Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33: DENIED

Emily's POV
Napakabilis ng araw. Monday na ulit. Completion na ulit. Kailangan ko pang baliktarin yung locker ko para mahanap yung kailangan ng teacher ko. Bahala na di pa naman ako nag uuwi ng mga activities sa dorm. Naligo na ako at nagbihis na ng school uniform namin. Nagcheck ako ng phone ko kung may good morning message si Ken.

Love:
Morning Love. See you sa school. Kumain kang mabuti ah.

Me:
Morning. Ikaw din. Wag ka na magalit sa kanila. Okay lang ako.

Love:
Opo. Ingat kayo sa pagpasok sa school.

Me:
Opo. Ingat sa pagddrive.

Love:
Syempre naman. Ligo na ko. Love you! See you mamaya.

Me:
See you mamaya. Love you too.

Matapos namin magchat ay bumaba na ako dahil tapos na ako magprepare ng sarili ko. Di pa rin talaga ko sanay na may Vince na nag eexist sa dorm. "Magandang umaga Binibini." Bati niya. "Magandang umaga Ginoo. Handa ka na ba para sa iyong unang araw?" Sagot ko. "Oo naman." Sagot niya. "Morning guys!" Bati ko naman sa iba pa naming kasama. "Morning Ems! Ano naganap sa Sky Ranch? Gabi ka na umuwi ah." Usisa ni Sandra. "Wala. Nagdate lang kami. Normal couple." Sagot ko. "Weh? Di ka binili ng libro?" Singit ni Zoe. "Hindi. Notebook lang nga binili ko." Sagot ko. "Ah sabi mo eh." Sagot ni Sandra. Umupo na ako sa pwesto ko at kumuha ng breakfast. Busy naman sa phone si Lean at Andy. "Oh my god! Totoo ba 'to?" Biglang bulalas ni Lean. Muntik pa nga tumapon sa kanya yung iniinom niyang kape. "Bakit?" Tanong ko. "Look!" Sagot niya habang inaabot yung phone. "The prince of Lizardo's date's a random girl. Arthur's are still silent about the issue." Basa ko. May nakalagay na picture namin ni Ken na inaalalayan ako pumasok sa kotse niya sa parking lot ng mall. For sure hot topic 'to sa Franklin U. Hahanda ko na ang sarili ko sa ipaparatang nila. Napahawak na lang ako sa sentido ko at napabuntong hininga na lang ako. Buong araw nasa labas ngayon dahil completion. Papasok lang ng room para magattendance. Ano nanamang kalbaryo ang papasukin ko dahil kay Ken? Argh! Kaya ko 'to! Ginusto ko 'to! Wag kang tanga Emily! Ginusto mo yan diba? Cheer up! Kaya mo yan! Kumain na lang ako at di pinansin ang article. Ng makapasok kami sa corridor ay pinagtitinginan na agad kami ng mga tao.

"Diba si Emily yung nasa article?" Bulong nung babae.

"Oo. Teka bakit kasama niya yung exchange student?" Bulong naman nung isa pa. Mga tiga first section. Nag inpods na lang ako ng di ko na sila marinig. Nasisira lang umaga ko. Bwisit na article yan! Jusko po! Nawawala pa si Ken! "Ems!" Sigaw ni Sandra. Tinanggal ko yung isang pod para mas marinig siya ng maayos. "Bakit?" Tanong ko. "Tignan mo. Si Ana at Ken magkasama." Sagot niya habang nakaturo sa corridor ng section one. Bumaling ako dun at nakita ko si Ana na nakalingkis sa braso ni Ken at ngiting ngiti habang si Ken naman ay walang emosyon na mababakas. Binalik ko ang isang pod ko para di ko na masyadong isipin ang dalawa. Kinuha ko ang phone ko at chinat siya.

Me:
I think you heard about the article. Kasama mo siya eh. Aren't you going to explain it to me?

Tinanggal ko muna yung inpods dahil papasok na kami sa room. "See you later guys! Bahala na sa paghahanap ng mga requirements." Paalam ko. "Oo nga. See you sa locker room." Sagot ni Sandra. "See you Sandra Ko." Paalam ni Ivan. Nauna nang pumasok si Sandra sa room nila. "Ikaw ba Vince saan kang section?" Tanong ni Zoe kay Vince. "Section 2. Kasama ko si Binibini tsaka si Lean." Sagot ni Vince. "Ah okay. Itour na lang kita mamaya kapag nakapagpasa na ko ng lahat ng requirements." Sagot ni Zoe. "Bakit? Ikaw ba yung Vice President ng Student Council?" Sagot ni Vince. "Oo. See you later." Sagot ni Zoe at pumasok na sa room nila. Pumasok na rin kami sa room namin. Di ko na napansin si Ken dahil abala ko sa pakikipag usap sa mga kaibigan ko. "Good morning class." Bati ni Sir Airone. "Good morning Sir." Bati namin. "Today I am going to introduce to you your new classmate. He's a exchange student from Sapphire Academy. Vince, please introduce yourself." Utos ni Sir kay Vince na nasa tabi ko. Pumunta siya sa harapan at nagpakilala. "Good morning everyone. I am Vincent David Sawyer. You can call me Vince." Matapos nun ay bumalik na siya sa upuan. "Okay. Pumila na kayo dito para sa attendance niyo at clearance then pwede na kayo pumunta sa lockers niyo. Lahat ng teachers niyo nasa faculty room lang. Bumalik na lang kayo dito sa room kapag uwian na." Ani Sir ng matapos magpakilala si Vince. "Okay po." Sagot namin at pumila na. Ng makuha ko ang clearance ko ay inipit ko 'to sa reminders notebook ko at nilagay na sa bag ko. Baka mawala ko pa. Wala pa naman akong pamalit sa clearance. Ng lumabas ako ng room namin ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Pati si Lean tinitingnan din ako. "Bakit?" Tanong ko. "May article ulit. Nagsalita na yung side ni Ana at family ni Ken." Sagot ni Lean. "Ganun kabilis?" Sagot ko. "Oo. Video pa nga eh." Sagot niya. "Oh ano sabi?" Sagot ko. "Check mo yung phone mo." Sagot niya. Agad kong chineck yung phone ko. 'The prince of Lizardo's denied that he's dating a random girl. Here's the video of his statement.' Plinay ko yung video. "It has nothing to do with the engagement of my son and Ana. Right Ken?" Ani ng Mama ni Ken. "Yes. The girl has nothing to do with us. She's just a random girl. We went to the mall because we bought materials for our project." Sagot ni Ken at dun natapos ang video. So that means may media silang pinapasok sa bahay nila? Agad ako nakaramdam ng sakit. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ganon na lang? Ano yung sa Tagaytay? Wala lang yun? Di ko namalayan na umiiyak na pala ko. "Binibini! Ano nangyari sayo?" Ani ni Vince. "Huy! Bakit? Ano ginawa sayo? Huy!" Ani ni Vince na inaalog alog pa ko. "Dineny siya ng sarili niyang boyfriend." Si Lean na ang sumagot para sa akin. Humahangos naman akong niyakap nila Andy. "Hindi pumasok si Ken pero nakita ko siya kasama ni Ana." Ani Sandra. "Shhh Ems. Shhh. Its okay. Kaya mo yan. We're here." Pag aalo ni Andy. "Wag mo nang iyakan yun. Pabayaan mo siya. Tara. Magcomply ka na lang. Baka mawala pa yung honors mo." Ani Ivan. Tumango ako at pinahid ang luha ko. Nagring ang phone ko. Si Mommy ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Okay ka lang anak?" Agad niyang tanong. Panigurado nakarating na sa kanya yung article.  "Oo naman po. Ok lang ako." Sagot ko. "Pag kailangan mo kami umuwi ka lang ah." Sagot niya. "Opo Mommy." Sagot ko. "Wag magpapakita sa akin si Ken kundi tapos ang buhay niya." Sagot niya. "Mommy naman. Okay nga lang ako." Sagot ko. "Sige na. Magtratrabaho na ulit ako. Bye. Ingat ka d'yan." Sagot niya. "Okay po. Ingat din po kayo d'yan. I love you." Sagot ko. "Love you too." Sagot niya at binaba ang tawag. Sumunod namang tumawag ay si Kuya Mark. For sure nakarating na din sa kanya yun.  "Okay lang ako Kuya. Wag ka na magsermon pa." Sagot ko sa tawag. "Nako Emily. Sinasabi ko sayo. Ayusin mo yang gusot ng boyfriend mo. Akala ko ba seryoso yan sayo? Bakit dineny ka niya?" Sagot ni Kuya Mark. "Hindi ko rin alam Kuya. Mamaya na lang tayo mag usap. Mag cocomply pa ko." Sagot ko. "Ok sige. Ingat ka d'yan. Ako babasag sa mukha ng boyfriend mo kapag di siya nagpaliwanag." Sagot niya. "Ay nako Kuya. Pabayaan mo na nga siya. Bye." Sagot ko at binaba ang tawag. Naglakad na ako patungo sa locker room. Bubuksan ko na sana ang locker ko pero bigla akong nadulas at tumama ang balakang ko pati mukha sa sahig. "Ahhh. Ano bang problema nila sakin? Masama ba pinakita ko sa kanila kaya nagkaganto? Ano ba naman oh! Di pa ba sapat sa kanila na dineny na ko ng prinsipe nila?!" Pagkausap ko sa sarili ko. Agad akong dinaluhan ni Sandra ng makita niya ako. "May naglagay ng tubig diyan kaya nadulas ako." Sagot ko. "Binibini. Yung siko mo dumudugo." Puna ni Vince sa kanang siko ko. "Okay lang ako. Magpapasa muna ko ng requirements tsaka ko uuwi sa dorm para magbihis." Sagot ko. Nadumihan din ang uniform ko dahil sa pagkakadulas. "May masakit ba sayo?" Tanong ni Ivan. "Wala." Tanggi ko kahit yung balakang ko parang pinipiraso na sa sakit. Kinuha ko lahat ng projects at mga written works sa locker ko. Pumunta muna kami sa math teacher namin. "Emily ano nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Sir Airone. "Bakit po?" Sagot ko. "Anak may pasa ka." Sagot niya. "Ah nadulas lang po ako sa dorm." Sagot ko. Iniwanan ko na sila dun para naman magpasa sa ibang teacher pero may magaling na nagbuhos sa akin ng napakalamig na tubig. May mga ice cube pa. Pinikit ko ang mga mata ko para mapakalma ang sarili ko. "Sino nagbuhos nun?" Malamig kong tanong sa kanila. "Ako. May magagawa ka ba? Dineny ka na nga ng boyfriend mo eh. Guys, listen. Si Emily Savvanah Howards dineny ng boyfriend niya sa media. Guess who kung sino? Si Ken lang naman. Si Ken na FIANCÉE ni Ana." Sigaw niya sa mga taong nagdadaan. Alagad nanaman ni Ana ang isang 'to. Lumabas sila Andy dahil narinig ata ang anunsyo nung babae. Tumulo na lang ang luha ko ng walang tigil. "Ano Emily? Totoo naman diba?!" Sigaw niya pa. Tinitingnan na kami ng mga tao. "Sandra. Wag kang mainis d'yan di worth it ng energy yan." Babala ni Lean. Lumapit sa akin si Andy. "Wag ka na umiyak. Si Zoe na bahala diyan." Bulong niya. "You. Do you want to clean the whole campus?" Malamig na tanong ni Zoe dun sa babae na alagad ni Ana. "Why? Can you do it?" Nanghahamong sagot ng babae. "Of course I can. I am the vice president of student council for your information." Sagot ni Zoe. "No you can't. Kahit sino ka pa. Ana's at my side." Sagot nung babae. "Pasalamat siyang babae siya di ko friend si Ate Kass sa fb kundi natawagan ko na yun." Bulong ni Sandra. "Si Ana lang? Eh yung babaeng binuhusan mo ng tubig? Hindi mo kilala kung sino nasa side niya?" Naghahamong sagot ni Zoe. "Wala. Kayo lang namang mga tanga ang nasa side ng malanding babae na yan." Sagot nung babae. "Ikakasal na yung tao linalandi pa." Sagot niya pa. "Sige lang mag eskandalo ka dito. Hintayin mo na lang kung sino mag uutos sayong magcommunity service." Sagot ni Zoe. Agad namang may dumating na grupo ng grade ten students. "What's happening here?" Tanong ni Kuya Kenneth. "Oh Emily. Bakit basa ka? May pasa ka pa at sugat sa siko." Baling sa akin ni Kuya Kenneth. "Kuya Kenneth someone performed bullying." Sagot ni Zoe. "Sino?" Sagot ni Kuya Kenneth. "Siya." Madiing sagot ni Zoe habang nakaturo dun sa babae na nagbuhos sa akin. "Ano ginawa niya?" Sagot ni Kuya Kenneth. "Binuhusan niya ng tubig si Emily. That is physical bullying. Tapos pinahiya niya using foul words. That is verbal bullying." Sagot ni Zoe. "You. I know Ana commanded you to do so. Barkada mo siya diba? So I think the both of you should do a month long community service. Sabihin mo sa kanya." Malamig na baling ni Kuya Kenneth dun sa babae. "But why?!" Reklamo nung babae. "No buts. Call Ana. Simulan niyo na ang paglilinis ng corridor." Sagot ni Kuya Kenneth. Unti-unting nawala ang mga nanunuod sa amin. Bumaling ako kay Kuya Kenneth. "Kuya nasaan si Ken?" Tanong ko. "Hindi ba pumasok?" Sagot niya. "Hindi eh. Kachat ko siya kanina sabi niya see you daw dito sa school pero lumabas yung video ng statement niya. Nakita ko siya kasama si Ana pero di tinuloy yung classes niya." Sagot ko. "Pasensya ka na Emily. Pasensya ka na. Naunahan ng takot si Ken eh. Ako na humihingi ng kapatawaran sa kabobohan ng kapatid ko." Sagot niya. "Kuya kailangan ko explanation. Bakit ako dineny ng ganon ni Ken? Kuya nangangapa pa rin ako. Kahit ilang sorry niyo ni Ate Kass di pa rin nun mabubura yung longing for explanation ko." Sagot ko. Alam kong after magsorry ni Kuya Kenneth susunod si Ate Kass. Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Ganun ba talaga kahirap mag explain sa akin? Kung ano ano na nga naexperience ko dahil kay Ken tapos nahihirapan pa siya mag explain. Napaupo na lang ako sa sahig. Lumuhod si Kuya Kenneth sa harap ko. "Wag ka na umiyak Emily. Hintayin mo si Ken. Naghahanap lang yun ng right timing. Pasensya ka na rin sa ginawa ni Ana. Ako na humihingi ng sorry para sa kanya." Ani Kuya Kenneth at pinunasan ang luha ko. "Iuwi niyo muna si Emily at pagpahingahin. Kami na ni Ate Kass ang bahala kay Ken." Baling ni Kuya Kenneth sa mga kaibigan ko. Itinayo na ko nila Andy at inalalayan maglakad. Habang naglalakad kami pauwi sa dorm pinagtitinginan kami ng mga tao pero di ko pinapansin. Papasok na kami sa building ng dorm namin ng makita ko si Ken at Ana. Ng mapabaling sa gawi namin ang tingin ni Ana ay bigla niya na lang niyang hinalikan si Ken. Parang karayom na tumutusok sa aking puso ang mga nasisilayan ko. Hindi man lang pumiglas si Ken. Namalisbis na lang ang mga luha ko. Parang walang katapusan ang pag iyak ko. Kailan ba 'to matatapos? Ganoon ba talaga ang kapalit ng pagmamahal ko kay Ken? Hanggang sa may kamay na nagtakip sa mga mata ko. "Pumapanget ang Binibini kapag tinitingnan ang mga katulad nila." Bulong ni Vince. Tinanggal ko naman ang kamay niya. "Okay lang..." Sagot ko. Bumibigat ang talukap ng mata ko. Nahihilo ko. Napahawak ako sa sentido ko. "Binibini. Okay ka lang?" Tanong ni Vince. "Oo..." Okay naman ako nung pumasok ah. Baka epekto lang 'to ng puyat kagabi. Hindi ko nainom yung gamot ko kaninang umaga. Ang bigat din ng pakiramdam ko simula mabuhusan nung malamig na tubig. Hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang matigas na sahig. "Ems!" Nag aalalang tawag ni Sandra hanggang sa dumilim na ang lahat.

Sandra's POV
"Ems!" Sigaw ko ng makitang bumagsak si Emily. Hinawakan ko siya. Ang init niya. Bakit bigla 'tong nilagnat? Masama na ba pakiramdam nito bago pumasok? "May lagnat siya." Ani ko. "Layo kayo. Baka nakukulangan siya sa air." Sagot ni Vince. Ibinaba niya sa lupa yung ulo ni Ems. "Vince! Baka kung ano mangyari kay Ems! Buhatin mo na lang." Sagot naman ni Lean. "Alam ko ginagawa ko Lean. Wag ka muna kumontra." Sagot ni Vince. "Binibini! Binibini! Emily! Naririnig mo ba ko?" Aniya habang inaalog yung balikat ni Emily. "Napaka bobo mo naman Vince. Paano sasagot yan eh hinimatay nga?!" Sagot ni Lean. "Ivan ikaw na nga lang bumuhat!" Utos ko. Pero hindi pa nakalapit si Ivan binuhat na ni Vince si Emily. "Bihisan niyo siya pagdating sa dorm. Baka dahil 'to dun sa tubig." Ani Vince na nagmamadaling naglakad papasok sa building ng dorm. Nakita ko naman si Ken at Ana na pinapanuod kami. Lumapit ako sa kanila. "Okay na kayong dalawa? Masaya na kayo?" Tanong ko sa kanila. "Ikaw Ken. Masaya ka na? Ayun oh si Emily nagkasakit nanaman dahil sayo. Alam mo ba na halos lumuhod na sa harapan ni Kuya Kenneth yung kaibigan ko makuha lang ang explanation mo sa pagdeny mo sa kanya? Alam mo ba kung paano siya pinahiya ng mga barkada ng FIANCÉE mo? Wala kang narinig sa kanya kasi mahal ka niya. Tinatawag na nga siyang malandi eh. Pero ano? Wala kang maririnig ni buntong hininga niya habang sinasabi sa kanya yung mga salita na yun. Ken, national tv. Sasabihin mo RANDOM GIRL. Siraulo ka ba?!" Dagdag ko pa. Nasasaktan ako sa ginagawa nila sa kaibigan ko. "I'm sorry Sandra. Sorry." Sagot niya. "Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo?! Napahiya si Emily sa ginawa mo! Ano nangyari ha Ken?! Hindi pa ba sapat yung dinner? Hindi pa ba yun sapat para saktan si Emily? Akala ko ba mahal mo? Bakit mo sinasaktan ng ganito?!" Sagot ko. Ayoko ng inaagrabyado kaibigan ko. Si Emily kasi yung tipo ng tao na kahit nasasaktan na siya ok pa rin basta para sa mahal niya.  "Hindi mo kasi alam yung pressure ko eh." Sagot niya. "Oo Ken hindi ko alam. Pero Ken sobra na eh. Below the belt na yung mga sinasabi eh. Wala naman siyang ibang ginawa kundi mahalin ka! Mahalin ka kahit ang sakit-sakit na ng nararamdaman niya! Naging anemic na siya't lahat. Nabully na pero ikaw pa rin yung mahal niya! Nasaan ka nung mga panahon na pinaparatangan siyang malandi? Ha? Nasaan ka nung mga breakdowns niya na ikaw ang hinahanap? Wala! Busy ka sa parents mo! I thought you love her! Why are you doing this?" Sagot ko. "Don't you understand?! He's pressured!" Singit ni Ana. "Wag kang epal dito ah! Alam kong isa ka sa pumepressure kay Ken! Alam kong ikaw may pakana ng lahat ng 'to!" Sagot ko. Tatalikuran ko na sana sila ng hilahin ni Ana ang buhok ko. "Aray! Ken! Yung fiancée mo! Pag ako nasaktan dahil sa babae na yan lagot ka kay Ivan!" Ani ko habang hinahawakan ang buhok ko. "Sandra!" Sigaw ni Ivan at patakbong lumapit sa amin. Hinila ko ni Ivan kaya nabitawan niya yung buhok ko. "Ken naman! Yung fiancée mo! Ayusin mo nga ugali ng fiancée mo! Hindi deserve ni Emily yung ganito Ken. Kung sa ganyang ugali ka lang mapupunta? Hindi worth it na sinasaktan mo si Emily para d'yan! Ganyang ugali yung papakasalan mo Ken! Umayos ka ng isip Ken! Hindi ko pinaubaya yung feelings ko dati para saktan mo lang! Alam mo bang may pasa sa mukha si Emily dahil nadulas siya sa loob ng locker room kanina? Pati kanang siko may sugat. Yan ang ginawa ng fiancée mo. Ngayon Ken sabihin mo. Worth it bang sinasaktan mo si Emily para sa ganyang pag uugali?" Sigaw naman ni Ivan. "Ana let's go." Malamig na ani ni Ken. Walang nagawa yung malanding babae na yun kundi ang umalis kasama yung fiancée kuno niya. "Argh! Bakit kaya ganon? Akala ko ba mahal niya si Emily? Bakit niya hinayaan magkaganito?" Tanong ko kay Ivan. "Hindi ko alam. Baka pressured nga siya sa family niya. Isama mo pa yung kalandian ni Ana. Di ka kaya malito non?" Sagot niya. "Bakit ka naman malilito? Mahal mo nag diba?" Sagot ko. "May times na ganon Sandra. Dahil nga sa family problems niya naapektuhan nun yung decisions niya." Sagot niya. "Kahit na ba. Ewan ko sa lalaki na yun. Napapagod na ko para kay Emily eh." Sagot ko. "Tara na baka gising na siya at hinahanap tayo." Sagot niya. Sabay kaming naglakad papasok sa dorm. Pumasok kami sa kwarto ni Emily. Bihis na siya at nakakumot na. May bimpo sa noo at sa pisngi dahil sa pasa niya. Ginamot na rin ata nila Lean yung sugat niya sa siko. "Naawa ako kay Ems. Hanggang sa pagtulog niya explanation ni Ken ang hinihingi niya." Ani Lean habang nakatingin sa natutulog na si Emily. "Buti nga di nagbreakdown eh." Ani naman ni Zoe. "We need to do something. Hindi pwedeng ganito na lang si Emily." Ani Andy. "Do something? Itutulak niyo nanaman siya kay Ken? Di ba kayo nahihirapan para sa kaibigan niyo? Kita niyo oh. Mugto na ang mata kakaiyak. Nagkasakit na dahil sa kagagawan ng boyfriend niya." Sagot ni Vince. "Wag ka magsalita ng ganyan Vince. Di mo pa naman masyado kilala si Emily eh." Sagot ni Lean. "Oo hindi ko gaano kakilala si Emily pero sa estado niya ngayon. Naaawa ako sa kanya. Hirap na hirap na siya. Hindi niya deserve yung ganito." Sagot ni Vince. "Di mo kasi alam epekto ni Ken kay Emily eh kaya madali para sayo sabihin yan. Tsaka yung do something na sinasabi ko hindi naman yung itutulak namin siya kay Ken. Sa tingin mo ba ikaw lang ang naawa sa estado niya ngayon? Paano pa kaming mga matagal niya nang nakasama?" Sagot ni Andy. "Ewan ko sa inyo guys. Parang inililibing niyo na rin si Emily." Sagot niya at lumabas ng kwarto. "Lean ano meron dun sa pinsan mo?" Tanong ko. "Ewan ko. Di naman ganyan yun dati eh. Ngayon lang. Tsaka bukas lilipat na yan ng dorm kaya tatahimik na tayo." Sagot niya. "Mabuti naman." Sagot ko. Halos isang linggo din siya dito sa dorm. "Ken wag mo ko iwan." Biglang sabi ni Emily. Agad akong lumapit sa kanya. "Shhhh. Hindi ka iiwan ni Ken." Bulong ko habang pinupunasan ang luha niya. Nagring naman ang phone niya.

Love calling...

Sinagot ko ang tawag. "Tulog si Emily. Hinimatay dahil sa kagagawan ng fiancée mo. Mamaya ka na lang tumawag."

"Sorry Sandra. Sorry. Hindi ko alam na ganito ang kakalabasan ng action ko." Sagot niya. "Wag ka na magsorry. Wala rin naman mangyayari." Sagot ko. "Pwede ba ko magpunta d'yan sa dorm niyo?" Sagot niya. "Wag na diba random girl lang siya? Na sinamahan mo bumili ng project niyo?" Sagot ko. "Sandra naman. Ngayon lang oh." Sagot niya. "Walang ngayon Ken. Mag usap na lang kayo kapag okay na siya. Kapag handa ka na ring ipakilala siya bilang girlfriend mo at hindi isang random girl." Sagot ko at inend ang call. Bwisit siya. "A-ah." Daing ni Emily na ngayon ay nakasandal na sa head board ng kama niya. "Higa ka muna. Hindi ka pa okay." Sagot ko dahil baka mabinat siya. "Aray." Daing niya ng hawakan ang kanang pisngi niya. "Wag mo hawakan baka mamaga." Ani ko dahil baka nga naman mamaga kapag hinawakan pa niya. "Ang sakit ng katawan ko." Sagot niya. "Magpahinga ka muna. Kami nang bahala sa mga requirements mo. Kami na magpapasa. Tsaka wag ka na magalala sa amin. Hindi namin pababayaan ang grades namin. Babantayan ka pa rin namin habang may sakit ka." Sagot ko. "Pero Sands may mga subjects na kailangan ako mismo magpasa ng requirements dahil sa group work tapos may mga naiskip din akong mga activities dahil naabsent ako nung naconfine ako diba? Kaya kailangan ko pumasok." Sagot niya. "Kami na ngang bahala dun. Magpagaling ka muna." Sagot ko. "Pero kailangan ko pumasok. Kailangan mag explain ni Ken." Sagot niya. "Emily! May sakit ka! May sakit ka na't lahat siya pa rin iniisip mo! Ano bang nangyayari sayo?" Sagot ko. "Madali sayo na sabihin yan kasi wala ka naman sa pwesto ko eh. Hindi naman kasi ikaw yung tinanggi Sands eh. Sorry ah kung napapagod na kayo sa akin. Sorry talaga kasi nakakaabala ako sa inyo. Pasensya na kung weak ako at kayo ang nagpapalakas sa akin. Siguro nakakapagod maging kaibigan ang katulad ko. Pasensya na ah. Sorry kung humihingi pa din ako ng explanation kahit mahirap mag explain sa akin. Sorry talaga Sands." Sagot niya na may mapait na ngiti. "Sorry Ems. Di ko sadya. Sorry." Sagot ko at lumapit sa kanya para yakapin. "Sorry Ems. Nahihirapan lang ako para sayo." Ani ko habang nakayakap pa rin sa kanya. "Sorry din kung pinapahirapan ko kayo ng ganito." Sagot niya. "Hindi. Ok lang kami." Sagot ko. Bumitaw ako sa yakap. "Kuha muna kita ng makakain ah. Wag ka muna magalaw." Ani ko. "Okay. Yung phone ko?" Sagot niya. "Eto. Tumawag si Ken. Sinagot ko muna. Kaya mo na ba makipag usap sa kanya?" Sagot ko at inabot sa kanya yung phone niya. "Ayoko over the phone gusto ko harapan. Para nakikita yung mga mata niya." Sagot niya. "Ahhh. Tama yan. Sige kuha muna ko ng pagkain mo." Sagot ko. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya. Nakita ko silang lahat na nasa sala. Hindi pa pala umaalis si Ivan. "Gising na." Bungad ko. "Mabuti naman." Sagot nila. "Anong plano?" Tanong ni Zoe. "Wala. Hayaan natin si Emily. Gusto niya na makipag usap sa kanya si Ken eye to eye." Sagot ko. "Hayaan? Baliw ka na ba Sandra? Paano kung masilaw si Emily sa pagmamahal niya kay Ken?" Reklamo ni Vince. "Matagal nang mahal ni Emily si Ken Vince kaya di na siya masisilaw sa pagmamahal." Sagot ko. "Teka bakit ka nakikisali samin?" Puna ni Ivan sa pangingialam ni Vince. "Wala lang. Trip ko lang." Sagot niya. "Trip? Eh mas mukhang galit ka kesa samin eh." Sagot ni Lean. "Yun kasi uso." Sagot niya. "Teka kuha muna ko ng pagkain. May niluto naman kayo for lunch diba?" Tanong ko. "Meron na. Sinigang. Di pa kami kumakain kasi hinihintay ka namin." Sagot ni Lean. "Hahatiran ko muna ng pagkain si Emily tapos kumain na tayo." Sagot ko. "Okay." Sagot nila. Pumunta ko sa kusina at nag ayos ng pagkain ni Emily. Umakyat na ulit ako para ihatid sa kanya ang pagkain. Naabutan ko siya na nagp-phone. "Hayst. Ems. Nag uupdate ka ba?" Tanong ko mukha kasi soyang seryoso sa pagtatype sa phone niya. "Hindi. Nagbabasa lang ako. Natriggered lang ako nung character." Sagot niya. "Kumain ka muna. Dito ka muna sa dorm. Magpapasa na muna ko ng mga requirements." Sagot ko. "Ikaw lang?" Sagot niya. "Hindi. Pag uusapan pa namin kung sino maiiwan sayo." Sagot ko. "Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko." Sagot niya. "Hindi Ems. Sa ayaw at sa gusto mo may maiiwan. Baka mamaya mahulog ka sa hagdan pagbaba mo eh." Sagot ko. "Hayst. Paano yung requirements nung maiiwan sa akin? Sino magpapasa?" Sagot niya. "Kami. Pati requirements mo kami magpapasa." Sagot ko. "Hayst. Sorry. Ang dami ko nang naabala sa inyo." Sagot niya. "Okay lang. Kumain ka na. Nandun lang kami sa baba kumakain." Sagot ko. Tumango lang siya. Tumayo na ako sa kama niya at lumabas ng kwarto niya. Kasalukuyang naghahain si Lean at Vince. "Guys! May kailangan tayo pagkasunduan." Ani ko ng makapasok sa dining area. "Ano naman yun Sandra Ko?" Si Ivan na ang nanguna sa pagtatanong. "Sino maiiwan kay Emily?" Sagot ko. "Ako na lang ang maiiwan kay Binibini. Wala pa naman akong ginagawa eh. Mag iimpake na rin ako." Sagot ni Vince. "Ok." Sagot ko. Umupo na ako sa pwesto ko at kumuha na ng kanin at ulam. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom at pagod dahil sa pakikipag bangayan kila Ken. Matapos kumain ay naghanda na ulit kami sa pagbalik sa school. Umakyat muna ulit ako sa kwarto ni Emily para iligpit yung pinagkainan niya. "Ems. Papasok lang muna kami sa school ah. Si Vince ang maiiwan dito. Kami na bahal sa requirements mo." Paalam ko. Tumango lang siya at humiga sa kama. "Nainom mo na ba yung gamot mo pati paracetamol?" Tanong ko. "Yes. Matutulog muna ko. See you later." Sagot niya at ipinikit ang mga mata. Mabuti yan Ems. Mamahinga ka muna. Bumaba na ulit ako at inilagay sa hugasan yung mga pinagkainan niya. "Vince, ikaw na bahala kay Emily ah. Papasok na kami." Paalam ni Lean. "Oo. Ako bahal kay Binibini. Text ko na lang kayo kapag pauwi na kayo." Sagot niya. Tumango na lang kami at umalis na ng dorm. Si Lean ang magpapasa ng mga requirements ni Emily dahil same naman sila ng schedule. Kahit naman pasahan na ng requirements kailangan pa ron sundin ang class schedule. Ng nasa corridor na kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso na sa locker area. Wala naman kasing mangyayari kung papansinin ko pa sila. Matapos ang ilang oras mg pakikipag buno sa mga teacher ay naisipan naming magkakaibigan na tumambay sa garden. Umupo ako sa bermuda grass. "What are we gonna do? Emily can't give up Ken easily." Tanong ni Andy. "Hindi natin pwedeng utusan si Ems na iwan na lang si Ken." Sagot ni Lean. "Let's just wait for Ken's explanation. Alam niyo namang kabilang si Ken sa magulong pamilya." Sagot ni Ivan. "Alam mo ewan ko kung basher ka ng Kely o shipper ka nila eh. Kasi kanina lang gustong gusto mo siyang sapakin. Tapos nung tumalikod sila ni Ana eh bigla ka namang nagpaliwanag ng words of wisdom." Sagot ko. "Ganon talaga. Kaibigan ko sila pareho eh. Bawal magkampihan." Sagot niya. "Teka Zoe. Nagcocommunity service naba si Ana at yung alagad niya?" Tanong ko kay Zoe. "Si Ana nakatakas. Yung alagad niya ang nagcocommunity service. Di na daw pumasok si Ana pagkatapos nung morning classes eh." Sagot niya. "Basta higad lahat nadadaan sa landi." Sagot ko. "Tara na. Uwian na oh. Maglog out na tayo ng makauwi na." Aya ni Ivan. "Okay." Sagot namin. Sabay-sabay kami na tumayo. Habang naglalakad kami papunta sa room ay nakasalubong namin yung mga barkada ni Ana. "Guess who's here?" Masungit na ani nung isang babae na parang coloring book yung mukha sa sobrang kapal ng make up. "Who?" Sagot naman nung isa pang mukha ring coloring book ang mukha. "Yung mga bestfriend ng higad." Sagot naman nung pangatlong babae na di naman kagandahan kapal nung blush on. Di pa bagay sa skin tone niya yung lipstick na gamit. "Wow. Akala ko nasa zoo ang mga unggoy. Yun pala nagkalat na dito sa Franklin U. Iba nga naman mag improve ang society. Pati unggoy nakamake up. Manang mana sa amo nilang mukhang gorilla." Sagot ni Lean. "Oo nga eh. Lakas paratangan na higad yung kaibigan natin eh ano kaya tawag sa amo nila ahas? Wow mixed breed pala amo nila. Kalahating gorilla kalahating ahas. Tara na nga guys. Baka gutom 'tong mga unggoy na 'to wala pa naman akong dalang saging." Sagot ko at nilagpasan sila. Kasunod ko sila Lean. Kung higad si Emily unggoy sila. Tapos yung amo nila mixed breed ng gorilla at ahas. Pumunta na kami sa rooms namin. Naglog out lang kami sa attendance at umuwi na. Inabutan namin si Emily at Vince na nagtatawanan sa sala. Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam niya. "Hi Ems!" Bati ko. "Sands! Kamusta?" Sagot niya. "Ikaw ang kamusta. Ano? Nahihilo ka pa?" Sagot ko. "Hindi na ok na ko. Masakit nga lang yung pasa ko. Nagsaing na si Vince. Hindi daw siya sanay magluto ng ulam kaya di nakapag luto." Sagot niya. "Okay lang. Kami na bahala ni Lean dun." Sagot ko. "Vinceeeee!" Umalingawngaw ang sigaw ni Lean. "Ano ba Lean! Mabibinat si Binibini sa lakas ng boses mo!" Sagot ni Vince. "Nag impake ka na ba? Lilipat ka na sa mens dorm bukas." Sagot ni Lean. "Oo tapos na. Wag ka na mag ingay." Sagot niya. "Magbibihis muna ko para makapag luto na ng dinner." Sagot ko. "Sige lang." Sagot ni Ems. Umakyat na ako sa taas at naligo. Nanlalagkit ako sa katawan ko. Ng makapag bihis ay bumaba na ako at nagpunta sa kusina para magluto. Adobo ang naisip kong iluto. May tira pa namang sinigang kaya pina init ko na lang. Ng matapos ako magluto ay tumulong na ako kay Lean maghain. "Guys! Kain na!" Tawag ko sa kanila. "Ok!" Sigaw ni Emily at nauna na maglakad papunta dito sa dining. Naupo na kami sa kanya kanya naming pwesto. "Dasal na dasal na!" Aya ni Lean sa amin na magdasal. "Wow Lean. Kailan ka pa naging banal?" Tanong ni Vince. "Simula nung di na kita nakasama naging banal ako." Sagot ni Lean. "Magdadasal ba kayo magdadasal? May oras yung gamot ko paalala lang." Singit ni Emily sa bangayan ng dalawa. "Ere na." Sagot ni Lean. "In the name of the father, of the son, and of the holy spirit. Amen. Lord salamat po sa nakahain sa aming harapan. Bigyan niyo po kami ng sapat na katalinuhan para sa pagintindi ng mga bagay-bagay. Amen." Matapos ang dasal ay kumain na kami. Matapos kumain ay agad na umakyat si Emily. Siguro ay iinom ng gamot. Ng maiwan kami sa dining ay agad naman nagtanong si Zoe. "Ano gagawin natin? Di pa rin kumocontact si Ken."
"Wala tayong magagawa. Si Emily lang ang may karapatan sa buhay niya. Nandito lang tayo bilang comfort niya." Sagot ni Andy. "Hayst. Hoping na maging maayos ang explanation ni Ken." Sagot ni Lean. Bumuntong hininga na lang ako kasi hopeless na rin ako. Ayoko naman na umasang mag eexplain ng matino si Ken. "Akyat na nga ako. Masyado kong napagod sa araw na 'to." Sagot ko.   "Its better let's all rest. We're all wasted today. Let's all rest. Maybe tomorrow we'll be all enlightened about what's happening." Sang ayon ni Andy. Lahat kami ay tumayo na at pumunta sa kanya kanya naming kwarto. "Vince yung pinto ikaw na mag lock." Rinig kong bilin ni Lean bago umakyat. Nagskin care muna ako at mahiga. Katulad ng nakasanayan nagwattpad muna ako bago matulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro