Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28


Chapter 28: Forgiven?

KASALUKUYAN akong nakaupo rito sa labas ng kuwarto nila Blade dito sa hospital, sa katabing kwarto lang ang kay Valeen. Si Spike naman ay nasa baba at kinakausap ang doktor.

Ginagamot pa kasi ng mga nurse ang mga natamo nilang sugat. Si Braydeen naman ay ayos na raw sabi ng doctor at nagpapagaling nalang sa incubator sa baby room.

Laking pasasalamat ko rin sa panginoon dahil ligtas silang mag-anak at hindi naging kritikal ang kalagayan nila. Kahit naman may may hindi kami pagkaka-unawaan ay hindi naman ako ganoon kasama para matuwa pang nangyari sakanila ito, besides, kasalanan ko rin naman at nais ko ring humingi ng tawad kapag nagising na sila.

Siguro'y dapat ko ng ihanda ang sarili ko, hahayaan ko na silang magpaliwanag sa akin. Gusto ko ring malaman ang lahat ng totoo para matapos na ang gulong 'to.

Lumabas na ang mga nurse at sinabing pwede na akong pumasok dahil nakabihis naman na ako ng hospital gown. Pumasok ako sa kuwarto ni Blade at may tubong nakalagay sa bibig niya at puno ng mga bulak ang katawan dahil sa sugat. Mayroon din siyang benda sa ulo na tingin ko'y pinalitan din dahil wala ng dugo rito.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa upuang nasa tabi niya. Hinaplos ko ang mukha niya at hinakawan ang kamay niya na may dextrose.

"Blade, gising na..." Pagkasabi ko noo'y tumulo ang mga butil ng luha ko.

Bumalik sa isipan ko ang mga alaala noong mga panahong nagkakasakit siya at inaalagaan ko pa. Iyong kapag lasing siya at tulog na tulog agad ay pupunasan ko na siya ng basang bimpo, papalitan ng damit at...at hahalikan sa pisngi.

"Miss na miss na kita bro, hahaha. Nakakatawa no? Iyong kahit galit ako sa'yo nagiging marupok pa rin ako. Wala eh, mahal kita, syempre bilang kaibigan nalang," saglit akong napahinto.

"Bakit ba kasi kayo sumunod? Bakit sinama niyo pa si Braydeen? Ang tanga ko. Ba't ko tatanungin eh kasalanan ko naman diba?"

Pinunasan ko ang ilong ko gamit ang panyo, ayan sinisipon na tuloy ako. Ang lamig-lamig kasi at wala pa akong tulog, limang oras na kami rito.

"Hahaha sana nakinig nalang ako. Pero alam mo kasi Blade masakit eh, hindi ko kasi inaasahang aabot sa ganito kalalang sitwasyon. Tumatak sa puso ko iyong kutsilyong hinagis ninyo sa akin, kaya ang hirap magpatawad. Oo kaibigan kita pero mas masakit dahil kaibigan ko ang mananakit sa akin. Salamat kay Spike kasi siya lang iyong taong nakaintindi sa akin. Ang swerte ko sa kakambal mo dahil minahal niya ako ng totoo, iyong pagmamahal na inaasam ko noon sa'yo. Hahaha pero okay lang, masaya na tayong pare-pareho kaya siguro hindi na kailangang ibalik ang nakaraan."

"H-Harley..." Napatingin ako sakanya nang magsalita siya. Tatayo na sana ako para tumawag sa telecom nang pigilan niya ako. "D-Dito ka m-muna..."

"Saglit lang Blade," sabi ko at tinatagan ang loob ko dahil ayokong umiyak sa harap niya.

"Huwag k-ka munang tumawag sa n-nurse, mag-usap muna t-tayo," matamlay niyang sabi habang nakahawak sa kamay ko.

Hindi ko na inalis at hinayaan ko nalang, sa ngayon ang kailangan ko ay ang magbaba ng pride. Ako na naman ang iintindi at magpaparaya.

"Makinig ka sakin ha? Lahat ng sasabibin ko ay totoo. Gusto kong malaman mo ang lahat, miss na miss na kita bro..."

"Sige lang, makikinig ako."

"Kagabi, noong umalis kayo ay sumunod kami sa inyo. Pinilit ako ni Valeen, maski siya'y nagsisisi sa lahat. Alam ko na ang totoo, na tinraydor ka niya at naintindihan ko ang paliwanag niya, si Mich ang may kasalanan. G-Gusto ko na kasing magka-ayos tayo Harley, ang hirap kapag nagkikita tayo at nagkaka-ilangan," saglit siyang huminto para punasan ang mga mata niyang nagluluha na.

"Sorry Harley, sorry for hurting you. Oo, sinadya kong saktan ka dahil gaya ni Valeen ay nabigla ako sa lahat ng nalaman ko. Ang tanga-tanga ko dahil hindi muna ako nakinig sa side mo, ni hindi ko man lang naisip lahat ng pinagsamahan natin dahil sa sobrang g-galit ko. Salamat ah, salamat dahil pinatira at pinakain mo ang asawa ko noon. Salamat dahil inalagaan mo siya at ang anak namin, hindi mo siya pinabayaan. Alam ko ng ayaw niyang malaman kong may anak kami dahil iniisip niyang kagagalitan ko siya which is, never mangyayari. Salamat sa pag-aalaga sa akin tuwing may sakit ako. Hindi ka nagsawang gabayan at suportahan ako bilang kaibigan mo, kahit deep inside n-nasasaktan ka na ng dahil sa akin..."

"Pero...bakit sobrang nagalit ka n-noong nalaman mong bakla ako? Ganoon ba kababa ang tingin mo s-sa mga bakla?"

Bumuntong hininga siya bago nagsalita at tumingin sa kisame. "Noong bata pa kami ni Spike, may kaibigan si Daddy na bakla. Close din sila ni Mommy dahil magkaibigan na rin sila. Gaya natin, best friends sila at alam ni Dad na bakla iyong kaibigan niya. Napakabait ni Dad dahil wala siyang pinipiling kaibigan, basta't mabuting tao, kahit ano pang sekswalidad mo ay tatanggapin ka niya agad. Siya si Ross, kilala ko na siya dahil madalas siyang pumunta sa bahay. Minsan ay dinadalhan niya ako ng mga toy cars at ako naman 'tong tuwang-tuwa sa mga pasalubong niya."

He clenched his fist and he closed his eyes. "Hanggang sa isang araw, napapansin kong parang dikit na ng dikit si Ross kay Dad, parang nilalandi niya ito. Napapadalas na rin ang pag-aaway nila ni Mommy dahil napapansin niya na rin iyon. Hanggang sa nahuli ni mom na hinalikan ni Ross si Dad sa may parking lot sa company, sa sobrang galit ni Mom ay nagfile agad siya ng annulment. Sinubukan siyang suyuin ni Dad, kahit alam kong walang kasalanan si Dad ay napilitan siyang umalis dahil iyon ang gusto ni Mommy. Hindi na nagkita sila Ross at Dad mula noon, hindi na rin namin siya nakasama. Ayokong malaman iyon ni Spike dahil hindi naman na importante, at baka pati siya ay maguluhan at mag-iba ang tingin sa'yo. Sobrang galit ko kay Ross dahil sa ginawa niya ay nasira ang masaya naming pamilya, kaya naman mula noon ay malaki na ang galit ko sa mga bakla. Gusto ko siyang pagbabarilin at ilibing ng buhay, gusto ko siyang saktan at pahirapan pero wala akong nagawa, dahil bata lang ako noon."

Tipid ngunit malungkot siyang tumingin sa akin.

"Pati ikaw, nahalintulad ko sakanila. Pero iba ka bro, mabuti kang tao at hindi gaya ng ibang bakla. Naiintindihan ko na, hindi na ako muling magpapakatanga. Humihingi a-ako ng pasensya, Harley..."

Pareho na kami ngayong umiiyak. Napakasakit naman pala ng pinagdaanan niya. Oo, talagang karamihan sa mga bakla ay ganoon, hindi maganda ang ugali at nilulubos na ang pagkababae nila. Pero ako, kahit may kasintahan akong lalaki gaya ko ay alam ko pa rin ang limitasyon ko.

Hindi nila ako kagaya, iba ako sakanila. I am one of a kind, I deserve to be loved.

Mali kaming pareho, hindi kami nagka-unawaan dahil pareho kaming may tinatago sa isa't-isa. Nakakatawa lang dahil bestfriends kami pero hindi pa namin lubos kilala ang isa't isa.

Nakakatanga, nakakap***. Dahil lang sa mga sikreto at hindi pagkakaunawaan ay nasira ang matagal na pagkakaibigan.

Kung sana noong una palang ay lubos na naming kinilala ang isa't isa. Ganoon kasi kapag sa mga lalaki diba, nagkakahiyaang kilalanin ang isa't isa, iisipin ng isa "uy bakla ka ba".

Sabi kasi nila sa mga babae lang normal at magtanungan ng mga paborito at hilig. Sayang ang mga panahong may chance pa para makapag-usap sa mga kaniya-kaniya naming buhay. Edi sana walang problema, edi sana nagkakaintindihan kami, edi sana hanggang ngayon ay buo pa rin kami.

"Sana noon palang sinabi mo na sa akin..."

"Edi iniwasan mo ako dahil for sure iisipin mong kamumuhian kita kapag nalaman kong ganiyan ka."

"Atleast hindi mangyayari 'to..."

"Pero Harley, sorry k-kung hindi ko magawang suklian ang pagma-"

"Shh, okay na. Wala na 'yon Blade, kalimutan na natin iyon. Saka masaya na ako kay Spike, siguro siya talaga ang nakatadhana sa akin."

"Alam mo bilib din ako sa lalaking 'yon eh, 'di ko akalaing mamahalin ka niya. Kung sabagay, nakakainlove ka naman kasi talaga hahaha!"

"Shut up, may mga sugat na nga nambobola pa. Baliw ka talaga!"

"Seryoso ako," sabi niya at seryosong ngumiti at ngumiti rin naman ako pabalik.

"Masyado mo naman akong idol bro," napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Spike.

May dala itong pagkain at nilapag niya sa lamesa. Nagbro fist sila ni Blade na ikinangiti ko naman. Sana lahat ng magkapatid ganito hahaha.

"Musta bro?"

"Okay lang, gwapo pa rin," natatawang sabi ni Blade.

"Sus may mga sugat ka sa mukha kaya mas lamang na ako sa'yo bwahahahaha!"

"Gagaling din 'to, wait ka lang."

"Hahaha teka, mukhang ang laki ng ngiti mo ah. Okay na kayo?" Tanong niya at napatingin sa amin dalawa.

Tumango naman ako, "Nakapag-usap na kami baby ko," sagot ko sakanya.

"Wow ah baby ko pala ah hahaha!"

"'Wag ka nga Blade, do'n ka sa asawa mo hahaha!"

"So ano Harley? Okay na ba tayo? P-Pinapatawad mo na ba ako?" Tanong ni Blade at kala mo batang nakangiti habang naghihintay ng meryenda.

"Hmm-"

"Harley!" Muli akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Valeen.

Nakawheel chair siya at hawak-hawak si Braydeen. Napasandal naman agad si Blade para makita ang asawa't anak niya.

"Harley, mag-eex-"

"Okay na Val."

Nanlaki ang mata niya at malapad na napangiti. "S-So?"

"Forgiven."

Sabay na tumulo ang luha naming dalawa at lumuhod ako para yakapin sila ni baby Braydeen. Napatingin naman ako kay Blade at Spike, lahat kami ngayon ay mga naka-tears of joy.

Hays, ang luwag at ang sarap sa pakiramdam. Iyong wala ka ng galit sa mga kaibigan mo o sa taong mahalaga para sa'yo.

Sabi nga ni Leo Nikolaevich Tolstoy, "Let us forgive each other - only then will we live in peace."

Para sa ikasasaya at ikaayos ng lahat, matuto tayong magpatawad. Sa araw na ito ay may natutunan ako, weak can never forgive. Because only a strong person can forgive. Hindi ko na kailangang magrevenge dahil simula't sapul ay alam kong may pagmamahal sa puso ko para sakanila, kahit ito'y nasa kailalim-laliman ng puso ko.

"Forgiveness does not change the past but it does enlarge the future," sabi naman ni Paul Lewis Boese.

Tama iyon, habangbuhay na magiging masikip ang puso natin at hindi tayo matututong magbaba ng pride kung puro galit ang iniisip natin. Kahit gaano kalaki ang kasalanan sa iyo ng isang tao, patawarin mo. Kasi para sa akin ay iyon lang ang tanging paraan para magkaroon ng kapayapaan sa atin puso't isipan.

We learn to say sorry and we forgive, because friends are no matter what you are.




---
Shh: Hi, thank you for your good comments. I accept constructive criticism po, you're free to tell me what you feel in this story ;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro