Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: I'm back

Chapter 1: I'm back

Third Point Of View
Nakaupo ang isang babae sa swivel chair na nakaharap sa malaking salamin na kung saan matatanaw mo ang naglalakihang gusali at nag gagandahang lugar sa New York.

"Lady are you ready?" saad ng isang babae na may dalang mga papeles. Tinitignan nito ang kanyang tablet. Chineck nya kung ano ang meeting ng kanyang amo.

"Yes." maikili nitong tugon sa narinig ay lumabas na ng kwarto ang kanyang secretarya. Sa murang edad natuto na syang humawak ng kumpanya pero kahit ganon ay gusto parin nyang makatapos ng pag aaral. Sya lang naman ang nakikipag meeting kapag busy ang kanyang mga magulang. Humarap sya sa kanyang table ay tinunga ang natitirang laman ng kanyang kape.

"Lady you're meeting with Mr. Alefta will start in 5 minutes." saad ng kanyang secretarya na bahagyang nakasilip sa pintuan. Tinanguan nya lang ito kaya isinarado na nito ang pintuan. Tumayo na sya at inayos ang nagusot nyang damit kinuha nya ang mga papeles na nasa knyang table at nagsimula nang lumabas ng kanyang opisina. Pagkalabas ay agad na sumunod ang kanyang secretarya.

"Did i have any meeting after this?" tanong nito habang nakatingin sa papeles na hawak nito. Tinitignan nya ang pataas na pataas na sales ng kompanya.

"You don't have any meeting Lady." tugon ng kanyang secretarya. Napatango naman sya. Nakarating na sila sa harap ng Meeting Room. Pinagbuksan sya ng kanyang secretarya ng pintuan agad syang pumasok sumunod naman ang kanyang sekretarya. Naupo sya sa upuan na para talaga sa kanya.

"Good Morning." bati sa kanya ng kanyang ka meeting ng sya ay maupo sa kanyang upuan sa harap nito.

"Good Morning too Mr. Alefta. I'm Xyrine Ersha Santiago the daughter of the owner of Santiago Corp." pag papakilala nito. Inumpisahan na nila ang kanilang pagmemetingan. Napahanga si Mr. Alefta kay Xyrine dahil kahit sa mura niyong edad ay kayang kaya na nitong magpatakbo ng isang malaking kompanya. Natapos ang kanilang usapan sa isang handshake. Pagkatapos nito ay agad na nagpaalam si Mr. Alefta sa kanya. Ilang saglit lang din ay tumayo na si Xyrine upang umalis.

"I have to go home to pack my things." saad ni Xyrine sa kanyang secretarya. Inabot nya ang mga papeles dito.

"We will miss you lady. Have a safe trip." saad ngkanyang sekretarya nginitaan nya lang ito. Paalis na sya nang magsalita ulit ito. " Lady... Ms. Jhesa want to say something to you." tumigil ito saglit sa pag sasalita at tumingin sa kanyang tablet at parang may hinanap doon ng makita nito ang kanyang hinahanap at humarap ito ulit sa kanya at nagsalita.

"I'm sorry Ersha... I have a pictorial today... Thats why hindi kita mahahatid sa Airport. Sorry." saad ng kanyang secretarya na nauutal utal pa sa tagalog na nakalagay dito. Hindi kasi masyadong marunong magtagalog ang kanyang secretarya. Xyrine just smile and continue her walk. Binabati sya ng mga empleyado na kanyang nadadaanan binabati rin naman nya ito pabalik. Nang makarating sa labas ng kompanya ay agad pumarada sa hapar nya ang isang Red Lamborghini na sasakyan. Lumabas dito ang isang staff ng kompanya kung saan ang trabaho ng mga ito ay ang magparada ng mga sasakyan.

"Lady this is the key." saad nito at inabot kay Xyrine ang susi. Nag thankyou si Xyrine dito at agad na syang pumasok sa sasakyan kahit wala pa sa legal age ay nakakapagmaneho na ng sasakyan si Xyrine sa totoo lang may driver naman sya eh sadyang matigas lang ang kanyang ulo at tinakasan nya uto kaninang umaga. Madali naman syang nakarating sa kanilang mansyon pagkapasok nya sa mansyon ay nagsibow agad ang mga katulong.

"Welcom back Lady." sabay na sabay na sabi nito sa kanya. Tumingin sya sa may bandang kanan nya nakita nya roon an) dalawang naglalakihan nyang mga maleta mukha yatang naayos na ang kanyang mga gamit. Tumango lamang sya sa mga ito. Dumeretso sya sa kanyang kwarto ay naligo agad dhil baka malate na sya sa flight nya. Ilang saglit ay natapos ma ito. Inihatid sya ng kanilang driver sa  airport. Sumakay na sya ng Airplane. Ilang oras lang ay nakarating na sya sa kanyang destinasyon ang pilipinas.

'I'm back' ang nasabi nito sakanyang sarili ng sya ay makatungtong ulit sa lugar na kanyang pinagmulan at nagkaisip at kung saan sya nasaktan. Ipinalibot nya ang kanyang mga mata sa labas ng NAIA terminal.

'Maraming nagbago!" saad nya sa kanyang utak. Ilang taon ba syang nanatili sa New York. Its been 3 years syang nag stay sa New York kaya talagang maraming nagbago sa lugar. May pumarada na white Lamborghini sa harapan nya lumabas dun ang isang lalake. Binuhat nito ang kanyang mga maleta at inilagay sa likod ng kotse. Pinagbuksan sya nito ng pinto at agad syang pumasok roon. Isa lang talaga ang nasa isip nya.

I'm really back!  I'm back!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro