Chapter 7
Chapter 7: Nervous
NAPAANGAT ako ng ulo sa narinig ko. Shit, kalma Harley kalma, maganda ka. Paglingon ko ay nakita ko si Blade sa tabi ko at nakatingin sa cellphone niya at si Spike naman ay nagsusulat pa rin.
"Anong sinasabi mo dyan?" Tanong ko sakanya, napalingon naman siya sakin.
"Ha? Wala yung video kasi yung sinagot nung lalaki yung baklang nanliligaw sakanya. Nakakatawa lang hahaha," sabi niya at natawa pero sarkastiko.
Tama ba ang narinig ko? Natawa siya doon? Sa bakla...
"Ahh support mo ba LGBT?"
"No"
"Bakit?"
"May trauma ako sa mga bakla."
Trauma? Bakit hindi ko alam?
"Ahhh bakit naman?"
"Basta family problem lang."
"Ah k."
"Oy bro."
"Oh?"
"Samahan mo ko mamaya sa bar ni Kenny."
"Bakit?"
"Wala lang," malungkot niyang sabi. Hindi pa rin ba siya nakakamove on? Kung sabagay eh wala pa atang isang linggo silang hiwalay.
"Sige, isama natin si Spike."
"Huwag na, busy 'yan mamaya."
"Luh okay."
Pagkatapos ng klase ay nagpunta na kami sa canteen para maglunch. Asusual 2 hours uli ang vacant namin kaya siguradong magtatagal kami dito. Dito lang naman kasi kami madalas tumambay eh.
"Libre nyo nalang ako," sabi ko dahil ewan tinatamad akong pumila eh. Impatient ako kaya ayokong pinaghihintay ako, unless importante.
"Ang tamad mo bro!"
Tawa pa.
"Tsk geh na gusto ko beef steak at dalawang rice," sabi ko sakanila at pumila na silang dalawa. Naiwan naman ako so magsasoundtrip muna ako.
Alam nyo bang yung dalawang rice ko na 'yon ay kulang pa kay Spike? Ewan ko ba nakakapagtaka talaga ang takaw nilang pareho pero 'di nawawalan ng abs grabe. Swerte ko talaga dahil mga kaibigan ko sila. Aba ang daming estudyanteng gusto silang kaibiganin dahil sa pera at talino eh. Why so desperate guys?
Ang napili kong patugtugin ay iyong "sexy back" ni Justin Timberlake. Alam niyo bang sa sobrang goodboy ni Spike ay NGSB siya? Minsan iniisip ko kung nababakla na rin siya eh. Pero eww lang hindi bagay saka wala naman akong nakikitang sign na bumigay na siya. Wala pa rin 'yang nililigawan saka kapag nakakausap siya ng mga babae hanggang friends lang daw. At hindi ko makakalimutan yung sinabi niya sakin dati, kaya raw ayaw niya mag-girlfriend kasi may hinihintay siya. Ayaw namang sabihin, baliw talaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-e-enjoy sa tugtog ng may marinig akong nabasag. Napalingon ako sa tabi ko at napamura nalang ako sa nakita ko.
"Ang tanga kasi," cold na sabi ni Blade sa babaeng nakayuko at kung hindi ako nagkakamali ay si Valeen 'yon.
Gusto ko silang lapitan pero parang pinipigilan ako ng mga paa ko. Nanatili lang akong nakaupo at naghihintay sa susunod na mangyayari.
"Sorry, h-hindi ko sinas-sadya..." gusto niyang punasan ang damit ni Blade na natapunan ng apple juice. Pero tinabig lang siya nito dahilan ng pagtumba niya, shit.
"Sa susunod kasi mag-isip ka muna bago ka kumilos," sabi ni Blade at inis na nilapag ang order niya sa lamesa.
Hindi ko napansing kanina pa pala nandito si Spike at ayon kumakain na. Gustong gusto kong tulungan si Valeen na tumayo. Tumayo ako pero pinigilan ako ni Spike gamit ang kanang kamay niya. Pinandilatan ko siya at umalis ako para tulungan si Val.
"Shh tahan na." Hindi ko siya pwedeng dalhin kung saan dahil baka kung ano ang isipin ni Blade.
Pagkatayo ko sakanya ay bigla nalang siyang tumakbo. Shet naman oh baka kung anong gawin ng buntis na 'yon. Wala na akong nagawa kundi bumalik sa table.
"Bakit mo pa tinulungan 'yon?" Tanong agad sakin ni Blade. Kinakabahan tuloy ako dahil ang seryoso niya.
"Huwag ka namang ganyan, babae 'yon bro," sabi ko at nagsimula ng kumain. Napasabunot naman siya sa buhok niya.
"Tsk alam kong mali 'yong ginawa ko pero tangina naiinis ako kapag nakikita ko siya."
"You need to control yourself bro," sabi naman ni Spike.
"Tama si Spike. Hindi porket sinaktan ka eh sasaktan mo na rin pabalik."
"But it's unfair with me, she hurt me so I'll hurt her too."
Napakuyom ako ng kamao ko, sinubukan kong ikalma ang sarili ko dahil masusuntok ko 'to. Kung alam mo lang na anak mo yung dinadala niya, sigurado akong magsisisi ka. Kapag ako napuno, baka masabi ko ang totoo. Kalma Harleyng dyosa.
"Mahal mo diba? Kapag mahal mo patatawarin mo," sabi ni Spike at naglakad na palayo. Ayan nawalk out na tuloy.
"Anong problema ni Spike?" Tanong niya at nagkibit balikat nalang ako.
"Saka tama siya, nagmomove on ka na diba? So why don't you just ignore her? Kapag iniisip mo hindi ka talaga makakamove on."
"But..."
"'Wag mong ipakita sakanya na nasasaktan ka pa."
Maya maya ay umalis na kami sa canteen at bumalik sa room. Since may 1 hour pa ay lumabas muna ako uli para puntahan sa building nila si Valeen. Pero tinext ko siya at sabi niya ay sa garden nalang daw kami magkita since wala namang nagpupunta doon.
Pagkarating ko doon ay agad ko siyang nakitang nakaupo at nakatalikod sa gawi ko, naupo naman agad ako sa harap niya. Hindi naman siguro makakarating dito si Blade dahil ang alam niya ay library ako.
"Val, ako na magsosorry do'n sa kanina ah," nahihiyang sabi ko. Leche naman kasi si Blade eh aysh nag-iba na talaga siya. Hindi na siya si Blade na sobrang respetado sa mga babae.
"Ano ka ba wala yun." Nakikita ko sa mga mata niya ang labis na sakit. Kung sana sinabi niya kay Blade simula palang edi sana hindi kami nagkakaproblema ngayon.
"Val, alam mo sana nung una palang sinabi mo na kay Blade, para wala na tayong problema ngayon."
"Yun nga Harley eh, nagsisisi na ako. Sana sinabi ko nalang sakanya, pero hindi, nasimula ko na eh kaya kailangan kong panindigan 'to. Saka mas lalo siyang magagalit kapag ngayon ko pa sinabi." Hindi na niya nakayanan at tumulo na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Inabot ko sakanya ang panyo ko at kinuha niya naman. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay sasabihin ko na agad 'yon kay Blade, hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko ng walang ama. Understanding na tao si Blade at alam ko mahahandle niya ng tama 'to kung alam niya lang. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Spike sa tabi ko at naupo.
"S-spike..." nagtatakang tumingin sakin si Val at tinanguan ko lang siya. "Alam ko ang lahat Valeen at 'wag kang mag-alala dahil kasama niyo ako sa sikreto niyo," sabi ni Spike at tipid na ngumiti.
"Salamat sa inyo ah, buti pa kayo naiintindihan ako haha."
"'No ka ba syempre kaibigan ka rin namin," sabi ko.
"Bakit hindi ka nalang lumipat sa condo ni Harley para di hassle diba? Saka para may kasama ka. Hindi yung mag-isa ka sa apartment mo eh marami pa namang siraulo sa barangay niyo diba," sabi naman ni Spike. Hmm napaisip ako, oo nga.
"Oo nga dun ka muna sa condo ko safe ka do'n."
"Hala 'wag na, nakakahiya na, okay na ako doon," tanggi ni Valeen. Ang kulit talaga ng bruhang 'to.
"Ano ka ba oks lang 'yon bukas na bukas lilipat ka na sa condo ko."
"Pero-"
"Walang pero pero okay? Saka para mabawasan yung mga gastusin mo. Ilang weeks na ba 'yang pamangkin ko?"
"6 weeks na."
"Kaya pala medyo maumbok na, buti hindi napansin ni Blade kanina," sabi ko. Paano kaya kung napansin niyang nananaba si Val hano?
"Tutulong akong maghakot ng gamit mo bukas," suggest ni Spike.
Hindi naman labag sa loob ko na tumira siya doon at okay na okay nga sakin 'yon dahil safe sila ni baby sa condo. Kaya lang napaisip ako, paano kapag pumupunta doon si Blade? Hays hindi naman siya pumapasok sa kwarto ko eh okay lang. Tapos kapag nanganak siya doon pa rin muna siya, gusto kong alagaan si baby. Si baby ni Blade...at Val.
"Tama 'yan ng may magawa ka naman," natatawang sabi ko kay Spike.
"Salamat talaga sa inyo ah, ang swerte ko dahil kaibigan ko kayo."
"Wala 'yon para rin naman 'to sa anak niyo ng kapatid ko."
"Hmm, kamusta na siya?" Tanong ni Val. Hindi niya pa siguro alam na playboy na si Blade, puro babae na inaatupag. Magsasalita na sana si Spike nang pigilan ko siya, ayokong malaman ni Val ang tungkol doon masasaktan lang siya. Bawal pa naman sakanya ang mastress sa mga bagay bagay.
"Ayon buhay pa haha joke, okay naman. Still moving on haha."
"Ah gano'n ba, buti naman," tipid siyang napangiti pero kitang kita ko sa mga mata niya at lungkot at sakit.
Habang nagkukwentuhan ay may narinig akong kaluskos. Ay shet may tao. Nakiramdam muna ako dahil baka pusa lang iyon. Takte kinakabahan ako ah, iba na 'to. Ano ba? Umaga naman pero feeling ko horror na haha hanep!
"Harley, Spike..."
Oh my holy fvcking shit. Nakita niya kami at lumapit siya samin ng nakakunot ang noo. End of the world na ba? Malalaman na ba niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro