Chapter 29
Chapter 29: Suprised
KAUSAP namin ngayon ang mga pulis dahil naimbestigahan na nila ang tungkol sa plane crash. Ang dahilan daw nito ay nawalan ng kontrol ang eroplano at hindi na nito napigilan ang pagbagsak. Sa dalampasigan pala sila bumagsak at mabuti nalang daw ay hindi sa dagat dahil mahihirapan silang hanapin ang katawan nila kung ganoon. Maaari rin silang malunodnat hindi makahinga kung sa dagat sila natuluyan.
Ayon sa interbyu kanina kila Blade at Valeen ay nang bumagsak ang eroplano ay sabay-sabay silang tumakbo palayo kahit masakit na ang katawan nila at hirap na hirap na. Gusto pa nga raw magpa-iwan ni Blade dahil sa sakit ng ulo niya ngunit buti nalang ay niligtas din siya ng kanilang pribadong piloto. Nakatakbo si Blade at naiwan ang pilotong si Arvin. Malayo na sila nang sumabog ng tuluyan ang eroplano at namatay si Arvin kasama ang isang flight attendant. Nakita rin ng mga pulis na nadaganan ng salamin ang flight attendant kaya ito hindi na nakalabas. Hinihinala rin nilang patay na ito bago pa man sumabog ang eroplano.
Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil nakaligtas silang tatlo kung hindi, siguro'y habang buhay kong sisisihin ang sarili ko sa nangyari.
"Kami na po ang bahalang mag-ayos ng problema doon sa eroplano sir," sabi ng isang pulis.
"Siguraduhin niyong hindi ito makakarating sa media," paalala ni Spike. Tumango lang ang dalawang pulis at lumabas na ng kuwarto.
"Sabi pala ng doktor, madidischarge na kayo mamaya," sabi ko habang nagbabalat ng mansanas.
"Talaga? Salamat naman," sabi naman ni Valeen habang pinapadede niya si Braydeen sa bote nito.
"Hay, ang saya talaga!" Masayang sabi ni Blade. "Masaya pala ang mawalan ng kagwapuhan hahaha!" Biro naman ni Spike.
"Gag*, masaya lang ako dahil okay na tayong lahat diba mahal?"
"Oo naman."
Napangiti nalang ako. Binigay ko kay Blade ang plato na may mansanasnat kinain naman niya agad iyon. Naupo muna kami sa sofa ni Spike. Sumandal ako sa balikat niya. "I'm tired baby ko..."
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya.
Halos gabi-gabi ay wala akong tulog, maski umaga ay binabantayan ko sila. Nirequest namin sa doktor na pag-isahin nalang ang kwarto nila Blade at Valeen para di na hassle na pabalik-balik pa.
"Doon muna kayo magstay sa bahay mamaya bro," sabi ni Spike kay Blade.
"Talaga? Wow maganda 'yan," sabi naman ni Blade at ngumisi.
"Ano ba Blade? Nakakahiya," malungkot na sabi ni Val at binigay muna sa akin si Braydeen dahil magCCR daw siya.
Ngayon ko lang napansin na sobrang cute din pala ni Braydeen. Maputi ito at matambok ang pisngi. Para siyang amerikano, kung sabagay ay half canadian naman sila ni Ivaine. Mas matanda lang siya ng isang taon kay Ivaine at para silang kambal kung tutuusin.
"Huwag ka ng mahiya mahal, akong bahala kay Mama," sabi ni Blade paglabas ni Val ng banyo.
Tumabi naman si Valeen sakanya at nahiga sa tabi niya. "Pero galit si Mama sakin..."
"Ako na ang bahalang kumausap kay Mama," sabi ko habang nilalaro si Braydeen. Hindi na ako nakatiis at kinurot ko siya sa pisngi pero hindi naman ganoon kadiin, hehe ang cute kasi.
"Uwaaaaaaaa!" Nanlaki ang mata ko nang umiyak siya, napatingin naman silang tatlo sa akin.
"Hala, anong ginawa mo kay Braydeen?" Tanong ni Blade.
"Hehe sorry nakurot ko, ang cute kasi," sabi ko at nagpeace sign. Natatawang napailing nalang silang dalawa.
"Hayaan mo sa susunod tayo naman magkakababy wahahaha!" Nahampas ko tuloy si Spike sa sinabi niya. Kahit talaga anong sabihin nitong mahal ko, kinikilig agad ako kainis.
Mula noong araw na iyon ay naging maayos ang lahat. Nagkabati-bati na kami at wala ng problema. Pansamantala silang tumira sa bahay namin dito sa Canada para sa patuloy na pagpapagaling ni Blade, mga isang linggo rin sila dito. Kinausap ko si Mama Cha tungkol sa mga nagawa sa akin ni Valeen, pinaliwanag ko sakanya ang lahat at naintindihan naman niya iyon.
Natanggap na rin niya si Val bilang daughter-in-law. Sa isang linggong iyon ay puro kasiyahan ang nangyari sa amin. Nagpawelcome party pa nga kami, naglaro ng games at nagkwentuhan. Ang sarap lang sa feeling na iyong akala ko hanggang pagkakaibigan nalang ang pwedeng mangyari kapag nagkaayos kami, iyon pala'y magiging isa rin kaming pamilya.
---⚜---
Three months later...
"SPIKE! Iyong iniihaw mo baka masunog!" Sigaw ko sakanya habang hawak-hawak ko si Ivaine.
Third birthday ni Braydeen ngayon at sa isang buwan naman ay second birthday ni Ivaine. Hindi na kami nagpaparty dahil mas gusto naming kami-kami lang ang magcecelebrate. Mas feel kasi namin kapag buong pamilya lang, wala ibang bisita.
Nandito kami ngayon sa Pilipinas nila Spike at Mama Cha. Last week pa kami umuwi dahil gusto kong tumulong sa pagdedecorate ng birthday ng pamangkin ko.
Nandito kaming lahat, sina ate Talie, kuya Albert, Mama Cha, si Trish, ate Ria, syempre sila Blade at Valeen. Kanina pa kasi nagkukwentuhan at nagtatawanan sila kuya Albert, Spike at Blade kaya pinaalalahanan ko siyang baka masunog iyong barbeque na iniihaw niya.
Hindi naman mainit ngayon at tama lang ang temperatura kaya't naisipan namin magpool party ng kami kami lang. Alas tres y medya na ng hapon at nandito muna kami sa may silong ni Ivaine.
Sila Valeen at ate Talie kasi ay hindi pa tapos magluto ng spaghetti. Si Mama Cha naman ay inaayos nalang ang binake niyang cake.
Nandito kaming tatlo nila ate Ria at Trish sa round table. Kumakain kami ng ice cream na vanilla flavor at syempre meron ding cheese at chocolate. Si Ivaine kasi ay natutulog sa bisig ko at mas lalo siyang nagiging cute kapag tulog, kaya naman todo pigil ako sa sarili ko na makurot ang mataba niyang pisngi hahaha.
"Hala muntik na!" Natatawang sabi ni Spike saka binaliktad ang barbeque niya. Napailing nalang ako sakanila.
"Ang sarap ng ice cream ate gurl!" Manghang sabi ni Trish, pangatlong cup na niya yata ng ice cream iyon at kanina pa sila sarap na sarap.
Katatapos lang kasi naming gumawa ng ice cream kaya nagpapahinga na kami. Sabi naman ni Mama Cha ay magpahinga nalang kami dahil kaya niya ng tapusin mag-isa iyong cake ni baby Braydeen.
Speaking of Braydeen, nakaupo siya sa high chair sa tabi ko at umiinom ng milk. Nakabihis na siya ang kamukhang-kamukha niya ang daddy niya, kapogi talaga. Ano ba 'yan, cute na pogi pa hahaha!
"Tapos na ang spaghetti, kamusta kayo diyan?" Masayang sabi ni ate Talie habang papalapit sa amin at may hawak-hawak na isang malaking plato ng spaghetti.
Mukhang hindi namin 'yon agad mauubos at siguradong may matitira pa para mamaya. "Tapos na rin ako no," sabi naman ni Mama Cha at natawa nalang si ate Tals.
"Mahal, tapos na ba kayo d'yan?" Tanong naman ni Valeen sa asawa niya. Napatingin sakanya si Blade, "Malapit na mahal konti nalang 'to," sagot naman ni Blade."
"How's my baby Ivs?" Kinuha na sa akin ni kuya Albert ang baby niya.
"Tulog na tulog si baby Ivs hahaha," sabi ko.
Maya maya lang ay natapos na rin sa pag-iihaw ang kambal at pumunta na sila sa table namin. Malaki naman ang table kaya't kasya kaming lahat.
"Okay na ang lahat. Let's sing a happy birthday na," sabi ko at nagtayuan na kami.
Ang cute lang ni Braydeen dahil humahagikhik ito habang nakaupo sa high chair niya. "Tama, halika na baby!" Kinuha ni Val si Braydeen mula sa upuan niya.
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you. Happy 3rd birthday baby Braydeen!" Sabay sabay naming kanta at sabi habang pumapalakpak.
Agad namang pinasabog nila Blade at Spike ang party poppers na mas lalong ikinatuwa ni Braydeen. Tawa ito ng tawa ng makita niya si Ivaine, ginising na kasi siya ni ate Tals. "Happy birthday baby," bati ni Blade sa anak niya.
Hays, dati ini-imagine ko lang na may baby kami ni Blade hahaha. Ngayon may baby na nga siya ngunit iyon naman ay sa taong mahal niya. Masaya ako ngayon, hays ilang beses ko na bang nasabi ang salitang masaya? Wala eh, gano'n talaga hahaha!
"Yieee three na si baby," sabi naman nila Trish at ate Ria at humalik sa pisngi ni Braydeen.
Lahat ng gifts namin ay nilagay na namin sa kuwarto niya. "Okay let's eat," sabi naman ni Spike at pinagkiskis pa ang mga palad niya na para bang gutom na gutom na.
Ang takaw talaga ng baby ko hahaha. "Wait, magpepray muna tayo," nakangiting sabi ni Mama at nagtanguan lang kami.
"Our handsome baby, we wish you a special happy birthday along with a hug and a kiss. We love you. We pray that you will know God more and more, and follow him each day of your life. We wish that you will learn to love his way as you grow. You're a big blessing to us. We wish you grow in a good way. More birthdays to come, Braydeen. To God, thank you for this day. Thank you for giving him another day and another year with us. Thank you for these foods infront us. In Jesus Name, amen."
Nagsimula na kaming kumain. Puro kwentuhan at tawanan lang ang ginawa namin. Hindi kami natuloy magswimming ngayong hapon dahil biglang tumirik ang init ng araw kaya't napagpasyahan naming magnight swimming nalang.
Alas singco na ngayon ng hapon at nandito ako sa veranda, kumukuha ng wine. Nandoon kasi kami sa sala at nag-iinuman. Iyong dalawang baby ay nasa kwarto ni Mama Cha kasama sila Trish at ate Ria, maglalaro nalang muna raw sila. Kami namang anim ay nandito at nag-uusap-usap.
Habang naghahanap ako ng masarap na wine ay bigla tumunog ang messenger ko. Nagchat si Valeen na sa balcony sa third floor nalang daw ako dumeretso dahil lumipat na raw sila doon, nag-okay naman ako.
Dala-dala ko ang dalawang alente wine habang papa-akyat ako. Bakit biglang tumahimik?
'Pag punta ko sa balcony ay nakasara ang kurtina sa labas pati ang pinto. Mukhang jinojoke time na naman ako ng mga ito ah. Binuksan ko ang balcony ngunit wala naman sila doon. Dahil wala naman ay ay lalabas nalang ako.
Pagkabukas ko ng pinto ay agad sumalubong sa akin si Trish at kinuha ang kamay ko habang nakangiti. "Oy saan tayo pupunta?" Nakakunot noong tanong ko ngunit hindi niya naman ako pinansin.
Dinala niya ako sa harap ng music room at tinulak sa loob. May iba pa bang party dahil ayos na ayos din itong music room eh. Wala namang ibang may birthday ngayon. Ano 'to? Tumalikod na ako at lalabas na sana ako nang may tumawag sa akin.
Paglingon ko ay si Blade. Nakangiti ito at may hawak na bulaklak. Lumapit siya at ibinigay ito sa akin.
What the...fvck is going on???
---
Shh: Next chap is the ending. Matatapos na siya kaya sana abangan ninyo ang huling kabanata, salamat! ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro