Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twelve

TAGUS-TAGUSAN ang titig ko sa malawak na kisame ng kuwarto. Ten AM na pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi ko pa rin magawang bumangon.

Nakapantulog pa ako at hindi ko mapilit ang sariling tumayo at maging productive. Wala rin akong lakas para gawin ang mga normal na routine ko.

Dalawang araw nang ganito ang nangyayari sa akin. Since I had that confrontation with Radd, I couldn't seem to focus at all. I felt too confused and hurt at the same time.

Lalo na sa tuwing naaalala ko ang sakit sa mga mata niya. Wala na rin akong narinig sa kaniya pagkatapos. Hindi na siya lumilipat sa bahay katulad ng lagi niyang ginagawa. I guess, I really succeeded in completely pushing him away.

Pero bakit parang hindi ka masaya, Eira?

Gusto kong alisin ang isiping iyon ngunit bigo ako. Dahil aminin ko man o hindi, I couldn't find peace; something was really bothering me. Ramdam ko rin ang ibayong bigat na dumadagan sa dibdib ko.

Ngunit hindi ba't ito naman talaga ang nais ko? Ang tuluyang lumayo sa akin si Radd at kalimutan ako? Kasi ipinagpilitan ko sa kaniyang hindi ko magagawang mag-move forward hanggat nakikita ko siya.

And he finally did... kaso nasasaktan ka pa rin.

Marahas akong nagbuga ng hangin. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. I knew I had done the right thing, but I still couldn't completely convince myself to believe it.

Nagkamali ba talaga ako sa desisyon ko? Dapat ba hinayaan ko na lang ang sariling muling mapalapit kay Radd at maniwalang hindi na mangyayari ang mga bagay na kinatatakutan ko?

Nasa ganoon akong estado ng pag-iisip nang mag-ring ang phone sa tabi ko. Ilang segundong hinayaan ko lang iyon dahil sa totoo lang wala akong sapat na lakas para makipag-usap dahil sa halo-halong emosyong bumabalot sa kin ngayon. Ngunit ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin iyon tumitigil sa pagtunog.

Napapabuntong-hiningang kinapa ko ito sa kama. Napakunot-noo ako nang makitang pangalan ni Tita Mary ang nasa screen. Bigla ay nakaramdam ako ng uneasiness. Hindi siya madalas tumawag sa akin. Paulit-ulit muna akong nagbuga at sumagap ng hangin bago ko sinagot ang tawag.

"Hello po, Tita?" magalang na bati ko.

"Naku, mabuti at sinagot mo rin, hija. Masyado ka bang abala sa trabaho ngayon? May ipakikiusap sana ako kung hindi ka naman sobrang busy."

Nakahinga ako nang maluwag nang ma-realize na baka hihingi lang naman si Tita ng favor kaya ako tinawagan.

"Hindi naman po, Tita. Ano po 'yon?"

"Eira, pakisilip naman si Radd sa bahay at hindi ako sinasagot. Iniwan ko kasing may lagnat kanina, baka 'ka ko ay napano na."

Dagling napabangon ako sa narinig. Hindi agad ako nakasagot. Bigla rin ang pagsalakay ng kaba dahil sa sinabi ni Tita Mary.

"Hija, nand'yan ka pa ba?"

"O-Opo..." may bahid ng kabang sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Sige po at pupuntahan ko po siya. Tawagan na lang po kita mamaya, Tita, para sa updates."

"Naku, maraming salamat at pasensiya na rin sa abala. Hindi lang kasi talaga ako mapanatag lalo't wala si Doreethy sa bahay ngayon. Hindi rin naman ako makauwi agad dahil nasa Atok ako."

"No worries po," I assured her.

May ilang bilin pa si Tita Mary bago niya tuluyang pinatay ang tawag. I was hesitating, pero sa huli nangibabaw pa rin ang concern ko kay Radd. Segundo ang lumipas at tuluyan na akong bumangon sa kama. Agad akong nagbihis at pinuntahan ito.

─•❉᯽❉•─

HINDI naka-lock ang gate at front door kaya malaya akong nakapasok sa kabahayan. I was instructed na i-check siya sa room niya kaya roon ako dumeretso. May kaba sa dibdib ko habang paakyat ako ng hagdan. Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksiyon ni Radd kapag nakita niya ako.

Pauli-ulit akong sumagap at nagbuga ng hangin nang marating ko ang harapan ng saradong pinto. Dalawang beses akong kumatok. Nang walang sumagot ay dahan-dahan kong pinihit ang hindi naka-lock na door knob.

Nakahiga si Radd sa kama at balot na balot siya ng makapal na kumot. Sa tanawing iyon bigla ang pagsalakay sa akin ng pamilyar na eksenang iyon ilang taon na ang nakararaan...

"Radd!" puno ng kabang bulalas ko nang marating ko ang kuwarto niya.

Naabutan ko siyang nakahiga roon at helpless ang itsura. Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mabistahang mabuti ang nanghihinang bulto ni Radd.

He was covered with a thick blanket. Kitang-kita ko rin ang panginginig niya dahil sa lamig kahit tirik na tirik ang araw sa labas at kalagitnaan ng summer.

"Sorry..." Tumulo na ang mga luha ko nang lapitan ko siya sa kama. Ginagap ko ang mainit na kamay niya at mahigpit na ikinulong iyon sa mga palad ko. "Radd, I'm so sorry..."

He stirred. Nagising siya marahil sa malakas na paghikbi ko. "E-Eira?"

"Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo? 'Di ba sabi ko 'wag mo na 'kong puntahan?" humihikbi pa ring sabi ko sa kaniya.

"Sa tingin mo pa'no ko maaatim na hayaan ka lang mag-isa ro'n? I'll blame myself forever kung sakaling may nangyaring masama sa 'yo."

Lalong bumalong ang luha ko nang makita ang buong pagsuyo sa mga mata niya. Bakit ba ganito si Radd? Hindi ko tuloy mapigil ang puso kong lalo siyang gustuhin.

Kagabi sinuong niya ang malakas na ulan at iniwan ang duty sa convenience store na pinapasukan para mapuntahan ako sa terminal ng jeep. Nakatulog kasi ako sa biyahe at lumampas ako sa babaan. Paggising ko ay nasa turning point na ako—ang pinakadulong destinasyon ng nasakyan ko.

Dahil ten PM na nang marating ko iyon wala nang dumaraang mga sasakyan sa terminal. Hindi ko na rin napakiusapan ang driver na ihatid ako dahil kailangan na raw nitong igarahe ang sasakyan.

Last night, wala sina Mommy at Daddy dahil may event silang dinaluhan. Ayaw ko namang tawagan sila at ipaalam ang sitwasyon ko dahil natatakot akong baka sermunan na naman ako ni Daddy.

Sinubukan kong humingi ng saklolo kay Radd, kaso naalala kong may duty siya. I called Reeth instead, pero ang lokong kaibigan ko, imbes na tumawag ng taxi ay ang pinsan pa nito ang pinapunta.

Kaya sobra-sobra ang guilt na nararamdaman ko ngayon kasi hindi nakapasok si Radd sa university. Finals pa naman namin at hindi na niya nagawang makapag-take ng exam dahil inaapoy ng lagnat. Bagay na hindi ko sana malalaman kung hindi ko nakausap si Tita Mary nang dumating ako galing school.

Ang siraulong si Radd kasi ay hindi nag-reply nang i-text ko kanina para tanungin kung bakit absent siya. Ang ending tuloy ay humahangos akong pinuntahan siya at walang pagdadalawang isip na isinantabi ang naka-schedule na pagre-review ko.

Bumangon si Radd mula sa pagkakahiga sa kama at sumandal sa headboard. Mayamaya maingat na niyang tinutuyo ang mga luha sa pisngi ko.

"Ssshhh... Tahan na. Bakit ba iyak ka nang iyak? Nilalagnat lang ako, hindi pa 'ko mamamatay!" Mahina siyang natawa.

Nahampas ko siya sa braso sa sinabi niya. Pero agad ko rin iyong pinagsisihan lalo nang makita ko ang pagrehistro ng sakit sa mukha niya.

"Sorry na... Ikaw naman kasi. Alam mo namang hindi ako sanay na nakikita kang ganito. Saka dahil sa 'kin hindi ka naka-take ng exam."

"It's alright. P'wede naman akong mag-exam pagbalik ko. Mababait naman ang professors natin." Ngumiti siya.

"Bakit ba kasi ang bait-bait mo mas'yado? Ayaw ko na nagiging ganito ka kasi nasasanay na 'ko," nakalabing sabi ko mayamaya.

"'Yan nga ang gusto kong mangyari. That way hindi mo na maisip na mag-depend pa sa iba. Sa 'kin na lang. I'm always willing to stay by your side." He smiled and gently cupped my face.

Ramdam ko ang pagdaloy ng init na nagmumula sa mga kamay niya. Seconds later nakatutok na sa akin ang masuyong tingin niya.

"B-Bakit?"

"Kasi gusto kita, Eira... and I care for you a lot."

Namilog ang mga mata ko sa mga salitang binitawan niya. Bigla rin ang naging pagkabog ng dibdib ko.

"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I like you, matagal na..."

Natutop ko ang bibig kasabay ng malakas kong pagsinghap. Hindi ko mapaniwalaan ang naririnig ko. Si Radd gusto rin ako?

"H-Hindi mo 'ko gino-good time?" tanong ko nang makabawi.

Mahinang natawa si Radd saka niya mabilis na dinampian ng maingat na halik ang mga labi ko. Ilang segundo lang iyon pero sapat para mawindang ang buong sistema ko.

"Hindi," saad niya matapos lumayo sa akin.

Napatakip ulit ako sa bibig. Mayamaya impit na napatili ako. Nang kumalma ako, I leaned forward and gave him a light kiss. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Radd nang matapos kong gawin iyon.

"Gusto rin kita, Radd, five years na..."

Kapwa kami natawa. Ilang sandali pa ikinulong niya ako sa mahigpit na yakap niya. Malawak ang ngiting tinugon ko iyon.

Nang mga oras na iyon wala na rin akong pakialam kung mahawa pa ako sa kaniya. I was too happy. Kulang na lang ay tumalon ang puso ko mula sa rib cage ko.

"I plan to beg you hanggang sa magustuhan mo rin ako kung sakaling unrequited ang confession ko. Thanks for liking me back, Eira." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Official na 'to. Wala nang bawian. Saka 'wag na 'wag mo akong paiiyakin, Radd, ha? Kung hindi lagot ka sa 'kin!" kunwari ay may pagbabantang saad ko.

Kumalas si Radd mula sa yakap at pinakatitigan ako sa mga mata.

"No. That won't happen. Masyado kang mahalaga sa 'kin para gawin ko 'yon."

It was then his cue to cup my face and seal that promise with a kiss...

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Dagling nawala ang eksenang iyon sa harap ko at napalitan ng seryosong tingin mula kay Radd na noon ay hindi ko napansing nakabangon na pala pasandal sa headboard ng kama niya.

He may have looked weak and helpless pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na disgusto... at para iyon sa akin.

Gone was the gentle stare na nakita sa mga mata niya few days ago. His eyes now looked annoyed as they pierced at me. Bagay na alam kong dapat lang dahil sa ginawa kong pagtataboy sa kaniya. He probably realized na wala nang sense na maging mabait pa rin siya sa akin. I don't deserve it anyway.

Tumikhim ako at lumapit sa tabi niya. I took the chair at his bedside and settled myself in there. Ichi-check ko lang kung okay na siya. Pagkatapos nito aalis na ako at hindi na muling magpapakita sa kaniya. The thought almost ripped my heart into pieces pero pilit kong pinalis iyon sa isip.

Dumukwang ako at dinama ang noo niya. Hindi iyon napaghandaan ni Radd dahil umawang ang mga labi niya. Napasinghap ako nang tila ako mapaso dahil sa mataas na body temperature niya. Natigilan ako. At bago ko pa man mabawi ang palad mahigpit na iyong kinuha ni Radd ang inilayo mula sa kaniya.

"What the hell are you doing, Eira?" marahas na asik niya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Nag-take ka na ba ng gamot?" sunod-sunod na tanong ko, hindi pinansin ang sinabi niya.

Mahinang natawa si Radd, punong-puno iyon ng sarcasm.

"Umalis ka na. Hindi ko kailangan ng awa mo kung 'yan ang rason kung bakit ka nandito ngayon."

Mahina akong nagbuga ng hangin at sinalubong ang matalim na tingin niya. Para iyong matalim na punyal na deretsong itinarak sa dibdib ko.

Ngayong nakikita ko ito hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Kahit minsan hindi niya ako tiningnan nang ganito. He was always gentle, loving, and caring.

Funny... ako lang pala ang trigger para lumabas ang ganitong side niya.

"Tumawag ang mama mo sa 'kin. She asked me to check on you. I know, ayaw mo 'kong makita ngayon pero bear with me for a few moments. Aalis ako once na nasiguro kong nakainiom ka na ng gamot," marahang saad ko.

"Tell her that I'm fine. 'Wag ka nang mag-abala," malamig na sabi niya.

Pero hindi ako nagpatinag. Walang paalam akong lumabas ng kuwarto niya at deretsong tinungo ang kusina pagkaraan ng ilang segundo.

Malakas ang kutob kong hindi pa kumakain si Radd kaya naghanap ako ng puwede lutuin doon. Ganoon na lang ang relief na naramdaman ko nang may makita akong isang pack ng ready to cook na corn soup.

Mabilis ang mga galaw na nagsalang ako ng tubig sa lutuan. Nang kumulo iyon agad kong inilagay ang soup powder. Mahina akong napamura nang sa sobrang pagmamadali ay napaso ako nang dumapo ang kamay ko sa uninsulated na handle ng kaserola. Pero kahit namumula ang palad hindi ko na iyon ininda. Agad kong isinalin ang soup sa mangkok at dinala kay Radd.

Nakahiga na ulit siya nang madatnan ko siya roon. Ngunit sadyang malakas nga yata ang radar niya sa presence ko. Pagkalapag ko palang ng sopas sa bed side table ay agad na namang tumutok ang matalim na tingin niya sa 'kin.

"Kumain ka kahit kaunti lang," mahinahong sabi ko at hindi ininda ang nanunuring tingin niya.

"Ayaw ko," mariing tanggi niya.

Marahas akong nagbuga ng hangin saka siya hinigit para maisandal sa kama. Mahina nga siguro ang katawan niya dahil walang kahirap-hirap ko iyong nagawa kahit panay ang pagpoprotesta niya.

"What the fuck, Eira?" malutong na mura ni Radd.

Nagpantig ang mga tainga ko sa sinabi niya. It was my first time hearing that from him. He was probably mad at me dahil gano'n na ang mga lumalabas sa bibig niya. Halos pigtasin n'on ang patience ko. Kung wala lang siyang sakit, kanina ko pa siguro siya nasakal dahil sa sobrang tigas ng ulo niya.

"Kumain ka. 'Wag kang mag-alala, hindi ako gano'n kasama para hayaan ka na lang na mamatay dahil sa sobrang taas na lagnat mo."

Pero sadyang matigas ang ulo ni Radd. Nag-attempt siyang bumalik sa pagkakahiga. Ngunit mabuti na lang din at mabilis ang reflexes ako. Agad ko siyang napigilan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at mariing isinandal sa headboard.

Dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha naming at kitang-kita ko sa mga mata niya ang magkakahalong inis at sakit.

Mayamaya, mariin niyang inalis ang kamay ko saka iyon inilayo sa balikat niya. Mapangiwi ako nang mahawakan niya ang palad kong napaso kanina. He noticed my reaction kaya nabaling ang tingin niya roon. Mayamaya marahas siyang nagbuga ng hangin.

"Alright. I'll eat. Pero pagkatapos nito I'd appreciate kung aalis ka na."

Tumango ako saka tahimik na kinuha ang mangkok na may lamang soup. Radd ate in silence. Hindi pa rin siya umimik hanggang sa pinainom ko siya ng gamot. Bumalik na siya sa pagkakahiga pagkatapos no'n at tumalikod sa gawi ko.

May lungkot sa mga matang tinitigan ko siya. Mayamaya narinig ko ang pantay nang paghinga niya, tanda na tulog na ulit siya. Umayos ako ng pagkakaupo. I decided to stay for a while pero hindi ko namalayang iginupo na pala ako ng antok habang tahimik siyang binabantayan.

Bahagya nang mababa ang sikat ng araw nang magising ako. Malakas akong napasinghap nang ma-realize kong nasa kuwarto pa rin ako ni Radd. Ibinaling ko sa kaniya ang tingin. Kumunot ang noo ko nang mapansing wala siya sa kama.

Hanggang sa pumailanlang sa loob ng silid ang tunog ng pagbukas ng pinto. Dumako ang tingin ko sa direksiyon ng CR. Agad akong nagbawi ng tingin at nagkunwaring tulog nang lumabas mula roon si Radd.

I heard his footsteps. Hanggang sa muling lumundo ang kama at maramdaman kong humiga siya roon. Rumehistro sa pang-amoy ko ang gentle scent mula sa gamit niyang sabon.

Did he wash up? May ilang segundong pinakiramdaman ko siya hanggang sa mayamaya'y lumalim na ulit ang paghinga niya.

Iminulat ko ang mga mata. He was peacefully sleeping paharap sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. At least, I could still go nang hindi niya napapansin. Tumayo ako at marahang dinama ang noo niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang maramdamang bumaba na ang init sa balat niya. Babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkakadampi roon nang biglang abutin at hawakan niya ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang kasabay n'on ay ang biglang pagdilat niya.

"D-Don't worry, a-alis na rin talaga ako," natarantang saad ko.

Hinila ko ang kamay mula sa kaniya pero hindi niya iyon binitiwan. Mayamaya malakas niya akong hinatak dahilan para masubsob ako pahiga sa tabi niya sa kama!

Napasinghap ako lalo nang maghinang ang mga paningin namin. Magkakahalong emosyon ang nabasa ko sa mga mata niya at wala sa mga iyon ang nagawa kong pangalanan.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa katawan ko. He was too close and it was starting to suffocate me.

"W-Why are you doing this, Radd?" kumakabog ang dibdib at punong-puno ng kalituhang tanong ko.

He gently caressed my face. Naghatid ng kakaibang kilabot sa pakiramdam ko ang init mula sa kamay niya. Ilang sandal pa at nagawa n'ong pabilisin nang husto ang tibok ng puso ko.

"Let's stop tormenting each other, Eira..." he whispered.

Hanggang sa tinawid niya ang gahiblang distansiya sa pagitan ng mga mukha namin. He kissed me.

Naramdaman ko ang kanyang mga labi sa akin—malambot, mainit, at puno ng emosyon. Sa sandaling iyon, tila huminto ang oras at naglaho ang lahat ng ingay sa paligid. Hindi ko inaasahan ang halik na iyon, ngunit hindi ko rin kayang itanggi ang damdaming bumabalot sa akin.

I closed my eyes and kissed him back. Sa bawat segundo, dama ko ang lalim ng damdamin ni Radd. Ang init ng kaniyang mga labi ay nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam—it was an overwhelming feeling of bliss and hope.

At that moment, all my fears and doubts vanished, leaving only the two of us lost in our universe, bound by the intensity of our real feelings for each other.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro