Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen

"MY LABS?"

Si Caleb ang bumungad sa akin nang mag-angat ako ng mukha. Paakyat na ako ng porch nang iluwa siya ng front door.

Lumabas ako saglit kanina dahil tumawag si Miss Lim. Ibinalita nito sa akin na inaayos na ang endorsement offer para kay Radd. Approval na lang daw ng agency ang kulang. Nakabakasyon pa raw kasi kaya hindi makausap ng manager. Hindi ko na lang sinabi na nasa birthday celebration ko siya to be exact.

May ilang minuto rin kaming nag-usap ng boss ko. Miss Lim wished me a happy birthday before ending the call. Ibinulsa ko ang mga kamay sa loob ng suot kong jacket nang umihip ang malamig na hangin. Nagmadali akong lumapit kay Caleb.

"Uuwi ka na?" curious na tanong ko nang maglakad siya palapit sa gawi ko.

"Hindi pa," kaswal na sagot niya saka tumigil sa harap ko.

Nanatiling nakatingala ako sa kaniya. "Mag-stay ka pa ba rito sa labas? Mauuna na akong pumasok, ha? Maginaw, eh."

Akma ko na siyang lalampasan nang hagipin niya ang braso ko. Kunot-noong bumaling ako sa kaniya.

"Can we talk?" for the first time narinig kong seryosong tanong niya.

Dahil doon lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit? Naku, Caleb, ah. Kung pagti-tripan mo lang ulit ako, 'wag na lang. Giniginaw na 'ko, ayaw kong sipunin."

"This will just take a moment, Eira."

Nakumbinse akong importante nga ang sasabihin niya kasi tinawag na niya ako sa pangalan ko. Hindi niya iyon madalas gawin. Lagi ay dinudugtungan niya ito ng "my labs".

Mahina akong nagbuga ako ng hangin. Ilang sandali pa, kusa akong sumama sa kaniya nang akayin niya ako patungo sa wooden swing bench na nasa gitna ng garden. Nakakabit iyon sa matandang puno ng narra. Malimit ko itong gawing tambayan, lalo na kapag gusto kong mag-relax mula sa maghapong pagbababad sa trabaho.

Umupo ako sa bench, at naramdaman ko agad ang lamig ng kahoy sa ilalim ko. Tahimik na umindayog ang swing habang nakahawak ako sa mga gilid nito. Hindi nagtagal tumabi si Caleb sa akin.

Ilang segundong wala kaming imikan. Pareho lang kaming nakatitig sa mga maniningning na bituin sa kalangitan na tila kay lapit mula sa kinaroroonan namin.

"Can you take a chance on me, Eira?"

Agad akong lumingon sa tanong na iyon ni Caleb nang sa wakas ay basagin niya ang katahimikan sa pagitan namin.

Matagal akong tumitig sa seryosong mukha niya. Hinintay kong sabihin niyang joke lang iyon—katulad ng madalas niyang gawin kapag magkasama kami. Pero hindi niya ginawa. Sa halip ay nanatiling matamaan ang tingin ng mga mata niya. Ako naman ay hindi alam ang gagawin o ang dapat na maging reaksiyon. This came as a surprise.

Mayamaya mahina siyang tumawa. "I guess masyado kang nasanay sa mga pang-aasar ko. It doesn't seem like you were taking it seriously."

Tumaas ang kilay ko saka napailing sa sinabi niya. "Tell me, you're just kidding."

"Sadly, hindi 'to joke, my labs. I really want you to take a chance on me instead of choosing Radd."

"Bakit?"

"Kasi gustong-gusto kita, Eira," matapat na saad niya. "I've liked you ever since I saw you crying in front of that convenience store five years ago. Alam kong siraulo ako, pero matagal ko nang hinihiling na sana mabaling din sa 'kin ang pagtingin mo."

Hindi ako umimik. May parte kong ayaw paniwalaan ang sinasabi niya. Pero ang determinasyon sa mga mata niya ang nagsasabi sa aking wala siyang balak pasubalian ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

"I'm sorry, pero—"

"I know you can't like me back," putol niya sa iba pang sasabihin ko. "Sinubukan ko lang naman kung may pag-asa, eh. Masakit din pala talaga. Damn, Radd Cordova is one lucky bastard!"

Tumawa siya pero hindi iyon katulad ng normal na tawa niya. Halatang ginawa lang niya upang pagtakpan ang sakit na gumuhit sa mga mata niya. Pinilit kong ngumiti kahit na ramdam ko ang namumuong bigat sa dibdib ko. Iniwas ko ang tingin mula sa kaniya at muling tumingin sa maaliwalas na kalangitan.

"Salamat sa pagtinging binigay mo sa 'kin, Caleb. You're a great guy. I hope you find someone better than me," puno ng sinseridad na saad ko nang bumaling ako sa kaniya.

Natahimik si Caleb. Mayamaya marahan siyang ngumiti sa akin pero ramdam ko ang sakit sa kaniyang boses nang magsalita siya ulit, "I understand. Kahit na masakit 'to, I guess I have to accept it. I want you to know, you're my first heartbreak, my labs."

Silence settled over us once more. Patuloy na umindayog ang swing bench sa ilalim namin, tahimik na saksi sa isang sandaling hindi ko kailanman malilimutan. Sa gabing iyon, habang naririnig ko ang mga dahon na hinihipan ng hangin, alam kong nagbago na ang lahat sa pagitan namin ni Caleb.

─•❉᯽❉•─

I WOKE up on the soft sofa in the home theater, the comforting warmth of Radd's presence gone. As I looked around, I realized he was no longer there.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Mayamaya kinuha ng message alert tone ng cellphone ang atensiyon ko. Napapahikab na dinampot ko iyon mula sa coffee table at sinilip kung sino ang nag-text sa screen. Amused na napangiti ako nang mabasa ang pangalan ni Caleb doon.

I'm just texting to tell you that I'm fine, my labs. 'Wag kang masyadong mag-alala sa 'kin, ha? Hindi ako magmo-move on kasi naniniwala akong magbi-break din kayo ni Radd. Kapag nangyari 'yon, come back to me. I'll be willing to take you, ang napakahabang message niya na punong-puno ng heart emojis.

Napailing akong nag-type ng reply. 'Wag mong i-jinx ang love life ko, utang na loob! But seriously, I'm glad to know that you're okay, Caleb.

Matapos ko iyong i-send hindi ko na hinintay ang reply niya. Ibinulsa ko ang phone sa loob ng suot kong pullovers. Somehow, I felt great. Ilang araw din kasing mabigat ang pakiramdam ko dahil sa unexpected na confession niya one week ago.

Pagkatapos kasi no'n hindi na niya ako binulabog. Hindi na rin siya nagti-text katulad ng madalas niyang gawin. Nakuwento rin sa akin ni Reeth na parang wala siya sa sarili sa tuwing nakikita siya nito sa office.

Kaya gano'n na lang ang relief na naramdaman ko nang mabasa ko ang message niya. I also don't want to be indifferent toward him. Naging malapit na rin kasi ako kay Caleb kahit malimit niya akong pagtripan at digahan.

Mayamaya nabaling ang pansin ko sa malawak na screen ng TV sa harapan. Matagal siguro akong nakatulog kasi closing credits na lang ng pelikula ang nagpi-play roon.

Tumayo ako at pinatay iyon. Inayos ko muna ang sarili bago ako lumabas ng home theater para hanapin si Radd. I wondered where he might have gone. Tumigil ang mga paa ko sa harap ng room niya nang mapansin kong nakaawang ang pinto nito.

I walked inside and I saw his back at the doorway towards the veranda. Radd's voice, clear and resolute, filtered through the room.

"I don't know anymore, Kat. It was all so clear when I started this. I wanted Eira to feel the same hurt, the same emptiness that I've been carrying for years. But now..."

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. It was as if my feet were nailed onto the ground, rendering me immobile. Tumigil ang buong mundo ko sa pag-ikot. Agad ang pagrehistro ng sakit sa puso ko at tila ba unti-unting nadudurog iyon sa bawat segundong lumilipas.

"I don't think I can do it," Radd responded after listening to Kat on the other end, his voice barely above a whisper. "I thought seeing her suffer would make it easier, that it would finally let me move on. But every time I look at her, I... I just can't bring myself to hurt her. I realized, hindi ko kayang magalit sa kaniya. I still love her, Kat."

Hindi ako makapaniwalang nasasaksikahan ko ito lahat—ang plano niya at ang kaniyang pagdadalawang-isip. Parang pinupunit ang puso ko. Pain and confusion settled deep in my chest as tears began to well up in my eyes.

"I know," Radd replied, his voice filled with frustration. "I just want to forget about it, about everything I planned. I'm tired of holding onto the past."

Every word he spoke felt like a sharp blow to me. The plan for revenge seemed like a heavy burden he had finally realized he couldn't carry out. Ngunit ang sakit na dulot nito sa akin ay isang sugat na alam kong hindi na muling maghihilom pa.

Ito na ba ang kapalit ng pananakit ko sa kaniya seven years ago?

Hanggang sa nabaling ang tingin ni Radd sa akin. Umawang ang bibig niya at rumehistro sa kaniyang mga mata ang labis na pagkapatda. Ilang sandali pa ay nabalot ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang mga mata.

But it was too late, the shock and hurt I felt had already reached my core. Nanghina ang mga tuhod ko, halos mawalan ako ng balanse. It felt as though I was swept away by a powerful wave of grief, left to drift aimlessly in a sea of pain and betrayal.

"E-Eira, i-it's not what you think..."

Nanginginig ang mga tuhod na umatras ako nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin. Lumalabo na ang bulto niya sa paningin ko dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

"N-Narinig ko lahat, Radd," puno ng pait na sumbat ko sa kaniya. "P-Paano mo nagawa sa 'kin 'to..."

"Please, hayaan mong magpaliwanag ako," nagsusumamong saad niya pero wala na akong balak na pakinggan iyon.

"D-Don't try to explain it away. I-I heard enough..."

Marahas kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi kahit parang walang katapusan ang pag-agos nito. Sa kabila ng bigat ng aking mga paa, pinilit kong tumalikod at tumakbo palabas ng silid na iyon, palayo muli sa kaniya...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro