Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Hi ! I'm Denisse! Denisse Yakap.

And Micah is my best friend since grade 3. Micah Jocelle Crutchfield is her full name.

Maraming nagtatanong kung bakit kami nagkakasundo at until now na grade 10 na kami ay still matibay parin ang friendship namin.

Bukod kasi sa pang-imported yong apelyido niya at pambaryo sa akin, marami pa kaming pagkakaiba.

Isa dito ay mahilig ako sa sports, siya naman ay super talented, mapakanta, sayaw, pati nga mga instruments alam niya. Napakaartistic din niya.

Mahilig din siya sa fashion, para ngang model pomorma, tas ako naman mas prefer ko ang tshirt na puti, halos ata ng mga damit ko ganon. Mga printed naman yong mga yon at hindi plain. At Jeans at rubber shoes. Minsan pa nga nakacap pa ako. Pero syempre nagdedress din naman ako sa church..pastor kasi ang papa at mama ko.

Shoulder bag sa kanya, bag pack sa akin.

Ahm, paano ba kami naging best friend ni Micah? Well nagsimula ito noong grade 3 nga kami, haha. Paulit-ulit na ako.

Ganito kasi iyan. Transferee kasi siya sa school na pinag-aaralan ko. Dahil friendly ako, nilapitan ko siya dahil ayaw nga ng mga kaklase ko.

Nahihiya daw sila. Maganda kasi si Micah, maputi, matangos ang ilong, kulay blue ang bilog ng mata niya. Kaya nakakaintimidate siya talaga, kala mo nga maarte at snob pero hindi naman talaga.

Dahil sa paglapit ko sa kanya noon kaya lagi kaming magkasama. Sinasama ko nga din siya sa simbahan at doon ko nadiskobre na napakatalented niya. Nagagamit na nga siyang praise and worship leader ngayon.

Actually, broken family sila Micah. Galing pala silang ibang bansa noong lumipat sila dito kaya ayon hindi marunong magtagalog noong una. Pero ngayon bihasa na siya. Ang alam ko naiwan doon ang daddy niya. Kano kasi tatay niyan at pinoy ang mommy niya.

Nakakatuwa nga eh, hindi ko akalain na magkakasundo kami sa maraming bagay, kahit marami kaming pagkakaiba.

Hilig talaga naming mag-aral, magkasabay kaming nagrereview, nagreresearch at gumagawa ng project. Lagi nga kaming nagtatie sa rank sa klase. Minsan tie kami sa top 1, pero kadalasan top 1 ako, top 2 siya o top 1 siya, nasa top 2 naman ako. Ayos di ba?

Pero kahit ganon hindi kami nagkokompitensya.

That is not an issue to us. Kaya nga mahal na mahal ko ang bestfriend ko. At nasanay na akong kasama siya.

Gaya ngayon, magkasama nanaman kami sa library.

Ipinatong niya yong notebook niya sa ibabaw ng librong binabasa ko.

Actually, ganito kami mag-usap dito sa loob ng library. Syempre dahil bawal ang maingay.

'Look! Nakaupo si Zion sa tapat nating upuan...binigyan niya ako ng chocolate kaninang umaga...ang sweet niya.'

Kung tinatanong niyo kung sino si Zion, siya lang naman ang crush ng best friend ko na ngayon ay manliligaw na niya. Hay naku, sasabihin ko na sa inyo, ang lakas ng tama nitong kaibigan ko sa lalaking iyan.

Actually gwapo nga naman si Zion at matangkad ito. At Zion Heil ang full name niya. Bakit ko alam ang full name ni boy, syempre information yan na galing sa bestfriend ko. Bukod don wala na akong alam sa kanya except kung paano niya nililigawan ang bestfriend ko.

Nitong nakaraang araw nga eh siya nalang ang laging bukambibig ng kaibigan ko. Ewan ko ba kung bakit minsan naiirita ako.

Hmm, lumingon nga ako sa direksyong sinabi ni Micah. And I saw Zion, writing on his paper. Gumagawa ata ng assignment.

Binalik ko yong tingin ko sa kaibigan ko. Naku, pulang-pula na siya.

'Hoy, halata ka na oh.. Mukha mo pulang-pula na'

Isinulat ko yan sa notebook niya at ibinalik sa kanya.

Napahawak naman sa mukha ang kaibigan ko. Habang nangingiti ako dahil ang epic niya talaga. Nagsulat ulit siya sa notebook niya at ibinigay niya iyon sa akin.

'Tara labas na tayo.'

Tumango lang ako at inayos na yong gamit ko. At lumabas na kami.

"Grabe ang cute talaga ni Zion, Denisse."

Sabi niya agad paglabas namin.

"Eh bakit hindi mo pa sinasagot?"

Hehe ganyan kasi ako magsalita pranka pero kalmado naman yong pagkakasabi ko niyan ah.

Natahimik naman siya at namula.

"Parang hindi pa kasi ako ready eh."

Sabi niya, actually ikinatuwa ko iyon. Mukha ring hindi rin ako ready na maging sila. Kung ngayon nga halos siya nalang ang kinukwento niya at hindi na kami masyadong nag-uusap ng gaya ng mga dati na naming pinagkukwentuhan. Paano pa kaya kong sila na. Hayss..itong kaibigan ko inlove na talaga..huwag naman sanang humantong na gawin niya nang mundo niya si Zion.

"Kain nalang muna tayo.."

Yaya ko nalang sa kanya. Hapon na din naman at pauwi na din kami later. Wala na kasi kaming pasok dahil may meeting ang mga faculty.

****

Maaga akong pumasok ngayon!! Excited akong makita ang bestfriend ko..may gusto kasi akong ikwento sa kanya.

Actually noong isang linggo ko pa sana iyon sasabihin sa kanya kaso hindi kasi kami masyado nagkakasama nitong mga nakaraang araw.

Opo linggo na ang nakakaraan. Noong sunday nga hindi siya nakaatend ng worship pero nagtext naman siya na may importante lang siyang pinuntahan. Noong tinanong ko ang sabi lang naman niya saka nalang niya sasabihin kapag nagkita kami. Pero until now hindi pa niya nakukwento kasi nga sa classroom ko nalang siya nakikita.

Gusto ko sanang magtampo na eh kasi nga ngayon lang siya ganito. Nasanay na kaming kasama ang isa't- isa. Pero bakit feeling ko lumalayo siya at bakit naman?
Napaparanoid lang siguro ako...may magandang dahilan naman siguro siya.

Asan na kaya iyon...

Dahil may tatlong pong minuto pa naman bago ang first subject ko kaya nakatayo talaga ako sa pintuan para abangan siya. I'm sure matutuwa talaga siya sa sasabihin ko. Salamat talaga sa Diyos.

At hayan na nga ang paparating na si Micah. Namiss ko talaga tong babae na ito. At mukhang sobrang liwanag ng mukha niya ha . Tuwang-tuwa ata siya.

Naisip ko tuloy baka naunahan nanaman ako ni mama magbalita. Ganon kasi iyon kung gano na ako kaexcited mas excited pa iyon, si mama talaga.

"Micah!!!!!"

Tawag ko sa kanya.

"Aray naman...."

Sabi nong lalaking kaklase ko. Sakto kasing dumaan siya sa harapan ko noong sumigaw ako para tawagan si Micah.

"Ai sorry."

Paumanhin ko nalang. Tumakbo naman papalapit si Micah sa akin. Lawak talaga ng ngiti niya at yinakap niya ako noong makalapit na siya.

"Denisse!!!! Oh my gaaad!!! May balita ako.!!"

Sabi niya, at I think alam ko na kung ano iyon. Maaring yong ibabalita ko sana.

"Oo alam ko na.."

Nangingiti kong sabi. Tumalontalon siya sa harap ko habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Oh my gaaad!!!! Denisseee!! This is it!!!!"

Natutuwa lang akong tinitignan siya. Sino ba naman kasi hindi magsisitatalon sa tuwa at hindi masisisigaw diyan. Gagawin ko din sana iyan pero naunahan niya na ako kaya sige siya na muna mamaya na ako pagkatapos niya.

Nakapasa kasi kami sa entrance exam sa kilalang univesidad dito sa amin. Sa totoo lang mahirap talaga pumasok doon except talaga kong mapera ka. Kaya ayan ang bestfriend ko sobrang tuwa niya talaga.

"Denisse painumin mo na yang besfriend mo..umaatake nanaman yong sakit niya."

Biro ni Jasmine kaklase namin. Dumaan kasi siya sa tapat namin. Eh nasa may pintuan pa kasi kami.

"Pagbigyan mo na Jass, baka manlibre pa nga yan eh haha"

Sagot ko naman sa kaklase ko.

"Sure!! Why not!!"

Napalingon naman ako sa kaibigan ko dahil sa sinabi niya, kitam.

Naku naman, bente lang baon ko ngayon. Siguradong magseshare kami ng panlibre, hmm buti nalang pala dala-dala ko palagi yong ipon ko. Nakahiwalay kasi yon ng wallet kaya dalawa wallet ko sa bag.

Nginitian ko nalang siya.

"Tignan mo nga naman ang nagagawa ng pag-ibig, san ka ba manlilibre Micah? Kasali ako ha!"

Sabi nong isa naming kaklase si Mark. Tatawa na sana ako, pero parang may narinig akong hindi tama sa sinabi niya.

"Ikaw talaga mark ! Hindi iyon yon. Puro pag-ibig nalang nasa isip mo..aral-aral din kong minsan."

"Eh bakit tama naman yong sinasabi ko eh..hindi ba Micah? I heard kayo na ni Zion!"

Naiwan sa utak ko ang huli niyang sinabi.

..kayo na ni Zion.

..kayo na ni Zion..

"W-what!!!?"

Napatingin ako kay Micah. Nagulat talaga ako. akala ko pa naman dahil sa nakapasa kami...akala lang pala talaga. Dahil heto siya at sobrang lawak ng ngiti sa labi niya.

"Yes denisse...kami na!!!!!"

At yon na nga. Sila na nga. May magagawa pa ba ako?

thanks ! God bless you :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro