Chapter 27: Cousin's
Chapter 27: Cousin's
Xyrine Point Of View
Nakatingin parin ako sa lalakeng tumatakbo papunta rito sa pwesto naming tatlo nila Rhea.
"Drake?" takang tanong ko ng makilala ang lalakeng tunatakbo palapit sa amin. Napatingin naman ako kay Rhea na sinalubong si Drake. Sila ba?
"Xyrine musta?" saad ni Drake ng makalapit sila ni Rhea sa amin ni Jhesa. Tumigil narin sa pag susulat si Jhesa tapos na siguro sya sa pag fifill up.
"Okay lang" saad ko naman sa kanya. Nakaakbay sya kay Rhea.
"Guys cousin ko pala" saad naman ni Rhea at tinuro pa ang lalakeng nakaakbay sa kanya. Mag pinsan? Mag pinsan sila akala ko sila eh. Bagay kasi sila eh sayang naman.
"Akala ko kayo?" nagtatakang tanong ko na may pagkagulat. Sayang naman kasi talaga eh. Bagay sila pero mag pinsan pala silang dalawa.
"Hahaha... Marami naring nag akala na kaming dalawa pero mag pinsan kami." natatawang saad ni Drake sa akin. Tumango tango naman ako at naupo sa bench na kaninang inuupuan ni Rhea kanina bago nya salubungin si Drake mabuti nalang wala si Jean dito kung hindi mag aaway at mag aaway lang sila ni Drake.
"Drake?" pag agaw ko ng pansin nito. Napatingin naman sya sa akin nag uusap kasi sila ni Rhea. Family Matter siguro ang pinag uusapan nila.
"This is Jhesa my bestfriend, And Jhesa this is Drake." pag papakilala ko sa kanilang isa't isa. Nag ngitian naman sila at nag handshake. Kinuha ko yung papel na pinatong ni Jhesa sa tabi ko dito sa kinauupuan ko.
"Si Jean?" tanong ko kay Drake naalala ko kasi na mag kaklase sila ni Jean. Nandito na sya ibig sabihin nakalabas narin si Jean pero nasaan na naman yung babaeng iyon. Siguro hindi na nakalabas dahil dinudumog na sya ng mga lalake dahil sa kanyang magandang pag babago.
"May nag sundo sa kanya kanina." saad naman ni Drake at naupo sa bench na katapat ng bench na kinauupuan ko. Kinuha nya yung libro na nasa harapan nya at binuklat iyon.
"Sino?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Sino naman ang magsusundo sa kanya wala naman akong alam na taong mag susundo sa kanya. Dahil sabay kaming uuwi mamaya dahil sa bahay sila matutulog.
"Si Kiel" saad naman nito kaya napangiti ako. Si Kiel ang nag sundo sa kanya. Aytt kinikilig ako sa naiisip ko eh. Niyaya kaya ni Kiel na mag date si Jean.
"Sila na ba? Nagulat talaga ako sa pag babago ni Ms. Jeliya Angel Hanford" tanong sa akin ni Drake nakatingin parin sya sa libro na hawak nya. Hanggang ngayon naman na wala si Jean ay full name parin nito ang tinatawag nya.
"Hindi pa... Ang ganda nya no..." saad ko kay Drake kinuha ko yung book na hiniram ko kay Rhea non. Di ko parin kasi tapos basahin eh.
"Pwede..." saad ni Drake habang nag babasa. Binalik ko yung tingin ko sa libro na hawak ko bago ulit sumagot sa sinabi ni Drake. Nakaupo si Rhea sa tabi ni Drake si Jhesa naman sa tabi ko.
"Anong pwede?" nagtatakang saad ko sa kanya. Diba ang sagot sa tanong ko ay Oo at Hindi lang bat pwede ang sagot nya. Nakakalito talaga itong lalakeng ito.
"Para sa akin pwede kasi iisang babae lang ang maganda para sa akin." saad nya at inilipag yung libro na hawak nya kung saan nya ito kinuha kanina at tinitigan ako sa mata ko na parang sinasabi nya na seryoso sya sa sinabi nya. Napa iwas ako ng tingin dahil naiilang narin ako sa ginagawa ni Drake na pag titig sa mga mata ko.
"Sino bayun? Si Rhea?" saad ko sa kanya. Nakatitig parin sya sa mga mata ko. Ilang na ilang na ako rito pero mukhang hindi nararamdaman iyon nang dalawa naming kasama.
"Hindi ako iyon. Palagi nga akong sinasabihan nyan nang panget eh." saad ni Rhea habang nakatingin sa libro na binabasa nya. Iba na yung libro na binabasa nya tapos na yata yung binabasa nya nung nasa Garden kami nung First Day of School. Tinignan ko si Jhesa na nasa tabi ko may binabasa rin syang libro. Himala at nagbasa sya ayaw nya kasi sa mga bagay na yan eh.
"Sya ang taong gusto ko" seryosong saad ni Drake. Tinignan ko ulit sya sa pag kakataong ito nagbabasa na ulit sya ng libro na kanina ay nilapag nya lang. Ang bilis nya ah di ko manlang naramdaman at nakita kung paano nya nakuha iyon.
"Sino sya insan?" saad ni Rhea at inilapag ang librong hawak nya. Mukhang gustong-gusto nya na malaman kung sino ang taong gusto ng kanyang pinsan. Kahit ako naman na curious rin eh.
"Wala na kayo dun" saad nya at ipinag patuloy ang kanyang pag babasa. Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagbasa na lang ulit ng libro na hindi ko pa ntatapos basahin yung ' When Memory Gone'
"Ang daya naman" saad ni Rhea kaya napatingin ulit ako sa kanila. Hinampas ni Rhea sa braso si Drake kung hindi ko lang alam na mag pinsan sila aakalain ko talaga na mag dyowa silang dalawa. Ang cute kasi nilang tignan eh.
"Akin nalang yun insan" saad ni Drake habang sinasalag ang mga hampas ni Rhea sa kanya. I hope i have a cousin like them. Wala pa kasimg ipinapakilala sa akin si mama at papa na pinsan ko. Siguro noon kilala ko sila pero hindi ko na sila matandaan ngayon kasi dahil dito sa walang hiyang Amnesia na ito.
"Madaya..." nagtatampong saad ni Rhea at nag cross arms at nag pout. Aakalain mo talaga na mag dyowa sila na nag aaway dahil hindi sinunod ni boy ang gusto ni girl ngalang kasi mag pinsan sila eh. Sayang talaga sila.
"Basta nalang insan malalaman mo rin naman iyon" saad ni Drake at hinahawakan sa may balikat sk Rhea pero tinatabig iyon ni Rhea na nagtatampo.
"Wala madaya kalang talaga insan." nagtatampong saad parin ni Rhea kay Drake. Napatingin ako kay Jhesa na busy na busy sa pag babasa ng libro na kay Rhea nya rin siguro na hiram.
"Xyrine! Jhesa! Cupcake!" napalingon kaming tatlo ni Jhesa at Rhea sa taong tumawag sa pangalan at nickname namin. Nakita namin sya na tumatakbo palapit sa pwesto namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro