Chapter 5
Chapter 5: Playboy
LUNES na naman at maaga akong gumising, syempre may pasok na uli, tapos na ang weekend hays. Kung hindi ko siguro agad narinig ang alarm clock ko ay malamang nalate ako. Minsan kasi tulog mantika ako lalo na't kapag may problema or pagod ako.
Kasalukuyan akong nandito sa vintage coffee shop dahil bumibili ako ng hot chocolate coffee at 2 pancake. Hindi na ako nagluto pa dahil ewan, tinatamad ako eh.
"Thank you sir!" Sabi ng cashier at kinuha ko na ang order ko. Since wala akong sasakyan at lagi naman akong nagjejeep, papara na naman ako. Punuan eh kainis.
Maya maya ay may humintong kotse sa harap ko. Sino pa? Ang knight and shining armor ko, si...Spike. Akala n'yo si Blade no? Hahaha.
"Sakay na dali!"
"Good morning ah."
"Hahaha good morning ganda."
"Tse!"
"Oh penge nga bibili sana ako eh buti bumili ka na," sabi niya at akmang kukunin ang coffee at pancakes ko.
"Hoy! Akin 'to bumili ka ng iyo!" Niyakap ko naman ang mga ito. Ang mahal kaya nito tapos kukunin niya lang? Asa!
"Sige na please 'di pa ako nag-uumagahan eh," nakapout niyang sabi. Edi ikaw na cute.
"K," sagot ko.
"Ayown! hahaha!"
Kinuha niya agad 'yong isang pancake at nginata na. Pareho sila ni Blade, ang lalakas kumain pero hindi nawawalan ng abs. How to be you?
"Ba't ngayon ka lang? Diba maaga kang pumapasok?" Tanong ko. Usually kasi pagdating ko sa classroom nandoon na siya at naglalaro ng online games.
"Nagpuyat ako sa mobile legends kagabi eh hehe," sabi niya at napakamot ng ulo. Jusme nagpupuyat siya para doon, imbis na magreview eh.
"Kung nagreview ka nalang sana edi nagkalaman pa utak mo."
"Sus basic lang sakin 'yon," at natawa pa siya no'n.
Teka, kung sabihin ko kaya sakanya yung tungkol kay Valeen? Ay 'wag na nga, madaldal pa naman siya baka kung ano pa mangyari eh mahirap na.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa school. Syempre nagpark na siya sa private parking nila, sosyal no may private parking. So nasa school na naman tayo, magpapalit na naman ako ng anyo. Pa-badboy look na ang peg ko ngayon. Ayon nga habang naglalakad kami ni pareng Spike ay may narinig kami mahinang ungol. Tangina may nag-aano shet.
"Shet bruh may nag-aano."
"Hala oo nga."
Nasa may malapit kami sa CR eh madadaanan kasi, sumilit kami at nakita namin sa loob ng girl's comfort room ay si Blade at may kahalikang babae. Napamura nalang ako, tangina bes, lumalandi na siya. Hindi ganito si Blade, matino 'yan kahit mukha 'yang badboy. Porket naghiwalay na sila ni Valeen lalandi na siya? Napakanice niya ah.
Susugod na sana ako para patigilin siya doon ng hilahin ako ni Spike. Kung alam lang ni Spike na mahal ko ang kambal niya eh hays. Gustong gusto kong umiyak pero ayokong isipin niya na nagseselos ako kaya naman pigil na pigil ang luha ko.
"Ba't mo ko pinigilan?!" Mahina kong sigaw nang makalayo layo na kami.
"Hayaan mo siya, buhay n'ya 'yon eh."
"Tsk," sa inis ko ay nauna na akong maglakad. Hanggang sa makarating ako ng room at maglunch na ay hindi ko siya pinapansin.
Nandito na ako ngayon sa library. Meron kasi kaming 2 hours vacant, so basa basa muna ng books. Pero walang pumapasok sa utak ko eh, paulit ulit na nagpeplay yung ginagawa ng lecheng Blade na 'yon sa utak ko. Hiwain ko ng Blade dila niya eh, joke.
Pero mas nakakainis pa rin yung hindi ako makapagfocus sa binabasa ko. "Wattpad sige wattpad."
Napalingon ako sa nagsalita, gulat pa more. Pero napairap nalang ako nang makita ko ang nilalang na iyon.
"Hoy!"
"Ay ayaw akong pansinin."
"Uyy bruh."
"Ba't ka ba nagagalit?"
"Heyu!"
"Isa."
I just gave him a cold look. Bumalik ako sa pagbaba at in-ignore lang siya.
"Sorry," malungkot niyang sabi.
Syempre marupok ako, lumambot naman agad ang puso ko. Nawala naman agad yung inis ko sakanya, wala eh, kaibigan ko eh. 'Yan tayo eh, kapag mahal natin, hindi natin magawang tiisin.
"K."
"Puro ka naman K eh."
"K."
"K pa more."
"Edi ok! Choosy mo."
"Yieee di na sya galit," pang-aasar niya at tinusok pa ako sa bewang, bwisit talaga.
"Pero seryoso, 'wag mo na munang guluhin si Blade. Matanda na 'yon, alam niya ang ginagawa niya. Tignan mo kapag nakamove on 'yon, wala na 'yon. Or baka naman natripan lang niya talaga kanina."
"Pero kahit na. Ikaw nga yung kapatid ikaw dapat yung unang nagpapagising sakanya eh. Kailangan niyang magising at maintindihan ang sitwasyon. Hindi porket brokenhearted eh kailangan ng magbago."
"That's love, love can change people," sabi niya at ngumiti ng pilit.
"Bakit parang okay lang sa'yo na maging playboy si Blade? Bruh mag-iiba siya 'pag nasanay 'yan. Hindi na siya yung bestfriend ko!"
Sa inis ko ay lumabas na ako ng library pero asusual sumunod din siya. Hays ang hirap hirap hirap naman kasi ng gan'to, yung gusto mong magsalita pero 'di mo magawa.
"Nagseselos ka ba?" Seryoso niyang tanong, nang humarap ako ay nakakunot siya ng noo.
"Hindi," matigas kong sabi.
Napangisi naman siya at napailing, "Eh bakit ka nagagalit?"
"Kaibigan ko si Blade at concern ako sakanya, yun lang 'yon."
"K."
Aba't natawa pa.
"Gaya gaya ng line."
"Pa'no mo nasabi?"
"Wala na finish na," sabi ko at pareho kaming natawa.
Bumalik na kami sa room dahil wala, eh boring dito sa labas eh. Nakita namin si Blade na nadoon na at nagcecellphone, nakataas pa ang paa sa armchair, siraulo talaga.
"Hoy ibaba mo nga 'yang paa mo!" Sigaw ko sakanya pagkapasok ko.
Hindi naman siya ganyan. Loko loko siyang tao pero 'di siyang bastos. Kinginang pag-ibig na 'yan.
"Oh sa'n kayo galing? Tara laro," sabi niya pagkatapos ibaba ang paa. Kapag magkakasama kami ay puro jamming lang ang ginagawa namin, madalang kaming maglaro. Nakakainis naman oh ba't pa kasi nangyari 'to.
"Sa library lang," sagot ni Spike.
"Usap tayo bro," sabi ko sakanya. Tumango naman siya at itinago ang phone sa pocket niya. Tinanguan ko nalang din si Spike, gets naman na siguro niya iyon.
Hindi lang kasi ako mapalagay. Ayokong tuluyan siyang magbago. Hindi ako papayag.
Pumunta kami sa garden sa likod ng school, malapit lang sa gym. Umupo ako sa wooden chair gaya niya.
"Bakit bro?"
"Ano ng nangyayari sayo?"
"Huh?"
"Nakita ka namin ni Spike kanina, may kahalikan ka sa CR."
Napaiwas siya ng tingin at napalunok. Dapat lang, matakot ka sakin. De joke.
"Ano 'yon?" Tanong ko at nagcross arms. Pinigilan ko ang sarili kong taasan siya ng kilay eh, nako gigil talaga ako eh.
"W-wala 'yon hehe."
"Huwag ka ngang gumagaya sa mga playboy dyan sa tabi-tabi. Porket wala na kayo gaganyan ka na? Wow ah."
"Hindi n-naman sa ganoon."
"Tsk hindi na ikaw yung bro ko."
"Look Harley, I'm trying to move on." Medyo nasaktan ako sa sinabi niya ah. Hindi kasi ako sanay na Harley ang tawag niya sakin.
"Pwes hindi ganyan ang pagmomove on."
"Anong hindi? I'm trying to forget her, slowly."
"Moving on is not forgetting the person you have loved. But accepting that you both are not destined. Moving on is not about changing, it's about being happy again."
Kaya nga hindi ako makamove on dahil hindi ko makayanang maging masaya. Pero siya, kayang kaya niya.
"Hindi ako nagbabago. Gusto ko lang munang kalimutan ang sakit kahit sandli."
"At idinadaan mo sa paglandi?"
"Sana ikaw yung nasa posisyon ko, para alam mo yung nararamdaman ko."
Pagkatapos noon ay naglakad na siya palayo.
"Ayoko lang naman na masanay ka sa ginagawa mo. Ayokong magbago yung Blade na bestfriend ko. Ayokong dahil lang sa pag-ibig, magbabago na yung ugali mo."
"Look, like what I've told you, I'm not gonna change. I just want to forget everything. I know what I want. Ako pa rin 'to si Blade, bro."
Tumalikod na siya at umalis. Naupo nalang ako sa upuan. Wala na, hindi ko na siya mapipigilan. Gusto niya 'yon eh, wala akong magagawa. Saka buhay niya yon at malaki na siya, alam na niya ang malit at tama. Sino ba naman ako para pigilan siya diba? Isa lang naman akong kaibigan niya at wala pa rin akong karapatang pigilan siya sa mga gusto niya.
Napaluha nalang ako. Bakit ba kasi nangyari 'to? Hindi ko alam kung kanino ako maiinis eh. Kung kay Blade ba na nagpakalasing nung birthday niya at nagkaanak na, o kay Valeen na alam na ngang mali nagpadala pa rin sa init. Pero mas nangingibabaw ang kay Valeen, una sa lahat dapat hindi siya nakipaghiwalay agad kay Blade at pangalawa dapat pinaalam niya kay Blade ang totoo.
Kung nahihirapan sila sa sitwasyon nila eh paano pa ako diba? Ako yung pinaka nahihirapan dito dahil pareho ko silang iniintindi. Pareho ko silang tinutulungan. Pareho ko silang kaibigan...
Hindi ko na alam kung sino uunahin ko eh, kung sila ba o ako. Kasi maski ako hindi ko na masyadong nararamdaman yung sakit, namamanhid na ako. Gusto ko na ulit maging masaya, gusto ko na ulit mabalik yung dating kami.
Unang araw pa nga lang ang hirap na, paano pa kaya sa mga susunod na araw at buwan diba?
Habang lumuluha ay nakita kong may panyo sa harap ko. Hindi ko alam kung kanino galing. Hindi ko na napansing may nagpatong doon noon sa lalim ng iniisip ko.
Pero isa lang ang alam kong may-ari nito...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro