Chapter 2
Link of the whole book: https://m.dreame.com/novel/b8fdLIe9qbeRi1eOJGEZmg==.html
Just simply download the Dreame App on play store or apple store thank you!
Len's Point of View.
Naalimpungatan ako nang may derederetsong nag door bell, tamad na tamad akong tumayo seriously? 5:30 A.M pa lang. Lumapit ako sa pinto at antok na antok kong binuksan yon.
Ngunit agad akong nagising sa katotohanan nang makita si- shit nasa iisang condo building lang pala kami! "A-austin- I mean sir.." gulat na sabi ko.
"Kung hindi ako maaga pupunta baka tulog ka pa rin." napalunok ako nang basta basta na lang siyang pumasok at sumalampak sa Sofa.
"Mag aayos lang ako sir, Gusto niyo po ba nang coffee, hot chocolate?" tanong ko.
"No thanks, mag ready ka na." mabuti na lang at maayos ang tulog ko dahilan para magmadali akong pumunta sa Kwarto at kumuha nang pamalit tapos mabilis na tumakbo sa Banyo.
'Parati nalang ba akong mapapahiya sa kaniya?'
Nang matapos ay mabilis kong sinuri ang buong itsura, naglagay pa ako nang lip balm, moisturizer at simpleng pag brush up lang sa kilay para Fresh look.. Matapos ay lumabas ako at umakto ng normal pinatutuyo ang buhok gamit ang towel.
"Maaga pa naman, Gagawa na ako nang breakfast." nakangiting sabi ko sa kaniya, Tinignan niya ako at iniiwas ang mga tingin sa akin.
"Sure." sagot niya.
Kaya naman nang makapunta sa Kwarto ay kinuha ko ang Pabango at naglagay nito aba, hindi ko naman hahayaang makuha lang siya ni Miss Carmelle- pero papaano kung huli na nga ako?
Nang makapagsuklay ay dumaan ako sa harap niya ngunit dumeretso sa kusina kung saan madudungaw ko siya, He looks so natural, pero iba ang dating.
Kumuha ako sa refrigerator ng pancake batter at tsaka bacon strips, egg at hotdog. Ito lang meron ang Ref ko, nang magsimulang magluto ay humarap ako para silipin sana siya ngunit..
Bumulaga na siya sa Kitchen Stall ko. "Do you know how to cook?" tanong niya.
"Of course, naging cook rin ako sa Maldives." sagot ko sa kaniya.
"But I saw you being a waitress?" tumikhim ako at napaflip sa pancake.
"Halo halo ang trabaho ko don, Bago mo pa man ako nakilala ay doon na ako nagtatrabaho. Kaibigan ko ang halos lahat doon," sagot ko sa kaniya.
"Ahh, is that so.." sagot niya, panay siya tanong hindi niya naman ako matignan sa mata na para bang may tinatago siya sa akin..
'Sama nang loob siguro, Len. Engot ka e.'
"What about strip dance?" nalingon ko ka agad si Austin tapos binitiwan ko ang sanse at pinagkrus ang mga braso sa Dibdib.
"Nakita mo ba akong sumayaw? Eh hindi nga ako marunong," nang sagutin yon ay napanguso pa ako.
"Anong sasayawin ko ron, baby shark?" pinigilan kong mainis at pinilit kong lagyan nang galang ang tinig pero bastos na talaga ako eh.
"Ah Pwede rin." napasinghal ako sa sagot niya.
"Maupo ka na lang don sir, baka mahambalos kita nang sanse." pahina nang pahinang sabi ko.
"What did you say?" nilingon ko siya ng nakangiti.
"Kako ay sing astig niyo ang sanseng hawak ko, napakatibay." diniinan ko pa ang 'napakatibay' kase hindi man lang siya rumupok tch.
"Really? Sa sanse mo ba talaga ako kinumpara?" palihim akong napairap tapos ay inilagay na ang nalutong pancake sa Lagayan tapos sa isang Pan ay niluluto ko ang Bacon dahil tapos naman na ang Itlog sinabay ko na rin ang Hotdog.
"Favorite mo ba ang Hotdog?" napalingon ako kaagad kay Austin, nakahinga ako ng maluwag nang ang tinutukoy niya ay ang Ref.
'Hindi ako makapaniwalang iba ang inisip ko sa mga tanong na yon.'
"Ah, eh parang ganun na nga sir?" sagot ko pa.
"Ang daming Hotdogs rito, Really footlong? Payat pero mahaba. Not the best." napalunok ako sa sinabi niya.
'Ang dumi dumi nang isip mo Len, sobra mahiya ka naman kababae mong tao!'
"What's best then?" tanong ko.
"Mine." agad na napaawang ang bibig ko sa sinagot niya, nag init ang mukha ko at halos napalunok ako nang makaramdam nang hiya.
'Akala ko ay marumi ang isip ko, iba pala ang pinararating nang isang to.'
"M-mali ata pagkakarinig ko." mahina ko pang sabi, narinig ko naman siyang natawa.
"The brand, named Mine is the best." halos matampal ko ang noo sa kahihiyan nang linawin niya.
"Hindi ko alam na may MINE palang brand nang Hotdog sir, Worldwide ba yon?" tanong ko sakanya, hindi siya magawang lingunin.
"Nope, only made here in Philippines. Nag iisa." halos makagat ko ang ibabang labi sa sagot niya.
"S-sige sir, maupo na ho kayo don." utos ko pa sakanya.
"Namumula ka ata, mainit ba sa kusina mo?" tanong niya, tsh wala siyang Ideya iba iba na ang pumapasok sa Isip ko.
'Sarap mong buhusan nang malamig na tubig Austin, jusko ka randam ko ang pananadya mo'
"Mainit nga sir, nagluluto kasi ako." aniya ko pa tapos ng makaluto nang apat na bilog na pancake ay nilagay ko na 'to sa plato namin.
"Let me help." aniya niya pa tapos kinuha ang iba, nang makaupo kami sa Dining table ay tumikhim siya.
"Thanks for making breakfast." tipid lang akong ngumiti hindi nakalimutan ang..
'Hotdog daw na MINE ang BRAND'
kahit wala ako sa Pinas, alam kong walang ganun. Kumain naman siya nang prente at hindi man lang naiilang habang ako rito hinahati ko na amg hotdog para hindi awkward kainin.
'Baka maalala niya ang MINE na hotdog, sabihin na mas best yon.'
Lokong Lalake, psh nabigla ako don hindi ako makamove on. "The pancake taste better huh.." ngumiti naman ako.
"But the hotdog is not, Mine is better." napayuko ako sa sinabi niya, ito na naman eh!.
"Ah ganon ba sir." sagot ko na lang.
'Anong Mine is better! Mine is better! Wag mo nang ulit ulitin baka hanapin ko yan at tikman! Yung MINE na brand nang hotdog ah..'
"Pfft.." napaangat ako nang tingin nang marinig ang mahina at nag pipigil niyang tawa.
"Oh sir, hotdog baka gusto niyo pa." nilagyan ko pa siya sa Plato niya sa Inis ko at kahihiyan at the same time.
'Sana tumigil na siya sa kaka MINE is better niya..'
Nang makapag ayos ay, kinuha ko ang travel bag tapos maglakad na kasabay si Austin. Sana makamove on na siya.. "Sa Airport na tayo dumeretso, taxi na lang siguro." aniya pa nito.
"Sure sir, medyo kinakabahan na ako sa party." aniya ko pa.
"Don't worry, I'm on your back." sa sagot niya ay hindi ko alam kung kikiligin o Aasa na maayos kami pero papaano ko malalaman kung hindi ko susubukan hindi ba?
"Thanks Sir." aniya ko pa.
"Of course." sagot niya.
•• AN HOUR LATER.. ••
"Malapit na rin tayo, wag ka na matulog." aniya ni Sir, magkatabi kami sa Plane seat kaya naman medyo awkward.
Para akong nakukuryente kada nagtatama ang mga balat namin, naiilang rin ako nang sobra. Nawala ang kakapalan nag mukha ko, huminga ako nang malalim at sumilip nalang sa bintana.
Okay naman, Merong ulap, isa pang ulap, tapos sa kabila may ulap pa pagkatingin mo sa taas may isa pang ulap.
'Meet the Ulap Family'
Nang mag announce na ay Sinunod ko nalang ang sinabi nila dahil maglaland na, minsan ay naisip ko papaano kaya pag nabutas ang isang salamin anong mangyayari sa Eroplanong ito.
Nang makapagland ay, naunang tumayo si Austin nang kailangan na naming bumaba, kinuha niya naman ang travel bag ko at ako ang pinagbuhat non.
Sumunod naman ako sa kaniya at nang maraming tao ay mabilis kong inabot ang dulo nang laylayan nang Shirt niya at hinawakan yon para hindi kami magkahiwalay.
"Hindi ka naman siguro bata." aniya pa nito saakin, napanguso ako at mas hinigpitan na lang ang kapit sakanya.
Nang matapos ang nakakasuffocate na oras ay nakahinga ako nang maluwag at saka Bumitaw na sa pagkakahawak sakanya. "Akala ko nag Train ako wala man lang Distancing." hinihingal ko pang sabi.
"Nonsense." sagot niya at saka tinalikuran na ako kaya naman mabilis akong humabol, pagkarating ay may sasakyan at may driver na kumaway sa amin may dala dalang magandang sasakyan.
"Get in." aniya ni Austin kaya mabilis akong sumunod.
Nang makaupo ay inilagay ni Austin ang bag sa pagitan namin kaya naman kinandong ko na lang ang Bag ko, simple lang naman ang suot ko.
Isang simpleng fitted pants, ¾ Polo na kulay Abo at nakaipit lang naman ang buhok ko walang bago. Sun glasses.
Nang lingunin ko si Austin ay naka Sunglasses na siya kaya naman sinuot ko na rin ang sa akin tapos tumingin sa daan. Sa isang beach ata ang hotel na pupuntahan namin kung saan gaganapin ang engrandeng business party.
Hindi pa ako nakapunta sa ganito, hindi naman ako mayaman tulad niya pero hindi rin naman ako walang Pera kahit na wala pa akong magulang, kahit pa namatayan ako nang ka-isa isang kapatid.
Si Sasha na lang ang meron ako at si Oliver, sila na lang ang pamilya ko ngayon. Kung ako kay Sasha ay dapat dinagdagan niya si Oliver nako maghahanap nang kapatid ang batang yon.
Nang makarating sa Hotel ay pakiramdam ko nalaglag ang panga ko sa sobrang ganda, para siyang Five star hotels sa Maldives..
"Ang ganda." aniya ko pa.
"Of course, maraming pupunta na Businessman and woman rito." sagot ni Austin, may Reserved rooms naman na rito for the Businessma and woman.
"Name Sir? Ma'am?" tanong nang Receptionist.
"Len Vion, and Austin Mozeran." Sagot ni Austin.
"Ah Sundan niyo na lang po siya." ginawa namin ang sinabi nang Receptionist, habang naglalakad ay sinusunan namin ang lalakeng staff nang Hotel.
Nang umabot sa 5th floor ay mas namangha pa ako sa ganda nang hotel nila, habang naglalakad ay napalunok ako nang maunang pumasok si Austin. "What about mine?" tanong ko.
"Ah Dito na rin po." nanlaki ang mata ko.
"What?"
"Two beds naman po yung Room kaya walang magiging issue." kaya naman kinakabahan akong pumasok sa kwarto at nakita kong two beds nga.
'This is awkward.. Hindi naman kami mag EX pero may pinagsamahan kami ni Austin walang confirmation yung relasyon na meron kami that time..'
Pero para kaming mag Girlfriend/Boyfriend nun, may hugs, kisses, calls, text at iba pa bukod sa bagay na iniisip niyo.. "Rest for a while." aniya ni Austin tapos ay nahiga sa sariling kama niya..
Humarap ako sa kaniya nang makahiga sa sarili kong kama, dahil nakapikit siya ay nagawa kong titigan ang maganda niyang mukha, matangos ang ilong, magaganda at maninipis na labi.
Agad akong pumikit nang magmulat siya,
Ng makalipas nang ilang minuto ay dahan dahan akong nagmula- "AY!" agad akong napabalikwas nang nasa harap ko na siya at deretsong nakatitig saakin.
"What are you doing?" napalunok ako at nahihiyang tinignan siya.
"W-wala ah." sagot ko.
"You sure?" napalunok akong tumango, nang sagutin ko yon ay bumalik siya sa pagkakahiga but this time kinuha niya na ang panyo niya at itinakip sa mukha.
'Sungit..'
Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog nang sobrang lakas ang cellphone ko, napalunok ako nang makita ang caller.
'About business siguro? si Vince ang tumawag e..'
"Answer that phone before I throw it." agad kong nasagot ang tawag sa sinabi ni Austin.
"Yes vince?"
"Sup, I'm just reminding you about the party. Miyu and I will be there too, by the way are you with Mr.Austin Mozeran?"
Napatingin naman ako nang bumangon si Austin. "Ah yes, He's with me. May problema ba?"
"Can I talk to him?"
"Ah sure teka.."
"Kausapin ka daw niya." tapos inabot ko kay Austin ang cellphone, magkasalubong ang kilay ni Austin ngayon kaya naman tinignan ko lang siya.
"Alright."
"Okay, that will do."
"With Miss Miyu Binez?"
"Ah Okay Miyu Binez Sandoval, okay na?"
"Fine, Bye."
Napamaang ako nang basta basta na lang niyang iend ang tawag, how rude.. "P-pinatay mo kaagad.." mahinang sabi ko, seryoso lang ito tapos bumalik sa pagkakahiga.
Nang tumunog ang cellphone ay sinagot ko ulit. "Pinatayan ata ako, hahahaha ang sungit rin nang boss mo ah."
"Napatay lang ata.."
"Mm don't worry I'm with Miyu, kaya wala siyang masamang iisipin at wala naman talagang masama dito.."
"I know right, so pag babalik kayo nang maldives sasama ako ah. Namimiss ko na yung iba don, nakakalungkot lang wala si kaka.."
"I guess that's the saddest part kada bumabalik tayo sa Maldives."
"Namimiss ko na nga siya, Years na ang lumipas.. Pero wala eh nangyari na ang nangyari."
"Ayun rin, so We'll go ahead? Babyahe pa kami at lunch."
"Take care, Bye bye."
"You too, Bye."
Nang patayin niya ang tawag ay Ibinaba ko na ang Cellphone tapos ay Pumikit ako at nahiga nang maayos.
"So you still call each other?" napamulat ako at bahagyang nilingon si Austin na nakatitig sa Kisame.
"W-wala namang masama don sir.."
"It's just a yes or no." sagot niya pa tapos tumayo.
"I'll go somewhere outside." paalam niya na lang basta basta at saka kumaway patalikod at umalis na.
'Tsh, ang sungit mo. Akala mo naman grr mo ko eh..'
√√√
@/n: The full story of this book is available on dreame hihi please support me on dreame.
Dreame Account: Maecel_DC
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro