Chapter 2
Chapter 2: Care
MAAGA akong nagising ngayon. Actually, 4:26 am palang. Aga no? Ewan ko ba kung bakit ang aga kong nagising. Ay mali! Hindi pa ata ako nakakatulog sa kakaisip kagabi. Bukod sa iniisip ko yung dyosa kong itsura kahapon, iniisip ko rin si Blade.
Usually kasi kapag gano'ng may problema siya or wala siya sa mood, tumatawag or nagtetext siya sakin. Eh ngayon wala akong natanggap ni isang call or text. Nakalimutan na ba niya ako? Masyado ba siyang nasaktan kaya pati yung bestfriend slash wall niya nakalimutan na niya?
Nandito lang naman ako sa condo ko. Hindi ako mayaman, regalo lang ito sakin ni Blade nung birthday ko last year. We've been bestfriends since we were grade 8. I was a transferee in their school and then we met each other when I helped him to his enemies. Lalaki pa ako noon, hahaha. I will never forget that day. Hanggang sa umuwi si Spike noong grade 9 kami galing Canada. Their real citizenship is Canadian but their Mom wants them to study here in Philippines since they became high school. Filipina kasi si Tita pero marunong silang magtagalog, actually mas sanay nga sila doon, minsan tinuturuan ko rin sila ng malalalim na tagalog words gaya ng "Mahal kita", malalim 'yon ah, hahaha charot.
Ayon nga naging magbestfriends na rin kami ni Spike. Napalapit na rin ako sakanila dahil nga doon. Close rin kami ni Tita Charity, gaya ng pangalan niya mapagbigay siya lalo na sa mga nangangailangan talaga.
Tumagilid ako ng higa, at sa pagtagilid ko na yon ay biglang tumulo ang luha ko. Nakakainggit lang kasi na, sana ako rin may mga magulang. Sana ako rin may pamilya. Sana may pamilya rin ako ipakikilala sakanila, edi ang saya diba. Tita ko ang nagpa-aral sakin ng 6 na taon. Pero mula nang mamatay siya ay mag-isa nalang ako. Wala siyang anak at asawa kaya naman inampon niya na ako. Napakabait ni Auntie at sobrang worth it ang mga naitulong niya sakin. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil siya ang Auntie ko. Yung real parents ko? Hahaha ewan, malay ko. I've never meet them. Ayoko rin magtanong kay Auntie dahil ayaw niya rin namang pinag-uusapan 'yon. Basta ang alam ko lang, masasama silang tao.
Pinunasan ko ang mga luha ko dahil ayoko ng alalahanin ang tungkol sa past ko. Masyado na iyong matagal at tapos na, kaya wala ng dahilan para ito'y balikan pa. Masasaktan lang ako.
Dahil nga linggo ngayon at wala akong magawa. Hindi muna ako babangon, i-e-enjoy ko muna ang bonding namin ng baby kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at saka pinatay ang lamp. It's already 5:15 am. Binuksan ko ang facebook ko at nagscroll, wala namang message and as usual laging tahimik ang messenger ko.
Habang nag-i-scroll ay may nakita akong post about sa mga bakla. Tangina ayan na naman sila. May isang picture na nakasulat ay BACK at katabi no'n ay isang Lola. Okay, gets ko na. Mga utak talaga ng mga tao ngayon, ang tataba. Ano kayang pagkain nila no? Sabihin niyo naman para mabili ko at tumaba naman ako utak ko sa mga kalokohang gaya no'n.
Habang nakakunot noong nag-i-scroll ay biglang tumunog ang messenger ko at nagpop-up ang profile picture ni Blade. Naka open pala ako, kaya siguro doon nalang siya nagchat.
"Bro, I need you," basa ko sa chat niya. I need you? May music room sila pwede niyang patugtugin do'n yung kanta ng BTS, ano pupunta ako roon para gawin 'yon? Haha de biro lang.
"Sige, wait up," sagot ko at nagseen lang siya. Alam niyo ang sakit kaya maseen. Yung parang ang ibig niyang sabihin ay parang wala lang, geh lang, gano'n.
I stand up on my bed and get my towel on the chair. I charge my phone kasi 35% nalang siya. I go to the bathroom and take a fast bath. After that, I put on my clothes immediately. Bumaba na ako at nagtimpla ng ice coffee. Mas gusto ko kasi kapag malamig, kahit malamig siya alam mong masarap pa rin. Parang love, kahit malamig yung isang tao may care pa rin 'yan para sa'yo.
Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Spike, ba't kaya siya nandito? Wala naman akong natatandaang may lakad kami.
"Oh ba't nandito ka bruh?" Tanong ko. Napaayos siya ng tayo at ngumiti. "Yo bruh! Sinusundo ko lang ang dyosa, utos ni kamahalang Blade," sabi niya at saka tumawa ng malakas. Nakahithit ba 'to?
"Ah gano'n ah. Sige, alipin dalhin mo 'tong ice coffee ko," utos ko sakanya at ngumisi. Kinuha naman niya 'yon at hinigupan. Nako sanay na ako sa mokong na 'yan.
Hays, sa kanila ko lang talaga ni ate Talie nailalabas ang true side ko, and I'm very lucky kasi naiintindihan nila ako.
"Ang tabang naman nito," reklamo niya at napangiwi. Pero ang dami mong nainom no?
"Gagi, 'yan nga favorite ko eh."
Pagbaba namin sa parking lot ay agad kaming umalis. Mamaya magbasag na doon si Blade at magsuicide pa. Ewan ko ba naman kasi kay Valeen kung bakit niya iniwan si Blade. Magkaibigan din kami syempre lagi akong third wheel sakanila eh, okay lang 'yon sakanila mas masaya raw kapag may kasama. Mabait naman si Valeen at wala akong nakikitang pagkaplastic sakanya, at sa tagal tagal nila ni Blade alam ko at ramdam kong mahal nila ang isa't isa.
"Ayon nga pala si Blade kagabi pa nag-iinom, hindi naman namn maawat ni ate. Alam kong ikaw lang makakapagpatigil do'n bruh."
Ako lang naman kasi ang laging nagpapatigil...ng kanyang mundo. Hahaha charot, I mean, ako lang yung nasasabihan niyang ng deep problems tho nahihiya lang siyang mag open up sa kakambal n'ya.
"Tsk bakit ba kasi sila nagbreak?" Tanong ko at napa-cross arms. Nakakainis, hindi kay Val ah. Wala naman silang problema these past few days ta's biglang gano'n.
"Ewan, wala akong alam. Hindi naman siya nagsasalita eh."
"Saka wala naman silang problema ni Val diba? Lagi nga silang masaya eh."
"At lagi kang third wheel kaya siguradong alam mo 'yan kung bakit."
"Yun na nga eh, lagi nila akong kasama at wala akong nakikitang nag-aaway sila. Wala silang problema and as far as I know lagi namang PDA 'yong dalawang 'yon." I sip on mh coffee and close my eyes. Hays, nakaka stress talaga magka lovelife.
"You're sounded jealous," sabi niya at napadilat naman ako. "What did you say?"
"You're jealous."
"Ako? HAHAHA gago ba't ako magseselos aber?"
"Kasi siya mag lovelife ikaw wala HAHAHAHAHA."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Edi sila na. Pero oo nagseselos ako at alam ko 'yon sa sarili ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis kung yung mahal mo lumalandi sa harap mo diba? Tapos harap harapan pa ang paglalambingan, so tell me sinong hindi mabibitter?
"Edi sila na," malungkot kong bulong.
"Ano?"
"Wala." Tumahimik nalang ako at nagtingin ng mga dapat tignan sa daan. Ano raw?
Maya maya nga ay nakarating na rin kami sa mansion nila. Pagpasok ko ay narinig ko agad ang nakakabinging katahimikan. Nakakapanibago tuloy, usually kasi kapag papasok ako rito may sasalubong saking maingay na Spike at Blade. Ngayon wala, parang mga binagyo.
"Nasaan si ate Tals?"
"Wala umalis, pinagawa yung sasakyan." Napatango nalang ako at nagpunta sa kitchen nila. Nahagip kaagad ng mga mata ko si Blade na nakaupo sa bar counter at nakadukdok.
"Bro." Ganito lagi ang routine ko, kapag si Blade at ibang tao ang kaharap ko, lalaking lalaki ako. Pero kapag sila Spike at ate Tals na, wala na bes.
"Bro, a-ang sakit," sabi niya at nagsimulang humikbi. Grabe naman, ano kayang pinag-awayan nila at umabot sa hiwalayan?
Ang swerte ni Valeen dahil mahala na mahal siya ni Blade. Sabi nga kapag umiyak ang isang lalaki sa babae, it means sobrang mahal na mahal nya ito. Hindi rin ako naniniwala na bakla ang mga umiiyak na lalaki. Tangina may feelings din kami, sila, hindi kami manhid.
"Listen or Advice?" Tanong ko. Ganito kami kapag may problema. It's either I will listen to him first or I will give him an advice.
"Just listen to me," he said and I nodded. Bago niya punasan ang luha niya at bahagya siyang napatawa. Luh.
"We broke up. Fuck! I don't know why. W-we met each other yesterday, for our date. After we stroll, we went to the park. Yung park na lagi n-nating pinupuntahan. At hanggang sa nanahimik siya. Ang weird nga eh ewan ko ba. Hanggang sa nagsalita na siya," he pause and cry again. Naiiyak tuloy ako pero wag, tatagan mo Harley.
Pagkatapos tumungga ay tumuloy siya. "H-hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Iniwan niya ako basta basta, without any reasons. Basta ang sabi niya hindi niya na raw ako mahal. Damn ano 'yon? Gaguhan lang? Landian gano'n? Harley mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, alam mo 'yan. Pero tangina ewan ko kung ano ang totoo. Ni hindi ko alam baka matagal na niya akong niloloko, baka may iba na siya, baka tangina...pero...pero base sa mga nakikita ko alam kong mahal niya ako. Pero bakit gano'n? Bakit siya makikipaghiwalay sakin aat sasabihing hindi na niya ako mahal? Lahat naman binigay ko na sakanya ah."
"I did my best just to be a good boyfriend but look what she did to me? She hurt me, saying she doesn't love me anymore. I almost forgot my bestfriend just to be with her and damn it."
Nagulat ako nang ibalibag niya ang bote at tumama ito sa pader. Buti nalang at malayo layo kami kundi natalsikan kami ng bubog. Nakita kong nasa may pinto si Spike at napailing iling nalang. Nilinis niya ang mga basag na bote habang ako ay niligpit ang mga natirang bote sa table.
"Hindi na ako magmamahal! Pusong bato na ako tara na't magpari tayo! HAHAHA!" Napailing nalang kami ni Spike kay Blade.
Lumuluha ito habang tumatawa. Nako masama ito, mauuwi sa depression 'to. Inalalayan ko siya at iniakyat na sa kwarto niya. Inihiga ko muna siya sa kama para makapagpahinga. Ang eyebags lumalaki na nako.
Bumaba muna ako para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Nagsalang na rin ako ng noodles para ipakain ko sakanya at painom ng gamot. May lagnat lang eh no?
"Psst," tawag sakin ni Spike. Nando'n pala siya sa may table at nakacross arms. "Oh?"
"Ano feeling?"
"Feeling ng?"
"Na wala na sila. Hindi ka na mabibitter, pare pareho na tayong single bwahahaha."
"Baliw! Syempre makungkot kasi pareho kong kaibigan 'yon."
"Hays basta ikaw na bahala kay bro. Kung gusto mo mag-ala Valeen ka muna bwahahaha," tumatawang sabi ni Spike at nagmamadaling umakyat. Kahit iparetoke ko 'tong mukha ko at maging ka-ugali ko si Valeen, hinding hindi niya pa rin ako mamahalin.
Umakyat na uli ako dala ang palanggana at noodles. Nilapag ko ito sa side table niya. Nilubob ko ang bimpo sa tubig, tapos ay ipinunas ko na sakanya. Oh wala 'tong malisya, matagal ko na 'tong nagagawa kay Blade.
Tulog na tulog na siya. Hays, ba't ba ang gwapo mo Blade? Wala na akong masabi sayo, basta para sakin perfect ka kahit walang perfect sa mundo.
Napatingin ako sa labi niya, shit. Na...natetempt ako. Wala na, bumigay na ako. Parang may sariling pag-iisip ang katawan ko at bumaba ito at ang labi ko ay bahagyang nagdikit sa labi niya.
Fuck ang lambot. Parang labi ng babae, nalasahan ko pa yung wine na ininom niya. Ang tamis, kasing tamis ng pagmamahal ko, hahaha de joke.
Pero hindi ito ang first kiss ko. Hindi ito ang first kiss ko sayo!
---
Shh: I'm not a good author so expect some grammatical errors. I'm still improving my writing skills :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro