Chapter Twenty
RADD CORDOVA
──●◎●──
SINALUBONG ako ng impit na sigawan nang marating ko ang Sumaguing cave. Despite wearing dark glasses and a snapback, many tourists recognized me. Soon, some started taking pictures. I was just grateful that no one had dared to approach me yet.
If Kat was here, she'd probably be shouting at me for the madness I was indulging in. But I was willing to do whatever it took if it meant getting Eira back.
Damn! The things that you do, dumbass!
Si Reeth ang sumalubong sa akin sa entrance. I had filmed a movie here once kaya kabisado ko ang daan patungo sa lugar kahit wala nang kasamang tour guide.
"Are you sure I could talk to her here? Ang daming tao, Reeth."
She annoyingly rolled her eyes at me. "Shuta! 'Wag kang choosy. Kung 'di ka ba naman siraulo, 'di ka sana naghahabol ngayon. Susubukan kong humanap ng timing. Gagi kasi 'yang si Caleb, sumama pa. Ang hirap pumuslit sa kaniya!"
Mahina akong napabuntong-hininga. Mukhang mas mataas pa yata ang posibilidad na dumugin ako rito kaysa ang makausap si Eira.
Sumunod ako kay Reeth nang magsimula siyang maglakad. Masama ang timpla ng mukha ni Eira nang makita akong kasama ng pinsan ko. She was truly angry, and my mere presence seemed to irritate her. The realization hit me hard—more than I had expected.
However, I stayed resolute. I tried to approach her casually, asking her a few questions, but she seemed to have an aversion to me. She moved away quickly.
Caleb was there too, and I hated how close he was to her. Sinubukan ko iyong isawalang bahala kahit pa nanunuot ang matalim na tingin sa akin ng gagong kasama niya.
After a while, the tour guide announced that we could enter the cave. Reeth stayed behind at the entrance due to her claustrophobia, leaving just the three of us to explore. As we walked inside, each step felt heavier. Eira was with Caleb, and I could feel my anger simmering beneath the surface.
Dapat ako ang kasama niya, hindi ang tarantadong iyon! We had always talked about doing this together—exploring caves, getting lost in the darkness, and discovering the hidden wonders beneath the earth. But now, that fucking asshole was the one by her side!
Pilit kong kinalma ang sarili pero hindi iyon naging madali. Lalo pa't nakita ko si Caleb na todo ang pag-alalay kay Eira, making sure she was okay with every step she took. Muntik ko na silang sitahin pero pinigilan ko ang sarili.
As I watched them, especially when I saw Eira admiring the rock formations with him, my chest tightened even more. I really hated seeing them like that. I could see how she was enjoying herself, how her eyes sparkled with wonder. And it wasn't me sharing that moment with her—it was Caleb. Fuck it!
I clenched my fists, trying to keep my frustration in check. Gusto kong itulak ang tarantadong si Caleb para malunod na ito sa isa sa mga pools sa loob ng kuweba. Nagdidilim ang paningin ko dahil sa harap-harapan nitong pagpapanggap bilang knight in shining armor!
Fuck, man! Tama na 'yan baka magawa mo nga, mabawasan ka pa ng pogi points kay Eira!
Sunod-sunod pa akong malutong na napamura sa isip sa tinuran ng alter ego ko. I knew, acting out wouldn't solve anything. Kailangan kong magtimpi kahit kaunti na lang ay mapipigtas na iyon. Hindi puwedeng sa galit lang ako magpapadala. There had to be a better way to remind Eira that we had shared dreams, and I was still the person who wanted to make those dreams come true with her.
I took a deep breath and let the cool, damp air of the cave filled my lungs. This wasn't over. I was still here, and I wasn't going to give up that easily.
Ilang minuto na kaming naglalakad sa madulas na mga batuhan nang biglang nadulas si Eira at nahulog sa isang pool na nakatago sa madilim na sulok. My heart pounded, and without hesitation, I plunged into the water to rescue her.
Mabilis ding sumunod si Caleb, pero ako ang unang nakarating kay Eira. The icy water hit me hard, and I struggled against the current as I reached her. Eira was flailing, clearly disoriented and terrified.
"Eira!" I shouted, reaching out to her as she struggled in the water.
Nang mahawakan ko siya, pinilit ko siyang iangat mula sa tubig. Her face was pale, and she was shivering violently, but I managed to keep her head above water. When Caleb arrived, he helped me lift Eira out of the pool. My hands were trembling from the cold and the tension, but I tried to hide my anxiety as I attended to her.
"Eira, are you alright? Were you hurt?" sunod-sunod at puno ng pag-aalalang tanong ko nang makaupo siya sa batuhan.
Hirap na hinahabol niya ang kaniyang hininga, pero tumingin siya sa akin na may pasasalamat at takot. "I'm okay," nanginginig na sagot niya.
Soon, the cave was filled with commotion. The tour guide approached and helped Eira to her feet. I extended my hand, but she didn't take it. Instead, she looked past me and called for Caleb.
"Caleb..." she said, her voice trembling.
Agad na lumapit ito sa kaniya at inalalayan siya patayo. Fuck! Si Caleb ang pinili niyang makasama, hindi ako! Parang tinadtad ang puso ko dahil doon.
Caleb looked at me with eyes full of pride. "We'll take care of her," he said confidently. "Just stay back and let us handle this."
The pain in my chest was indescribable. I stood there watching as Caleb helped Eira toward the cave's exit. My concern seemed to vanish, replaced by a deep sense of disappointment.
It was the most painful feeling ever—to see the person I love choose someone else over me.
─•❉᯽❉•─
EIRA VILLENA
──●◎●──
GULAT na gulat si Reeth nang makita niya akong basang-basa habang akay ni Caleb palabas ng Sumaguing cave. Puno ng pag-aalalang agad siyang sumalubong sa amin. Sinuri niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Bes, ano'ng nangyari?" natatarantang tanong niya.
"Nadulas ako tapos dumeretso sa pool sa loob ng kuweba," marahang saad ko. "Pero 'wag kang mag-worry, wala akong galos."
"Sure ka?" hindi pa rin makumbinseng saad niya.
"Believe her, Reethy. She was just fine. S'yempre kasama niya 'ko, eh."
Gusto kong mapangiwi dahil sa sinabing iyon ni Caleb pero hinayaan ko na lang. His presence had been helping me a lot. Lalo na sa pagtataboy kay Radd na sigurado akong nang mga oras na iyon ay nakasunod pa rin sa 'min.
I saw how devastated he was when I chose to stay with Caleb. Nahabag ako sa nakita kong lungkot at sakit sa mga mata niya pero pinalis ko ang damdaming hatid niyon sa sistema ko. Hindi ito ang tamang oras para pagtuunan ko iyon ng pansin.
He deserved it. After all, he had caused me pain. I knew I was being unfair but I couldn't help myself. Ilang araw ko nang sinusubukang isawalang bahala ang sakit na dulot ng ginawa niya sa akin pero hindi ko nagawa.
Nang hindi ko na kaya nagpasya akong umalis ng Baguio. Akala ko magiging posible ang paglimot dito sa Sagada. I thought I could also heal after telling him to let me go. Pero nakalimutan kong matigas ang ulo ni Radd Cordova. Hindi ko inasahang susunod siya sa amin dito.
Hindi ko na rin kailangang tanungin ang mga kasama ko kung sino sa kanila ang salarin sa biglang pagsulpot ni Radd sa Sagada Brew kanina. Reeth might've told him about it. Kaya sa pananatili ko rito alam kong si Caleb lang ang magiging kakampi ko.
Although I had learned to forgive Radd. Ayaw kong magtanim ng galit sa kaniya. Oras lang para maging buo muli ang hinihiling kong ibigay niya sa akin. I wanted to free myself from pain.
Na magiging possible kaya habang kasama n'yo siya? Isipin mo ulit, 'te.
Malalim akong napabuntong-hininga saka lalong nayakap ang sarili nang manuot sa basang balat ko ang malamig na hangin. Sumiksik ako sa tagiliran ni Caleb para umamot ng kaunting init mula sa katawan niya. Hinigpitan naman niya ang hawak sa akin.
"Shuta! 'Di basang-sisiw na lalabas 'yan kung iningatan mo. Manahimik ka na nga lang Caleb, nababanas ako sa 'yo!"
Handa nang paulanan ulit ni Reeth ng mahabang sermon si Caleb pero hinila ko na siya paalis doon.
"Tama na 'yan. Tara na, nilalamig na 'ko," akay ko sa kaniya saka naglakad palayo.
Napansin kong may hesitation si Reeth na umalis doon dahil lumingon siya sa likuran namin. I knew Radd was there. I was tempted to look back but I restrained myself.
Hindi natuloy ang tours sa itinerary namin dahil bumuhos ang malakas na ulan kinahapunan. Ang ending ay naging staycation ang bakasyon namin. Pagkatapos kumain ng lunch nag-decide kaming pumasok na sa kaniya-kaniyang kuwarto. Mag-isa ni Caleb sa room niya habang share kami ni Reeth.
I wasn't supposed to ask Caleb and Reeth to come with me here but they insisted. Nalaman nilang aalis ako dahil sinabi iyon ng mga magulang ko sa kanila. Mom and Dad were worried about me leaving alone. Kaya kahit ayaw ko sana ng may kasama napilitan ako para mapanatag sila.
Nagkulong kami ni Reeth sa kuwarto at nagkuwentuhan hanggang sa kapwa kami makatulog. Paggising ko around six PM na. Madilim na sa labas at ang ginaw-ginaw dahil kakatila lang ng ulan.
Nanginginig man lumabas ako ng veranda at hinayaang balutin ako ng malamig na simoy ng hangin. Sabi ni Reeth kanina kailangan ko raw kausapin si Radd. Linawin ko raw dito kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari. But I wasn't ready to face him.
'Te, 'di ka man lang ba naaawa sa kaniya? He even saved you from drowning!
Marahas akong nagbuga ng hangin nang maalala ang nangyari kanina. Ramdam ko ang desperation ni Radd na makausap ako kaya siya sumunod hanggang sa Sumagauing. At nang makita niyang akong mahulog sa malalim na pool, walang pagdadalawang-isip niya akong iniligtas.
I knew he truly loved me. I also tried to understand his reason bakit niya nagawa iyon sa akin. Pero hindi ko maalis sa isip ang sakit at takot.
Nasa ganoon akong estado nang lumapit si Reeth sa tabi ko, pupungas-pungas.
"Ano'ng peg ng pagsisenti mo rito?" bahagya pang nakapikit na tanong niya.
"Wala lang. Dinadamayan ko 'yong weather. Ang gloomy, eh," magaang saad ko habang nasa labas pa rin ang tingin. Mayamaya nilingon ko siya. "Saan pala tayo for dinner?"
Nagliwanag ang mukha ni Reeth. Kapag pagkain talaga nagkaka-energy ang gaga.
"May nakita akong resto malapit dito. Mukhang masarap do'n. Try natin. Saka gusto ko 'yong rice wine nila. Ang bet uminom ngayon kasi malamig!"
Natawa ako sa sinabi niya. "Sige. Tawagin na ba natin si Caleb?"
Nalukot ang mukha ni Reeth nang banggitin ko ang pangalan nito. "P'wede bang 'wag na nating isama 'yong kutong-lupang 'yon? Kakabanas, eh. Si Radd na lang ang tawagan ko."
"Reeth..." may pagbabanta sa boses ko.
"Bakit? Kausapin mo na kasi, girl. Kawawa naman. 'Wag kang mag-alala, 'di ka na no'n sasaktan. Nasipa ko na kaya for sure 'di na uulit."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. That explained the adhesive plaster I noticed on Radd's nose bridge earlier. Naalala kong may sugat din ang gilid ng labi nito bagaman pahilom na.
"Ikaw 'yong may kagagawan sa mga sugat sa mukha niya?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mismo! Eh, siraulo, sinaktan ka!" She rolled her eyes. "At least napatunayan mong hindi ako konsintidor. Pero seryoso, Eira, kausapin mo na. Kawawa naman, baka mabaliw na."
Natahimik ako. May parte kong gustong sundin ang sinasabi ni Reeth pero nangingibabaw ang isang bahagi kong huwag munang gawin iyon dahil nangangamba akong baka masaktan lang ulit.
Iyon pa rin ang nasa isip ko hanggang sa narating namin ang Sagada Pines, ilang metro lang ang layo sa hotel na tinutuluyan namin. The restaurant was a hidden gem, seamlessly nestled within its natural surroundings. Its wooden structure harmonized with the landscape, while the warm, ambient lights cast a gentle glow through the large windows, framing a picturesque view of Sagada's town proper.
Pagpasok pinuno ang pang-amoy namin ng nakakatakam na aroma ng mga bagong-lutong pagkain. Dinner time kaya kapansin-pansin din na maraming customer sa loob. Mabuti na lang at may napuwestuhan pa kami.
Pagkaupo, nagtalo pa ang mga kasama ko kung ano'ng pagkain ang i-o-order namin. Sa huli nag-settle sia sa Pinikpikan. For the first time nagkasundo sila sa pagkain. I did try it as well kasi natakam din ako.
Kapwa na namin nilalantakan iyon nang seryosong tinitigan ako ni Reeth. "Should I call Radd to join us?" tanong niya pagkatapos uminom ng rice wine.
"Reethy, don't mention his name. Mawawalan ng ganang kumain si My labs!" Si Caleb na nasa tabi ni Reeth ang sumagot para sa akin.
Siniko ito ni Reeth sa tagiliran. Malakas na suminghap ito. Mayamaya mariin nitong nakagat ang labi, tila pinipigilang huwag mapamura. Napangiwi ako habang nakatitig kay Caleb. Mayamaya napapalatak kong itinuloy ang pagkain.
"Ano na, Eira? Tatawagan ko ba?"
"'Wag muna, Reeth, please. I'm not yet ready to talk to him."
Puno naman ng pang-unawang pinagmasdan ako ni Reeth. Marahan siyang ngumiti. "Okay, sabi mo, eh."
"Bakit ba kasi pinagpipilitan mo rito kay my labs 'yong gagong pinsan mo, Reethy? He hurt Eira and he doesn't deserve to be forgiven."
"Tumahimik ka, Caleb. 'Wag mong painitin ang ulo ko, ikaw ang mahu-hurt sa 'kin!" Pinandilatan ito ni Reeth.
"Hey, I'm just stating fac—"
Hindi na naituloy ni Caleb ang sasabihin dahil pinasakan ni Reeth ang bunganga nito ng manok. Naiiling akong uminom ng rice wine habang pinapanuod ang kabaliwan ng dalawa.
Minutes passed and we decided to just enjoy the night. We drank and laughed together. Pinagsaluhan namin ang rice wine na ini-order nina Reeth at Caleb. Sa sobrang pag-i-enjoy namin, huli na nang ma-realize kong nalalasing na ako.
"Reeth, alam mo, gaga rin talaga ako, eh! Mahal ko shi Radd pero pinakawalan at pinagtabuyan ko pa shiya," kusa nang lumalabas ang mga salitang iyon sa bibig ko habang yukyok ang ulo ko sa mesa.
Nakapikit na rin ako at kagyat ko na lang na nakikita ang bulto ni Reeth sa harap ko. Caleb was out of sight. Hindi ko na rin namalayan kung saan nagsuot ang ungas.
Letse! Ang lakas pala ng tama ng rice wine! Umiikot ang paligid ko kahit pa nakapatong na ang mukha ko sa mesa.
"Hoy, Doreethy... nakikinig ka ba sha 'kin? Shabi ko, ang shunga ko!"
Half-closed ang mga matang nag-angat ako ng ulo. Nanlalabo na ang bulto ni Reeth sa harap ko at hindi ko mabistahang mabuti kung ano'ng ganap ng kausap ko roon.
Tumayo ako para sana yugyugin siya sa balikat. Pero wrong move iyon kasi halos bumaliktad ako sa dahil sa sobrang pagkahilo. Sinubukan ko pang humakbang pero hindi ko na nagawa dahil kasabay nito ang pagdidilim ng paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro