Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17


Chapter 17: The second truth

MALAMIG na malamig ang paligid habang kumakain kami ni Valeen ngayong umaga. Pagkatapos niyang kumain ay agad niyang hinugasahan ang pinagkainan niya at mabilis na nagtooth brush.

"Harley, alis na 'ko," malamig niyang sabi saka lumabas ng pinto.

Napabuntong hininga nalang ako at inilapag sa plato ang utensils na hawak ko. Muling tumulo ang mga luha ko nang maalala ko uli ang mga nangyari kahapon. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'to. Ang tanga tanga ko kasi eh. Bukod sa hindi ko naisarang mabuti iyong pinto ay hinayaan ko pang magsaya rito ang impaktang Mich na 'yon. Anong karapatan niyang gawin 'yon? Ngayon ay sirang sira na ang buong pagkatao ko kay Blade.

"Umiiyak ka na naman. Lumapit ka, sabihin ang dahilan. Ba't ka lumuluha? ba't ka lumuluha?"

Rinig kong pagkanta ng isang boses at alam kong kay Spike iyon. Naka-uniform na siya at ayos na ayos na. Nilapitan niya ako at niyakap. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. Tinitigan niya ako ng seryoso ngunit may bahid ng lungkot.

"Tutulungan na gumaan. Nandito lang ako, ika'y pakikinggan. 'Wag ka nang lumuha, 'wag ka nang lumuha..."

Mas lalo akong naiyak sa kinakanta niya. Niyakap ko rin siya pabalik at sa yakap na iyon ay sinigurado kong mahigpit.

"S-spike, ang sakit, ang s-sakit sakit," sabi ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Shh, tahan na. Huwag mo siyang intindihin okay? Diba sabi ko sa'yo hayaan mo muna siya? Nandito naman ako Harley, handa akong maging lahat mo. I can be your friend, boyfriend, daddy, kuya and everything."

"Pero..."

"Stop. Don't cry for nonsense okay? Hindi mo dapat iniiyakan si Blade. Dahil lang doon? Look, sinaktan ka niya. Kaya kailangan mong maging matapang at ipakita mong hindi porket ganyan ka ay mahina ka na."

"Kaibigan ko siya Spike, natural lang na masaktan ako sa mga sinabi niya. His words marked in my mind, so tell me how can I be brave?"

"I know, I understand you. Pero, isipin mo rin 'yon. Sinaktan ka niya, at hindi porket kaibigan mo siya ay patatawarin mo na siya. Masasakit yung mga salitang binitawan niya sayo. Saka sabi niya pa diba na ayaw niya sa mga kagaya mo? So 'wag mo ng ipilit ang hindi pwede."

Hindi ako nakasagot sakanya. Kung hahayaan ko ito at hindi kami mag-uusap ng matino ay posibleng habang buhay na kaming magkaaway at hindi ayos. Ano nalang ang sasabihin ni Tita at ni ate Talie?

"H-hayaan ko nalang na magkaaway kami forever?"

"Harley walang forever. I mean, hayaan mo muna siya kapag malamig na ang ulo niya at sa tingin mo ay pwede saka kayo mag-usap."

"Tama ka, palilipasin ko muna 'to," sabi ko at pinahid ang mga luhang natuyo sa pisngi ko.

"Always remember that I'm here, I'm here for you."

"Pero Spike, pati sa'yo ay galit din si Blade."

"I don't care about that fvcker. The important is I'm on your side," sabi niya at ngumiti. Medyo kinilig naman ako doon hahaha.

"Sus, sana hanggang huli."

"Oo naman, ganyan kita kamahal."

"Oppsss! Tama na, pasok na tayo."

Pagkatapos kong hugasan at plato ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na kami papuntang parking lot. Dito na rin kasi sa condo niya nag-i-stay si Spike kaya mag-isa nalang lagi si Blade sa mansion nila.

Maya maya ay nakarating na kami na school. Pagpasok pa lang namin ay tila may sakit ako na nakakahawa dahil sa mga tinginan nila. Hindi ko nalang iyon pinansin. Ang balita nga naman kay bilis kumalat, parang sakit lang.

"Uy bakla."

"Witwiw yieee si Harley."

"Tangina pre chix oh."

"Miss pwede ka makadate?"

"Akin yan gago HAHAHA!"

"P***! Yuck ka pre!"

Mga parinig ng mga kalalakihan sa paligid ko pero hindi ko pa rin sila pinansin.

Nakita kong nag-uusap sa may dulo ng hallway sila Valeen at Mich. Sa sobrang inis ko ay tumaas lahat ng dugo ko at lumakas ang katawan ko. Dali dali kong sinugod si Mich at saka ito sinabunutan. Lecheng hinayupak na 'to dapat dito kinakalbo!

"Hayop kang babae ka! Anong karapatan mong gawin 'yon ha?! Ganyan ka ba kadesperada? Sisirain mo pa ako kay Blade hayop ka makalbo ka!" Sigaw ko at mas lalo akong nanlakas at talagang hinila ko ang mga buhok niyang impakta siya.

"Hoy bitawan mo 'ko! Sige sampalin mo na ako hangga't gusto mo pero 'wag mong sirain ang buhok ko. Kakapakulay ko lang diyan bwisit kang bakla ka!"

"Walang akong pake! Dapat lang 'yan sayo napakasama mo plastik na basura!" Malakas na sabi ko saka siya sinampal ng malakas ang makapal niyang pagmumukha.

Pinipilit akong ilayo ni Spike sakanya at nagtagumpay naman siya. "Tama na Harley, hayaan mo na siya," pigil sakin ni Spike.

"Anong tama na?! Gusto ko pang lamutakin ang pagmumukha ng malanding 'yan!"

"Wow malandi? Sino kaya sa atin ang tunay na malandi? HAHAHA 'wag ka ngang patawa bakla!"

Nakita kong masama ang tingin sa akin ni Val, so kinakampihan niya na 'tong anacondang 'to?

"Tumahimik ka na Harley, tama naman siya eh malandi ka," matigas na sabi niya dahilan ng pagtulo ng luha ko.

"Malandi, hahaha malandi. Malandi nga pala ako hahaha," sarkastikong sabi ko at sumeryosong muli ang mukha ko. "So pinakain ka ba niya ng mansanas kaya't nalason na 'yang utak mo Valeen? Baka nakaka-"

"Hindi! Narealize ko lang na, na tama siya. Dapat ng malaman ni Blade ang totoo dahil wala namang sikretong hindi nabubunyag. Pinagkatiwalaan kita eh, pinagkatiwalaan kita pero malandi ka rin pala!" Sabi niya sabay sampal sa kanan kong pisngi.

Nakita kong humahangos na dumating si Blade at inilayo si Valeen sa akin.

"Anong nangyayari? Ano na naman ba 'tong ginagawa mong gulo Harley?!" Galit na sigaw niya dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko.

Wala na akong pake kung maraming nanonood sa amin. Gusto ko lang itama ang mga maling pagkakaintindi nila, gusto kong subukang linisin ang pangalan ko sakanila. Hindi ko na kakayanin kung magpapalipas pa ako ng ilang araw bago sila kausapin, baka mahuli na ang lahat kapag nangyari iyon.

"Gusto ko lang linisin ang pangalan ko, Blade."

"Linisin? Kahit anong linis mo, madumi ka na."

"Blade, sinaktan niya ako kanina. Pinagsasampal niya ako," umiiyak n sabi ni Valeen na ikinalaki ng mata ko.

Hindi ko siya sinaktan. Si Mich ang sinaktan ko at hindi siya. Traydor! Hindi ko akalaing tatraydurin ako ni Valeen. Tanggap niya namang ganito ako pero tila nagbago yata ang ihip ng hangin. Ang hindi ko lang maintindihan ay bigla siyang naniwalang malandi nga ako kahit hindi niya naman alam ang buong kwento.

"What? Why did you do that?!"

"Hindi, hindi ko ginawa 'yon. Ano bang nakain mo Valeen at nagsisinungaling ka?"

"Look oh binabaliktad niya pa. Nakita mo 'yon diba Mich?"

Tumango naman ang bruha at ngumisi sakin.

"Bakit kasi hindi mo na aminin kay Blade ang totoo Valeen. Para mas lalong lumabas ang tunay na kulay ng baklang 'yan!" Pagkumbinsi ni Mich kay Val.

Napatingin naman si Blade sakanila at napakunot ang noo. "Anong aaminin? May iba ka pa bang sikreto sakin?"

Bumuntong hininga si Val at saka nagsalita. "Buntis ako Blade," nanginginig na sabi niya.

Nagulat ang mga estudyante sa paligid at nagbulung-bulungan na. Mga chismoso at chismosa. Pero okay na rin 'yon ng malaman na ni Blade ang totoo at matapos na rin ang isa kong problema. Maganda nga kung magsasama na sila uli kapag nalaman niyang magiging tatay na siya. Pero kahit naman malaman niya ang lahat ng katotohanang nakatago sa baul, sira na ko sakanya. Ano pang magagawa ko diba? Bakla nga raw ako at hindi lang 'yon malandi pa.

Tanggap ko naman lahat ng masasakit na salitang sinabi at sasabihin nila sakin pero ang hindi ko lang matanggap ay bakit hindi nila ako maintindihan. Hindi man lang nila naisip lahat ng nagawa ko para sakanila. Masyado silang nagpabulag sa mga rebelasyon. Dahil lang sa Mich na 'yon at sa mga katotohanan ay gaganituhin na nila ako?

Tama nga sila, talong talo ng isang mali ang isang daang tama. Kung ako ang nasa posisyon ni Blade ay hindi ko gagawin iyon. Hindi ko pagsasalitaan ng masasama ang kaibigan ko. Kaibigan ko nga eh diba? So dapat iintindihin ko siya. Uunawain ko lahat ng bagay ay aayusin ito sa aking isipin hanggang sa maintindihan ko kung bakit nangyari iyon at kung bakit nga ganoon.

Eh hindi eh, ang nangyari react muna bago think.

"You're pregnant?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Val at tumango naman ito.

"Oo Blade. Mag-a-apat na buwan na akong buntis. Alam mo bang matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to kaso pinipigilan ako ni Harley. Since wala naman na raw tayo ay 'wag ko na raw sabihin sa'yo dahil hindi mo naman daw ako paninindigan. I try to explain to him pero hindi niya ako pinakinggan. Siguro ganoon na siya kadesperada na masolo ka," umiiyak na sabi niya.

"Ano? Putangina buntis si Valeen at itinago niyo sakin! Bakit Harley? Anong kasalanan ko sa'yo at nagawa mo 'yon? Tangina anak ko 'yon eh! Anak ko 'yon, at mahal ko si Valeen. Bakit hindi mo sinabi sakin? Sana naalagaan ko siya. Sana nasamahan ko siya, sayang yung mga buwan na hindi ko siya nabantayan Harley bakit?!" Sigaw niya at napasabunot sa sarili niya.

Gusto kong sumigaw ng "Hindi 'yan totoo! Siya ang may gustong 'wag mong malaman pero binabaliktad niya ako ngayon!" Pero hindi ko magawa at tila natahi ang dila ko.

Niyakap siya ni Blade at napapikit nalang siya ng mariin. Mas lalong uminit ang ulo ko sa mga sinabi ni Valeen, alam naman naming lahat na walang katotohanan ang lahat ng iyon.

"Pati ba naman ikaw Valeen bumaliktad na rin ang utak mo? Ang mong walang katotohanan lahat ng mga sinabi mo. Bakit kailangan mong mas lalong siraan si Harley ha? Una sa lahat kami ang tumulong sa'yo at-"

"Tama na! Anong walang katotohanan? So iniisip mo na sinungaling ako? Bakit ako magsisinungaling eh iyon nga ang totoo!"

"Oo sinungaling ka!" Sigaw ni Spike at nakatanggap siya ng isang suntok kay Blade.

Agad kong nilapitan si Spike dahil may tumulong dugo mula sa ilong niya. Mas lalong nadudurog ang puso ko kapag kaibigan ko ang sinasaktan lalo na kung sa harap ko pa. Buong lakas akong tumayo.

"Ang sasama niyo! Ni hindi niyo man lang naisip lahat ng ginawa kong kabutihan sa inyo. Ikaw Valeen, pinatira kita sa condo ko dahil wala ka ng matitirhan. Pinakain kita at pinahiram ng mga gamit ko pero hindi ko inaasahang tatraydurin mo lang ako. Ikaw Blade, mahigit isang dekada na tayong magkakaibigan pero dahil lang doon gaganituhin mo na ako. Pagsasalitaan ng masasakit na salita na daig ko pa ang pinugutan ng ulo. Sana bago kayo manghusga sana man lang naisip niyo yung nararamdaman ko at yung mga pinagdaanan ko!" Malakas na sabi ko habang lumuluha at pinagsusuntok si Blade.

"Tigilan mo 'yan wag mong saktan si Blade!" Sigaw naman ni Mich kaya't tinulak ko siya ng malakas at nadunggol niya naman si Valeen.

Shit tumama sa pader si Valeen at napaupo sa sahig. Napahinto ako at nanlamig, may mga dugong umaagos mula sa loob ni Valeen.

"Tangina! Kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko, humanda ka," matigas niyang sabi at agad binuhat si Valeen papuntang parking lot.

Nginisian ako ni Mich at sumunod sa dalawa na ani mo'y nag-aalala.

"H-hindi ko na alam ang g-gagawin ko Spike..." Nanghihinang sabi ko at niyakap siya. Nakatayo na rin siya at niyakap ako pabalik.

"Aalis tayo, ilalayo na kita rito."

"Ano?"

Nginitian niya lang ako at nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Mabuti nalang ay wala na ang mga manonood namin kanina.

Kahit galit din ako sakanila ngayon ni Blade ay kaibigan ko pa rin sila. Concern pa rin ako. Naiintindihan ko naman si Blade kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya pero hindi ko lang maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Valeen. Pero may kaunti pa rin akong pag-aalala sakanya dahil anak din iyon ni Blade.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sinaktan ako ng best friend ko at tinraydor naman ako ng kaibigan ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro