Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


Chapter 22: Three years later

"THANK you for your time Mr. Guerra," sabi ko sa CEO ng isang company na ka-partnership ng company namin.

"You're welcome Mr. Gray and thank you for you time too," sabi niya naman at ngumiti lang ako.

Matapos naming magkamay ay lumabas na siya kasama ang ibang clients ng conferrence room at naiwan naman akong mag-isa.

Bumuntong hininga ako at inayos ang mga papel na nakakalat sa harap ko. Pinatay ko na rin ang laptop at projector. Maya maya ay pumasok si Spike na may dalang lunch.

"Oh bakit may dala kang lunch? Hindi ba't sa baba tayo kakain?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Dito nalang tayo maglunch, mahaba ang pila sa baba eh. Anyways, kamusta ang meeting ninyo ni Mr. Guerra?"

"Okay naman, pumayag na siya sa partnership namin."

"Approved niya raw ang ginawa nating presentation kagabi?" Tanong niya habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa. Mukhanv dumaan lang siya sa drive thru dahil jollibee ang dala niya.

"Yes at sobrang nagustuhan niya iyon kaya naman pumayag agad siya sa partnership."

"At saka maganda rin kasi ang pagpepresent mo baby ko."

"Tumigil ka nga!"

Mula noong nadulas ako noong nasa Trinity Bellwoods Park kami ay sinagot ko na siya. At ngayon tatlong taon na ang nakalilipas. Maayos naman ang pagsasama namin, ni wala yata akong matandaang araw na nag-away o nagkaproblema kami. Si Mama Cha naman ah, ayon eh mama na hahaha. Sabi niya kasi ay iyon nalang ang itawag ko sakanya. Stay strong pa rin naman siya at nagpapahinga nalang sa bahay, minsan naman ay naggagala siya kapag gusto niya. Hindi naman namin mapigilan ni Spike dahil gusto niya pa raw magsaya.

Si Blade naman nasa Pilipinas pa rin kasama ang asawa niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami ayos kahit noong kasal nila last year ay hindi kami nakapunta. Hindi ko alam kung kailan tatagal ang away namin. Hindi ko alam kung kailan mabubuwag ang mataas na pader na nakaharang sa aming apat.

"Oh ba't lumungkot ka?" Tanong ni Spike habang seryosong nakatingin sa akin.

"Ahh wala."

"Ahh"

"Anong ahh?"

"Nganga, susubuan kita baby ko," sabi niya habang may ngisi sa labi. Mula kasi noon ay ayaw kong tinatawag niya akong barbeque, napakacorny kaya duh. Pero ayan naman ang ipinalit niya, ang baby ko. Wala na akong nagawa dahil mapilit siya.

"Ehh? May CCTV dito Spike!"

"Sus kay tagal tagal na nating magkarelasyon eh ngayon ka pa nahiya. Saka alam naman nilang lahat ang tungkol sa atin so no worries," sabi niya at isinubo sa akin yung kanin at chicken.

"Syempre hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya no. Saka hindi natin alam baka kung ano-ano na ang sinasabi ng iba sa atin," malungkot na sabi ko habang ngumunguya.

"Don't be, saka I know them a lot. They won't do that, hindi nila alam ang pwede kong gawin sakanila kapag may nagtangkang manakit sa'yo baby ko."

"You're so possessive babe," sabi ko naman.

"I just don't want to lose you. You're mine, so it's my duty as your boyfriend to keep you. You know how much I love you, Harley."

"I know and I am very thankful to have you," sabi ko at hinawakan niya naman ang kamay kong nakapatong sa table.

After we eat ay niligpit na naman ang mga pinagkainan namin at ipinatapon nalang iyon ni Spike sa secretary niya. Si Spike na ang CEO ng Stone Car Company at ako naman ang COO. Siya dapat ang kakausap kay Mr. Guerra kaso may hangover pa siya kaya hindi nagising ng maaga.

Kasal kasi ni Jess kahapon at umuwi kami ng Pilipinas bale three days kami doon. Kagabi nga dapat hanggang 12 pa kami sa reception kaso umalis na kami ng 10 dahil naalala niyang may meeting nga pala siya kay Mr. Guerra pero hindi rin naman nakapunta. Kaya kanina noong magsisimula na ang meeting ay tinext ko siyang ako nalang ang aattend at huwag niya ng piliting bumangon. Kaya nga nagulat ako ngayon at may dalang lunch. Medyo magulo pa ang buhok niya at mukhang hindi na naabalang mag-gel pagkatapos maligo.

Pumasok na kami ng office dahil iisa lang naman ang office namin dito dahil, syempre pinilit niya uli. Ayaw niya raw kasi ng magkahiwalay kami at baka mamaya ay may pumasok pang kung sino, ang possessive no?

"Napagod ka ba kanina baby ko? Saan mo gustong magpunta?" Tanong niya habang nakangiti. Nakaupo kami sa sofa at nakahiga naman ako sa dibdib niya.

Kung iniisip mong transgender ako, pwes hindi. Hinding hindi ko gagawin iyon dahil sapat na sa akin ang katawan at kaluluwang ibinigay sa akin ng Diyos. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na magpalit ng kasarian para maging tunay na akong babae, kahit bakla ako ay lalaki pa rin ang itsura ko. Hindi ko kailangang magparetoke para lang mahalin ng kung sino, sapat na sakin si Spike, na tanggap at mahal niya ako.

"Hindi naman ako pagod."

"Sure ka?" Tanong niya at tumango naman ako. Bigla namang kumatok si Miako, ang secretary naming dalawa. Dahil maarte si Spike ay gusto niyang iisa nalang ang secretary namin.

"Ako na," sabi ko at tumayo para buksan ang pinto, ngumiti naman sa akin si Miako, mabait 'yang secretary namin at isang taon na siya dito.

"Sir, nagfile po ng appointment si Mr. Blade Stone, gusto niya raw po kayong makausap tomorrow 11 pm."

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam eh, tinanong ko nga po siya pero ayaw niya namang sabihin."

"Sige salamat," sabi ko at sinara na ang pinto.

Naupo ako sa swivel chair namin at humarap sa malaking glass wall na kitang kita ang mga naglalakihang buildings pati ang city. "Anong sabi ni Mia?" Tanong ni Spike at lumapit sa akin. Naupo siya sa table habang nakaharap din sa glass wall.

Inakbayan naman niya ako. "Nagfile daw ng meeting si Blade sa atin bukas ng 11 pm."

"Si Blade? Bakit daw?"

"Walang sinabi..."

Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang makitang muli si Blade. Magmula noon ay hindi na kami nagkita, kahit sa kasal ni Jess ay hindi ko sila nasilayan. Tingin ko'y nabalot na ng galit ang puso ko. Hindi pa ako handang makaharap at makausap siyang muli. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sila. Oo mahal ko si Blade bilang kaibigan pero may karapatan naman siguro akong magalit dahil sa ginawa niya. Gusto ko na rin namang magkaayos kami ngunit tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon dahil maski sila ay galit din sa amin. So sino mag-a-adjust? Ako na naman? Sino magbababa ng pride? Kami na naman? It's a no no.

"Ba't kaya?" Nagkibit balikat lang ako at ipinatong ang ulo ko sa mga daliri ko.

"P-Parang ayokong pumunta."

"Hays, naiintindihan kita baby ko pero malay mo importante?"

"Pwede bang ikaw nalang?"

"Ako kasama ka, tapos," sabi niya at saka tumawa. Kainis talaga hahaha.

"Hindi pa kasi ako handang makita siya..."

"Pwede bang itago mo muna sa kailalim-ilaliman ng puso mo ang galit mo? For sure it's all about business."

"Mayabang si Blade at sigurado akong magpapakitang-gilas na naman ang lalaking iyon."

"You're genius, you can beat him."

"I think I can't."

"Bakit naman? Eh mas magaling ka nga sa akin eh."

"Tsk mas magaling naman siya at saka mas may karapatan siya kaysa sa akin dahil siya rin ang may-ari ng kompanyang 'to."

"Mataas ang karapatan mo dito dahil kasintahan mo lang naman ang may-ari nito," sabi niya at ngumiti.

"Hindi rin, tingin ko ikaw ang dapat kumausap sakanya dahil ikaw ang CEO Spike."

"Hindi ko haharapin si Blade ng hindi ka kasama. Let him see who's the gay he hurt three years ago," seryosong sabi niya at napatingin naman ako sakanya.

Siguro tama si Spike, kailangan kong humarap kay Blade ng walang takot at pangamba.

Mabilis lang na lumipas ang oras at alas singko na kaya naman umuwi na kami ni Spike. Pag-uwi namin ay nadatnan namin si Mama Cha na maraming dalang paperbags, mukhang nasayahan sa pagshashopping kasama si Tita Beth, ang kaibigan niya.

Pagkatapos naming magmano sakanya ay umakyat na kami sa kwarto namin. Oo, namin. Syempre as time goes by, nagbabago ang ihip ng hangin hahaha. Pero kahit magkasama kami sa iisang kwarto ay mataas ang respeto namin sa isa't-isa, ni minsan hindi pumasok sa isip namin na magtalik gayong pareho kaming lalaki. Hindi ako ganoon kalandi para gawin ang bagay na iyon, sabi ko nga, sapat na sakin ang pagmamahal na namamagitan sa aming dalawa.

Habang naliligo si Spike ay biglang tumunog ang cellphone niya at tumatawag si Blade...

Kinuha ko ito at hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Pero dahil baka mahalaga ang sasabihin niya ay sinagot ko iyon.

"H-Hello?"

"Hello Spike, si Valeen 'to."

What the fvck...?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro