Chapter 13
Chapter 13: Debut (Pt.1)
NAGLALAGAY na kami ngayon ni Spike ng balloons sa bawat sulok ng condo. It's her birthday today!
Ang bilis ng araw no? Hays, magpapasko na kasi eh. Sa mga nakalipas na araw ay okay naman kaming lahat. Hindi na namin naisasabay maglunch si Val dahil lagi kaming magkakasabay nila Blade. Hindi naman na lumalandi ng iba si Blade, nagtino naman na siya. Siguro natauhan na at the same time nakamoved on.
Sa araw-araw na magkasama kami ay masaya ako, syempre sino ba namang hindi sasaya kapag kasama mo yung mahal mo diba? Eto naman kasing si Spike iniinis pa rin ako. Buti nga kahit biro hindi nahahalata ni Blade na totoo eh. Kapag lang talaga nabisto ako ni Blade eh masasakal ko si Spike.
Hindi pa ako handang sabihin sakanya ang totoo. Hindi pa ngayon, hindi pa ngayon ang tamang panahon.
"Psst! Tulala ka na naman barbeque," sabi ni Spike habang nakatungtong sa upuan at nagkakabit ng decorations dito sa wall ng condo.
"Ano ba? Nagdeday dream yung tao eh," nakapout kong sabi. Ang epal niya promise.
"Tsk sabi ko pakiabot yung double sided tape at balloons."
Inabot ko ang mga iyon at naupo muna sa sofa. Kanina pa kaming alas syete ng umaga nag-aayos dito. Friday ngayon at itinaon namin talagang may pasok si Val para makapaggayak kami. May extension silang 3 hours dahil wala silang pasok kahapon. Bukas pa yung birthday niya pero ngayon na nga naming gaganapin.
The plan is, bago siya pumuntang condo ay pagbibihisin muna siya ni Spike sa condo niya. We bought her a yellow ball gown dahil favorite niya ang color yellow. Sasabihin namin na may aattendan kaming birthday party at masyadong magulo sa condo ngayon kaya doon muna siya magbibihis. Sana lang kumagat siya.
Hininto ko muna ang pagdidikit ng pictures at sumandal. Napaisip ako, paano kaya kung si Blade ang magsusurprise sakanya? Syempre yun pa bongga ang gagawin ng lalaking 'yon. Pero ano kayang feeling? Ano kayang feeling ng isusurprise ka ng taong mahal mo tapos ikaw naman hindi talaga nag-eexpect. Ang sarap siguro, pero mas masarap kung totoo.
"Pupunta ba si Blade?" Tanong ko kay Spike at napatingin naman siya sakin.
"Oo."
Nagulat ako, talagang pupunta siya? Kung sabagay moved on na nga raw naman siya. Pero ano kayang mangyayari mamaya?
"Siya nga ang last dance eh," sabi niya uli.
"Talaga?"
"Oo bruh sabi niya. Tutal wala naman na raw 'yon, saka minsan lang daw 'to mangyari sa isang babae. Saka sabi pa niya minahal naman daw niya si Val," natatawang sabi niya. Bumaba na siya sa upuan at tumabi sakin.
"Sus ang sabihin niya hindi lang niya matiis si Valeen kasi importante pa rin siya sakanya," sabi ko at patagong napairap.
"Oh bakit triggered ka?"
"Ano? Ako triggered? Hindi ah!"
"Okay sabi mo eh," sabi niya at mahinang tumawa.
Maya maya ay unti unti ng nagdadatingan ang mga bisita. Malaki ang condo ko at kasya ang dalawang section dito. Saka kaunti lang naman ang mga invited eh, yung mga close friends lang namin sa school. Habang naghihintay ay nagbihis na kami ni Spike. Si Val naman kararating lang pero syempre doon namin siya pinaderetso sa condo ni Spike. Sabi ko sa mga bisita ay ichecheck ko lang ang debutant sa condo ni Spike habang naghihintay sila. Pagpasok ko ay nakita kong nakaupo si Spike sa sofa habang nasa kwarto niya raw si Val.
"Val! Malapit ka na bang matapos dyan?" Tanong ko. Ang start kasi ay 6 pm to 12 am.
"Wait lang huhu late na ba tayo sa party?" Sigaw niya mula sa taas.
Pinuntahan ko siya doon at binuksan ang pinto, walang malisya ah di kami talo. "Hindi pa naman hehe."
"Hays lumalaki na ang tyan ko, pakisara naman yung zipper sa likod teh," sabi niya habang nakapout at nakaharap sa human sized mirror.
"Syempre buntis eh hahaha. Nakakaexcite namang makita si baby!" Sabi ko.
Nakakapagtaka lang ah, bakit para wala siyang alam sa ganap ngayon? Parang hindi niya alam na birthday niya? Eh dati rati nga bago siya magbirthday lagi niya kaming niloloko na saan na raw ang mga regalo namin. Pero ba't ngayon parang wala lang? Hala pati ba mga buntis makakalimutin na rin? O baka naman ayaw niya lang na ipakitang malungkot siya dahil wala pang bumabati sakanya? Hmm, aha!
"Ako nga rin eh. Buti nalang maluwag 'tong gown na binili mo para sakin para hindi nila mahalata ang tyan ko."
Tumingin ako sa relos ako at 10 minuto nalang pala ay magsisimula na. Mahigit 15 minuto na rin kasing naghihintay ang mga bisita. "Teh aalis na tayo, 10 minutes nalang eh," sabi ko sakaniya.
Lumabas na kami at naabutan namin si Spike na kanina pa naeexcite sa surprise namin sakanya. Nakakainis bakit parang normal lang sakanya to? Di naman sana niya nakalimutan na birthday niya ngayon diba?
"Okay na kayo?"
"Oo naman let's go!" Excited na sabi ni Val.
Lumabas na kami ng condo at naglakad papunta sa condo ko. "Oh bakit tayo nandito?" Tanong niya habang nasa harapan kami.
"May kukunin lang tayo," sabi ko sakaniya sabay kindat.
Dahan dahang binuksan ni Spike ang pinto at agad na sumabog ang mga party poppers sa harap namin. Nagsimula na kaming kumanta ng "happy birthday song" habang papasok kami sa loob. Lahat sila ay masaya pati si Valeen. Hindi niya na napigilan ang kaniyang mga luha at tuluyan na itong nagsibagsakan.
"H-hala surprise ba 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yup alam mo bang last week lang namin 'to pinlano ni Spike. Nagustuhan mo ba? Masaya ka ba?"
"OMG! Thank you thank you so much Harley, Spike! Oo sobrang nagustuhan ko at ang saya saya. First time kong masurprise sa birthday ko eh. Ang totoo niyan, nalungkot ako kanina kasi akala ko nakalimutan niyong birthday ko ngayon. Kahit alam kong debut ko na hindi ko nalang sinabi sa inyo kasi wala akong pera para sa party. And I'm so happy right now kasi hindi ko talaga 'to ine-expect at nandito pa ang mga kaklase at kaibigan ko. Thank you rin sa inyo ang galing niyo umarte kanina na parang wala lang ah hahaha de joke. Thank you kasi nakapunta rin kayo. Wala na akong masabi basta salamat sa lahat ang swerte ko sa inyo," umiiyak na sabi niya habang nakangiti. Yumakap siya samin ni Spike at pagkatapos ay pumunta na kami sa living room kung nasaan ang lahat.
"Happy birthday Val!"
"Maligayang kaarawan Valeen!"
"Yieee 18 na siya!"
"Kainan na!"
"Inuman na yan whooo!"
Ilan iyan sa mga sigaw ng mga bisita. Kahit ako naman ay masayang masaya ngayon. Nagpatugtog din kami ng malakas na music. Okay lang naman 'yon dahil soundproof naman 'tong condo.
"Blow the cake na Val," masayang sabi ni Spike.
"Nako eh gusto mo lang na makain na yung cake eh," natatawang sabi ko. "Grabe ka naman sakin bruh."
"Hey wait up, diba dapat wish muna?" Nakuha ng isang boses ng babae ang atensyon naming lahat at napalingon kami sakaniya.
Si Mich Roby, ang laging kaaway ni Valeen na may gusto kay Blade. Bakit nandito ang haliparot na 'to? As far as I know hindi ako nag-invite ng ahas dito. Biglang kumulo ang dugo ko ay nako gusto kong kunin ang kandila sa cake at ipalunok sakaniya eh. Susugod na sana ako ng hawakan agad ni Spike ang kamay ko, napatingin ako sakaniya ngunit tinanguan niya lang ako.
"Why are you here Mich?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.
"Birthday ni Valeen ngayon at gusto kong masaksihan ang debut niya. Bawal ba? And don't worry hindi naman ako gagawa ng gulo eh. Saka nagbago na ako, look hindi na kami enemies," nakangiting sabi niya ngunit nakikita kong plastic yung mga mata niya esteee nakikita ko sa mga niya na kaplastikan lang 'yon.
Napatingin ako kay Val at tinanguan niya lang din ako. "You can join naman Mich but I hope na maging maayos ang debut ko kasama ka."
"Sure sure." Nagpatuloy na ito papunta samin at nakikanta ng happy birthday. Nagwish na si Val at nablow na rin niya ang cake.
"Happy birthday dear," sabi nito at nakipagbeso. Sus kala mo magbessy eh kagigil sarap niya i-crash.
"Thanks," tipid na sagot naman ni Val.
"Okay okay kain na guys! Enjoy your food ah kuha lang ng kuha marami 'yan," sabi naman ni Spike sa mga bisita. Nagpahuli na kami para hindi hassle sa pilahan. Maluwag naman ang condo kaya okay lang.
Pumunta muna kami sa balcony ni Valeen at Spike.
Hinawakan niya ang kamay naming dalawa. "Thank you talaga sa inyo ah. Wala na akong mahihiling pa, sobrang dami niyo ng naitulong sakin," at sa pangalawang pagkakataon ay naluha na naman siya.
"Ano ka ba syempre deserve mo ang debut party no. Saka wala 'yon what friends are for diba."
"Hays ang saya talaga nawala lahat ng stress ko kanina sa school hahaha."
"Wala pa ba si Blade?" Tanong ko kay Spike.
"W-wala pa eh pero dadating 'yon."
Ang tagal niya naman. Nako kapag talaga hindi siya pumunta eh masusuntok ko siya hahaha de joke. Syempre naman kasi may pinagsamahan pa rin sila ni Val kaya kahit man lang sana dito kalimutan niyang hindi sila ayos. Saka mahalaga naman ang rason ni Val kung bakit sila naghiwalay, alam ko kasing may inis pa sa puso niya si Blade kay Val.
"P-punta siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Valeen at napayuko.
"Oo naman. Hays isipin mo nalang na a-attend siya ngayon dahil magkaibigan kayo."
Bumalik na kami sa salas at kami naman ang kumuha ng pagkain. Nakapabilog kaming lahat para sa mga gimik mamaya. Syempre hindi mawawala ang dance at mga games mamaya at iba pa.
Pagkatapos naming kumain lahat ay naghanda na ang mga kasama sa 18 roses. Nagpatugtog na kami ng slow dance syempre yung nakakaiyak. Ako ay sa 17th rose at 16th naman si Spike. Syempre talagang pang18th si Blade na hanggang ngayon ay wala pa nakakainis naman oh. Tumayo na rin si Valeen sa gitna at yung first rose. Usually mga kaibigan niyang lalaki ang mga nauna. Maya maya ay 15th rose na, mabilis din naman sila natapos at kami na ni Val.
"May I have this dance miss gorgeous?" Magalang kong tanong. Shems hindi ko keri ang ganito ah maygash.
"Lol di bagay teh hahaha charot," natatawang bulong niya.
"Gaga umayos ka hindi ko na 'to keri."
"Haha joke lang."
Nakita kong bumukas ang pinto at iniluwal noon si Blade. Tila nabunutan ako ng tinik. Lumapit siya kay Spike at nagbro fist sila. Inabot niya ang regalo niya kay Spike. Since nakatalikod si Val sakaniya at hindi niya ito nakita.
"Val nandito na si Blade."
"Oh tapo-- huh?" Pagkatapos noon ay naupo na uli ako at si Spike na.
Masayang lumapit ang bugok kay Val. Wala pa yatang isang minuto ay iniwan na niya ito sa gitna. Kilig na kilig ang mga babae dahil biglang lumapit si Blade kay Val at nagulat pa siya dahil pagharap niya ay si Blade na ang bumungad sakaniya. Pinalitan na nila ng perfect yung kanta. At tumigil ang mundo nilang lahat sabay ng pagtigil ng tibok ng aking puso.
"Mahal niya pa si Val," bulong ni Spike habang nakatingin sa dalawang nagsasayaw. Maingat na isinayaw ni Blade at Val.
Hindi ko nalang pinansin si Spike sa halip ay tumingin nalang ako sa dalawa. Niyakap niya si Val at nakita kong tumulo ang luha ni Val ngunit pinunasan niya rin ito agad. Pagkatapos noon ay naupo na sa tabi ko si Blade. Si Valeen naman ay sa upuan sa harap, para sakanya iyon.
"Bro, bakit ganon?" Malumanay na tanong niya sakin. Napatingin ako sakanya, "bakit?" Tanong ko.
"Ang bilis ng tibok ng puso ko kanina. Bakit pakiramdam ko ako pa rin, ako pa rin yung mahal niya bro."
Napaiwas ako ng tingin. Gusto kong sabihin na "Oo, mahal ka niya at hindi nawala 'yon kahit kailan. Ikaw din naman mahal mo pa rin siya."
Bakit kasi hindi nalang kayo mag-aminan ng wala ng problema?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro