Chapter 20: Text Messages
Chapter 20: Text Messages
Xyrine Point Of View
Nakakakilig talaga sya kanina grabe ka Ace! Simpleng galawan mo lang kinikilig na ako. Nakahiga ako ngayon sa kama asan kaya yung phone ko dalawang araw ko na hindi nagagamit yung phone ko.
"Asan na ba yun?" saad ko habang binubuksan yung cabinet sinara ko rin ulit kasi wala naman dun yung phone ko eh.
"Where the hell is that phone" saad ko at itinataas ang mga unan. Pagkataas ko ng huling unan ay nakita ko na yung phone ko nakaturn off pala yung phone ko binuksan ko iyon at nakita ko ang 19 unread messages 198 miss calls i open the messages
From: Rhea
Ersha! Bakit di ka pumasok?
From: Rhea
Xyrine... Bakit di ka nagrereply?
From: Rhea
Xyrine reply ka naman nag aalala ako sayo.
From: Rhea
Xyrine... Reply na nababaliw na ako kakaalala sayo.
Shit! Hindi nga pala ako nakapag paalam sa kanya na mawawala ako ng tatlong araw. Sorry Rhea pinag aalala pa kita. Biglang tumunog yung phone ko tinignan ko ito at bagong message galing kay Rhea.
From: Rhea
Pangalawang araw na wala ka.
Ayan ang nasa text nya. Xyrine ang tanga mo hindi ka nagpaalam sa kaibigan mo pinagaalala mo pa sya ng sobra .
Sorry talaga Rhea.
" Ahh! You make me crazy Keil!" napatakbo ako sa kwarto ni Jean nang marinig ko ang sigaw nya. Pag katapat ko sa pinto ay binuksan ko agad iyon hindi na ako kumatok pa.
"Jean what happen to you?" tanong ko sa kanya. Nadatnan ko sya na pinapalo nya ang sarili nya ng unan. Anong nangyayare sa kanya.
"Jean..." tawag ko rito at naupo sa tabi nya. Tinatago nya ang mukha nya sa unan.
"Si Kiel kasi eh..." mahinang saad ni Jean pero naunawaan ko naman yun. Hahaha ano kayang nangyare sa kanila nung iwan namin sila ni Ace.
"Anong meron kay Kiel?" saad ko sa kanya at hinihila-hila ang unan na tinatakip nya sa mukha nya. Hindi sya nagsalita pero may inabot sya sa akin na letter binuksan ko iyon at binasa ng malakas.
"Dear My Boyish Girl." paunang basa ko. Tinignan ko si Jean mas diniin nya pa ang mukha nya sa unan. Mukhang kilala ko na kung kanino galing ang letter na ito. Binalik ko na yung tingin ko sa letter na hawak ko at pinagpatuloy ang pag babasa ko.
"Thank you dahil pinayagan mo akong ligawan ka. Matagal na akong may gusto sayo kahit boyish ka pa." tiningala na ni Jean ang ulo nya kaya hindi ko na tinapos ang pag babasa. Tinignan ko ng mabuti yung mga pisnge ni Jean namumula ang mga iyon.
"Ayyiiiee nag babablush sya oh!" kutya ko sa kanya at sinundot-sundot ang bewang nya. Bigla nalang hinampas ni Jean yung unan sa mukha nya kaya medyo nagulat ako.
"Nababaliw na ako!" sigaw ni Jean habang nguma ngawa ngawa na parang bata. Medyo napahagikgik ako. May nangyare siguro kanina ng iwan namin sila ni Ace.
"Ano bang pinag gaganyan mo. Nabasa ko dito sa letter pinayagan mo sya na ligawan ka." saad ko sa kanya na may ngisi sa mga labi ko tumingin naman sa akin si Jean at bigla nalang sya napasimangot sa akin.
"Bakit mo kasi ako iniwan kanina" saad nito at mas sumimangot pa. Hala ako ang nagtatanong tapos tinatanong nya naman ako. Aba! Pinapalitan ang usapan ahhh
"Hinila ako ni Ace... Mamaya pa daw kasi kayo matatapos ni Kiel sa away nyo." paliwanag ko sa kanya. Ano ba ang nangyare kanina nung wala kami ni Ace may na miss yata kaming magandang eksena sa drama nila ni Kiel sayang hindi namin nakita.
"Di ko alam bat tumango ako nung tinanong nya ako kung pwede ba nya ako ligawan. Ahh!!! Baliw kana Jean!" saad ni Jean at sinabunutan nya ang sarili nya mas lalo lang tuloy gumulo ang buhok nya na magulo na dahil sa pinag gagawa gawa nya kanina.
"Gusto mo ba sya?" seryoso kong tanong sa kanya kaya napatigil sya sa pag sasabunot ng kanyang buhok. Napayuko naman sya hinintay ko ang sagot nya sa tanong ko.
"Oo matagal na..." saad nya sa mahinang boses at nahihiyang tono. Napangiti naman ako ano naman pinoproblema nitong babaeng ito gusto naman pala nya si Kiel eh.
"Oh gusto mo naman pala sya eh. Bat nababaliw ka dyan" saad ko habang tumatawa ng mahina. Gusot-gusot na ang damit nya dahil nag pagulong gulong sya sa kama nya muntik na nga syang mahulog sa kama buti nalang ay nahawakan ko sya kundi sa sahig sya nakahiga ngayon eh.
"Ehh... Di ko alam gagawin ko kapag nililigawan na nya ako." saad nya sa akin at nagpaawa pa ang mukha nya. Nag pout sya kaya napangiti ako sa ginagawa nya.
"Wala kang gagawin titignan mo lang kung karapat dapat ba nyang matanggap ang matamis mong oo." saad ko at hinawakan ang mga kamay nya na pinapangtakip nya sa mukha nya. Ang gulo ng buhok at damit nya pero mas nagiging dahilan lang ito para mas maging cute sya.
"Pero di kami bagay." saad ni Jean. Alam ko na agad ang tinutukoy nya. Bagay sila... Bagay na bagay.
"Kung dahil yun sa pananamit mo ako nang bahala dyan." saad ko at kinurot sya sa bewang nya. Mag kaka love life na ang aking boyish na bestfriend at kaibigan pa ito ng lalakeng nagugustuhan ko.
"Di ako sanay na mag dress..." saad ni Jean na parang natatakot na suotan ko sya nun. Na parang mamatay sya kung mag susuot sya ng dress.
"Pag balik natin sa school... Doon ka magsisimula na magsuot ng dress at skirt." saad ko sa kanya may isang araw pa sya para mag paka boyish sya. At pagbalik namin sa school mag dress na sya o kaya mag skirt. Siguradong pag kakaguluhan ang kaibigan ko kung makikita sya na naka dress o skirt. Mas ma iinlove sa kanya si Kiel. Kung boyish pa nga lang ay nahulog na sya paano pa kaya kung naka dress na ito.
"Thank you Ersha..." saad nya sa akin at sya na ang humawak sa mga kamay ko. "Dahil bumalik ka ulit sa piling ko." saad nya at niyakap ako kaya niyakap ko rin sya pabalik.
"Bumalik lang ako kung saan nandoon ang totoong bahay at buhay ko." bulong ko sa kanya habang mag kayakap kaming dalawa
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro