Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6


Chapter 6: Again

KASALUKUYAN akong nakasakay ng jeep, dahil papasok na ako. Kung maaga akong nagigising, mas maaga akong nagising ngayon. Ay mali! Hindi pala ako nakatulog. As in wala akong tulog kakaisip sa mga leche kong problema. Kagabi ko pa iniisip kung ano ang dapat kong gawin eh hays. Pati tuloy mga assignments hindi ko na nagawa, di bale mangongopya nalang ako kay Spike. Ganyan tayo eh kapag tamad sa kopya kumakapit hahaha.

Huminto ang jeep dahil may nagpara. At nasaktohan pang si Valeen iyon. Tumabi siya sakin at hingal na hingal na umupo. "Hay kapagod," sabi niya at nagpunas ng pawis sa noo.

"Anong ginawa mo at hinihingal ka?" Tanong ko.

"Nasiraan kasi yung sinakyan kong tricycle no choice nilakad ko nalang."

"Masama sa buntis ang nagpapagod."

"Shh oks lang 'yan."

"Anong oks oks?" Napairap nalang ako. Ang gaga talaga.

"Hehe sorry naman, ba't ang aga mo yata?"

"Wala lang maaga akong nagising eh," pagsisinungaling ko. Huwag niyo akong gayahin, sinungaling ako hahaha joke.

"Ganun ba. Ay nga pala may sasabihin ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Baka pwede akong makahiram sayo."

"Ng?"

"Pera sana, kasi due date na ngayon ng bayarin sa apartment ko eh wala akong pera ngayon. Baka pwedeng makahiram ng 5k, don't worry babayarin ko kapag sumweldo na ako," sabi niya at nahihiyang ngumiti. Nga pala, working student si Valeen syempre siya nalang bumubuhay sa sarili niya eh. Pero nung sila pa ni Blade lagi siyang spoiled sa lalaking 'yon.

"Ehh?"

"Sige na please? Hahanapan kita ng girlfriend yieee."

"Ayoko, wala akong time dyan."

"Chix nalang, ano? Hahaha!"

"Tsk oh eto na," naglabas ako ng 5k sa wallet. Gaya ng sabi ko, hindi ako, kami mayaman. Sakto lang ang ipinapadala nila Mom and Dad na pera sakin.

Nasa Italy sila, dahil doon sila nagtatrabaho eh. Hindi lang sila basta OFW, maganda ang trabaho nila doon. May kaya lang kami, yun lang. Saka nag-aaral pa rin kasi ang bunso kong kapatid which is si Haidee, grade 5 pa lang siya at doon siya sa Italy nag-aaral. Ba't ba ako napadpad dito sa Pilipinas? Well, pure filipino kami kaya nagpaiwan nalang ako dito saka madali kong nakakasalamuha ang mga tao dito eh. Si Haidee naman doon na talaga lumaki, alam niyo bang hindi pa kami nagkikita sa personal? Nakakalungkot talaga hays.

"Waaa! Salamat Harley, malaking tulong ito," masayang sabi niya at tumango nalang ako.

Maya maya ay bumaba na kami at pumasok sa school. Magkaiba kami ng building eh so maghihiwalay na kami. Mainam nga iyon para hindi na sila nagkikita ni Blade. Hindi naman sa ayaw kong magkita sila, kasi nga diba dahil sa sikreto namin ni Valeen.

Habang naglalakad sa corridor ay may narinig na naman akong umuungol. Tangina mukhang alam ko na kung sino 'to ah. Sumilip ako sa may pinto ng banyo at hindi na ako nagulat nang makita ko kung sino yung lalaking 'yon, at iba na naman ang kahalikan niyang babae. Yun namang babae sige lang, kalalandi.

Sa inis ko ay binilisan ko nalang maglakad ng makaakyat na ako sa classroom. Pagpasok ko ay naupo agad ako sa upuan ko. Wala pang tao dahil sobrang aga pa, tinignan ko ang relo ko at 5:45 am pa lang. Usually kasi ang datingan ng mga estudyante ay 6:30 or 7:00 kasi 8:00 pa naman ang klase.

"Talagang inagahan pa ang pagpasok, makalandi lang," inis kong bulong sa sarili ko.

"Good morning bruh."

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang may magsalita. Ba't ang aga rin niya? Sabay kaya sila? O baka naman lumalandi rin ang isang 'to.

"Ba't ang aga mo?"

"Dahil gwapo ako."

"Seryoso ako Spike."

"Hehe wala lang para tahimik 'pag pumasok ako pero nandito ka na pala. Ikaw ba't ang aga mo?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. May hawak siyang ice coffee at iniinom iyon, naiinggit naman ako.

Kinuha ko ang coffee niya at uminom ako doon, hindi naman siya nagreklamo. "Honestly, hindi ako nakatulog kagabi."

"Oh bakit?"

"Nagbasa ako eh."

"Adik na adik ka na sa libro try mo kaya maglaro ng mobile legends."

"Ayoko nga."

"Teka ba't ba ang sungit mo? Nakabusangot ka na naman."

"May nakita lang akong anac kanina."

"Anak?"

"Gaga, anaconda."

"Aya gumagapang ba?"

"Ay hindi lumilipad, papuntang langit."

"Hahaha hayaan mo siya. Tara canteen muna tayo."

Pumunta kami sa canteen. Tamang tama at nakaramdam ako ng gutom. Bumili ako ng favorite kong pancake at gano'n din siya. Umupo kami at kumain.

"Hoy!"

"Ano?"

"Si Carla oh," turo ko sa babaeng naglalakad papasok ng canteen. Gusto 'yon ni Spike eh, maganda siya at pangmodel. Hay, sana lahat maganda, charot hahaha.

"Oh ngayon?"

"Anong oh ngayon ka dyan? Diba gusto mo siya? Ba't ka di pa umamin?"

"Dati 'yon, 'di ko na siya gusto," sabi niya at kumagat ng pancake.

"Weh? Anong nangyari?"

"May boyfriend na siya, si Tom."

"Gago, 'wag ka nga."

"HAHAHA joke lang. Ewan basta ayaw ko na sakanya."

"Ang weird mo," sabi ko nalang at humigop sa coffee ko.

Muli kong naalala si Valeen. Since magkaibigan din naman sila, baka nag-uusap pa sila.

"Oy, nagkikita pa ba kayo ni Valeen?"

"Hindi na bakit?"

"Wala eh nag-uusap?"

"Hindi rin."

"Okay, may sasabihin ako."

Napag-isipan ko na ito kagabi. Mahihirapan ako kapag mag-isa ko lang na haharapin ang problemang ito. Kailangan ko ng karamay at makakaintindi sakin. Kailangan kong sabihin kay Spike 'yon dahil pamangkin niya ang anak ni Blade kaya may karapatan din siyang malaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Valeen.

"May sasabihin ako, pero ipangako mong satin lang dalawa 'to ah. Kahit kay Blade, w-wag mong sasabihin," napalunok ako at kinakabahan talaga ako.

"Promises are meant to be broken, bruh," sabi niya at bahagyang natawa. Nabato ko tuloy siya ng malaking tissue, leche talaga.

"Seryoso ako."

"Joke lang sige ano ba 'yon?"

"Diba wala na sila Blade at Valeen. Noong isang araw kinausap ako ni Valeen at sabi niya kaya siya nakipagbreak kay Blade ay dahil buntis siya."

"At si Blade ang ama?" Tanong niya at tumango ako.

"Oo pero ayaw niyang sabihin."

"Teka paano 'yon? May nangyari na ba sakanila?"

"Oo, nung birtday daw ni Blade."

"Ay shit kaya pala may nakita akong pulang likido doon sa kumot niya nung naglagay akong ng marurumi ko sa labahan eh."

"Hays, anong gagawin natin? Ayaw niya namang sabihin kay Blade."

"Bakit daw? Kailangang malaman 'to ni Blade aba. Anak niya iyon at kailangan niyang panagutan si Val."

"Yun na nga eh, ayaw sabihin ni Val kasi iniisip niyang tatalikuran ni Blade ang mga pangarap niya kapag nalaman niyang magiging tatay na siya. Alam mo naman 'yon, lahat gagawin para sa taong mahal niya."

Kaya nga nagagawa niya ng lumandi, makalimutan lang si Valeen tsk.

"Ay pu**! Ang hirap naman pala ng sitwasyon nila."

"Mas mahirap sakin. Pareho ko silang kaibigan at hindi ko alam kung sino sakanila ang uunahin kong tulungan."

"Tama ka, pero nandito naman ako eh tutulungan kita."

"Salamat bruh. Iniisip ko rin kasi yung baby, paano nalang siya diba? Lalaki siyang walang ama."

"Oo nga saka hindi mabubuhay ni Valeen ng maayos 'yon, working student lang siya at siguradong kulang ang perang kinikita niya para sa baby."

"Kaya nga kailangan natin siyang tulungan."

"Pero tayo naman yung maiipit sa sitwasyon nila. Paano kung mahuli tayo ni Blade?"

"Hindi 'yan ako bahala. Saka tama ka hayaan muna natin si Blade kung saan siya masaya," sabi ko at napayuko. Nakakalungkot naman. Doble kill agad ako ah. Buntis si Val at si Blade ang ama tapos lumalandi pa siya sa iba, bes ang sakit bes.

"Yeah we can do it."

Maya maya ay bumalik na kami sa room dahil 6:35 am na. Ang tagal naman ng oras, naiinip na tuloy ako. At dahil nga hindi ako natulog ng 24 hours, ay iiglip muna ako, may 1 hour pa naman eh. Dumukdok ako sa arm chair ko at pumikit. Kahit saglit lang para makalimutan ko muna ang mga problema ko.

Pero wala pang limang minuto ay ginising ako ng utak ko. Shit may assignment nga pala sa math at english kaya kailangan kong kumopya kay Spike.

"Hoy bruh pakopya pala sa assignment sa math at english," sabi ko habang nilalabas ang notebooks ko. Napangiti ako ng makita ang design ng notebook ko, si Harry Potter. Potterhead ako eh bakit ba.

"Sige akin na notebooks mo, isulat na kita." Kinuha niya ang dalawa kong notebook at nagsimula ng magsulat. Ang bait talaga ng lalaking 'to. Kaya naman ang swerte swerte ko dahil kaibigan ko silang dalawa. I really feel safe kapag kasama ko si Spike, tanggap niya kasi ang totoong ako. Si Blade kaya anong magiging reaksyon kapag nalaman niya...bakla ako?

Hays, nevermind. Dumukdok na uli ako at pumikit. Magic magic makakalimutan ko ang mga problema ko lalo na si Blade na malandi, de joke hahaha.

Pero hindi pa man uli ako napipikit ay may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Pare, mahal mo raw ako?" Sabi ng boses ng lalaki.

Hala...pa'no mo nasabi? De joke.

Si Blade...alam na ba niya?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro