Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

SEVEN PM na pero tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Caleb kanina kahit pa ginawa ko nang lahat para i-distract ang sarili ko sa trabaho. I was struggling to regain my focus, and I was starting to despise it.

Hindi ko dapat hinahayaan ang sariling pagtuunan ito ng pansin dahil alam kong wala rin iyong maidudulot na mabuti sa akin. Pero ang pesteng puso at utak ko, ayaw makisama!

Frustrated na nagbuga ako ng hangin. Mayamaya, inalis ko ang suot na salamin at pinatay ang laptop. Ilang segundong tumitig lang ako sa bukas na bintana sa harap ko.

Hanggang sa hindi inaasahang tumigil ang mga mata ko sa malawak na second floor veranda ng two story American house na katapat ng kuwarto ko.

Ang veranda sa ikalawang palapag ng bahay na iyon ay isang napakagandang tanawin, lalo na sa ilalim ng liwanag ng lamppost na nasa tapat nito. Umaabot iyon sa buong lapad ng bahay at nag-aalok ng inviting at kaaya-ayang view mula sa labas.

Seven years ago, the place was far from resembling its current state. It was merely a modest, aged two-story house.

May malaking bitak ang sliding window sa second floor, tanda ng kalumaan at kapabayaan. Ang puting pintura nito ay kupas at marami sa bahaging gawa sa kahoy ang kinain ng anay. Ngunit nang mga panahong iyon ang parteng ito ng bahay ang pinakamaganda sa paningin ko.

Dahil sa tuwing nagbubukas ang bintanang iyon, I was always greeted by that warm and sweet smile-na lagi-lagi ay nagbibigay ng ibayong comfort sa akin. It felt like my own personal therapy dahil madalas nagagawang pagaanin nito ang loob ko kahit sa pinakamabigat na mga araw ng buhay ko.

Mapait akong napangiti. Now, that scene was fading from view, becoming a cherished part of these nostalgic memories of the past.

Napapikit ako nang pumasok ang malamig na panggabing hangin at banayad nitong haplusin ang mukha ko. Hinayaan ko ang sarili sa ganoong estado hanggang sa muli akong dumilat. Napangiti ako nang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

Mula sa bintana, bumaling ang tingin ko sa cellphone ko nang tumunog ang notification tone nito. Kinuha ko iyon mula sa mesa at automatic na tumaas ang kilay ko nang makita ang message ni Reeth.

Shuta! Gigil ako ng dalawang 'to! ang chat niya na may nagmumura at crying emoji pa.

Kasabay nito ang picture ng pinsan niya at ang girlfriend nito. Kuha iyon sa isang resort habang sweet na magka-holding hands ang dalawa. They were happily-base sa malawak na ngiti nila-strolling by the white sand beach.

Naka-bikini si Gem at naka-board shorts naman si Radd. Doon ko rin na-realize na iyon siguro ang trigger kaya nagkaroon na public statement ang agencies nila.

Be happy for them, gaga! reply ko with matching annoyed emoji.

Na-seen agad iyon ni Reeth. Mayamaya may indicator nang nagta-type siya ng reply.

No!!! Walang magiging masaya!!!

Sa dami ng exclamation point sa message niya, hindi ko na kailangang isipin ang reaction ng gaga. Automatic na nag-flash sa utak ko ang halos gumulong nang si Reeth habang inis na inis.

Napapailing na lang na inilapag ko sa mesa ang phone at hindi na nag-reply pa.

Paano ko kalilimutan ang issue na ito kung hanggang sa mga oras na ito ay binubulabog ako ni Reeth? Saka kailan ba matatapos ang kabaliwan niyang ito?

Parang favorite past time na niyang asarin ako dahil madalas niyang i-flex sa harap ko ang latest update tungkol kay Radd. Kaya kahit hindi ko ugaling manuod ng news o magbasa ng post sa social media alam ko ang mga kaganapan tungkol sa pinsan niya.

Hindi rin naman malabong mangyari iyon dahil everyday ay laman halos ng balita si Radd. From his newest projects, philanthropy engagements and even posts niya sa social media ay madalas pag-usapan.

He was famous enough that even my boss knew him. May bali-balita na ring plano siyang kunin ng EcoWave bilang endorser sa latest products nito.

Over the last seven years, I had unintentionally gathered a lot of information about him. Kahit matagal ko na siyang hindi nakikita parang lagi ay nasa malapit lang siya.

It was indeed ironic. I always tried my best to avoid him pero kahit minsan ay hindi ko iyon nagawa.

That thought brought back the feeling of helplessness, confusion, and anguish. May bigat sa dibdib na napasandal ako sa backrest ng swivel chair. For the nth time, I tried to calm myself by taking a deep breath.

Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit kakatwang hindi nagawang kumalma ng pakiramdam ko. Hopeless na napapikit ako-at labis kong pinagsisihan iyon dahil sa gitna ng dilim paulit-ulit na nag-echo sa isip ko ang pamilyar na mga salitang iyon.

Why do we have to end this way? Bakit kailangan mo akong bitiwan nang ganito?

And as if those words were just waiting for me to remember them. Ilang sandali pa, sunod-sunod na ang naging pagpatak ng mga luha ko.

─•❉᯽❉•─

Baguio City, March 2017

RADD walked into the lecture hall, his eyes fixed on his cellphone screen. It might have been an exaggeration, but everyone turned to look at him.

Umingay ang paligid at maririnig mula ro'n ang impit na tili ng mga kababaihang halos ninety percent yata sa mga iyon ay crush na crush siya. Pero as usual, hindi niya iyon pansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Naibaba ko ang hawak na highlighter. Katulad ng reaksiyon ng mga kaklase namin sa paligid ko, natigil din ako sa ginagawang pagre-review at agad na natutok ang atensiyon sa kaniya.

He wore his usual outfit-a cozy pastel gray pullover jacket, sleek pants, and his favorite well-worn black sneakers. He completed the look with his signature black-rimmed glasses na lagi kong ina-admire kasi bagay na bagay sa singkit na mga mata niya.

Kapag kasi wala siyang salamin, madalas siyang mapagkamalang masungit dahil sharp ang tingin ng mga iyon. However, everyone said otherwise because he was the most approachable and warmest person I knew.

Nakababa ang bahagya nang humabang buhok ni Radd at medyo natatabingan na niyon ang noo niya. I kept on telling him na ipagupit na iyon kasi nabo-bother ako lalo't summer na, pero mukhang ayaw niyang makinig sa 'kin.

He continued walking, and I realized that it was truly impossible not to notice him. With his lean build and towering height-he was six feet tall at hanggang balikat lang niya ako-he radiated a unique energy that drew everyone's attention, effortlessly shining wherever he went.

Plus, his looks were far from ordinary as he was biracial-Filipina ang mother niya at Korean ang father niyang sa pagkakaalam ko ay hindi pa niya nakikilala hanggang ngayon.

Lagi ring sinasabi sa akin ng pinsan niyang si Reeth na parang twin brother si Radd ng idol nitong si Jeon Wonwoo, pero hindi ko na lang pinapansin.

Mula sa phone, nag-angat siya ng mukha at nadako ang tingin sa akin. Malawak siyang ngumiti. Pero nagkunwari akong hindi siya napansin. Mabilis akong yumuko, nag-iinit ang mga pisnging ibinalik ko ang atensiyon sa naudlot na pagre-review.

Bakit ba lagi niya akong nahuhuli sa tuwing pinagmamasdan ko siya?

"Ang aga mo yata ngayon?" tanong ng kanina lang ay subject ng thoughts ko pagkaraan ng ilang segundo.

He settled into the seat next to mine. Hindi ko na rin kailangang lumingon para malaman na nasa akin na naman ang atensiyon ng mga kaklase ko, lalo na ang girls. Surely, iisa lang din ang tingin sa mga mata nila-inis at panay irap.

"O, kanina ka pa d'yan?" pasimpleng tanong ko, saglit na nilingon siya.

"Yep. Mukhang busy ka. 'Wag mong sabihing nagbabasa ka na naman? Katatapos lang ng quiz natin sa Integral Calculus kahapon 'di ba?" natatawang sabi niya.

"Nagsalita ang hindi running for Latin honors at hindi nagtanong kay Prof. Sorza ng advance problem para sa next topic kahapon." Tinaasan ko siya ng kilay.

"You're funny, Eira." Playful na marahan niyang ginulo ang buhok ko.

"Radd! Bakit hilig mong gawin 'yan? 'Kita mong bad hair day na nga ako, eh!" nakalabing sabi ko pero deep inside medyo kinilig ako kasi favorite gesture niya iyon.

Actually, overstatement iyong panggugulo niya ng buhok kasi hindi naman gano'n ka-harsh si Radd. He was actually sweet and kind kahit ako lang yata ang madalas makapansin kasi hindi siya showy sa ibang tao.

Sa history nga ng pagkakakilala namin, isang taon pa ang lumipas bago kami naging sobrang close. Radd was a transferee. Year twenty-twelve nang lumipat sila ng mama niya sa property na katapat lang ng bahay namin.

Back then, we even became seatmates pero deadma ako sa kaniya kasi sobra siyang mahiyain. Si Reeth lang na pinsan niya-at closest female friend ko-ang kinakausap niya.

I had discovered that he didn't easily open up to someone. However, he could be the warmest person anyone would ever know when he did.

At masaya ka ro'n, Eira?

Of course. Aside kay Reeth, sa kaniya lang din ako nagkukuwento ng kung ano-anong ganap ko sa buhay. He was actually a good listener at tuwang-tuwa ako sa kaniya sa tuwing nagbibigay siya ng words of encouragement.

Iyon siguro ang isang hindi alam ng iba tungkol sa kaniya, ang ability niyang maki-empathize kahit often times tahimik siya.

"Bad hair day?" Sinuri ng tingin ni Radd ang nakalugay na mid length na wavy hair ko. "Hindi naman."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang haplusin niya iyon habang nakapaskil sa mukha niya ang isang masuyong ngiti. Maingat din niyang inayos ang ilang strands na tumabing sa pisngi ko.

Hindi na okay ang heartbeat ko pagkatapos niyang gawin iyon. Tumikhim ako para pagtakpan ang nagra-riot na sistema ko.

Pero mukhang wala siyang balak na pakalmahin ako. Ilang sandali pa lalong nagwala ang puso ko nang marahang hinawakan ni Radd ang kamay kong nasa mesa. He intertwined his fingers with mine saka maingat iyong isinilid sa bulsa ng suot niyang jacket.

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?" Napamulagat ako.

"Ang lamig ng kamay mo," casual lang na sagot niya.

Mahina ko siyang hinampas sa balikat. "Baka may makakita sa 'tin!"

Natatarantang lumingon ako sa paligid. Bahagya akong nakahinga nang makitang busy ang mga kasama namin sa hall sa kaniya-kaniyang ganap.

"They won't notice us, don't worry. Let's stay like this for a while. I missed holding your hand."

Gustong gumulong ng puso ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi ko iyon ipinahalata. Sa halip seryoso ko siyang tinitigan.

"Last mo na 'yan, ah."

"Why? Ayaw mo na ba sa 'kin?" kunwari ay may pagtatampong sabi niya.

Mahina akong napabuntong-hininga. "S'yempre, gusto. Pero alam mo naman ang situation natin 'di ba?"

Alright. For the nth time, I didn't really want to open this topic. Pero lagi ay nauuwi kami roon kahit ayaw namin pareho.

"Can I just tell your dad about us?" This time seryoso nang nakatitig sa akin si Radd.

"Then ibig sabihin lang n'on, forever mo na ring 'di mahahawakan tulad nang ganito ang kamay ko." Lumabi ako.

It was Radd's turn to sigh.

"Okay. Kunwari wala na akong sinabi." Puno ng pang-unawa siyang tumitig sa akin.

Mayamaya inilabas niya ang kamay ko sa bulsa ng jacket niya. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang dalawang adhesive plaster sa mga daliri ko. Ibayong concern na ang nakarehistro sa mga mata niya pagkaraan ng ilang sandali.

"May nangyari na naman ba, Eira?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

Pasimpleng binawi ko ang kamay ko pero hindi niya iyon pinakawalan. Instead, kinuha pa niya ang isa at seryosong pinakatitigan ang mga ito. Gusto ko mang itago ang pamumula at pamamalat ng mga palad ko ay hindi ko na magawa.

Mahina siyang napabuntong-hininga. "Give me your hand cream."

Hesitant pa akong ilabas iyon sa bag ko pero naningkit nang husto ang mga mata niya. "Dali na, Eira."

Walang choice na binuksan ko ang bag at inabot iyon sa kaniya.

"Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba, if something's bothering you, you can just call me. Ano na naman ang nangyari? Bakit namamalat na naman nang ganito ang mga kamay mo?"

Ilang segundong tahimik ko lang na pinanuod si Radd habang maingat niyang pinapahiran ng hand cream ang mga iyon. Lagi ay parang hinahaplos ng kung ano'ng init ang puso ko dahil sa ganoong gesture niya.

Pero every time na sumasagi sa isip ko ang rason ng pag-aalala niya sa 'kin, hindi ko maiwasan ang kagyat na pagsikip ng dibdib ko.

"Sabi ni Daddy sa Manila raw ako mag-a-apply for internship," mahinang simula ko mayamaya.

Natigilan si Radd. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Did he pressure you again about that?"

Marahang tumango ako.

"Sometimes, I'm failing to understand your dad, Eira."

Malungkot na tumitig ako sa kaniya. Maging ako rin ay ganoon ang nasa isip. Since elementary ako, hindi ko na rin maintindihin si Daddy. I was constantly pressured to always be at the top.

Hanggang ngayong college ako ay iyon pa rin ang nangyayari. I grew up pleasing my dad and living the dream that we wanted for me.

I always wanted to become a writer because it was my passion from the start. However, since my dad wanted me to become an engineer, I gave up my dream and enrolled in the College of Engineering instead.

Mabibilang sa mga daliri ang mga pagkakataong sumuway ako sa utos niya. Lahat halos ng sabihin niya ay walang pag-aalinlangan kong sinunod.

Noong bata ako, akala ko normal lang ang mga iyon. After all, I felt loved by my parents, especially my dad, so I thought it was only his way of caring for me.

Kaya kahit minsan gusto kong magprotesta, hindi ko kailanman ginawa. Instead, I tried my very best to meet his expectations. Mula elementary hanggang high school, top one ako sa klase. In my final year of college, I aimed for a Latin honor-dahil iyon ang inaasahan sa akin ng dad ko.

Ngunit matagal na rin akong tahimik na nagdurusa...

Lingid sa kaalaman ng family ko, I was experiencing anxiety attacks. Recently ko lang nalaman na may Obsessive-Compulsive Disorder ako-na hindi sana mada-diagnose kung hindi ako pinilit ni Radd na pumunta at magpa-check sa Psychiatrist.

Radd had been constantly worried about my tendency to frequently wash my hands-na para bang sa mga mata ko ay lagi-laging marumi at mabaho ang mga iyon. Often times I found myself washing them even a hundred times a day, lalo na kapag may mga isiping bumabagabag sa utak ko.

That had been my way of easing those thoughts, and I never expected that it was a symptom of an underlying medical condition. OCD was a result of anxiety, and unfortunately, I had both.

Kaya naman hindi na napanatag si Radd sa tuwing nakikita niya ang epekto n'on sa akin, physically. Minsan nga sumasagi sa isip ko na baka isang araw ay mapagod na lang din siyang intindihin ako. Lalo sa napaka-restricted ng buhay ko.

I was never allowed to date-that was dad's number one rule. Ngunit iyon ang kaisa-isang utos niyang sinuway ko out of his knowledge. I had fallen in love with Radd and dated him.

We were best friends but two years ago, we both realized that our feelings for each other were much more than just friendship. Si Reeth lang ang tanging nakakaalam ng sekretong relasyon namin ni Radd. We tried to keep it from her at first, but her sharp observation made it impossible to hide.

Radd was support system. Lalo na sa nakakasakal na sitwasyon ko. Kaya hindi ko alam ang puwedeng mangyari sa akin kung isang araw ay malaman ng dad ko na sumuway ako sa utos niya.

Tahimik lang akong tumitig kay Radd. Mayamaya marahan niyang pinisil ang kamay ko saka maingat na ngumiti sa akin. As I stared at him, I realized that losing him would definitely shatter my life.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro