Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24


Chapter 24: Meeting

SYEMPRE iyong pag-irap ko na 'yon ay nakita niya. Napangisi nalang ako nang umiwas siya ng tingin. Naupo ako sa swivel chair ko at ganoon din si Spike.

"Bakit kayo pumasok sa opisina namin ng walang permiso?" Ma-awtoridad na tanong ko habang fierce na fierce pa rin ang awra ko.

"U-Umiiyak kasi kanina si Braydeen, nakakahiya naman sa mga tao sa labas kaya pumasok na kami. And what's wrong? This is my company too," sabi ni Blade kaya't muli akong napairap.

"You're still a trespasser. This is our office. So you don't have the right to enter this office without our fvcking permission," madiing sabi ko at tinatagan ang pakikipag-eyes-to-eyes ko sakanya.

Napabuntong hininga nalang siya at tumango. "Yes, sorry."

Hinawakan ni Spike ang kamay ko sa ilalim ng table at piniga-piga iyon, pinapakalma niya ako. Tumingin ako sakanya at napailing nalang.

"So what is the purpose of this meeting?" Tanong ni Spike sa magaling niyang kapatid.

"Aniversarry ng company sa isang araw. We're here to inform you about that, kailangan niyong um-attend dahil halos lahat ng kapartnership natin ay dadalo."

"So pumunta kayo rito para sabihin 'yan? You flew for almost 14 hours to tell us about that. You even bring your wife and son with you, tapos magkakalat lang kayo rito sa opisina ko. Are you dumb Mr. Blade Stone?" Inis na tanong ko.

Nakakainis kasi eh. Bumyahe sila ng 14 hours para sa meeting tapos ito lang? Pwe.

"Watch your mouth Mr. Harley Stone," sabi niya at nagtiim-bagang.

"How can I watch my mouth when I can't even see my ears? Damn it."

"Huwag mo akong pilosopohin Harley. Bakit ka ba nagagalit? Ayaw mo kaming pumunta rito? Then why?! Kala mo ka kung sinong maka-angkin ng kompanyang 'to, baka nakakalimutan mo—"

"Hindi kita pinipilosopo, nagsasabi lang ako ng totoo. I'm not mad, I'm just annoyed. It's not that I don't want you to be here but, you can mail us naman. You wasted your 14 hours just to arrived here, gayong mas kailangan ka nga sa Pilipinas dahil tingin ko ay nagpeprepare na kayo for the party. Tapos ano? Pag uwi ninyo uli doon, syempre pagod kayo hindi makakapasok ng kompanya. Hindi ko alam na ganyan ka pala katanga," sabi ko habang nakakunot ang noo.

Lumabas ako ng office para pumunta sa malapit na coffee shop dito dahil naiinis ako habang tinitingnan ko ang makapal na pagmumukha ng Blade na iyon. Kung ako iyon ay gagawa ako ng invitation letter at ii-email sakanya. May pameeting-meeting pa siyang nalalaman eh iyon lang pala ang sasabihin niya. Worth it sana ang 14 hours niya kung mahalaga ang pagmemeetingan eh hindi eh. Nakakainis talaga lalo na pumasok sila ng office ng hindi ko alam. Pwede naman sila sa may conferrence room tsk. Sinama-sama pa kasi iyong asawa't anak niya. Nakakagigil talaga.

Habang pasakay ako sa elevator ay narinig kong tinawag niya ako. Ano bang problema niya? Binilisan ko nalang ang lakad at nang nasa harap na ako ng elevator ay sakto namang bumukas at pumasok agad ako pero malas lang dahil ang bilis niyang leche siya.

"Harley wait, let's talk please," paawa niyang sabi pero umiwas lang ako ng tingin. Alam niyang marupok ako kaya dinadaan niya ako sa ganyan pero iba na ako ngayon.

"Wala tayong dapat pag-usapan."

"Harley, I-I'm sorry..."

Napatingin ako sakanya at parang biglang nabasag sa puso ko. Parang biglang nabasag yung wall ko. Parang lumambot uli iyong puso ko. Pero hindi, kailangan kong maging matatag sa harap ni Blade. Hindi ko hahayang maliitin niya uli ako.

"Shut up."

Pagbukas ng elevator ay lumabas na ako at mabilis na naglakad papuntang parking lot. Hindi na siya nahiya na nakikita siyang naghahabol sa akin.

Pagkarating ko sa sasakyan ko ay isasara ko na sana ang pinto nang pigilin niya ito. "Ano ba?!"

"Marami akong sasabihin sa'yo kaya ako pumunta rito. Please mag-usap tayo..."

"Fine." Pinasakay ko nalang siya sa kotse ko para matahimik na ang diwa niya. Saka may part din kasi sakin na gusto siyang makausap.

Tahimik lang kami habang nasa sasakyan. Sampung minuto lang ang itinagal ng byahe at nakarating na rin kami agad sa coffee shop. Um-order lang ako ng dalawang hot coffee, mabuti nalang mabilis kaming naka-order dahil walang masyadong tao dahil hindi pa naman lunch.

"Speak."

"Harley, I-I'm sorry."

"For? For hurting me three years ago?"

"Sorry for what I did. Hindi ko talaga sinasadya ang lahat. Nadala lang ako ng emosyon ko. Nagpalamon ako sa galit at pride ko at hindi ko na naisip na nasaktan kita at nawalan ako—"

"Stop. Kung puro ganyan lang ang sasabihin mo please lang 'wag na. Hindi na ako iyong Harley Gray na best friend mo kaya hindi mo na ako madadaan sa mga ganyan mo," sabi ko at tumayo. Dinala ko ang coffee ko at iniwan ko na siyang mag-isa doon.

Saktong paglabas ko ay nakita kong magkasama sila Spike at Valeen kasama rin nila si Braydeen. Tingin ko'y sinundan nila kami.

Lumapit sa akin si Valeen at hinawakan ang kamay ko habang buhat-buhat niya ang anak niya. "Harley, let's talk," sabi niya ngunit napailing nalang ako at marahang hinawi ang kamay niya.

Nilagpasan ko na sila ni Spike at sumakay sa kotse ko. Bago ko pa paandarin ang kotse ay sumunod naman agad si Spike. Nakakainis, nakakabwisit, nakakatangina ang araw na 'to. Ang lakas ng loob ng mag-asawang 'yon na magpaawa sa akin. Baka akala nila ay nakalimutan ko na ang mga ginawa nila sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang patawarin.

"Baby ko," tawag sa akin ni Spike at saka hinawakan ang kamay ko.

"I'm okay," pagod na sabi ko sakanya at alam kong maiintindihan niya ako.


HINDI na kami bumalik ni Spike sa kompanya, sa halip ay umuwi nalang kami tutal wala naman na kaming ibang appointment ngayon araw. Mas lalo lang akong ma-i-stress sa opisina. Pagpasok ko sa front door nitong bahay ay agad akong naupo sa sofa at sumandal.

"Anong pinag-usapan niyo kanina baby ko?" Tanong niya nang umupo siya sa tabi ko.

"Wala kaming pinag-usapan, nagsorry lang siya baby ko..." sagot ko naman. 

"Bakit ganoon? Hindi ako makapagtanim ng galit sakanya kahit sinaktan ka niya."

"Kasi mahal mo, kadugo mo eh."

"but..."

"Naiintindihan kita Spike, huwag mo akong intindihin."

"Harley, alam kong masakit para sa'yo ang nakaraan pero hindi mo na ba sila mapapatawad?"

"What? Nakita mo ang lahat ng ginawa nila sakin. Kasama kita sa lahat ng paghihirap ko tapos tatanungin mo lang ako ng walang kwentang tanong?" 

Padabog akong umakyat sa taas at pumasok ng kwarto. Ililigo ko nalang 'to dahil baka sakaling gumaan ang loob ko.Pagkakuha ko ng tuwalya ay pumasok na agad ako sa banyo at saka nilock ang pinto. Binuksan ko ang paborito kong liquid bath soap na floral. Binuhos ko ito sa bath tub at saka binuksan ang gripo. Nang nakuha ko na ang timpla nito ay nagbabad na ako.

Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng mini table dito sa CR at ikinabit ang headphone. I need music, para kumalma. Waterproof naman 'tong phone at headphone ko so no worries. Binuksan ko ang spotify at nagpatugtog sa playlist ko. Unang tumugtog ang kantang "Kahit ayaw mo na" ng This Band. 

Kahit ikaw ay magalit
Sa'yo lang lalapit
Sa'yo lang aawit  

Tsk hindi rin.

Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo na  

Bakit feeling ko si Blade ang kumakanta nito? Kainis naman oh, ayaw niyang mawala sa isip ko.

Tatakbo, tatalon
Isisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip ang lahat ng ito

Sige talon, una puso. Aysh!

O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap, teka lang, ika'y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin 'to  

Kailangan kong umalis dahil sawang-sawa na akong masaktan. Wala na tayong pag-uusapan Blade. Malinaw na sa akin ang lahat kaya't matagal ko ng tanggap na hindi na tayo magkaka-ayos pang muli. At kahit magkaayos tayo ay hindi na maibabalik ang dati.

Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?  

Pinag-isipan ko nga ba talaga?

Lapit ng lapit, ako'y lalapit
Layo ng layo, ba't ka lumalayo?
Labo ng labo, ika'y malabo
Malabo, tayo'y malabo

Kahit naman magkalapit tayo, malabo pa rin.

Bumalik, at muli ka ring aalis
Tatakbo ka ng mabilis
Yayakapin nang mahigpit  

Sana hindi ka nalang bumalik. Ayoko kasing tuluyang mabuwag ang itinayo kong mataas na pader sa paligid ng puso ko. Marupok akong tao kaya't konting sorry lang ay bumibigay agad ako. Hindi ganoon kadaling magpatawad kapag kaibigan mo mismo ang trumaydor sa'yo. Pero 'yon na nga eh, kaibigan mo kaya ka nagiging marupok.

Ang hirap 'pag 'di mo alam ang iyong pupuntahan
Kung ako ba ay pagbibigyan
O nalilito lang kung saan  

Siguro naguguluhan ka lang, o baka utak ko ang pinagugulo mo para lang makuha lahat ng gusto mo.

Pero sorry ka Blade, I am not Harley the weak anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro