Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

INAYOS ng mga magulang ko ang pagtira ko sa Manila. While they were fixing the mess that I made, I was slowly breaking down. Nawalan ako ng gana sa lahat. Namanhid ako sa kahit anong emosyon and I completely isolated myself from the rest of the world.

Nang hindi na halos maramdaman ng mga magulang ko ang presence ko sa bahay, dahil mas pinipili kong magkulong na lang sa kuwarto, kinausap nila ako.

"You promised to make up for your mistake, Eira. Pero ano'ng ginagawa mo? Hinahayaan mong masayang lang ang oras mo sa pagmumokmok. Paano ka makakabawi kung ganitong ni hindi mo magawang maayos ang k'warto mo? It looks like a pigsty!"

Seryosong nakatitig lang sa akin si Daddy habang nakaupo sila ni Mommy sa harap ko. I was sitting at my swivel chair-gulong-gulo ang buhok at nakapantulog pa-habang tagus-tagusan ang titig sa kanilang dalawa.

Ngunit hindi ko na gustong i-process ang sinasabi ni Daddy. I was completely tired of hearing them.

"Anak, ano na ba'ng nangyayari sa 'yo, ha? Hindi ka naman gan'yan dati. Tell us, may problema ba? Or maybe you're not yet ready to retake the boards? Gusto mo bang i-cancel muna ang registration mo sa review center?"

"What are you saying, Margarette? Hindi natin p'wedeng gawin iyon. Paano siya papasa kung hindi siya maghahanda ngayon pa lang? Gusto mo bang patuloy na mapahiya ang pamilya natin?" Nag-igtingan ang mga panga ni Daddy habang masama ang tingin kay mommy sa tabi niya. "Tama na ang isang kahihiyan. Hindi na ito dapat maulit pa!"

"Leonard! Naririnig mo ba'ng sinasabi mo? Hindi ka ba naaawa sa nakikita mong lagay ni Eira? She already looked like a mess, yet, reputasyon pa rin ng pamilya natin ang iniisip mo!"

Mataas na ang boses ni Mommy. Ito ang unang beses na narinig ko siyang gano'n magsalita kay daddy. Her tone had been always calm and composed. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Marahan din niyang hinaplos ang buhok ko saka inayos iyon.

"It's alright, anak. Kung hindi ka pa handa hindi natin ipipilit. You can just try again next time. You're not a failure."

"She is a failure, Margarette! She has to know that!" galit na saad ni Daddy habang nakatitig sa 'min.

"Enough with your words, Leonard! Paano mo naaatim na sabihin iyan? She already did her best. Let's stop forcing and pressuring her. 'Wag sana tayong maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng buhay niya," nanginginig na saad ni Mommy. Naramdaman kong lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin.

"It's for her best. Don't you want her to succeed? Kung hindi natin siya tuturuang maging matatag paano pa siya kung wa-"

"Then, should I just die?"

Naputol ang iba ang sasabihin ni Daddy dahil sa mga salitang namutawi sa bibig ko.

"Eira, 'wag mong sabihin 'yan!" gulat na bulalas ni Mommy.

Tumayo ako at deretsong tumitig ako kay Daddy. I knew pain and anger were the most visible emotions on my eyes right now.

"Pagod na pagod na ako!" Nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. "I-I can't keep living your dream anymore. The pain is just too much, and I'm drowning here... I-I've had enough, Dad, I just want this agony to stop..."

Hindi na ako nag-isip at mabilis akong tumakbo palabas ng kuwarto. Tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

Manipis ang pantulog na suot ko kaya ramdam na ramdam ko ang nanunuot na lamig. Pero hindi ko iyon ininda, sa halip ay nagpatuloy ako sa walang direksyong pagtakbo.

Para lang tumigil nang makita ko ang taong nakatayo ilang hakbang sa harap ko. Shock had been written on his face.

Handa ko na siyang lampasan nang hagipin niya ang braso ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para maiharap sa kaniya.

"Ano'ng nangyayari, Eira?" puno ng pag-aalalang tanong ni Radd habang titig na titig sa 'kin.

Pero hindi ko nagawang magsalita. Instead, tuloy-tuloy lang ang mga luha ko sa pagpatak. Hanggang sa namalayan ko na lang na ikinulong na ako ni Radd sa mahigpit na yakap niya. Seconds passed at ang malakas na paghikbi ko na lang ang maririnig sa buong paligid.

─•❉᯽❉•─

"KUMUSTA na'ng pakiramdam mo?" basag ni Radd sa katahimikan pagkaraan ng mahabang sandaling kapwa kami walang imik na nakaupo sa magkatabing swing na iyon.

We were at the village's playground. Doon ako dinala ni Radd-na ilang hakbang lang ang layo sa mga bahay namin-nang maubos ang mga luha ko kakaiyak.

"I don't feel alright..." mahinang sabi ko saka lumingon sa kaniya.

Nagtagal sa mukha niya ang titig ko at do'n ko napansing nasa mga mata pa rin niya ang labis na pag-aalala. His stares were expectant as well. It was as if he was silently waiting for me to open up.

Naiintindihan ko siya kung ganoon nga ang iniisip niya. Bigla na lang niya akong nakita sa ganitong estado. Umiiyak at nagtatatakbong lumabas ng bahay na nakapantulog pa.

Also, I'd felt guilty because I'd been ignoring him for a week already. Ilang beses na niya akong pinuntahan sa bahay pero hindi ko magawang magpakita at kausapin siya.

He kept texting and calling, but I couldn't summon the courage to respond. Natakot akong baka husgahan din niya ako katulad ng panghuhusgang natanggap ko mula kay Daddy. I knew Radd would never do that, but I couldn't shake the overwhelming fear that still gripped me.

Malalim akong bumuntong-hininga saka ibinaling ang tingin sa malawak na damuhan sa harap namin. Papalubog na noon ang araw at balot na ang paligid ng kulay kahel na liwanag na nagmumula roon.

The sight was too gloomy-tila ba dinadamayan nito ang bigat na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

"Alalang-alala ako sa 'yo, Eira..."

"Sorry. Hindi ko lang talaga magawang kausapin ka. Saka alam mo na siguro ang nangyari, 'di ba?"

Ramdam kong nasa akin pa rin ang titig ni Radd pero mas pinili kong 'wag siyang lingunin. Baka maiyak lang ulit ako.

"You did your best, and that's more than enough."

"Pero hindi kay Daddy..." Mapait akong ngumiti.

"I wish he could understand you more. Kasi alam nating pareho kung ga'no kalaki ang isinakripisyo mo sa nakalipas na ilang buwan."

Nag-init ang mga mata ko sa sinabi ni Radd. Nilingon ko siya. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko nang salubungin ako ng masuyong tingin niya. Marahas kong pinahid ang mga iyon mayamaya.

"Bakit hindi mo 'ko hinuhusgahan? Bakit pinipilit mo pa ring pagaanin ang loob ko?"

"I couldn't stand to see you hurting. Masyado kitang mahal para gawin ko iyon, Eira."

Lalong nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Mayamaya, parang movie clips na nag-play sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni Daddy.

His hurtful words about Radd were tearing me apart. Hindi niya deserve ang mga iyon pero wala man lang akong nagawa para ipagtanggol siya. Para pabulaanan ang mga sinabi ni Dad tungkol sa kaniya.

I felt like a complete failure and coward. And I proved those feelings true when I finally said those words out loud-na alam kong habang buhay kong pagsisisihan.

"I guess, you can stop loving me now... L-Let's break up, Radd..." Nag-angat ako ng mukha. Kitang-kita ko ang pag-awang ng mga labi niya habang titig na titig sa akin. Pero seryosong sinalubong ko ang mga iyon.

Ilang sandali ang lumipas at tumayo si Radd saka lumapit sa 'kin. Mayamaya ikinulong niya ako sa mahigpit na yakap niya.

"Magpi-pretend akong hindi ko narinig ang mga 'to mula sa 'yo. No. I won't break up with you. I just can't," maigting na saad niya.

Tila ba mariing pinipiga ang puso ko dahil sa mga salitang binitawan niya. Pero buo na ang loob ko. Ayaw kong lalo pa siyang masaktan dahil sa akin. Marahas akong kumalas sa yakap ni Radd. Nang magawa ko iyon pinilit kong tumayo at dumistansiya sa kaniya.

"Tama si Daddy. I failed because I associated myself with you. Masyado akong nag-focus sa 'yo to the point na kinalimutan ko ang goal ko... at kung patuloy pa akong mananatili sa tabi mo, my life will be ruined..."

Mariin kong nakagat ang labi ko para pigilin ang pagtulo ng mga luha ko. Halos pangangapusan ako ng hininga nang mamasa ang mga mata ni Radd. Ito ang unang beses na makikita ko siya sa ganoong estado-and it's breaking me apart.

"H-Hindi... alam ko, sinasabi mo lang ang mga 'yan para layuan kita. Ayaw kong maniwala sa 'yo, Eira..."

"I can't envision a future with you. Kasi kung nakikita ko 'yon dapat hindi ako natakot na ipakilala ka bilang boyfriend ko kay Daddy. But you see, I kept everything from him because I was too ashamed and afraid of what he might think of you. Minahal kita, pero hindi 'yon sapat para ipaglaban ka sa pamilya ko. Kasi sa totoo lang natatakot ako sa buhay na kasama ka. Hindi ang buhay na meron ka ang pinangarap ko, Radd."

Tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ni Radd habang nasa mga mata ang labis na sakit.

"W-Why do we have to end this way? Bakit kailangan mo akong bitawan nang ganito?"

"Because I have to. I'm sorry..."

Kumikirot man nang husto ang puso ko dahil sa magkakahalong lungkot at sakit sa mga mata niya pero ginawa ko ang tingin ko'y dapat.

Tumalikod ako at naglakad palayo sa kaniya. I shouldn't have said those things to him, but I was a complete mess, and deep down, I knew I didn't deserve him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro