Chapter 10
Chapter 10: Necklace
PAGKATAPOS naming magligpit sa kusina ay sa sala naman kami nag-ayos. Jusko medyo maalikabok na ang mga unan at sofa. Naliligo pa si Spike sa condo niya eh, babalik nalang daw siya pagkatapos. So eto ako nagbihis lang ako, mamaya na ako maliligo eh pagpapawisan din naman.
Habang nagwawalis ako dito sa sala ay may biglang kumalabit sakin at nandito na pala siya. "Bruh paalis nung mga kurtina, pakipalit 'to," sabi ko at inabot sakanya yung 3 supot na kurtina. Mas maganda 'to kulay pula diba, dati kasi kulay blue.
"Sige, maya maya pala parating na si Val," sabi niya at kumuha ng upuan para tungtungan. Teka, maya maya? Eh lunch pa lang.
"Bakit maya maya? Diba mamaya pang hapon?"
"Sabi niya maghahalf day nalang daw siya eh. Gusto niya raw tumulong mag-ayos."
"Ahhh okay."
Pinalitan ko na rin ng punda yung mga unan. Pagkatapos kong maglinis sa living room ay pumunta na ako sa guest room, katabi lang ng kwarto ko. Pinalitan ko na ng peach na kulay ang bed sheet at mga punda ng unan. Pati yung kurtina pinapalitan ko na rin kay Spike.
"Bruh ikaw na maglinis nung mga kabinet, mag-aagiw lang ako," sabi ko at tumango naman siya. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng walis na.
Habang pabalik sa kwarto ay biglang sumagi sa isip ko si Spike, bigla kong na-imagine yung hot niyang katawan. Nakasando lang kasi siya at shorts. Tapos...tapos...yung abs niya nakikita ko kasi maluwag yung shirt niya. Tapos kanina kasi diba nakatungtong siya sa upuan tapos nagkakabit ng kurtina, yung pawis niya sa braso tumutulo mygosh. Shems lang ang hot diba? Sinong hindi mapapanganga at matutulo ang laway kung ganoon kahot ang nasa harap mo diba? Gosh lang talaga.
Aysh ba't ko ba iniisip yung lalaking 'yon? "Huy!" Nagulat ako ng kalabitin niya ako, malamang siya 'yon, wala naman kaming ibang kasama eh.
"Oh? Bigla bigla ka nalang sumusulpot sa utak ko," sabi ko pero syempre bulong lang yung huli.
"Ang tagal mo eh. Nga pala maglalunch na, ako na magluluto, anong gusto mo?" Tanong niya sakin habang nakangiti.
Bakit ganyan ka bruh? Ba't ako kinilig doon? Eh sanay naman ako sa mga gusto niyang gawin dito sa condo ko. Ang weird weird mo Harley!
"Ahh sinigang nalang. Ahm tapos mo na ba p-punasan yung mga c-cabinet?" Tanong ko at waaaa! Ba't ako nauutal, hindi pa ako makatingin sakanya ng diretso. Bwisit na Spike 'to!
"Yep, alright I'm gonna cook."
Nagpatuloy na akong umakyat ng hagdan para bumalik ng kwarto. Pagbalik ko ay tinignan kong mabuti ito.
Simple lang naman, pero sana magustuhan niya. Binuksan ko yung isang malaking box na pinaglagyan ko ng mga abubot dati. Habang naghahalungkat ay may nakita akong red box na parang lalagyan ng relo. Binuksan ko ito ay may nakita akong kwintas na may palawit na puso. Ito yung nabubuksan eh, nang buksan ko ay nakita ko ang picture ko at ni Spike. Saan galing 'to? Ba't 'di ko yata alam 'to?
Binalik ko iyon sa box at binulsa. Yung malaking box naman nilagay ko muna sa ilalim ng kama ko. Bumaba na ako para itanong kay Spike ang tungkol sa kwintas na 'yon. Saka paanong napunta dito 'yon diba?
"Hoy bruh!" Tawag ko sakanya. Kasalukuyan siyang naghahalo ng niluluto niya. Alam mo yung feeling na ang hot na nga niya tapos naka-apron pa? Parang asawa lang na pinagluluto yung asawa niya hahaha!
"Yes?"
"Ano 'to?"
"Red b-box?" Nako palusot pa, nautal na nga eh. Bumalik namang muli ang tingin niya sa sinigng. "I know, sa'yo galing 'to for sure. Bakit nasa garbage box?"
Lumapit ako sakanya at nagcross arms. Tinaasan ko siya ng kilay at muling nagtanong, "Para saan 'to?"
"Hmm, r-regalo ko 'yan nung birthday mo last month eh, nahihiya akong ibigay sayo eh. Kaya tinago ko nalang dyan sa cabinet mo hehe," nahihiyang sabi niya at napakamot ng ulo.
"Ano ka ba? Ba't ka naman mahihiya? Maygosh Spike!," natatawang sabi ko at niyakap siya. Hayaan na, wala lang naman 'to eh. "Thank you bruh," sabi ko.
"W-welcome bruh hehe," sabi niya at humiwalay nako ng pagkakayakap. Matapos lang ang 10 minuto ay tapos ang sinigang ala Spike hahaha.
Habang naghahanda ng mga plato ay kutsara ay may nagdoorbell, si Valeen na siguro 'to. Pagbukas ko ng pinto ay siya nga, ang itsura ng gaga haggard na haggard. Ba't kasi nagchef pa siya eh no?
"Hello Harley! Pasensya na ngayon lang ako," nagbeso siya sakin at napatingin ako sa orasan. 12:25 na pala akala ko mga 11 am palang. "'No ka ba, oks lang. Pagod na pagod ka ah, sabi ko naman sayo na bawal nagpapagod sa buntis diba."
Kung nagtataka kayo, alam na ni Val na bakla ako, pero syempre hindi niya alam na gusto ko si Blade, ang shunga naman kung alam niya diba. "Ehh ang daming ginawa kanina eh hehe, maglilipat na ba tayo mamaya?" Tanong niya habang nakaupo sa sala.
"Oh yes at naeexcite na nga ako eh," sagot ko.
"Yo yo yo! Kain na!"
"Oy nandito pala si Spike hahaha."
"Oo kanina pa dahil tinulungan niya akong maglinis dito," sabi ko. Pumunta na kami sa kusina. Kinuha ko yung kwintas sa table at isinuot. Ang ganda nung nilagay niya picture, bagay na bagay.
"Wow ang ganda naman niya, kanino galing?" Tanong ni Valeen, manghang mangha ang ate mo sa necklace ko.
"Itanong natin sa isa dyan," sabi ko at napangisi. Napakamot na naman siya ng ulo, aysus nahiya na naman siya.
"Ehem para saan 'yon Spike?" Mapanuksong tanong ni Val. Hays, 'wag kayong ganyan marupok ako.
"Birthday gift ko kay Harley, pero late hahaha."
Binuksan ni Valeen yung kwintas at nagningning ang mga mata niya nang makita ang picture naming dalawa. "Ang ganda naman ng picture, parang science lang hehe."
"Science?" Tanong ko, may nalalaman pa siyang science ah, anong connect teh?
"Tanong mo kay Spike hihi."
"Hoy bruh gets mo?"
"May chemistry kasi," sabi niya at ngumisi.
Napaisip ako...chemistry...means combine, interact, collide...may chemistry kami. Oh fvck! Nang magets ko ay ramdam kong mapula na ang pagmumukha ko ngayon. Kinikilig ako kingina. Bwisit ka Spike!
"Arrghhh!" Sa inis at kilig ko ay nahampas ko siya. Kagigil kaya. "Aray ko! Ba't ba? Uyy kinikilig siya," natatawang sabi nito. Bwisit.
"Hindi kaya!"
"Ayieeee SpiLey na ba this? Hahaha!"
"Heh! Tumigil nga kayo, kain na tayo."
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kaming saglit sa sala. Habang nanonood ay naalala kong magpapacheck up nga pala siya ngayon dahil hindi pa siya nakakapagpacheck up.
"Hoy teh! May check-up ka ngayon diba?"
"Ay oo nga pala."
"Ano punta na tayo?"
"Sige magbihis na tayo."
Bumalik muna si Spike sa condo niya para magpalit ng damit. Pagpasok naman namin ni Val sa kwarto niya ay manghang mangha siya sa nakita niya. "Wow! Ang ganda naman, ang linis. Fave color ko pa hihi," sabi niya at nagtatatalon na. Pinigilan ko naman siya agad, maygad makunan pa siya edi kasalanan ko pa. Ba't kaya ang weweird ng mga buntis no? Paki-explain.
"Kumalma ka teh, solohin mo na."
Bumaba na kaming tatlo sa parking lot at sumakay sa kotse ni Spike. Ako sa shot-gun seat at nasa likod naman si buntis. Habang bumabyahe ay binuksan ko muna ang phone ko. Kanina ko pa kasi naoopen eh. Pagbukas na pagbukas ko palang ay sabog na agad ang notification ko. Puro chats, texts at missed calls ni Blade. Mula kaninang umaga hanggang ngayon ay tumatawag pa rin siya.
"Sabog notif ko kay Blade hanep," sabi ko at napailing iling nalang.
"Si B-blade pala, nakita ko kaninang may kasamang babae nung recess. Ang saya nga nilang nag-uusap eh," hindi na ako nagulat kung alam na niyang nagkaganon na si Blade. Wala naman kasing sikretong hindi nabubunyag.
"Tsk hayaan mo siya, kung doon siya masaya. Kahit ako hindi ko na siya mapigilan, nag-iba na siya mula nung wala na kayo."
"Haha okay lang, masakit pero kailangang tanggapin. I need to move on, and for my baby, I also need to be strong."
"Tama ka."
Pagkarating namin sa ob-gyne ay pinapasok naman agad kaming ng guard. Hinanap namin si Dra. Mayra Santos. Nakasalubong naman namin siya papuntang office niya kaya't nauna na kami agad.
"Good afternoon, doc," sabi ko ganun din silang dalawa.
"Good afternoon din, hijo. I guest siya ang magpapacheck-up," Nakangiting sabi ni Dra. at tinuro si Val, tumango naman si Val. Pinaupo siya ni doc sa swivel chair sa harap.
Kami naman ni Spike ay pinalabas muna. Naupo nalang kami sa upuan dito sa labas ng office. Napaisip na naman tuloy ako, buti pa siya no, magkakababy na. Sana babae rin ako para magkakababy rin ako. Sana makakapunta rin ako ng ob-gyne tapos sasamahan ako ni Blade, tapos masaya kaming babalitaan ni doc tungkol sa pagbubuntis ako, ang sarap lang ng gano'n. Kaso hindi eh, hahaha lalaki kasi ako at kahit magtrans pa ako hinding hindi mangyayari ang mga nasa imahinasyon ko.
Sometimes, imagination is the best way to escape the reality. But it often hurts because it's just an imagination, that will never be real.
"Anong iniisip mo?"
"Sana babae nalang ako," sabi ko at agad akong napatakip ng bibig sa nasabi ko. "I, I mean, wala joke lang hehe," sa sobrang hiya ay tumakbo ako papuntang CR.
Narinig ko pang tumatawa si Spike. Nakakahiya lang aysh, ano ba naman kasi Harley, why so stupid? Arrggghhhh!
---
Shh: Hello, thank you for the beautiful cover! ^o^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro