Chapter 20
Chapter 20: Goodbye
NAGHAHANDA ako ngayon para sa graduation mamaya. Isang oras pa naman bago mangyari iyon ngunit naisipan ko ng mag-ayos.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Siguradong si Spike iyon. Bumuntong hininga ako at tinignan ang toga ko.
Hays...nakakalungkot sobra.
"Oh bruh, bakit nakasimangot ka diyan?"
"Wala, malungkot lang."
"Bakit naman? Hindi ba ay dapat masaya ka kasi tapos na ang lahat?"
"Oo masaya ako dahil doon, pero mas nangingibabaw ang lungkot ko ngayon. Kasi naman eh, walang magsasabit sa akin," pagkasabi ko'y tumulo naman ang luha ko.
"Sus 'wag ka ng malungk-"
"Sinong nagsabing walang masasabit sayo Harley?" Nanlaki ang mata ko sa babaeng nagsalita.
"OMG! Tita! Kailan pa po kayo nakauwi?" Masayang tanong ko.
Hindi ko inakalang nandito siya ngayon. Balita ko kasi ay sobrang busy siya sa kompanya nila kaya hindi siya makakauwi. Naalala ko tuloy iyong sabi ni Spike kahapon, na uuwi raw kami ng Canada para i-surprise nga si Tita, pero tignan mo nga naman at ang bilis niyang nakapunta rito.
"Kaninang madaling araw lang Harley. Ang totoo niyan ay surprise itong pag-uwi ko," nakangiting sabi niya.
Close na close kami ni Tita at para ko na rin siyang tunay na nanay. Kaya naman ang saya dahil nandito siya. Dahil sa katuwaan ay hindi ko napansing nasa likod niya pala si Ate Tals at nakangiti rin.
"Ate Talie! Nandito ka rin pala hahaha."
"Nako ayan si Mama oh, nagpasundo pa sa airport eh busy ako sa pagpapaganda para sa graduation nila," natatawang sabi niya at mahina naman siyang nahampas ni tita sa braso.
"Tumigil ka nga dyan Talie, puro ka paganda eh mas maganda pa si Harley sayo," nakangiting sabi niya at niyakap ako.
Tinignan ko si ate Talie at tumango lang siya. So it means...matagal ng alam ni tita na bakla ako?
"T-tita, alam n-niyo po?"
"Matagal na hija, tanggap kita dahil alam kong may mabuti kang puso."
"Salamat po," sabi ko at muli siyang niyakap.
"Oh siya ako rin ang magsasabit sa iyo mamaya ah."
"Talaga po?"
"Oo naman, alam mo namang para na rin kitang anak."
"Salamat tita!"
"Group hug!"
Naggroup hug kami. Ang swerte ko talaga sa kanila dahil tinuturing na rin nila ako na parang tunay na pamilya.
"Hindi ba ako kasali dyan?"
Napalingon ako sa nagsalita, si Blade. Himala at hindi niya kasama ngayon si Valeen. Nakiyakap naman siya sakin at agad ding kumalas. Ang akala ko ay nandoon siya sa mansion pero bakit siya nandito?
"Diba nasa mansion ka?" Tanong ni Spike.
"Tumawag si Mom na dito siya dederetso sa condo mo so pumunta na ako. Masama?"
"Hin-"
"Oh sya, umalis na tayo dahil malayo pa ang venue dito," sabi ni tita at nauna na silang lumabas ni ate Tals.
Sumunod naman kami nila Spike at Blade. Ewan ko pero bakit parang normal lang ang kilos niya? Hindi ba dapat ay umiiwas siya? Natauhan na ba siya? Ah basta inis pa rin ako sakanya. Narealize ko kasi na hindi porket mahal mo ang isang tao ay hindi ka na magtatanim ng galit sakanya. Saka sobrang sakit ng mga sinabi at ginawa samin ni Blade, ngayon ko naramdaman ang galit.
"Hindi yata kayo sabay ni Valeen ngayon," nakangising sabi ni Spike at napailing.
"No, actually nasa lobby siya." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Iyon pang babaeng 'yon makakalimutan niya? Tsk.
Tumango nalang si Spike at hindi na nagsalita pa. Nang makarating kami sa lobby ay nilagpasan lang siya nila tita at ate Tals. Patago akong napangisi, at nang magkatinginan naman kami ay agad siyang napaiwas. Siguro'y naikwento na rin ni ate Tals kay tita ang mga nangyari, mabuti naman kung ganoon at naintindihan ni tita.
Sumakay na kami sa van ni ate tals. Sa tabi niya naupo si Tita. Sa dalawang upuan naman sa susunod ay kami ni Spike, at sa likod namin sila Blade at Valeen.
Tumingin nalang ako sa bintana dahil nakakasuffocate ang atmosphere dito.
"Ano ang honor n'yo Blade, Spike?"
"Summa cum laude, magna cum laude," sabay nilang sabi. Proud na proud ako kay Spike sa katalinuhan niya at naging summa cum laude pa siya. Gustong gusto niya kasing manahin ang kompanya nila sa Canada kaya naman pinagbutihan niya talaga.
"Anong nangyari sa'yo Blade 'nak?"
"Nothing Mom, I guess bobo 'yong teacher na nagcompute ng grades ko," inis na sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam kong nag-aapoy na siya.
"Yang bunganga mo Blade Stone. Dapat kasi pinagbutihan mo, tignan mo nga 'yang si Spike kahit loko-loko ay nag-aaral pa rin ng mabuti," sabi naman ni tita habang naglalagay ng lipstick.
Kung titignan mo siya ay parang si Marian River lang, bata pa kasi si tita at maagang nag-asawa kaya't tignan mo nga naman, binata na ang mga anak pero parang teenager pa rin.
"I did my best but it's not enough. And oh, I am not Spike," mariing sabi niya at ramdam ko ang lungko, galit at pagka-inggit sa boses niya. Syempre kaibigan ko siys kaya kabisado ko na ang ugali niya.
Ngayon nalang uli kami nagkasama ng ganito mula noong nag-away kami. Hays, sana naman bago matapos ang araw na ito ay magkabati na kami. Isang buwan nalang at manganganak na si Valeen, gusto ring makita ang baby nila. Apat na buwan na ang lumipas, sana naman ay may narealize na sila.
Makalipas ang forty minutes ay nakarating na rin kami sa school. Marami ng nandito at lahat ay kasama ang mga magulang nila. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mainggit, hays, kung sana nandito rin ang parents ko edi happy.
"Harley! Pre, congrats!" Bati sakin ni MJ, ang isa sa mga close friends ko rin.
"Yo! Congrats din pre," sagot ko.
"Yieee Harley, libre ka naman," biro ni Jess.
"Lolo mo libre hahaha de joke, ikaw kaya manglibre!"
"Sus katatanda niyo na puro pa kayo libre," singit naman ni Spike.
Sila Blade, Valeen, tita Charity at si ate Talie naman ay nagpipicture-an na doon sa loob. Photogenic kasi si Tita saka si ate Tals.
"Nako yaman mo eh ikaw nalang manlibre," sabi naman ni Kisha at nagtawanan kami.
"Guys, ten minutes nalang pasok na tayo," sabi ko at sabay-sabay na kaming pumasok.
Habang inaayos ang mga upuan ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sigurado akong mamimiss ko ang lahat ng memories ko rito. Yung pagpupuyat sa kagagawa ng projects at assignments, yung pabilisan magreview kapag may quiz o exam, yung bawal ang tamad kapag group activity, yung famous line na "No erasures" ni sir Resty kapag magsasagot kami sa exams. Yung mga masisipag naming teacher, yung mga malalapit naming kaibigan at syempre si, si Blade.
Mamimiss ko siya, sobra. Alam ko namang kahit hindi niya pa ginagawa ay pakakasalan niya si Valeen. Mahal niya siya, sigurado na iyon lalo na't may anak na sila. Nag-usap na kami kagabi ni Spike tungkol sa mga mangyayari pagkatapos nitong graduation. Pumayag na akong sumama sakanila papuntang Canada, kasama namin si tita Cha. Si ate Tals naman daw ay maiiwan dito dahil nandito pala sa Pilipinas ang fiance niya. Sabi rin sakin ni Spike na sa kompanya nalang nila ako magtrabaho tutal pareho naman kami ng course.
Mabilis na lumipas ang oras, at ngayon nga ay tapos na ang graduation. Ang saya lang dahil may medal at diploma na ako. Hindi na ako magdadrama dahil ayaw kong masira ang gabing ito. Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami sa mga kaklase namin, nag-iiyakan kaming lahat. Syempre sino ba naman ang hindi iiyak sa graduation diba?
Ngayon nga ay nandito kami sa Te Amo Restaurant na paborito naming kinakainan nila tita Cha tuwing uuwi siya.
"Congrats mga anak!" Masayang sabi niya at nagyakapan uli kami. Naghanap na kami ng mauupuan at may nakita rin kami agad.
May nakita rin akong mga schoolmates ko na nandito. Umorder na si tita at nagkwentuhan naman kami habang naghihintay.
"So what's your plan Blade?" Tanong ni Tita Cha.
"I will manage our company here, Ma," sagot ni Blade habang naka-akbay kay Valeen. Kagigil kayo.
"What about her?" Tanong uli ni tita at tumaas ang isa niyang kilay. Aba palaban si tita, go tita go tita go tita tita cha!
"I will marry her after she gave birth to our son."
"Are you sure that you'll marry that liar girl?"
"Mom-"
"I don't like you taste, bro," nakangising sabi naman ni ate Tals. Hays, para akong nanonood ng wrestling ah. I know it's bad but, mali rin naman sila. Like what I've said, natauhan na ako.
"Ate? Mom? Shut up!" Sigaw ni Blade.
"Ganyan ka ng sumagot sa akin para lang ipagtanggol 'yang babaeng 'yan? Tell me son, what makes you stupid?" Galit ding sabi ni tita. Medyo kinabahan na ako kaya't napahawak ako sa kamay ni Spike sa ilalim ng lamesa.
Nandito kami sa rooftop for VIP kaya walang nakakarinig sa amin. Tahimik lang kaming dalawa ni Spike na nakikinig sa kanila. Alam kong naiinis na rin si ate Talie pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.
"Stop it Ma, let him do what he want until he realize that he was wrong," sabi niya at ngumisi.
"Ikaw Harley, ano na naman bang sinabi mong kasinungalingan kay Mommy? Ganyan ba ang tunay mong kulay? Sinu-"
"Yes, I did...nothing. I didn't do anything wrong Blade, I don't even know that she already knows about it. So don't call me liar, I am not Valeen," matigas kong sabi habang nakataas ang isang kilay at matapang na tumingin sa kanilang dalawa.
Sasagot pa sana si Blade nang dumating na ang mga pagkain. Saglit na bumalik sa normal ang lahat habang kumakain. Ngunit biglang nagsalita si Valeen.
"Why are you like that to me tita? Bakit hindi mo po ako matanggap bilang future daughter niyo? M-magkakaanak na po kami ni Blade, sana po maintindihan ninyo," malungkot na sabi niya habang nakayuko.
"Shut up, I don't want to hear your ugly voice," sagot ni tita.
Pagkatapos naming kumain ay bumaba na kami para magkanya-kanya ng uwi. Habang nasa parking lot ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Take care son, be good okay? I love you."
"Yes mom, take care and I love you too."
"Talie ikaw na bahalang magbalita sakin tungkol diyan sa kapatid mo ah. And goodluck to your future son Blade," sabi ni tita at ngumiti lang ito.
"Bakit kasama niyo sila Spike at Harley?" Tanong niya uli.
"Napagdesisyonan na namin ni Harley na tumira sa Canada since ako naman ang magmamanage ng kompanya natin doon."
"Kahit saan nga naman haha. Anyways, mag-iingat kayo," seryosong sabi ni Blade at tinanguan lang siya ni Spike.
Tama ba ang narinig ko? Piang-iingat niya kami? Oh anyways, I don't care.
"Bye Harley," sabi niya uli. At niyakap ako. "Bye B-Blade."
Siguro'y limang segundo rin ang itinagal ng yakap na iyon. Tumingin ako kay Val at nginitian ko lang siya, hindi na ako nag-abalang tignan ang reaksyon niya dahil alam ko namang masaya siya dahil mawawala na kami sa buhay nila.
Pagsakay namin sa sasakyan ay lumingon akong muli kila Blade na naglalakad palayo. Muli kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko.
Oo, galit ako sa'yo Blade. Ayoko na uli kasing matapakan ang pagkatao ko kaya't hindi ko na hahayaang saktan mo akong muli. Kailangan kong tatagan ang loob ko, desisyon ko ito at ayokong matalo mismo ako ng sarili ko.
Pero huwag kang mag-alala, maalala pa rin naman kita. Syempre best friend pa rin kita, bro.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro