Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

'TE! DO SOMETHING! Hindi p'wedeng para kang tuod d'yan!

Malakas kong namura ang maingay na alter ego ko dahil sa paulit-ulit na pag-iingay nito. Sari-saring emosyon na nga ang sumasalakay sa akin dinaragdagan pa!

Lulan na ako ng sasakyan ni Radd. Nasa passenger seat ako. Namamawis ang mga kamay, may panginginig ang kalamnan, at kanina pa hinihiling na sana magising na ako sa masamang panaginip na ito.

Kung panaginip nga... kaso hindi! Dilat na dilat ang katawang lupa ko at halos mangatog ang mga tuhod dahil tutok sa akin ang air con ng sasakyan.

Nasa daan ang focus ni Radd. He was talking to me a while ago. He was asking random things about work. Nakuwento na rin niya sa akin na magpapagawa siya ng bagong bahay sa Cypress Hills kaya ko siya nadatnan sa Helix.

Napaka-unusual kung tutuusin dahil hindi siya ang tipo na nagbubukas ng usapan. Nabaliktad ang sitwasyon. I was the one who was responding with single words. Dati ay siya ang gumagawa niyon!

"Eira, are you alright?" tanong niya mayamaya.

"O-Okay lang ako..." walang buhay at pilit na saad ko.

"Gutom ka na ba? Gusto mo bang mag-lunch muna tayo sa Canto? Sakto madadaanan natin."

Nadoble ang pagkabalisang nararamdaman ko sa tinuran niya. Ang lakas ng tibok puso ko at parang anumang sandali ay sasabog na iyon.

"R-Radd... Why are you doing this?" may pag-aalangang tanong ko.

Hindi ko na matagalan ang nangyayari. It was too much for me to handle. Labis na akong binabagabag ng pagkalito.

"Huh? What do you mean?" Saglit siyang lumingon sa akin.

"You know that we can't do this. We can't have lunch together. Saka itong paghihintay mo sa 'kin sa Helix. Ano'ng ibig sabihin nito?"

Bumaling ako kay Radd at matamang tumitig sa kaniya. Ilang sandali siyang hindi umimik hanggang sa itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Seconds later nasa akin na ang mga mata niya at mistulan akong nilulunod ng mga iyon. Determination and some sort of unnamed emotions were evident on them.

"Gusto kong bumalik tayo sa dati, Eira. I want to be close with you," diretsong sagot niya.

Napaawang ang bibig ko.

Bakit? Sinubukan kong isatinig pero bigo ako. Sa halip nanatiling nakamaang ako sa kaniya, puno ng katanungan ang mga mata.

"I want us to be friends again. Can't we at least do that?" dagdag pa niya nang hindi pa rin ako sumasagot.

"Bakit mo gustong makipagkaibigan sa 'kin?" sa wakas ay nagawa kong itanong.

"I missed being with you. Don't you think it is high time that we reconnect? Besides, matagal na panahon na rin ang lumipas. Probably, we can forget what happened and start again."

Kulang ang salitang nagulat para i-describe ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko mapaniwalaan. It didn't sit well.

Lalo na nang manatili ang emosyong iyon sa mga mata niya-na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi ko pa rin mabigyan ng pangalan.

─•❉᯽❉•─

PAGKATAPOS ng naging pag-uusap namin ni Radd, sinimulan niya ang "pakikipaglapit" sa akin. Maya't maya ang pagpunta niya sa bahay na para bang normal lang ang lahat.

I really didn't feel alright about it. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin iyon. Pero kahit litong-lito ako, wala naman akong nagawa kundi ang magpakita sa kaniya sa tuwing dumadalaw siya. Ayaw kong makahalata sina Mommy at Daddy.

Si Reeth ang higit na natuwa sa nangyari. Kulang magpa-fiesta ang gaga dahil sa sobrang saya. Sa wakas ay lumayag na raw ang ship nito. Ako, sa kabilang banda, ay abot-abot inis.

I wasn't comfortable with what was happening. Radd's behavior confused me more than ever, and I couldn't get it out of my head.

Hanggang sa bigla siyang nawala ng dalawang araw. Hindi rin nagpaalam. Well, I figured he realized it wasn't worth his time to keep approaching me. He wouldn't lower himself just to befriend someone like me. Masyado nang malayo ang narating niya para magsayang ng oras at effort sa isang gaya ko.

Napapabuntong-hiningang ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Katatapos ko lang ipasa ang huling article na hiningi ni Miss Lim at wala na akong gagawin pa pagkatapos. I stared at the ceiling for seconds.

Nasa ganoon akong estado nang tumunog ang phone ko sa study table. Atubiling bumangon ako at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Reeth sa screen.

"Ano na naman?" bungad ko sa kaniya nang sagutin ko iyon. Muli akong bumalik sa pagkakahiga sa kama.

"Sine tayo, bes? May tickets me!" Masiglang-masigla ang boses ni Reeth sa kabilang-linya.

"Agad-agad?"

"Yes naman! Hindi ka na busy 'di ba?"

"Oo nga. Ikaw pa nga ang nag-reveal sa pinsan mo 'di ba?" Tumaas ang kilay ko.

Nalaman ni Radd na tapos na ang huling trabaho ko sa EcoWave at free na ang buong June ko. Hindi na ako nagtaka kung sino ang nagsabi n'on. Malamang ay tinulungan na rin ito ni Reeth sa mga dapat nitong gawin kaya panay ang pagsulpot-sulpot sa bahay.

Ngunit mayamaya ay may ideyang lumipad sa isip ko. Agad akong bumangon at napatanong, "Wait, ikaw talaga ang kasama kong magsisine, Doreethy?"

"Alangan? Duh! Bakit, sino'ng ini-expect mong kasama? Si Radd?" Malakas siyang tumawa sa kabilang linya.

"Of course, not! Siraulo ka ba?" nag-iinit ang pisnging bulalas ko.

"Yieeeh! P'wede rin naman kung ire-request mo. Pero nasa out of town trip siya ngayon kaya sayang naman. Although, I can text him if you want me to. Ano, sabihan ko ba?"

"Reeth!" asar na tawag ko sa pangalan niya.

She let out an evil and annoying laugh. "Arasso! Joke lang 'yon, ano ka ba? Saka 'di mo ba naisip na top star 'yong pinsan kong 'yon? Malamang na magkaroon siya ng instant fan meet kapag inaya natin 'yon sa sinehan. OA mo, Eira!"

"Eh, malay ko ba kung ano'ng tumatakbo d'yan sa isip mo."

Pero nakahinga pa rin ako nang maluwag nang ma-confirm kong biro lang talagang tatawagin niya si Radd. Mainam na'ng naninigurado. Madalas ay malakas ang trip nitong si Reeth.

After lunch ang usapan namin. Minabuti kong mag-ayos na dahil halos isang oras na lang naman ang ipaghihintay ko. Ni-recheck ko muna ang inbox ko para siguruhing wala nang ibang demands ang boss ko para sa buwan na ito. Nang masigurong maayos na ang lahat ay tuluyan kong pinatay ang laptop at itinago iyon sa cabinet ko.

Ten minutes before one PM and I was set to go. Puting hoodie jacket, maong pants at sneakers ang suot ko. Saglit lang akong nagpaalam kina Mommy at Daddy na noon ay naabutan ko sala at abalang nanunuod ng noon time show.

Letse ka, Doreethy Cordova! malutong na mura ko sa isip nang pagbukas ko ng gate ay si Radd-na prenteng nakasandal sa nakaparadang sasakyan niya-at hindi si Reeth ang naghihintay sa akin.

He looked sharp and stylish in his white sweater, black pants, and white sneakers. Nang mabistahan kong mabuti ang itsura niya, noon ko na-realize na para tuloy kaming naka-couple outfit dahil sa mga suot namin!

Seconds later, naka-receive ako ng text mula sa gagang kaibigan ko.

Bes, mian! Pinapapunta ako ni Caleb sa site, ASAP. Anw, binigay ko kay Radd 'yong tickets. Sakto, kararating lang niya. S'ya na lang kasama mong manuod. Annyeong!

Halos pigain ko ang phone na hawak nang mabasa ko ang message niya.

Pinapapuntang site, my ass! May hinala akong excuse lang iyon ni Reeth.

Letse! Naisahan niya ako roon!

Gusto kong maglupasay dahil sa sobrang panggigigil. Paano pa ako magba-back out nito? Kung tatakbo naman ako pabalik ng bahay lalong mahahalata ni Radd na allergic ako sa presence niya. Peste talaga! Humanda sa 'kin si Reeth kapag nagkita ulit kami!

"Eira!" Nakangiting kumaway sa akin si Radd nang makita niya ako.

Walang pagbabago sa asta niya. His warm smile made it clear he was delighted to see me. Taliwas sa akala kong napag-isip-isip na niyang hindi dapat siya nagsasayang ng oras sa akin.

Ikaw naman, 'te. 'Di ba p'wedeng busy lang 'yong tao kaya 'di nagpakita sa 'yo? Naku! Feeling ko talaga na-miss mo rin, eh, kaya ka gan'yan maka-react!

Kung totoong tao lang ang letseng alter ego ko, baka kanina ko pa nahambalos dahil sa pang-aalaska nito! Isa rin 'to! Ang hilig makialam!

Alanganing ngiwi ang isinukli ko kay Radd. Halos hilahin ko rin ang mga paa palapit dahil sa labis na pag-aatubili.

Reeth naman kasi! Bakit ba 'ko nagpadala sa panggo-good time mo?

"Let's go?" aya niya nang makalapit ako.

Akma na siyang tatalikod para buksan ang passenger seat nang pigilan ko siya sa braso.

"Sandali!" May pagtatakang pumihit siya paharap sa akin. Alangan akong ngumiti. "S-Sigurado ka bang gusto mong magpunta ng sinehan? Hindi ka ba pagkakaguluhan 'pag ginawa mo 'yon?"

Celebrity ka, Radd! Sabihin mong uncomfortable ka para ma-cancel na 'to real quick!

"I wouldn't really mind. Maliit na city naman ang Baguio. Hindi naman siguro ako gaanong mapapansin kapag nag-"

"Omgeee! Si Radd Cordova!"

"Sheesh! Ang pogi, besh!"

Nagkatinginan kami nang pumailanlang sa paligid ang impit at kinikilig na mga boses na iyon. Dalawang babaeng teenagers ang nalingunan ko ilang hakbang ang layo sa kintatayuan namin. Halatang parehas na high shool students ang mga ito dahil sa suot na uniform mula sa isang kilalang private academy dito sa Baguio.

"Sige, ngayon mo sabihin sa 'king walang makakakilala sa 'yo," nakataas ang kilay na saad ko nang balingan siya.

Mahinang natawa si Radd saka napakamot sa batok. Speechless ang loko.

"Radd, p'wede ba kaming magpa-picture?"

Muntik na akong mapasigaw nang hindi ko namalayang nakalapit na pala sa kinatatayuan namin ang mga teenager. Malapad ang ngiti nila at halos magningning ang mga mata habang titig na titig kay Radd.

Pumalatak ako. Hindi ko expect na ganito pala ang effect ni Radd sa fan girls niya. Akala ko exaggeration lang ang nakikita kong reaction nila sa TV.

"Sure. But can you keep this one a secret? Please, don't post the pictures on social media as well," magaan at nakangiting saad ni Radd.

He was no doubt the Nation's Sweet Guy. Sa sinabi niya halos maglupasay ang dalawa sa labis na kilig. Heto at sabay pa ngang sumagot ng, "Okay!"

"'Te, pa-picture naman kami. Gandahan mo po, ah!"

Gusto kong irapan si Neneng may kulot at mahabang buhok nang kalabitin niya ako at iabot sa akin ang phone niya.

Gagang batang 'to at gagawin pa 'kong photographer!

Napapabuntong-hiningang kinuha ko iyon at lumayo sa kanila para kuhanan sila ng picture. After a few clicks ibinigay ko sa bata ang phone. Umalma naman iyong isang naka-short hair at may braces.

"Ate, magbilang ka naman! Feeling namin ang pangit namin d'yan!"

Muntik ko nang hilahin ang nguso nito nang mag-pout pa sa harap ko. Inis na umatras ulit ako at itinutok sa kanila ang camera.

"Alright. One, two, three... smile!"

Gigil na paulit-ulit kong pinindot ang shutter button habang panay naman ang pose ng dalawa sa tabi ni Radd.

"Thanks, 'te! Galing mo palang mag-picture, eh!" nakangising sabi no'ng naka-brace nang kunin niya ang phone sa akin. Mayamaya bumaling ito kay Radd. "Thank you so much, Radd! Ang pogi mo po, super!"

Ilang sandali pang nanatili sa harap namin ang dalawa at pinaulanan ng papuri si Radd. Mayamaya, gano'n na lang ang relief na naramdaman ko nang sa wakas ay nag-decide silang magpaalam.

Mahinang nagbuga ako ng hangin.

"Sorry for that, Eira," apologetic na saad ni Radd nang lingunin niya ako.

"See? That was an evident proof na kahit nandito ka sa Baguio marami pa ring makakakilala sa 'yo." Nagkibit-balikat ako.

"I underestimated the situation then," natatawang sagot niya. "However, let me make it up to you. May alam akong lugar kung saan p'wede tayong manuod ng movie na hindi kukuyugin ng fans ko."

Letse! 'Kala ko limot na niya, may suggestion pa pala!

Annoyed, I had the sudden urge to do walling right there and then.

"Tara!"

Iyon lang at ginagap ni Radd ang kamay ko saka ako marahang hinila papasok sa gate ng... teka sa bahay nila?

Gosh! I'm doomed!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro