Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27


Chapter 27: Unexpected

"SIR, be ready po, malapit ng magland ang plane," paalala ng flight attendant sa amin at tumango lang kami ni Spike.

Kanina pa ako nagmumukmok dito at kanina pa rin maga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Humarap sa akin si Spike at pinunasan ang pisngi ko dahil halata ang bakat ng mga luha doon. "Inhale, exhale." Sinunod ko ang sinabi niya pero masikip pa rin talaga ang dibdib ko. Maski siya ay galit na galit din kanina pero buti nalang ay napakalma na niya ang sarili niya ngayon.

"Everything will be okay, baby ko."

"I hope so. Can you beat me up?"

"Why?"

"I want to have an amnesia, event just for a while..."

"Don't say that, you'll also forget me."

"Oo nga hahaha sorry."

Makalipas ang sampung minuto ay tuluyan ng naglanding ang eroplano. Pagbaba namin ay naghintay muna kami sa loob ng airport dahil papunta na raw sila Mama Cha para sunduin kami.

"Matamlay ka baby ko. May masakit ba sa'yo? May gusto ka bang kainin o ipabili bago tayo umuwi?" Tanong ni Spike sa akin. Tumingin ako sakanya at umiling. Wala ako sa mood ngayon.

"W-Wala akong gusto."

"Hays, magpahinga nalang tayo pagdating sa bahay. Huwag mo na kasi isipin 'yon, nandito lang ako."

"Salamat..."

Maya maya lang ay dumating na rin sila Mama Cha. Agad siyang bumaba ng sasakyan para yakapin kami at kamustahin.

"Bakit ang bilis niyo naman? Bukas pa ang uwi ninyo diba?"

"Ahmm maaga po kasing natapos i-iyong party kaya umuwi na kami agad."

"Ay gano'n ba, hindi ko man lang nakita si Blade at ang apo ko," malungkot na sabi niya at napailing.

"Sakay na po tayo Mama."

Habang nasa kalagitnaan kami ng sasakyan ay nagsalita si Spike. "Ma, I want to ban Blade in the company."

Pareho kaming napatingin ni Mama sakanya. "Bakit?" Sabay din naming tanong.

"It's just, I don't want to hurt my love again," sabi niya at tipid na ngumiti sa akin.

Napangiti rin naman ako, "H-Hindi mo naman kailangang gawin y-yon."

"But I don't want him neither to see your or touch you. It won't happen again."

"Okay, if that's what you want."

"Pero Spike, kapatid mo iyon. At saka si Valeentina lang naman ang nakaban saka iyong tsanak niya," natatawang sabi ni Mama Cha habang kumakain ng pringles.

"Ma!" Sigaw naman ni Blade at nag-up here naman kami ni Mama.

"Joke lang 'to naman."

Gaya ng dati ay mabilis lang din kaming nakauwi. Dahil 11:32 am na rito ay lunch na at gutom na kaming lahat. Saka sabi rin ni Mama Cha ay gusto niyang magluto dahil nabobored siya. Gusto ko ring malibang kahit saglit kaya naisipan kong tumulong nalang sa pagluluto.

Nandito na kami ngayon sa kusina at kabibihis ko lang. Si Mama Cha hindi na nag-abala pang magbihis dahil naeexcite na raw siyang magluto ng paborito naming pork steak.

"Mama, ako na po maghihiwa ng mga sibuyas, baka maiyak ka eh hahaha," biro ko at kumuha ng kutsilyo.

"Oh sige, pero habang nagluluto ay magkwentuhan muna tayo," sabi naman niya habang sinasalang ang baboy para pakuluan.

"Sige lang Mama," sagot ko naman habang binabalatan ang sibuyas.

Minsan naiisip ko, ang love ay parang sibuyas. Wala pang nangyayari, umiiyak ka na. Wala naman siyang ginagawa sa'yo, lumuluha ka na.

"Anong nangyari kagabi? Naging maayos ba ang party?"

"Maayos naman ang party mama, pero hindi na po ako magsisinungaling sa'yo. May nangyari p-pong hindi maganda kagabi."

"What? What happened?" Kunot noong tanong niya at seryosong tumingin sa akin. Huminto naman ako sa paghihiwa, "Valeen told me the truth, everything was a lie. Now she's asking for forgiveness. Kaya napaaga ang uwi namin dahil sa akin, Ma. Ayokong gumawa ng gulo doon kaya nagyaya na akong umalis," sabi ko habang nakayuko.

"Lie?"

"Yes, Ma. Sabi niya'y nadala lang siya ng galit at nilamon siya ng emosyon niya kaya niya nagawa iyon. Binlack mail siya ni Mich na sasabihin niya kay Blade na ayaw niyang ipaalam dito na may anak sila. Natatakot siyang malaman ni Blade iyon dahil ilalayo nito ang anak nila sakanya kapag naipanganak na niya."

"Wait, is she stupid?" Sarkastikong tanong ni Mama Cha.

"I think so, but why Ma?"

"Blade can't do that, I know how deep his love for her."

"I told that to her Ma."

"Don't mind her, either a lie or truth, it was already done."

"Yes, and I need to be strong."

"You're right Harley!"

Pagkatapos naming magluto ay naghanda na kami ng pagkain. Tinawag ko na si Spike sa sala dahil kakain na. Ngayon nga'y nakaupo na kami at tahimik na kumakain.

Habang kumakain ay nakaramdam ako ng uhaw pero tubig ang gusto kong inumin, juice kasi ang nakalabas. Binaba ko ang kutsara at tinidor ko sa plato ngunit nang pagtayo ko ay hindi ko sinasadyang masagi ito ang ito'y nalaglag, kaya naman agad kong pinulot at nilagay sa lababo.

"May bisita hahaha," sabi ni Spike habang hinihugasan ko ang mga ito.

"Baka new partnership na naman sa company 'yan," sabi naman ni Mama.

Kumuha na ako ng tubig at bumalik sa pagkain. Nagkwentuhan lang kami at gaya ng nakagawian, pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Si Spike ay binuksan agad ang laptop niya para tignan ang mails.

Ako naman ay walang gagawin kaya nag-scroll muna ako sa twitter. Habang nag-i-scroll ay may nakita akong tweet na quote.

"Say what you really feel before it's too late."

Iyan ang tweet. Kailangan ko pa bang sabihin ang nararamdaman ko kahit alam ko namang kahit sabihin ko'y wala ring magbabago? That's a no no no no no.

Nag-scroll uli ako at this time isa na namang quote, sa tingin ko.

"As a friend, I promise you that I'll always listen to whatever you have to say"

Pero hindi iyon ang ginawa mo. Hindi ka nakinig sa akin Blade. Hindi mo man lang pinakinggan ang puso ko kung ano ang sinasabi nito. Masyado kang naging makasarili. Palibhasa mataas ang standard mo at hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo. Maski kaibigan mo, nagawa mong saktan dahil lang sa isang maling bagay na pwede namang itama.

Pinatay ko na ang phone ko nang matapos si Spike sa ginagawa niya. "Tulog na tayo baby ko," sabi niya habang naghihikab.

"Sige, inaantok na rin ako eh."

Nahiga na kami. Nakatalikod ako habang nakayakap naman siya sa akin. Mahimbing ang tulog ko at ang sarap talaga matulog sa gabi lalo na't malamig.

Ilang oras ang lumipas at siguro'y nasa ala una na ng madaling araw nang marinig kong tumutunog ang phone ni Spike. Nakapatong kasi iyon sa side table sa tabi ko. Nakayakap pa rin siya sa akin kaya't tinapik ko siya sa kamay para magising siya at mabilis naman siyang nagising.

"May tumatawag sa'yo baby ko," sabi ko sakanya sabay abot ng phone niya.

Hindi niya pa maimulat ang mga mata niya sa antok nang sagutin niya ang tawag. "Hello, who's this?"

"What? Where? Okay okay thanks."

Pagkatapos ay binaba niya na agad ang tawag. Napatingin siya sa akin at napalunok. "S-Sila Blade..."

"Ha? Ano?"

"Tumawag iyong nurse ng hospital na pinagdalhan sakanila, na-aksidente sila sa plane crash."

"What?"

Unang pumasok sa isip ko ay iyong pauwi na kami ng Pilipinas at malakas ang hangin. Parang, parang nadelay pa na dapat ay doon magpeplane crash. Diyos ko, bakit sila pa?

Agad kaming kumilos at mabilis na nagbihis. Hindi na muna namin ginising si Mama Cha dahil baka mahigh blood siya kapag nalaman niya ang nangyari. Pagkasakay namin sa kotse ay tahimik lang kaming pareho. Mabilis ang pagpapatakbo ni Spike at parang pati utak ko ay literal na lumilipad. Isang tao ang una kong naisip nang malaman ko iyon, si Braydeen.

Diyos ko, wala naman po sanang nangyari masama sa kanila. Sanggol pa lamang si Braydeen at wala pang kamuwang-muwang iyon sa mundo, sana nama'y ayos lang siya. Bakit sila nagkaplane crash? Hindi kaya...hindi kaya sumunod sila sa amin? Pero bakit naman? Ganoon nalang ba sila kadesperadong humingi ng tawad at magpaliwanag sa akin?

Kung ganoon, bigla naman akong naguilty. Kasalanan ko kung bakit sila nasa hospital ngayon. Kung siguro nakinig ako sa mga eskplanasyon nila, hindi mangyayari 'to. Kung sana hindi agad ako nagyayang umalis ay wala kami ngayon sa ilalim ng buwan at mabilis na nakikipagpaligsahan sa mga sasakyan sa madilim na daan.

Sana maayos na sila. Naramdaman ko ang mainit na likido na tumulo sa pisngi ko. Hindi dapat ako nagiging mahina ngayon. Kailangan kong maging matatag...

Pagkarating namin sa hospital ay agad naming tinanong sa nurse kung nasaan sila Blade at sinabi naman agad nito ang number ng kuwarto nila.

Una kong nakita si baby Braydeen, nasa incubator ito ay may mga natamong sugat. Dahil sa nakita ko ay mas lalong tumulo ang mga luha ko. Ayokong ayoko pa namang nakakakita ng sanggol o batang nahihirapan o nasasaktan. Para sa akin ay isang malaki at mahalagang blessing ang isang bata kaya naman sobrang naiinis ako sa sarili ko dahil kasalanan ko ang lahat ng ito. Mukhang mas lalo pa yatang magkakagulo.

Hinawakan ko ang kamay niya at mainit ito. Habang pinagmamasdan ko si Braydeen ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Blade.

"Harley, bakit ka nandito? Ako dapat ang p-pupunta sa inyo eh..." Matamlay na sabi niya.

Napalingon ako sakanya at may mga sugat din siya. May bulak siya sa noo at siguro'y malaking sugat iyon. Si Valeen naman ay wala pang malay at sugatan din. Kusa ng gumalaw ang katawan ko at tumakbo ako papunta sakanya.

Para ako pa 'yong mas nasasaktan nang yakapin ko siya.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro