Chapter 23
Chapter 23: Awkward
PAGLABAS na paglabas ni Spike sa banyo ay agad kong ibinigay sakanya ang phone niya.
"Nag-uusap pa ba kayo ni Valeen?"
"Huh? Hindi bakit?" Tanong niya at napatingin sa phone niya, patay na ang tawag.
"Tumawag si Valeen gamit ang number ni Blade, o baka naman si Valeen talaga iyon at Blade lang ang nilagay mo," sabi ko habang nakataas ang isang kilay. Hay bigla tuloy nag-init ang ulo ko.
"What? Si Blade 'to at iisa lang naman ang number niya sa akin saka wala na kaming communication ni Valeen. Bakit siya ang tumawag?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at habang nagpupunas ng buhok niya.
"Hindi ko alam, pinatay ko eh," sabi ko at naupo sa mini sofa. Nakasuot na siya ng simpleng white tshirt at shorts. Naupo siya sa edge ng kama at tinawagan uli ang number ni Blade.
Maya maya lang ay sumagot din ito. "Hello Blade?"
"Bakit si Val iyong tumawag kanina? Ah okay. What about the meeting tomorrow? Okay okay bye."
"Ano raw?"
"Siya pala talaga iyong tumawag kaso umiyak daw bigla si Braydeen kaya pinasagot niya muna si Val," sabi niya at naupo sa tabi ko.
Si Braydeen ang 2 years old baby boy nila Blade. Sa pictures ko lang siya nakikita sa instagram, I've never meet him. Gusto ko mang makita ang baby ni Blade, hindi pa rin pwede.
"Okay..."
"Are you jealous?" Tanong niya at ngumisi. Heto na naman, aasarin na naman niya ako.
"Hindi ah," tanggi ko at umiwas ng tingin.
Lumapit naman siyang lalo sa akin at bumulong sa tainga ko. "You want a kiss baby ko?" Kainis talaga 'to. Is he trying to seduce me?
"S-Stop."
"Nag-iinit ka na ba baby?"
Tumayo na ako at lumayo sakanya. Lumabas ako sa balcony para magpahangin, shit ang init ng hininga niya tapos amoy mint pa. So tell me sinong hindi madadala kahit 'yon pa lang ang ginagawa niya? Damn it.
"Dirty babe, you see these shackles baby I'm your slave. I'll let you whip me if I misbehave, it's just that no one makes me feel this way..." Kanta niya habang papalapit sakin na para bang sumasayaw sa bar.
Kainis 'tong si Spike, ehhhh. Baka makita siya ni Mama Cha huhu nakakahiya naman. Tumalikod ako sakanya at kunwaring may ginagawa sa phone. Pero maya maya lang ay tumigil siya at niyakap ako patalikod kaya naman nagulat ako.
"Huli ka! Hahaha!"
"Gutom lang 'yan beh," natatawang sabi ko at ipinatong ang phone ko sa lamesa.
Humarap ako sakanya habang nakangiti.
"Oo gutom na nga ako," sabi niya at nagets ko naman iyon dahil sa mga nakakaloko niyang ngiti.
"Tara at bumaba na," sabi ko pero pinigilan niya ako. "Ikaw gusto kong kainin baby ko," sabi niya at nagpout pa. Bakit ang cute ni Spike? Nakakainis tapos ang taba pa ng cheeks niya hahaha!
"Paiinumin kita ng gamot mo mamaya hahaha!"
"Gayuma nalang please."
"Bakit pa kita gagayumahin? Kung kaya mo naman akong mahalin."
Napa-boom rhymes 123 ABC nalang ako sa isip ko eh hahaha. Ang sarap lang sa feeling ng gan'to, iyong masaya kayo ng taong mahal mo. Walang problema, chill chill lang. Iyong tipong relax ka lang, nood ka ng five inches na TV, surround sound. Hahaha biro lang.
"Oh nand'yan pala kayo, kain na tayo," napalingon kami kay Mama nang magsalit siya. Nandoon pala siya sa may pintuan pero hindi ko napansin hahaha.
"Kanina ka pa d'yan Ma?" Natatawang tanong ni Spike habang naka-akbay pa rin sa'kin.
"Oo, kanina pa nga ako nilalanggam dito eh hahaha."
"Tara na po at kumain," nakangiting sabi ko at sabay-sabay na kaming bumaba nasa dining para magdinner.
Habang kumakain ay naalala kong may meeting nga pala kami bukas kay Blade at gusto kong malaman iyon ni Mama Cha. "Ma, may meeting po kami bukas kay Blade," sabi ko habang kumukuha ng ulam.
"Meeting? Para saan?"
"Wala siyang sinabi eh, hindi ka po ba niya in-inform?"
"Wala akong natatanggap na mail at message sakanya," sabi niya at napakunot ng noo.
"Bukas uuwi siya rito para makipagmeeting eh pwede naman niya sabihin nalang through mail diba unless kung may importante siyang kasama," ani Spike habang ngumunguya.
"Kung sabagay, hindi naman ako makakapunta sa company bukas dahil may lakad ako," napapangiti pa si Mama habang sinasabi iyon. Mukhang mag-gagala na naman siya hahaha.
"Saan ka na naman pupunta, Ma?" Tanong ko.
"May reunion kami bukas ng mga kaklase ko noong Canada, iyon lang namang mga nakatira na rin dito sa Canada. Tignan mo nga naman kahit matatanda na kami ay nagkakakilalanan pa rin kami hahaha."
"Mag-ingat ka Ma ah huwag ka ng magpagabi," sabi naman ni Spike.
"Oo naman nak hehe."
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa taas para magpahinga. Saglit lang kaming ang-usap ni Spike tungkol sa meeting bukas dahil iyon lang naman ang appointment namin at balak naming magmall nalang din dahil wala naman na kaming gagawin bukas sa office. Sana maging maayos at payapa ang meeting bukas, sana rin lang ay magbaba ng pride si Blade para wala ng gulo.
KINABUKASAN ay maaga rin kaming gumising. Siguro maaga na ang 9:30 am kaya naman nagmamadali kaming gumayak. Paggising namin ay wala na si Mama Cha at mukhang na-excite sa reunion nila kaya maagang umalis.
"Okay ka na baby ko?" Tanong niya pagbaba ko ng hagdan. Simple lang ang suot ko, sanay na rin akong may kaunting make-up sa mukha kapag papasok sa kompanya, sanay na rin naman sila.
"Yes, let's go at baka nandoon na si Mr. Blade Stone," sarkastiko kong sabi at napangisi.
"Oh relax ka lang," sabi niya at bahagya pang minasahe ang balikat ko at inalis ko rin naman agad ang kamay niya.
Pagpasok namin sa sasakyan ay binuksan ko ang bintana dahil feeling ko masusuffocate ako sa loob. Wala akong inihandang files dahil wala naman siyang sinabi kung ano ba ang rason niya sa meeting niya. Huminga ako ng ilalim at pinikit ang mata ko sabay sandal sa upuan. Hindi ko alam pero kinakabahan ako eh. Parang hindi kasi maganda ang mapag-uusapan namin mamaya, pero kailangan positive lang. Maganda ka Harley, bawal ma-stress ang magaganda.
"Mukhang kabado ka ah." Napatingin ako sakanya habang sumasabay siya ng sayaw sa kanta.
"H-Hindi ah..."
"Weh? Huwag ka ngang kabahan baby ko, hindi nangangain iyong si Blade. Para namang hindi kayo magbest friend ni bro hahaha."
"Bakit parang wala lang sa'yo? Bakit parang hindi ka natatakot na magkakausap na uli kami? Bakit parang masaya ka pa? Bakit? Okay na ba kayong dalawa?"
"It's not like that-"
"Stop." Sabi ko nalang dahil naiinis ako. Ayoko pa talagang makaharap si Blade. And we're not best friends anymore.
Labing-limang minuto lang ang itinagal ng aming biyahe at nakarating na rin kami sa kompanya. Pagpasok namin ay agad na bumati ang mga empleyado na ikinatutuwa ko araw-araw, syempre bilang isang marangal na boss ay bumabati rin ako pabalik. Hindi naman ako kagaya ng ibang boss na masungit at walang pakialam sa mga empleyado.
Nang malapit na kami sa office ay agad na lumabas sa office namin si Miako. Bakit siya nasa opisina eh hindi naman namin siya pumapasok doon ng walang permiso sa amin? Ngayon lang ito nangyari.
"Miako, anong ginawa mo sa office?" Tanong ko habang nakunot ang noo. Tila nagulat ata siya nang marinig ako. "Ahm s-sir ano po kasi ahmm..."
"What?" Tanong naman ni Spike.
"Si sir Blade po nagpumilit na pumasok doon dahil magkapatid naman daw po kayo. Sorry po-"
Napabuntong hininga nalang ako at matamlay na tumingin sakanya habang nakayuko siya. "Sige bumalik ka na sa office mo, ako na ang bahala rito," sabi ko at tumango naman siya sabay lakad palayo.
"Kalimutan mo muna ang init ng ulo mo Harley," sabi naman ni Spike at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"S-Susubukan ko."
Bumuntong hininga uli ako bako kami pumasok sa loob. Mas lalo akong kinabahan nang sumagi sa isip kong baka kasama niya ang bruhang si Valeen. Kung ganoon masaya rin dahil sa unang pagkakataon ay makikita ko ng personal si Braydeen. Pero mas nangingibabaw pa rin talaga ang inis ko dahil makikita ko na naman si Valeen aysh!
Buong tapang akong nagchin-up at tinaas ko ang isa kong kilay upang magmukha akong matapang sa harap nila. Ayokong makakita sila ng bakas ng lungkot o sakit sa mga mata ko.
"Good morning Mr. Blade Stone/Mr. Spike Stone," sabay na bati ng magkapatid sa isa't isa at natawa nalang silang pareho. Sana lahat ng magkakapatid katulad nila, hindi kayang magtanim ng galit sa isa't isa.
"Good morning Mr. Harley Gr-"
"Harley Stone," pagtatama ko habang nakatayo sa harap nila, oo nila dahil tama nga ang hinala ko.
Kasama si Valeen at ang anak nila. Gusto kong matawa sa sinabi kong Stone na ako kahit hindi pa naman, wala lang para lang mashock siya at nagtagumpay naman ako dahil napanganga siya. Gusto kong i-saksak sa bunganga niya iyon ballpen na nakapatong sa lamesa eh.
"Hi Harley," napairap nalang ako kay Valeen.
Plastik amputek.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro