Chapter 15
Chapter 15: Speechless (Pt.3)
NAHIHIYA niyang kinuha ang dalawa kong kamay at inilagay iyon sa magkabilang balikat niya. Yung totoo? Anong nakain mo bruh?
"Bruh, nakahithit ka ba?" Natatawang tanong ko sakanya ngunit hindi ko inalis ang mga kamay ko sa balikat niya.
"Mamaya na ako magpapaliwanag bruh, basta sayaw muna tayo okay?"
"O-okay."
Sumabay kami sa tugtog. Napatingin ako kina Blade at Valeen, nakangiti sila habang nagsasayaw. Masaya ako para sakanilang dawala. Totoo, walang halong biro.
"Pwede bang 'wag ka ng tumingin sa kanila?" Malumanay na tanong ni Spike kaya't napatingin ako sakanya. May nakikita akong bakas ng lungkot at kaba sa mga mata niya. Ano bang nangyayari?
"Ahm sorry. Ano ba kasing nangyayari sa'yo bruh? Ba't mo ako sinasayaw?"
Hindi naman sa ayaw ko, ang weird lang kasi. Kailangan pang nandito sa labas? Ay tanga, kung sabagay anong iisipin nila? Nagsasayaw kami ni Spike ng slow dance? Syempre iisipin nilang bakla kami. Gamitin ang utak Harley 'wag tanga please. Ano ba 'yan nababaliw na ako, kinakausap ko na ang sarili ko.
"Ahm, 'wag ka sanang magagaling Harley," seryosong sabi niya dahil Harley na ang itinawag niya sa akin.
"Sige."
"G-gus-"
"Hey! Hahaha anong g-ginagawa niyo dyan mga b-bro?" Tumatawang sabi ni Blade ng makarating siya sa harap namin.
Agad naman kaming napahiwalay ni Spike sa isa't-isa. Nakita ko pang napasimangot siya ng maputol ang sasabihin niya. Pwede naman sigurong ituloy mamaya, mukhang may kailangan si Blade eh.
"Oh Blade, kaya mo pa ba?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.
"Inaantok na ako bro, sa'n kwarto mo?"
Mukhang lasing na siya. Nagpaalam muna ako kay Spike na dadalin ko muna sa kwarto ko si Spike. Nalaman ko rin na nakatulog na pala si Val sa kwarto niya. Samantalang ang mga bisita ay nagsasayaw pa rin at ang iba ay naglalaro. May isang oras pa kasi sila sa pagsasaya, mag aalas-onse na rin kasi.
Inalalayan ko si Blade habang umaakyat kami ng hagdan. Marahan kong itinulak ang pinto at sinara nang makapasok na kami. Agad siyang nahiga sa kama at umayos ng higa. Hindi na niya kaya at dapat lang na magpahinga muna siya. Kumuha ako ng bimpo at binasa ito, kumuha na rin ako ng maliit na palangga at nilagyan ng tubig.
Habang pinupunasan ako ang mukha niya ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig dito. Sino ba naman kasing hindi mapapatitig sa gwapong mukha ni Blade?
Naalala ko na naman yung mga panahong inaalagan ko siya tulad ng ginagawa ko ngayon. Sa buong buhay namin na magkakasama kami, ni minsan ay hindi niya nalalaman na ginagawa ko ito sakanya. Usually naman kasi inaalagaan ko lang siya kapag lasing siya or kapag hindi na siya makadilat sa taas ng lagnat.
"Hayaan mo Blade, susubukan kong kalimutan 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Hayaan mo at makakamoved on din ako hahaha. Sana gaya ng kanina, lagi ka nalang masaya. Sana tuluyan ng bumalik yung Blade na nakilala ko, yung Blade na masayahin at kolokoy. Yung best friend ko, diba bro? Hahaha. Ano kayang magiging reaction mo kapag nalaman mong mahal kita? At, at bakla ako. Haha siguradong magagalit ka at bubugbugin ang aking mukha. Pero okay lang, para sa'yo titiisin ko yung sakit. Kaibigan kita kaya't hindi ko magagawang magalit. Pero pasensya na bro, hindi pa kasi ako handa. Hindi pa ako handang aminin ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi dahil natatakot akong mabangasan mo, kundi dahil natatakot ako na baka, na baka iwan mo 'ko. Baka kalimutan mong kaibigan mo ako. Sana gaya ka rin ni Spike, sana matanggap mo ang totoong pagkatao ko," sabi ko sakanya, hindi niya naman maririnig iyon dahil nga tulog na siya.
Mabilis ko lang siyang dinampian ng haliknsa noo at binukas ko na ang polong suot niya para punasan siya, hindi ko na papalitan dahil wala naman siyang pamalit. Saka kahit palitan ko siya at hindi pa rin pwede, iisipin niyang binihisan ko siya.
Narinig ko ang mahinang pagsara ng pinto. Hala, naiwan ko palang nakabukas shems. Baka kung sino iyong nakakita? Hays, baka naman si Spike lang. Pero kung sino man siya sana lasing na lasing siya at kung may huwisyo man siya ay manahimik nalang sana siya.
Niligpit ko na ang mga ginamit ko at nang maramdaman kong tumahimik na ang paligid ay lumabas na ako ng kwarto.
Wala na pala ang ibang bisita, yung iba mga tulog sa living room pero okay lang na magstay sila dito hanggang bukas kaysa naman ma-aksidente sila sa kalsada. Hindi naman ako madamot sa condo ko, anyone is welcome except kay Mich.
Speaking of Mich, wala na ang gaga buti naman. Naalala ko ring puntahan si Val sa kwarto niya. Nakapagpalita na siya ng damit pantulog at mahimbing naman ang tulog niya. Kinuha ko ang isang baso ng gatas na hindi niya na naubos at pumunta na ako sa kusina.
Pagpunta ko roon ay nakita ko si Spike na nakaupo at nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa habang may malalim na iniisip. Hindi ko muna siya pinansin at hinugasan mo muna ang baso saka ito inilagay sa lagayan.
Lumapit ako sakanya at naupo sa harapan niya. Nakita ko sa wall clock sa likod niya na 11:52 PM na pala. Nagwave ako sa harap niya at nakuha ko naman agad ang atensyon niya.
"Huy bruh, ano na?" Tanong ko. Nacurious tuloy ako sa sasabihin niya sana kanina.
"Bruh, w-wag kang magagalit ah," sabi niya uli. Tumango lang ako at ngumiti.
"Bruh kasi a-ano eh..."
Tila hindi siya mapakali at ramdam kong malamig ang mga kamay niya dahil nanginginig iyon.
"Teka! Ikaw ba 'yong nagsara ng pinto kanina?" Tanong ko at napakunot naman ang noo niya.
"Huh? Hindi bakit?" Tanong niya at napakamot ng ulo.
"Ahh wala baka hinangin lang," sagot ko.
Kung hindi siya ay malamang na hangin nga lang. Hindi naman siguro tao kasi mahina lang naman ang pagkakasara. Tama tama hangin lang 'yon.
"Oh sige pwede mo ng ituloy."
"So ayun nga, bruh..."
"Ano nga? Dali curious na ako eh!" Iritang sabi ko. Pabitin kasi eh kainis.
"Bruh ano aysh! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero kasi...ano eh...ahm..."
"Isa pa babayagan na kita," banta ko sakanya kaya't nanlaki ang mga mata niya at natatarantang nagsalita.
"Bruh hindi ko alam kung paano nagsimula. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta, basta naramdaman ko nalang. Bruh gusto kita, noon. Bruh mahal kita, ngayon. Oo, tama yung narinig mo mahal kita. Nagseselos ako sa tuwing pinag-uusapan natin yung tungkol kay Blade. Nagseselos ako kapag sakanya ka lang laging nakatingin. Nagseselos ako sa mga bagay na mas pinipili mo siya kaysa sakin na, na laging nandito, para sa'yo. Pero kahit gano'n okay lang, kahit minsan nasasaktan na ako. Mahal kita eh, at mas lalo akong pinanlakasan ng loob ng malaman kong buntis yung ex niya. Mas malaki kasi yung tsansang maging, maging akin na..." Malakas at mabilis na sabi niya at hinihingal pa.
Magsasalita na sana ako nang may magsalita rin galing sa likuran ko.
"Hoy! May natutulog eh ang iingay niyo!" Malakas ngunit naghihingalong sabi ni Sean, isa rin sa mga bisitang nalasing. Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng condo. Wow ah?
Muli akong tumingin kay Spike. Maamo ang mga mata niyang nakatingin din sa akin. Humawak ako sa sentido ko at hinilot ito. Wait...loading...loading...50%...99%...
"What?!" Sigaw ko ng marealize ko ang mga sinabi niya.
"G-galit ka ba bruh?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ako sa balikat.
Napatakip ako sa bibig ko. "Hindi bruh. Seryoso ka? Kasi kung joke, hindi nakakatuwa."
Marupok kasi ako, kahit sa isang maliit na bagay bumibigay agad ako. Hindi sa love ah, halimbawa gaya ng pagtatago ng sikreto ni Val, kahit ayaw ko ay napilitan ako dahil kaibigan ko siya.
"Seryoso ako..."
"Naniniwala na ako. Pero bruh, lalaki rin ako. Ano nalang ang sasabihin ng iba? Si Blade?" Malungkot na sabi ko sakanya.
Hindi ko inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko inaasahang mangyayari ito. Masaya ako kasi may lalaki pa palang kayang magmagmahal sakin kahit bakla lang ako. May tao pa palang kaya tumanggap kung sino ako. At iyon ay ang best friend ko.
"Wala akong pake Harley! Ang importante mahal kita at..."
"Pero alam mo naman diba?" Tinignan ko siya at nagets naman niya ang ibig kong sabihin dahil tumango siya.
"Oo, pero, pero gagawin ko ang lahat mahalin mo lang din ako."
"Don't tell me-"
"Yes, I will court you!"
"Baliw ka ba? Malalaman ni Blade na ganito ako at magagalit siya sakin. Spike hindi pa ako handa, hindi pa ako handang malaman niya ang totoong ako."
"Are you rejecting me?"
"No, hindi kita nirereject. Ang akin lang, 'wag muna ngayon..."
"Okay okay I understand. But can I need your confirmation."
"For?"
"Kung may chance pa ba ako sayo..." Nahihiyang sabi niya at napayuko. Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"I can't promise na yes, but I'll try. Let's see, if we're destined, we're destined," nakangiting sabi ko at niyakap siya.
"Seriously?"
Tumango ako at lumawak din ang ngiti niya. Niyakap niya rin ako pabalik. "Oh wait, hindi ko nga sinasabing promise diba."
"I know, basta I'll do everything kahit patago lang. Please? Kahit wala si Blade..."
"Hays oo na!"
"Yay!"
Niyakap niya ako at binuhat at inikot-ikot. Leche nahilo ako huhuhu. Ang saya niya naman agad parang kami na ah hahaha.
Teka...ba't...ba't ako...ba't ako kinikilig? Yaaaaaaaaaa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro