Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16


Chapter 16: Revelation

KINABUKASAN ay maagang nagsi-alisan yung mga natirang bisita. Nanghingi pa sila ngbpasensya dahil nagkalat sila, sabi ko naman ay okay lang.

Linggo ngayon at katatapos lang naming mag-ayos ng condo. Si Val naman nagluluto. Sabi ko nga ay ako nalang pero mapilit siya dahil nakakahiya na raw ang mga naitulong namin sakanya. Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga nilabhan ko kanina, mabilis namang natuyo dahil may dryer.

Pagkatapos kong magtupi ay pinuntahan ko na sa kusina si Val. Nagluto siya ng favorite naming burger steak. Saktong naghahanda kami ay pumasok si Spike. I think naghalf day siya.

Bigla kong naalala ang mga sinabi niya sakin kagabi. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Ano ba 'to siguradong sasabihin niya na agad kay Valeen 'yon.

"Ahm CR lang ako hehe," paalam ko ngunit pinigilan agad ako ni Spike. Hindi ako makatingin sakanya putcha.

"Oh oh bruh, may dala akong paborito mong siopao," nakangiti niyang sabi. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko. Kinuha ko ang dala niyang supot at may tatlong siopao doon.

"Sumabay ka na samin Spike," sabi ni Valeen.

Tumango naman siya at naupo na kaming tatlo. Syempre bago kumain ay magpepray muna. Pinangunahan ako na ang pagdadasal.

"Bless us, o Lord, and these, thy gifts, which we are about to receive from thy bounty. Through Christ, our Lord. Amen."

Sinimulan na namin ang pagkain. Nagulat nga ako nang paglagyan ako ni Spike ng pagkain.

"A-ako na," nahihiyang sabi ko.

"Ehem mukhang m-may something ah," sabi ni Val habang sarap na sarap sa pagkain.

"Huh? Ahm wal-"

"I'm courting her," nakangiting sabi niya at kumindat sakin.

Tatlong salitang nagpatalbog ng puso ko. At hindi lang 'yon ah, he even call me "her" which is first time kong masabihan no'n. Ang sarap sa feeling hay.

"OMG! Is that true?" Nanlalaking ang matang tanong sakin ni Val and I nodded.

"Ah oo hehe,"

"How? Mygosh! Kwento naman kayo dali," sabi niya uli habang ngumunguya.

"I love Harley, that's all."

"Ay nvm na nga lang hahaha. I'm happy for the both of you."

"Salamat."

"Oh kain pa-"

"Hey!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Blade.

Pare-pareho kaming napatingin sakanya. Maski siya ay nagulat nang makitang kasama namin si Valeen. Shit shit shit.

"Oh the birthday girl is here," sarkastiko niyang sabi. Napaiwas nalang ng tingin si Val at tumuloy sa pagkain. Tumabi siya sakin at ibinaba ang bag niya.

"Ba't ka pumunta rito? May pasok diba?" Tanong ko.

"Actually, sinundan ko si Spike and look he's here. Since naghalf day siya edi maghahalf day nalang din ako," sabi niya at kumuha ng plato. Sanay na ako dyan, kahit naman anong gawin niya dito sa condo ay okay lang.

"Excuse me," sabi naman ni Val nang makatapos na siyang kumain. Agad niyang niligpit ang pinagkainan niya at umakyat sa kwarto niya. Mukhang nasu-suffocate siya sa atmosphere dito.

"Hindi half day ang ginagawa niyo, cutting 'yon."

"Para namang hindi tayo malakas sa mga teacher hahaha!" Sabi naman ni Spike at nag-apir sila ng kakambal niya. Hays, ang unfair kaya noon para sa iba.

"Kahit na no mali 'yon."

Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Blade, tunog iyon ng messenger. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, ano ba 'to.

Nagulat nalang ako ng malakas niyang ibagsak ang kutsara at tinidor sa lamesa dahilan para bumagsak ang plato sa sahig at nabasag iyon. Nakita kong napanganga rin si Spike sa ginawa ni Blade. Muli akong tumingin sakanya at nakita kong parang may pinapanood siya sa cellphone niya.

Tumayo ako at lilinisin na sana ang nabasag na plato nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Tinignan niya ako ng puno ng galit. Napakunot noo ako at nanlamig. Malakas at mabilis ang tibok ng puso ko. Diyos ko, anong nangyayari?

Marahas niya akong binitawan at binato sakin yung cellphone niya. Napatayo na rin si Spike at lumapit sakin. Nanginginig kong tinignan ang nasa screen at isang video ang nasa gallery niya. Binuksan ko ito at pinanood ko ito. Gano'n nalang ang lutong ng pagmura ko sa isipan ko nang mapanood ko ito.

Video iyon noong nasa kwarto ko ako kagabi at pinupunasan si Blade. Dinig lahat sa video ang mga sinabi ko sakanya pero ang mas kinalamig ng buong katawan ko ay noong hinalikan ko siya sa noo.

"Putangina! Bakla ka?! Bakla yung Harley na best friend ko? What the fuck?!" Galit na galit at sarkastikong sabi niya.

Nakita ko rin na si Mich pala ang nagsend sakanya noon, hayop na Mich Roby na iyon mapapatay ko siya. Kung ganoon ay siya yung nagsara ng pinto, damn ang malas naman oh!

"Blade, wait I'll exp-"

"Explain what? Kung paano ka naging bakla? Kung bakit ka nabakla? Kung paano at bakit mo ako minahal? Putangina! Hindi ako pumapatol sa bakla at mas lalong wala akong kaibigan bakla!"

"Huwag mong sigawan si Harley!" Galit ding sigaw ni Spike sakanya. Natameme na ako rito at tila ni isang salita ay walang balak na lumabas sa bibig ko.

"Tumahimik ka! Ikaw, alam mo naman pala! Kailan pa ha? Matagal na? At tanggap mo naman? Siguro bakla ka rin no? Hahaha pinagmukha niyo akong tanga! Mga hangal mga p***!" Sigaw niya sabay taob ng upuan.

Narinig ko ang nagmamadaling pagbaba ni Valeen mula sa taas.

"Huwag mong mamaliitin si Harley, Blade. Hindi mo alam yung mga pinaghirapan niya. Bakla siya oo, anong masama doon? Bakit ba nagagalit ka? Bakit hindi mo siya tanggapin? Best friends kayo diba? Saka isa pa walang masama sa pagiging bakla-"

"Anong masama? Nakakasira siya ng pagkalalaki! Sorry to say but hindi ako tumatanggap ng bakla sa buhay ko. Kahit kailan hindi ko ginustong magkaroon ng kaibigang bakla. Ano nalang ang sasabihin ng iba? Ng mga kaibigan ko sa school? Na si Harley bakla. Si Blade may kaibigang bakla. Na bakla si Blade bakla na rin. Is that what you want? Then fvck you!"

"Blade, tama na! Sumosobra ka na ha!" Sigaw ni Val at binigyan ako ng panyo para punasan ang mga luha ko.

Sobrang sakit, sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita sa akin. Sobrang nagagalit siya dahil alam niya na ang totoo. Sobrang nagagalit siya dahil bakla ako, ang best friend niya. Alam kong nagsisisi na siya ngayon dahil kaibigan niya ako. Bakit naman kasi ganoon Lord? Bakit kailangang gawin ni Mich 'yon? Wala naman akong kasalanan sakanya ah. Ganoon ba siya ka-desperada kay Blade kaya pati pagkakaibigan namin ay sisirain niya?

"At ikaw na babae ka, kinakampihan mo pa 'tong baklang 'to. Bakit ba nandito ka ha?"

"Dahil kaibigan ko siya."

"Edi magsama kayo! Mga manloloko! Pinagmukha niyo akong tanga. Alam niyo naman pala yung totoo tapos hindi niyo pa sinabi sakin. At ikaw Harley malandi ka!"

"Oo na tama na! Tangina!"

"Ikaw pa ang may ganang magalit ha? Kung sabagay bakla eh-"

"Oo bakla ako! Oo sige bakla nga ako! Pero may halaga rin ako. Tao rin ako Blade, may nararamdaman. Hindi mo naman kailangang ipamukha ng ipamukha sa akin eh. Tanggap ko naman, expected ko naman kahit noon pa, hindi lang ako handang umamin pa. Tama nga ako, hindi mo ako matatanggap. Ang isang Blade Stone may kaibigang bakla? Ano nalang kayang iisipin ng iba? Tama ka, nakakadiri naman kung kaibigan mo ako diba? Nakakadiring lumapit sa tulad kong bakla," sabi ko habang umiiyak sa harap niya.

"I don't care about your feelings. Alam mo yung mas nakakaputangina? Yung nilalandi mo ako ng patago! Hindi lang pala pagmamahal at katotohanan ang tinatago mo sakin pati paglandi. Iba ka rin eh no? Manloloko na sinungaling pa! Hinahalikan mo 'tong mukhang to? Nakakadiri ka Harley!" Galit na sabi niya saka ako sinampal ng malakas.

Tangina ang sakit, hindi yung sampal kundi yung mga sinabi niya sakin. Kahit pala gawin mo ang lahat, hindi pa rin talaga sapat.

"Oo! Siguro nga malandi ako! Pero iyon nalang yung tanging paraan para ma-express ko yung pagmamahal ko sa'yo dahil kahit anong gawin ko, kahit baguhin ko pa ang ikot ng mundo kahit magparetoke pa ako hinding hindi ka magkakagusto sa isang tulad ko. Yun nga yung masakit eh, yung nakakapagsinungaling ako sayo dahil mahal kita. Yung nakakagawa ako ng mali kasi tangina hindi kita matiis! Pero wala, may nasabi ka pa rin. Hindi mo pa rin ako matatanggap."

"Is that true? You k-kissed him?" Hindi makapaniwalang tanong ni Val at tuluyan ng tumulo ang mga nagbabadya niyang luha.

Dahan dahan akong tumango. Si Spike naman ay nakahawak lang sa balikat ko at inaalo ako. Napahilamos si Blade sa mukha niya at sinusubukang huminahon. Napaka-walanghiya talaga ni Mich! Hindi niya iniisip ang pwedeng mangyari sa kasamaan niya.

"Sobra naman na yata, kung ayaw mo kay Harley edi 'wag. Kung hindi mo siya tanggap, edi wag mong tanggaping 'di yung ang dami dami mo pang reklamo. Kung ayaw mo sakanya pwes gusto ko siya," madiing sabi ni Spike sa harap ni Blade. Agad kong hinakawan ang braso niya dahil pakiramdam ko ay kahit anong oras ay masusuntok niya si Blade.

"Oh narinig mo 'yon Harley? Gusto ka naman pala ni Spike eh, hahaha tangina edi magsama kayo. Tutal pareho naman pala kayong mga bakla diba? Bakit di kayo magsama? Ayokong ayoko na kayong makakasama dahil hindi ako dumidikit sa mga bakla."

"Tangina talaga! Anong hindi? Ang tagal mo na ngang dumidikit eh p*ta!" Sarkastikong sabi ni Spike at ngumisi. Nabigla naman ako ng suntukin ni Blade si Spike at napaupo ito.

"Tama na Blade!" Sigaw ko.

"Shut up, I hate everything about you!"

"Hahaha what? I know. You'll hate me because of my stolen kisses? Well, atleast my lies are pretty. Wala naman kasing magbabago kahit alam mo na iyong totoo."

Sinamaan niya ako ng tingin at padabog siyang lumabas ng condo. Si Valeen naman ay umiiyak na umakyat papuntang kwarto niya. Inalalayan kong maupo si Spike at tumabi ako sakanya. Niyakap naman niya ako habang nakahalik sa ulo ko.

"Shh don't mind him. I'm here Harley, I'll protect you."

"Salamat Spike, salamat."

Hanggang dito nalang nga siguro ang pagkakaibigan naming dalawa. Tama nga ako, hindi niya ako matatanggap. Marami pa rin talagang mga tao ang galit sa mga baklang katulad ko.

Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, pero sa huli ako pa rin 'yong talo.






---

Hello! Salamat sa pagbabasa at paghihintay ng update ko. Keep on reading dahil marami pan rebelasyong magaganap sa kwentong ito. :)

-stilteaub

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro