Chapter 25
Chapter 25: Welcome to Philippines!
ALAS dos na ngayon ng umaga nang gisingin ako ni Spike. Nasabi niya kasi sa akin kagabi na sasabay na kami kila Blade pauwi ng Pilipinas para raw isang biyahe nalang. Noong una'y hindi ako pumayag pero wala na rin akong nagawa. Naisip kong mas magiging hassle kung sa mismong party kami uuwi, madalian pa. Mabilis lang akong nag-empake kagabi. Kaunting damit lang ang dinala namin ni Spike dahil tatlong araw lang naman kami doon. Ayaw ko sanang pumunta uli sa mansion nila doon dahil pakiramdam ko ay magkaka-allergy ako sakanila, oa na kung oa pero iyon ang nararamdaman ko.
Nasabi rin sa akin ni Spike na nagpagawa na pala ng sarili nilang bahay si ate Talie at ng asawa nito. Last last month lang sila ikinasal dahil noong una ay na-postphoned ang kasal nila dahil nabuntis si ate Talie. Akalain mo nga naman, mahuhulog siya sa taong hindi niya naman kilala. Noong una'y ayaw niyang pumayag sa arranged marriage nila pero nang magkakilala silang dalawa ay nagka-ayos na rin sila. Siguro magmula noon ay nahulog si ate Talie kay kuya Albert kaya isang buong pamilya na sila ngayon.
"Bakit ka nakangiti d'yan baby ko?" Natatawang tanong ni Spike habang naka-akbay sa akin.
Nandito na kami ngayon sa private plane nila Blade. Tahimik lang kami at walang kibuan. Hindi ko nalang iniisip na magkakasama kami ngayon dahil kung hindi'y kanina pa akong hindi nakahinga rito. Nakasuot ako ng headset at ang kapares niyon ay nakay Spike. Kanina pa kami nagsasoundtrip dahil hindi naman kami inaantok.
"Na-eexcite lang ako makita si Ivaine," sagot ko habang ngumunguya ng kinakain kong sandwich. Si Ivaine ang cute na cute na one year old baby girl ni ate Tals. Dalawang beses ko na siyang nameet tuwing nagpupunta doon sa Canada sila ate Tals.
"Iyon lang pala, pipisilin mo na naman ang pisngi ni baby Ivaine hahaha!"
"Hindi kaya, ang cute kasi eh."
"Sus nandito naman kasi ako, pwede mong kurutin kahit saan mo gusto."
"Shut up!" Bigla akong namula sa sinabi niyang iyon at ngumisi pa siya.
Nakakainis talaga ang lalaking 'to, alam na alam kung papaano ako iinisin. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko 'yan. Kahit maloko siya ay napapasaya niya ako. Sakanya ko lang kasi naranasan ang ganito, iyong nakikita ang value ko bilang isang tao. Hindi iyong gaya ng iba, hindi naman kasi lahat ng bakla ay tanga.
Sabi nila "Ang lalaking gipit, sa bakla kumakapit." Oo, kadalasan ganoon ang nangyayari. Karamihan kasi sa mga katulad ay sobrang magmahal kaya ayon nasasaktan. Pero ibahin mo kami ni Spike, matatag ang relasyon namin dahil may commitment kami sa isa't isa. Ang swerte ko lang dahil siya ang lalaking nakatuluyan ko at minahal ng puso ko, bonus na dahil magbestfriend kami dati kaya heto na kami ngayon.
"Fvck!"
Nagulat ako nang malakas na umuga ang eroplano. Agad na kumabog ang dibdib ko at tila nagpanic ang kaluluwa ko. Shit huwag naman po sanang magcrash iyong plane, mahal ko pa ang buhay namin.
"Shh 'wag kayong magpanic!" Narinig kong sigaw ni Blade.
Sumilip ako sa binta at nakikita ko ang paggalaw ng mga ulap, tila ito nagpupumilit lumaban sa malakas na ihip ng hangin.
"A-Anong nangyayari? May problema ba ang eroplano?" Natatarantang tanong ko habang nakakapit sa kaliwang braso ni Spike habang ang kanang braso naman niya ay nakayakap sa akin.
Napatingin ako kay Braydeen dahil lumalakas na ang iyak nito. Lumabas ang isang flight attendant at lumapit sa amin.
"What the fvck is going on?" Inis na sigaw ni Blade sa babae.
"Sorry sir, lumakas lang po iyong hangin dahil may paparating daw pong bagyo pero okay naman na po wala pong magaganap na plane crash," mahinang sabi niya at para bang takot na takot kay Blade.
Maya maya nga'y naramdaman naming unti-unti ng umaayos ang lipad ng eroplano. Napa-buntong-hininga nalang kami. Ako naman ay napailing nalang dahil hindi mangyayari ito kung hindi pa sila umuwi. Masyado kasi silang excited, tsk.
"Shh tahan na baby," pagpapatahan ni Valeen sa anak niya. Paanong tatahan 'yon eh maski siya'y mahimatay-himatay kanina.
"Leche naman may bagyo pala rito sa Pilipinas," mahina ngunit inis na sabi ko habang nakaharap sa bintana.
"Sinisisi mo ba kami?" Madiing tanong ni Blade at lumapit sa amin ni Spike.
"No/Oo," sabay na sagot namin ni Spike kaya't napatingin siya sa akin. Akala naman ng Blade na 'yan ay matatakot niya ako.
"Then why? Kasalanan ba naming bumagyo?"
"Hindi, pero dahil sa katangahan niyong dalawa nadamay pa kami ng asawa ko, muntik ng may mangyaring masama," walang emosyong sabi ko sakanya at bigla namang umamo ang mukha niya.
"Sorry-"
"Whatever."
"Harley, pasen-"
"Shut up bitch."
"Harley, you're too much!" Sigaw ni Blade nang marinig niyang tinawag kong bitch ang asawa niya. Bakit, totoo naman diba? Tsk.
Tumayo ako at agad na yumakap sa harap ko si Spike upang pigilan ako. Ito naman Valeen naluluha na, best actress talaga ang bruha. Pasorry-sorry pa 'tong si Blade eh mga plastic naman sila.
"Bago mo sabihing too much ako, isipin mo muna kung sino ang mas too much sa'ting dalawa."
"Blade, hayaan mo na, okay lang," paawa effect pa sige kairita ka.
Bumalik na ako sa upuan ko at kinuha ang headset at phone ko para magpatugtog. Nakita ko namang bumuntong hininga nalang si Spike at umupo na rin sa tabi ko.
"Baby ko, 'wag mo na silang isipin," sabi niya at hinalikan ang noo ko, tumango nalang ako.
MAKALIPAS ang ilang oras ay naramdaman kong parang kusang gumagalaw ang buo kong katawan. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nadatnan kong buhat-buhat pala ako ni Spike at naglalakad na kami palabas ng airport.
"Baby ko, baba mo na ako," nahihiyang sabi ko kaya't napatingin siya sa akin.
"Ayaw ko nga," sabi niya at ngumisi. Napapout tuloy ako at sumiksik sa dibdib niya. "Please?" Pamimilit ko at nagpuppy eyes pa ako.
Gosh nakakahiya kayang magpacute kahit sa harap ng taong mahal mo. Kahihiyan 'tong ginagawa ko huhuhu. "Hahaha sige na nga, napasarap ata tulog mo eh," sabi niya saka ako binaba.
Napalingon ako sa paligid at sobra kong namiss ang Pilipinas. Mula noon ay ngayon nalang uli ako nakalapag dito sa bansang sinilangan at ang daming alaala ang bumalik sa utak ko. Mga alaalang ayoko ng maalala at balikan pa, ngunit wala akong magagawa, nandito na eh.
"Sakay na," malamig na sabi ni Blade kaya't napatingin ako sakanya. Nandito na pala ang van na susundo sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si ate Ria. Ang isa sa mga kasambahay nila Spike sa mansion nila, malapit din kami sa isa't isa dahil madalas siyang nagkukwento sa akin dati ng...ng mga hilig ni Blade.
"Himala ang nakauwi ka rito sa Pilipinas Harley! Grabe ilang taon lang nawala mas lalo kang gumanda teh!" Manghang sabi niya at saka ako niyakap. Niyakap ko rin at ng mahigpit habang natatawa. "Ikaw naman ate Ria nambola pa," sabi ko at ngumiti. Alam niya kasi na ganito ako dati pa.
Sumakay na kami sa van. Tahimik lang kami at asusual ay walang kibuan. Tatlong oras lamang ang binyahe namin at nakarating na rin kami agad sa mansion. Katutulog ko lang pero inaantok na naman ako, dala na rin ng jetlag. Agad kaming dinala ni ate Ria sa kwarto ni Spike.
Pagpasok ko at namangha ako sa ayos nila. Ito pa rin naman 'yon, walang nagbago at amoy na amoy pa rin ang paboritong pabango ni Spike. Mas lalo itong luminis at mukhang bagong kwarto palang.
"Okay lang ba Harley? Kalilinis ko lang niyan kanina eh," nakangiting sabi ni ate Ria sa likuran ko.
"You never failed to amaze me ate Ria," sagot ko nang humarap ako sakanya.
"Oo nga ate Ria, ang ganda ng kwarto ko. Hindi mo mahahalatang walang nagbago dahil sa sobrang linis at bango. Masarap tuloy mag-"
"Bunganga mo Spike," sabi ko dahil sa mga ngisian palang niya na 'yan ay alam ko ng may sasabihin na naman siyang kalokohan
"Ahm teka, bakit parang may something, kayo ba?" Tanong niya at napatakip pa ng bibig.
Nagulat ako nang kabigin ako ni Spike at halikan sa labi sa harap ni ate Ria. Agad nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakagalaw agad. Tila naparalized ako dahil sa halik niya. Nang bumitaw siya ay ngumisi pa siya sa akin at tinignan ako na parang nakascore-ako-baby-look. Waaaaaaaaaaa nakakahiya!
"Omaygash...ahhhhhhhh!" Sigaw ni ate Ria habang nakatakip sa bibig niya na para bang pinipigilan niyang tumili ng sobrang lakas. Lumabas din agad siya sa kwarto ni Spike, napanganga nalang ako.
"Why did you do that?!"
"Bleh! Isa pa baby ko," sabi niya at ngumuso. Dahil sa pamumula ay nawala ang antok ko kaya't mas pinili ko nalang na maligo na dahil nangangati na rin ako, 'di naman sana ako nahawa ng kati kay Valeen, hahaha joke.
MABILIS na lumipas ang twenty-four hours at ngayong araw na nga ang party. Nakabihis na kami ni Spike. Wala akong gana ngayon at parang lalagnatin ako. Nasanay lang siguro akong laging malamig, mainit kasi rito sa Pilipinas lalo na't May ngayon at summer. Sampung minuto nalang ay malapit na kami sa venue. Ang 15th anniversary ng kompanya ngayon at ito ay gaganapin sa Acuatico Beach Resort & Hotel inc dito sa batangas.
"Are you nervous?" Tanong ni Spike sa akin habang magka-interwined ang kamay namin, tumango naman ako.
"Ngayon nalang ako uli makakadalo ng anniversary ng kompanya, hindi ko alam ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako at kapag nalaman nilang-"
"Shh, don't worry okay? You're safe with me. Akong bahala baby," sabi niya habang nakalagay ang thumb niya sa lips ko at kumindat pa.
I won't let anyone ruin my night, I need to be fierce tonight then I'll be the highlight. So Valeen, you better bring a flashlight.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro