Chapter 18
Chapter 18: Leave
MABILIS na lumipas ang mga oras at natapos na rin ang klase. Pagkadismiss sa amin ni sir ay agad kaming umuwi ni Spike, doon muna raw siya dederetso sa condo.
Nilapag ko ang bag ko sa sofa at saka humiga. Sobrang pagod ko sa araw na 'to, parang kulang ang isang araw na tulog ko.
"Barbeque..."
Napamulat ako ng magsalita siya. "Gusto mong barbeque?" Tanong ko.
"Aysh hindi, tinatawag kita."
"Ang corny corny mo!" Inis na sabi ko at sinusubukan takpan ng unan ang mukha ko. Kinikilig kasi ako sa barbeque niya eh.
"Hahaha magluluto na ako, anong gusto mo?" Tanong niya. Magaling magluto 'yang si Spike kaya nga matakaw eh, pero hindi pa rin nawawalan ng abs. Saan hustisya mga bes?
"Pork steak nalang barbeque..." Sabi ko at diniinan talaga ang barbeque.
"Sige barbeque," sabi niya sabay kindat at tumakbo na sa kusina. Ang landi mo talaga Harley!
Napaisip na naman ako, malandi na ba 'ko no'n? Wala bang makakaintindi sakin? I just kissed him because I love him. Kahit patago...iyon nalang kasi ang alam kong paraan para ma-express ko ang love ko sakanya. Oo alam kong mali, pero lalaki rin ako, tao, natetempt. Sobrang tanga ko dahil nagpadala ako sa tukso kahit alam kong sobrang mali noon.
"Spike, bakit ka nagstay?" Tanong ko nang sundan ko siya kusina. Hindi kasi matahimik ang utak ko kaya gusto kong makakuha ng sagot sa kuryosidad ko.
"Nagstay? Sayo?"
"Oo..."
"Kasi kaibigan kita at mahal kita. Ang kaibigan nagdadamayan, hindi nag-iiwanan. Kaibigan kita kaya naiintindihan kita at kahit minsan mahirap pipilitin kong intindihin ka, wala eh kaibigan kita."
"Pero...hindi ka ba napipilitan?"
"Like what I've told you, you're my friend. And that's also my duty as your lover," nakangiting sabi niya habang naghihiwa ng onions.
"Lover? Hahaha grabe naman 'to. Alam mo Spike hindi tayo bagay, at hindi rin tayo pwede," malungkot na sabi ko at bigla siyang napahinto sa paghihiwa saka tumingin sa akin.
Alam kong nasaktan siya pero iyon naman ang totoo diba? Mas lalo akong kagagalitan ni Blade kapag pinagpatuloy niya yung nararamdaman niya para sakin.
"Harley, kapag mahal mo 'yong tao, gagawin mo lahat para sakanya. Kahit mali, para sa'yo nagiging tama."
"Paano si Blade?"
"Ano ba? Huwag mong intindihin ang lalaking 'yon. Tanggapin mo nalang na hindi ka niya mahal at kahit kailan ay hindi ka niya mamahalin!" Inis na sabi niya. Napahinto siya nang tumulo ang luha ko.
"Sorry..." Sabi ko at tumakbo pataas.
Nagkulong ako sa kwarto ko at muli na namang umiyak. Lord, kailan po ba matatapos yung mga luha ko? Bakit naman ganito? Sobrang aga pa para magkagulo. Hindi ko na alam ang uunahin ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mauuwi ako sa depression nito...
"Harley, c'mon open the door. Mag-usap tayo!" Sigaw ni Spike mula sa labas.
Nananatili akong nakayuko at nakasubsob ang mukha sa unan. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Pati si Spike ay nadamay sa mga kagagawan ko. Mali ang magstay siya sakin, itatakwil din siya ng kapatid niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Siguro ay nakuha niya na ang susi, napakatalino naman talaga. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko, inakbayan niya ako at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
"Tumahan ka na baby, nandito lang ako't di ka iiwan, 'di hahayaang masaktan..."
Bigla tuloy akong natawa sa kanta niya. Kainis ang lalaking 'to alam na alam kung paano ako patatawanin.
"Napakacorny mo!"
"Atleast napatawa kita, 'di gaya niya pinapaiyak ka lang."
Napangiti ako sa sinabi niya, "Salamat ah," sabi ko at bumuntong hininga.
"Para sa'yo lahat tatalikuran ko."
"Hindi naman sa ano, pero alam mo namang hindi tayo pwede diba? Mahihirapan ka lang Spike, pareho tayong lalaki."
"Pwede kaya, 'wag mo ngang sabihin 'yan. Sa Canada sa amin, nagkakasal sila ng same sex. Kaya wala tayong problema kahit bukas kaya kitang dalhin doon at pakasalan ka."
"Talaga?!" Gulat na sabi ko at napanganga. Ang galing naman ng Canada, amazing.
"Hindi ko kayang mawala ka sakin barbeque..."
"Ehh? Tigilan mo nga 'yang barbeque mo."
"Ang cute kaya, unique."
"Tse bahala!" Sabi ko at nahiga patalikod. Pero sa totoo lang gusto ko lang itago ang kilig ko.
"Sus meron ka ba ngayon?" Natatawang tanong niya kaya't binato ko siya ng unan. Kainis talaga!
Nakarinig kami ng yabag ng mga paa at agad akong napabangon. Nakita kong si Valeen pala iyon at dere-deretso siyang pumasok sa kwarto niya. Nagkatinginan kami ni Spike at saka ako lumabas ng kwarto para puntahan si Valeen sa kwarto niya.
Nakita kong nag-eempake na siya ng mga gamit niya. Sinasabi na nga ba eh aysh.
"Aalis ka na?" Tanong ni Spike ngunit hindi niya siya pinansin. Nakaupo lang siya at nagtutupi ng mga damit niya sabay lagay sa maleta.
"Kamusta ka na? A-ayos lang ba si baby?" Tanong ko.
"Oo, maayos naman kami ng anak namin ni Blade at oo aalis na ako," madiin niyang sabi ng hindi tumitingin.
"Pag-usapan naman natin 'to ng maayos, hindi mo naiintindihan Val."
"May utak ako at nauunawaan ko ang lahat Harley. Hindi ko na kaya, nagbago na ang desisyon ko, kaya pwede bang hayaan mo na kaming maging masaya ni Blade."
"Hindi, maayos naman tayo diba? Patawad, patawad sa mga nagawa ko. Magkaibigan tayo at alam kong maiintindihan mo ako."
"Iyon na nga eh, naintindihan ko kaya nalinawan na rin ako. Pinagkatiwalaan kasi kita, alam kong kaibigan mo siya pero hindi ko inaasahang may nararamdaman ka pala sakanya. You know what's worst? You're flirt. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Hinahalikan mo yung ama ng batang dinadala ko. Ang plastik mo Harley! Siguro kaya mo ako tinulungan dahil gusto mong mas malayo ako kay Blade!" Sigaw niya habang umiiyak sa harap ko.
Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit niya nagawa iyon, gusto niyang gumanti. Pero mali naman atang siraan niya akong lalao kay Blade at mas kampihan niya pa si Mich. Hindi ako plastik, alam niya iyon. Totoong gusto ko siyang tulungan dahil kaibigan ko siya. At kay Blade naman ay wala pa yatang limang beses kong nagawa iyon, lahat iyon ay dahil lang sa tukso. Saka maayos naman kasi ang lahat eh, kahit nagawa ko iyon ay wala namang problema. Sadyang pakialamera lang ang bruhang Mich na 'yon kaya kami nagkagulo.
"Naiintindihan kita Mich, pero sana maintindihan mo rin lahat ng pinagdaanan ko sa likod ng lahat ng iyon. At hindi ako plastik, totoong gusto kitang tulungan dahil kaibigan kita."
"Tama na Harley, tama na. Sawang sawa na akong marinig ang mga walang kwenta mong eksplanasyon," sabi niya at lumabas ng kwarto.
Binangga niya pa ako bago siya umalis mabuti nalang at nasa likod ko si Spike kaya't hindi ako natumba.
"Okay ng umalis siya, para wala na tayong problema. Saka dito na muna ako mag-i-stay lagi para mabantayan kita," sabi ni Spike habang nakahawak sa balikat ko.
"Bakit naman? Ano ako bata?" Sabi ko sabay pout.
"Hindi ka bata, kasi mahal kita."
"Huh?"
"Wala slow! Hahaha!"
Nagtatakbo naman siya papuntang kwarto. Kainis talaga 'to. Pero I'm so lucky to have him. Hindi lang siya nagstay dahil magkaibigan kundi mahal niya ako as more than friends.
"Ganyan, dapat lang na laging kang nakangiti. Hays, ang gwapo ko talaga," sabi niya habang nakapikit. Nakahiga na kasi siya sa kama ko at nakaunan ang ulo niya sa dalawa niyang braso.
"Bakit naman? Ang hangin nito."
"Kasi ako lang ang nakakapagpangiti sa'yo. Boom rhyme ABC 123!"
"Hahaha mali naman eh dapat 123 ABC!" Sabi ko at hindi ko na napigilan ang malakas na tawa.
"Sus kahit baliktarin mo ganoon pa rin. Parang 'yong I love you."
"Ano naman kabaliktaran no'n? You love I? HAHAHA very wrong ka," natatawang sabi ko at nahampas ko na siya sa paa.
"Ikaw naman ang mali. Ang kabaliktaran noon ay You love me, ayieeee!" Sabi niya at napakagat labi. Natigilan naman ako sa pagtawa at napangiti.
Hindi kaya mahal ko na siya ng higit sa kaibigan? Kinikilig na kasi ako eh. Pero hindi rin, ayon kasi sa teacher namin sa M.A.P.E.H noong high school ay hindi raw matatawag na pagmamahal kung kilig lang ang habol mo.
Hindi nama kilig ang habol ko eh, infatuation lang siguro, or should I say infatuation pa lang siguro. Kasi sabi niya, kapag mahal mo hindi lang pagsasacrifice ang gagawin mo kundi ipaglalaban mo siya kahit kanino. Syempre ng raw mahal mo eh, so ba't mo pakakawalan?
At iyon ang nararamdaman ko ngayon, ayoko ng mawala sa tabi ko si Spike. Parang sa isang iglap ay natauhan ako at nawala ang nararamdaman ko kay Blade. Hindi ko pa man masabi ngayon na mahal ko na si Spike pero malay natin sa mga susunod na araw ay mas lalong madevelop diba? Ang love kasi hindi minamadali.
"Oh natulala ka na naman sa kilig barbeque eh," sabi niya at kinurot ako sa pisngi. Hindi ko na namalayang bumangon na siya at malapit ang mga mukha namin ngayon sa isa't-isa.
"M-may naalala lang ako," sabi ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya, iniisip niya sigurong si Blade ang naalala ko.
"Huwag kang mag-alala hindi siya," natatawang sabi ko.
"Tsk hindi ko naman sinasabing nagseselos ako ah, pero parang gano'n na nga."
Hindi ko alam kung ilang beses ako ngumiti sa araw na 'to. Na kahit punong puno ng lungkot at pangungulila ang puso ko ngayon ay nagagawa ko pa ring ngumiti dahil may isang taong nakakaintindi at patuloy na umiintindi sa akin.
Napakaswerte ko dahil hindi niya ako iniwan. Yung tipong kahit nawalan ka ng dalawang kitkat ay may kapalit naman na dairy milk.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro