Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#9 Weird


Magkakatabi kaming natulog nila besty at yong mga gf nong kaibigan ni boy Zion. Kinaumagahan, dahil partner-partner nga sila naiwan akong mag-isa.

"Hey! Ayaw mong makisali sa mga love birds doon?"

Ops, nakalimutan kong may Dave pa pala. Babaero siguro ito, sorry for judging pero halata eh.

"Ayaw, ikaw? Kung gusto mo doon, dahil ayuko din ng kasama."

Wika ko at umiling-iling ito. Sorry for being harsh pero mas mabuting una palang alam na niya na I'm not interested with him baka i-aasume pa niya if I'll be good to him.

Halata naman kasing ganon ang magyayari kung sakali.

"Sayang, ang ganda mo pa naman. Suplada nga lang."

Sabi nito at tumayo na. Hay buti naman.

Pero maya-maya din ay nakaramdam ako ng loneliness. Expected ko naman na ganito ang mangyayari. Nawala na yong atensyon sa akin ni Micah dahil hayon sila sa tubig at halatang napakasaya nito. Sinasabuyan ng tubig ang kanyang kansintahan.

Hindi ako sumali sa kanila kahit na niyaya ako ni besty at ni Jason kanina. Bukod kasi sa hindi ako marunong lumangoy, ma-OOP lang ako doon.

Hay, nagsisisi ako kung bakit pa ako sumama. Nakakaawa naman kasi kahapon si besty na nakikiusap.

Tumayo ako at naglakad-lakad nalang sa pampang.

Ang kokyot pala ng mga shells kaya nagpulot-pulot ako. Iuuwi ko itong mga ito. Pangdecorate sa garden ni mama.

Dahil doon ay naghanap ako ng supot sa tabi-tabi upang panglagyan ng napulot ko.

Ang bait nga ni Lord may nailipad na paper bag malapit sa akin.

Dali kong kinuha iyon.

Ilalagay ko na sana yong mga shell doon na napulot ko noong may magsalita sa likod ko.

"Wait miss!"

Napalingon ako dito. Isa itong napakatipunong lalaki. Pero napakunot-noo ako dahil napapuzzle ako kung bakit niya ako tinawag. Tumingin din ako sa paligid ko, baka kasi nafeelingan ko lang na ako yong tinutukoy pero iba pala.

"Miss, ikaw."

Tumingin ulit ako sa kanya ang nakaturo siya sa akin.

"H-ha? Ako?"

Napaturo din ako sa sarili ko.

"Yep, yong paper bag kasi sa lola ko yan, nahangin lang at nailipad kaya hinabol ko."

Ramdam kong nag-init ang mukha ko sa hiya at daling iniabot sa kanya yong paper bag.

"S-sorry akala ko kasi walang may-ari."

Inabot naman niya ito at ngumiti.

"Okay kang miss, ahm, kailangan mo ba ng mapapaglagyan niyan?"

Turo niya sa mga shells na nasa damit ko.

Hinawakan ko kasi yong laylayan ng damit ko at ininangat yon ng kunti at doon ko nilagay yong mga shells na napulot ko kanina. Naexpose tuloy yong ibabang bahagi ng tiyan ko.

Nanlaki ang mata ko at biglang nabitawan ko yong laylayan ng damit ko noong napagtanto ko kung anong itsura ko. Kaya nahulog yong mga shells sa bungangin.

Tumawa siyang bahagya, kung may abilidad lang akong maglaho, ginawa ko na. Nakakahiya. Para akong bata kanina.

"Wait lang miss ha, babalik ako."

Sabi niya at naiwan akong nakatulala at tinitignan lang siya palayo. Malapit lang naman yong pinuntahan niya. Nakita kong may kinuha siya doon sa may bag na nasa upuan pagkatapos iabot nito ang paper bag sa isang ginang doon na nakaupo. May katandaan na din ang itsura nito.

Ito siguro ang lola niya, agad itong bumalik sa kinaroroonan ko.

"Heto oh."

Sabay abot niya sa akin ng isang malaking plastik.

Doon ko lang napagtanto na nasa buhangin pa pala yong mga shells ko. Kinuha ko nalang yong plastik.

"Salamat."

Wika ko at daling pinulot yong mga shells.

"Tulungan na kita."

Sabi niya at nakitulong na nga sa pagpupulot bago pa ako makatanggi.

Halo-halo na tuloy ang nararamdaman ko, nahihiya ako na nafaflatter.

Dahil sa gentleman siya at take note, ang handsome niya.

"Salamat ulit."

Sabi ko lang noong mapulot na namin lahat.

"Gusto mo bang samahan na kita para may magbuhat ng shells na mapupulot mo? Mukha kasing gusto mong iuwi lahat ng shells dito sa resort eh."

Grabe ang bait niya  may sense of humor pa siya.

"Hindi, okay kang, nakakahiya naman."

Wika ko at ngumiti nalang sa kanya. Honestly, hindi ako nagpapacute ha. Yes, gwapo siya, pero hindi naman ako ganon kadesperadang magpapansin sa kanya.

"It's okay, I insist."

Wika nito at bago pa ako magkapagsalita ay binitbit na niya ang supot na hawak ko at nauna nang maglakad.

"S-salamat ha."

Kako nalang at hinabol siya.

"I'm Ezekiel, Ezekiel Anderson and you are?"

Ang cute ng pangalan niya ha.

"Ahm, Denisse...."

Naalangan akong sabihin ang apelyido ko. Itong si boy Zion kasi ine-english-english pa.

Hay, wala namang nakakatawa sa apelyido ko. Sabihin ko na nga.

"...Yakap."

"Ha? What do you mean by 'yakap'?"

Shocks, hindi niya nagets. Uulitin ko ba?

"Ahm, ano..a-ako si Denisse Yakap. Apeyido ko yon."

"Ah, cute ha."

See, cute daw..sobrang praning lang nong boy Zion na yon eh, hindi niya alam ang cute.

"Salamat."

Nakangiting wika ko sa kanya.

Tas hayon at nakipulot na din siya at talagang siya ang nagbitbit sa plastik. Tantya ko mabigat na din ito, napadami kami ng kwento at hayon nga, napadami din kami ng napulot na shells.

"Ahm, salamat ulit Ezekiel, dito na siguro ako, diyan nalang naman na yong cottage namin."

"Sure ka na kaya mo na itong dalhin?"

Pag-aalalang wika nito. Ang gentleman niya talaga.

I was about to answer him when someone speak at my back.

"We are all worrying, looking for you anywhere, only to found out na you're just flirting with a guy na I think kakameet mo lang. "

My face turned immediately into red. My eyes widen, pero hindi ako nag-abalang lingonin yong taong nagsalita at nagpahiya sa akin ngayon. Instead I give Ezekiel an apologetic look.

"S-sorry, he doesn't mean that. Thank you for accompanying me Ezekiel. ."

I smile as I said it sweetly.

"Oh- it's okay..see you again."

Then he also smiled sweetly. I really wanted to talk to him more but a hand grab my wrist.

Talagang pinapahiya ako ng lalaking to ah. I just wave goodbye to Ezekiel, pilit na ngumiti upang ipakitang okay lang ako. Kahit ang totoo ay gusto ko nang hugotin ang kamay ko sa kamay ng taong kumakaladkad sa akin ngayon.

At bakit ba niya ginagawa ito? Noong medyo malayo na kami, when I finally saw Ezekiel turning his back unto us, ay binawi ko na ang kamay ko sa lalaking ito na ang kapal ng mukhang kumaladkad sa akin at ipahiya ako sa bago kong kaibigan.

He stopped and face me, I also face him with anger plustered on my face.

"Ano bang problema mo?"

Halos pasigaw ko nang sabi.

"Tsk, hindi ako ang may problema, ikaw! Ikaw ang may problema!"

Wait, sinisigawan ba ako nito?

"You are flirting with a guy you just met. Habang nag-aalala ako kung napano ka na, if nalunod ka na o may nangyari sayong masama!"

Huli na noong matigilan siya o mapagtanto ang sinabi niya. I know I heard something wrong in my hearing. Not the flirting thing although it pissed me but that weird word that he just declared. I was confused.

" Why would you worry? I mean were not close, your not my friend or family?"

I feel it weird, rival kami and I haven't remember na naging friends kami in any chance.

"T-that's ahm, ..that's something..."

Bakit ba feeling ko na nahihirapan siyang pumili ng tamang salita na sasabihin sa akin.

He's weird. Eh?

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro