Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirteen

"KUMUSTA ka na, Eira?" malawak ang ngiti at magaang tanong ni Miss Iris nang makaupo ako sa harap ng table niya. Sa ginawa niya lumabas ang mga malalalim na biloy sa kaniyang makikinis na pisngi.

Maliwanag ang consultation room na kinaroroonan namin. The interior was identical to the rooms in the psychiatric ward of Saint Claire Medical Center, with walls painted a pale shade of white. Wood brown Mahogany office table, swivel chair, at isang itim na leather sofa set ang tanging mga gamit na nasa loob nito.

Malayang pumapasok sa naka-grills na bintana ang liwanag mula sa mataas na sikat ng araw sa labas. Dumaragdag iyon sa maaliwalas na bukas ng magandang mukha ni Miss Iris.

It had been a year since I last saw her, yet she still radiated the same angelic and calming presence as before. Binabagayan pa rin ng aura niyang iyon ang bilugang mukha, maliit na ilong at manipis na pinkish niyang mga labi.

Kita rin sa maningning na bilugang mata niya, na natatabingan ng suot niyang round-frame eye glasses, ang kagustuhang makinig sa anumang sasabihin ko sa kaniya. Mayamaya, marahang isinasayaw ng mahinang buga ng katabi niyang electric fan ang hanggang bewang na tuwid niyang buhok.

Year twenty-seventeen nang una kong makilala si Miss Iris Medina. Five years ang tanda niya sa akin at resident Psychiatrist palang siya ng Saint Claire Medical Center noon. Ngayon ay sa siya na ang head ng Psychiatric department.

"I'm feeling a lot better now," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali.

Dati ay malayo sa sagot kong iyon ang estado ng pakiramdam ko. I remembered crying and just blankly staring at her. Seven years ago, I was admitted to a psychiatric ward, just a day after my suicide attempt. At that time, I had been diagnosed with severe depression.

Ang diagnosis na iyon ay bunga ng mga naipong pressure at hinanakit na dulot ng mataas na expectation sa akin ni Daddy. Noong una, sa tuwing bumabalik sa isip ko ang masakit na alaalang iyon, parang may mabigat na bato na nakadagan sa aking dibdib.

Pero ngayon, nagagawa ko nang palipasin ang sakit na hatid no'n. I came to realize that some things were simply meant to happen. At nagpapasalamat ako kasi nagawa kong malampasan iyon.

Sa buong treatment course ko ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para gumaling. Habang nasa hospital ako tuluyan kong pinalaya ang sarili mula sa mga hinanakit na matagal na panahon kong kinimkim. I had forgiven myself as well and the people around me.

Dahil din sa tulong ni Miss Iris nagawa kong umusad at lubos na maunawaan ang sarili ko.

"Ang tagal mo ring hindi bumisita sa 'kin. Was it last December nang huli kang magpunta rito?"

Marahang tumango ako. "Yes po."

"Actually, hindi ko inasahan ang pagbo-book mo ng appointment sa clinic ko. Is everything alright? Or are you experiencing triggers again?" Dumaan ang pag-aalala sa mukha ni Miss Iris.

Umiling ako. "Hindi naman po. Pero napansin kong hindi ko magawang mag-focus sa usual tasks ko dahil labis akong binabagabag ng sari-saring isipin sa utak ko."

Mula nang gumaling ako ay may ilang pagkakataong nakakaramdam pa rin ako ng pagkabalisa lalo na sa tuwing stressed ako sa trabaho. Ngunit naging manageable na ang mga iyon. Alam ko na rin kung paano iwasang malugmok sa mga negatibong isipin na puwedeng makasama sa akin.

Pero lately, nahihirapan akong pagaanin ang pakiramdam ko. Ang totoo'y last resort ko ang pagpunta kay Miss Iris.

After what happened between Radd and I yesterday, hindi ko mapigilang makaramdam ng labis na pagkalito. Inamin ko na sarili kong mahal ko pa rin siya, ngunit hindi maalis sa puso ko ang takot na sumubok muli. I felt anxious. Kasi baka masaktan ko lang ulit si Radd.

"What exactly happened, Eira? Sige, ikuwento mo sa 'kin," mahinahon at may paghimok sa saad niya.

"Bumalik po si Radd at na-realize kong hindi ko nagawang kalimutan ang pagtinging meron ako para sa kaniya," matapat na pahayag ko.

Hindi ko inakalang muli kong babanggitin sa therapy session namin ang tungkol kay Radd. Matagal na panahon na ang lumipas mula nang magpasya akong hindi na kailanman bubuksan iyon sa kaniya. Lalo't nangako akong kalilimutan ko na ang existence nito at ibabaon na iyon sa limot.

Pero sadyang may mga bagay na mahirap iwaglit at isa roon ang katotohanang kahit ano pa ang gawin ko, pilit pa ring magtatagpo at maglalapit ang landas namin ni Radd.

"Kung mahal mo pa rin siya, bakit hindi okay ang pakiramdam mo, Eira? Shouldn't you be happy?"

"Natatakot ako sa totoo lang. Hindi po ako makaramdam ng saya dahil nasa isip at puso ko ang pag-aalinlangan. I'm afraid that if I take a step towards him, I might hurt him again."

Mataman akong pinagmasdan ni Miss Iris. Nasa mga mata niya ang pag-unawa.

"Pero hindi ba't nasabi ko na rin dati na 'ayos lang sumubok muli? You don't have to be afraid. Sumugal ka. Kasi do'n mo lang mapapatunayan kung talagang masasaktan mo ulit siya." Magaan niyang hinaplos ang braso ko. "Isipin mong hindi na ikaw 'yong dating Eira. You've changed a lot. Saka ngayon ay mas malaya ka nang gustuhin at mahalin siya. Nothing's holding you back."

Napaisip ako nang mag-sink in ang sinabi ni Miss Iris.

Tama siya... ano pa ba'ng pumipigil sa 'kin para muling mahalin si Radd?

Dad will never be against about it. Matagal na panahon na itong humingi ng tawad sa akin dahil sa nagawa nito sa amin ni Radd. Wala na ring sinuman ang puwedeng magalit pa sa amin o magsabing hindi siya ang lalaking para sa 'kin.

Ako na lang itong tumututol dahil nasa isip kong kahit kailan ay hindi ako sapat para sa kaniya. That I was wrecked and a total mess. Pero tama si Miss Iris, hindi na ako ang dating Eira. Marami nang nagbago sa 'kin. Mas kontrolado ko na ang emosyon ko at mas buo na ako.

"You have to try. 'Wag kang matakot... Also, it's completely normal to feel a mix of emotions. Remember, it's okay to reach out for help if you need it. Narito lang kami para suportahan at tulungan ka." Ginagap ni Miss Iris ang kamay kong nasa mesa at maingat iyong pinisil. "You did a great job of healing yourself. See? This lovely hand is a manifestation of it."

Sinundan ko ng tingin ang hawak niyang kamay ko. My hands look normal now as they were no longer chapped. The blisters have healed as well at wala nang anumang bakas ng sugat mula roon. Nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"Salamat po..." naluluhang sabi ko bagaman may malawak na ngiti sa aking mga labi.

Tumayo si Miss Iris at nilapitan ako. Mayamaya, maingat niya akong niyakap. Ilang sandali pa ay kumalas siya mula roon.

"I do believe you'll do well this time, Eira. Don't hesitate anymore..."

Minutes later, nagpaalam na rin ako sa kaniya. As I set foot outside the consultation room, I was enveloped by relief and hope. Malawak akong ngumiti.

I knew everything wouldn't be easy, but this time, I wanted to try again.

─•❉᯽❉•─

"GIRL! Pumunta ka raw sa Saint Claire Medical Center kanina? Ano'ng ginawa mo ro'n? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong ni Reeth nang sagutin ko ang tawag niya.

Lulan na ako ng taxi papasok ng Cypress Hills nang biglang mag-ring ang phone ko at mag-pop up sa screen ang pangalan niya.

"Okay lang ako, Reeth. 'Wag kang mag-alala."

I had an idea na nasabi iyon ni Mommy sa kaniya. Nagpaalam ako sa kanila ni Daddy kanina. Pag-aalala ang initial response nila nang sabihin kong pupuntahan ko si Miss Iris. Lalo at matagal na rin akong hindi nagpapa-schedule ng consultation dito.

Higit na nag-aalala para sa akin si Dad. He insisted na samahan ako pero tumanggi ako. Although naiintindihan ko rin ang gano'ng reaction niya. Nakita ko kasi kung paano sinisi ni Dad ang sarili sa nangyari sa akin.

Kaya naman from time to time madalas niya akong tanungin kong maayos ba ako. Alam kong kahit hindi niya sabihin may takot pa rin siyang baka maulit ang pangyayaring iyon seven years ago.

"Sure ka, girl?" hindi pa rin convinced na tanong ni Reeth.

Mahina akong natawa. Kahit itong si Reeth ay nahawa na rin sa mga magulang ko. Apart from Mom and Dad, she had been my constant support system. Hindi rin ako kailanman naglihim sa kaniya. She knew that seven years back I attempted to end my life. Kaya naman alam kong nag-aalala lang din siya para sa akin.

Pero paulit-ulit ko siyang pinaalalahanan na maayos ako. Siguro ang puso ko lang at ang tibok nito ang hindi.

"Reeth, will it be really alright to try?" tanong ko mayamaya.

Alam kong naitanong ko na ito sa kaniya kagabi at may sagot na rin siya roon.

Napapabuntong-hiningang ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana. It was three PM at maaraw pa rin ang panahon. The weather was unlike the previous days. Malimit ay bumubuhos na ang ulan kapag ganitong oras.

Bahagyang napangiti ako. Parang dinadamayan ako ng panahon. Was it really a good sign?

Ilang segundo siyang hindi umimik sa kabilang linya.

"Hoy, nand'yan ka pa?"

"Just follow your heart, Eira. 'Yan lang ang masasabi ko," magaang saad niya. "Gawin mo kasi naniniwala akong mahal ka pa rin ni Radd."

Sumandal ako sa backrest ng upuan habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi ko.

"Salamat, Reeth..."

"Naku, girl. 'Di mo na kailangang sabihin 'yan. Alam mo naman na college pa lang, eh, kayong dalawa na talaga ng ship ko!" Malakas siyang humalakhak.

Mahina akong natawa. Ilang sandali pa kaming nag-usap hanggang sa tanungin ng driver ang particular block na bababaan ko. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang mayamaya'y mamataan ko si Radd sa tapat ng gate namin.

Agad na natutok sa akin ang tingin niya nang makababa ako ng taxi. Ako naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman habang nasa kaniya ang mga mata ko.

"Eira," he said, a tender smile on his face as he spoke my name with warmth.

Bigla ay nag-play sa isip ko ang sinabi nina Reeth at Miss Iris kanina.

Kailangan mo lang sumubok, Eira. Don't hesitate anymore...

With that thought in mind, I followed my heart and took the final steps toward him, doing what felt right. May ngiti sa labi niya nang humakbang ako palapit. Hanggang sa ikinulong ko siya sa isang mahigpit na yakap.

"Let's start over, Radd..."

Radd enveloped me in an even tighter embrace, holding me so close that it felt as though he never wanted to let go.         

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro