararamdaman ko ngayon eh. Nandito lang ako sa stool, nakaupo, nakatingin sa hindi kalayuang si Blade na nakaupo sa sofa at may babae sa ibabaw niya. Sarap na sarap sa pakikipaghalikan habang ako nandito iniwan niyang luhaan. Wala akong magawa kundi manood lang. Sino ba ako para pigilan siya? Kaibigan lang naman niya ako, sabi nga niya kapag kaibigan mo, suportahan mo. Ano yon? Susuportahan kita sa mga kagaguhan mo? Tangina naman oh!

Lumabas na ako ng bar at pumara ng taxi. Habang papalayo ay mas lalo akong naiiyak. Hindi mawala sa isip ko yung ginagawa niya kanina. Pati utak ko sinasaktan na ako, saya no. Ang sakit lang kasi hindi ko maipaglaban yung nararamdaman ko, kasi bakla lang ako.

Gusto kong ilayo siya sa babaeng 'yon pero wala akong magawa. Yun yung masakit eh...

Yung wala kang magawa kung hindi hayaan siya sa bagay na nakakapagpasaya habang nasasaktan ka naman ng sobra.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro