Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#8 The Outing


Second day na ng sembreak. Nandito lang ako sa bahay buong araw. Kahapon ay bumili ako ng books sa bookstore. Dalawa lang, yon lang kasi ang kinaya ng pera ko. Bigay ng ninong ko noong mapadalaw siya noong isang araw. Pastor din kasi iyon, kaibigan ni papa.

Kaya yon nalang ang inasikaso ko ngayong araw. Nasimulan ko na yong isa at nangangalahati na ako don. Maganda din kasi siya. Christian Novel iyon. Related siya sa real life nong author.

Si Micah, baka nandoon na at kasama si boy Zion. Kaya hindi niya na ako naalala pang tawagan o itext.

Hay..ganon ba talaga kapag umibig.? Nakakalimutan yong mga taong mahalaga noon sa kanila?

Yes, ngayon kasi..ayuko mang isipin pero I think I was already in the least of Micah to care for. Parang nakalimutan niya na yong pinagsamahan namin. Unti-unti siyang nagbago noong naging sila ni boy Zion. We talk pero hindi na siya ganon kaopen. Okay, sabihin na nating madalas niya ding ikwento si boy Zion.

Gusto ko din sanang magshare pero masyadong siyang nakocontain ng love story nila ni Zion kaya hindi niya na pinapansin yong kwento ko.

Gaya noong isang araw, ikinwento ko yong  itinakbo namin sa hospital si mama kasi umatake nanaman yong high blood niya.

Pero agad niyang pinalitan yong topic, at syempre si boy Zion ulit iyon.

Dati naman hindi siya ganyan.

Napabuntong hininga nalang ako at nagbasa nalang ulit noong may kumatok sa kwarto ko.

"Sandali lang po"

Kako kasi baka si mama lang din iyan.

Nagulat pa ako noong buksan ko ang pinto at makita si Micah.

"Besty!! I need your help..please, say yes.. Please."

Sabi nito at naupo na sa kama ko. Isinarado ko naman ang pintuan ko at lumapit sa kanya.

"Bakit ano ba iyon?"

Kunot-noong tanong ko.

"Say yes first..please."

"Heh! Ano nga muna iyon?"

Oo, mautak din itong best friend ko. Baka naman kung ano pa ipagawa sa akin tapos umoo na ako agad.

"Ahm, kasi..si mama, ayaw niya akong payagan na pumunta sa outing nila Zion. Papayagan niya lang daw ako kapag sasama ka."

"Ha!?"

Gulat kong wika. Hindi ko alam kong pagkakataon ba to para mainis ko din si boy Zion o pagkakataon para magmukha nanaman akong talunan sa harap ni boy Zion. Syempre, kapag sumama ako para nanaman akong munting daga na susunod-sunod sa kanila gaya noon sa mall.

"Sige na please, nasabi ko na kina pastor at tita. Oo naman daw basta tignan-tignan daw kita kasi hindi ka daw marunong lumangoy."

"Ha? San ba tayo pupunta?"

"Sa beach, so pumapayag ka na?"

"W-wait? Pag-iisipan ko pa.."

Kako, hearing na sa beach pa pala kami pupunta. Oo, hindi ako marunong lumangoy.

"Sige na besty..please, please..please.."

Sabi nito at nagpout pa.

Paano ba naman ako makakatanggi kong heto at pacharming nanaman ang besty ko.

"Oo na."

Ayan, at napaoo nalang ako.Bahala na. Ang mahalaga nalang sa ngayon ay makakasama ko si besty sa wakas. Kala niya masosolo niya ang kaibigan ko ha. Buti nga sa kanya.

"Yey!!! Mag-empake ka na!"

Masaya niyang wika.

"Ha? Agad-agad? Kailan ba tayo pupunta?."

Gulat kong tanong. Grabe siya.

"Mayang 5:00, susunduin tayo ni Zion sa bahay. Dali!"

Sabi niya..grabe talaga! Grabe siya.

"Saglit lang..ah wait kailan tayo uuwi?"

Tanong ko, habang kinukuha ko yong bagpack ko.

"Bukas ng gabi. Ihahatid din tayo..magdala ka ng dalawang extrang damit mo ha. "

Sabi niya.

Hindi ko na sinagot, kasi abala na akong naglalagay ng gamit ko sa bag.

At noong makita niyang ayos na yong gamit ko ay dali niya na itong kinuha.

"Dali!"

Wika nito kasi 4:40 na.

"Saglit magpapalit lang ako."

Wika ko at agad na pumunta sa banyo upang magpalit.

At pagkatapos nga non ay nagpaalam na ako kay mama at papa, inabutan naman ako ni ma ng kunting allowance.

At halos takbuhin na namin ni Micah ang daan papuntang bahay nila.

At nandoon na nga ang kotse ni Zion. Nilapitan agad siya  ni Micah.

"Love, saglit lang ha. Kukunin ko lang gamit ko."

Wika nito at daling pumasok sa loob ng bahay nila.

Ako, naiwang nakatayo sa tabi ng kotse ni boy Zion.

Nakabukas ang bintana ng kotse nito.

"Pasok Miss hug!"

Yaya nito. Wow? Ang bait naman. Weh?

Alam niyang pupunta ako? Hmm, baka nasabi na ni Micah na hindi siya papayagan ni tita if wala ako.

"Himala?"

Kako at binuksan ang pinto sa likod at pumasok na.

"Tsk, buti nga at pumayag akong sumama ka kahit ayuko sana."

"Wala ka namang choice."

At nagbelat pa ako. Ngumiti siya. As in ngumiti siya..yong hindi nakakainis.

"Kaya nga, wala akong choice."

Sabi niya. Wait, anong pinagsasabi nito. Anong nakain niya, ang bait niya naman ata ngayon hindi siya nagsusungit at nang-aasar.

Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness. Buti nalang at dumating na si Micah. Naupo ito sa tabi ni boy Zion sa driver seat.

At naging tahimik at matiwasay naman ang byahe namin.

****

Naalimpungatan lang ako noong maramdaman kong hindi na gumagalaw yong sasakyan.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

At napahikab pa ako at napataas ng kamay.

"Buti naman at gising ka na."

Nafroze yong kamay ko sa ere at napatingin sa driver seat.

Yea, tama nga, si boy Zion yong narinig ko. Pero nasaan na si Micah?

Binaba ko ang kamay ko at luminga-linga sa paligid. Nasa tabing dagat kami, may mga cottage din.

"Si Micah?"

Tanong ko kay boy Zion.

"Nauna na, hindi ka lang pala bungangera, tulog mantika ka pa."

"Ha? Makapagsalita ka naman diyan! Hindi ba pwedeng naidlip lang!."

Kako at kinuha yong bag ko at isinuot ito.

"Ah, naidlip ka lang. Kaya pala almost thirty minutes na kitang hinihintay gumising."

Ha? Totoo ba iyon. O baka nang-aasar nanaman itong boy Zion na to.

Hindi ko nalang siya pinansin at binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Saan pala pumunta si Micah?"

Tanong ko bago bumaba ng kotse nito.

"Nasa room 203, siguro."

Ha? Labo nito.

"Bakit siguro?"

"Tsk, hintayin mo na ako baka maligaw ka pa. Ako pa ang masisi."

"Tsk, hindi na no, kaya ko naman."

Saka ako derederetsong naglakad papuntang cottage. Hahanapin ko nalang yong room 203 na sinasabi ni Zion.

Pero wait? Wala namang number, number yong mga rooms dito ah. Pinagloloko ba ako nitong lalaking ito.

"Hi miss! Ang ganda mo naman, ako nga pala si Dave. "

Sabi ng lalaking biglang humarang sa akin at kumindat pa ito. Natameme ako. Wow, bilis niya ah. Mas mabilis pa sa kidlat.

"A-ah sorry, may hinahanap lang ako. Sige."

Kako nalang at umalis na pero hinarang parin niya ako.

Kaasar namam si Micah, bakit ba siya nauna. Hindi man lang niya ako hinintay.

"Nagmama---"

"Hi Dave!"

Biglang sabi ng boses sa likod ko. Well, kilalang-kilala niyo siya.

"Oh bro! Zion, tagal niyo naman. Siya ba ang girlfriend mo? Galing ng catch ah."

Kinilabutan pa ako sa sinabi nito.

Yuck! yuck! Disgusting! Eww lang!

"Hindi no!"

Napataas ako ng boses sa sinabi nito. Si boy Zion naman, natameme.

Hoy! Dapat ngayon mo ilabas yong kasupladohan mo.

Pero hindi umimik ang loko.

"Oh?? Kung ganon, may chance pala ako sayo Miss..what's her name Zion?"

Napairap ako sa lalaking ito. Feelingero.

"Denisse."

Wow? Ano to laglagan? Ipaparape ba ako ng lalaking ito dito? Bigla naman akong kinilabutan sa naisip kong ito. Dali ko silang iniwan at hinanap si Micah.

Asan na ba yong best friend ko?

Kumunot yong noo ko noong may kausap siyang babae at sobrang close nila. Naalangan man ako pero lumapit nalang ako.

"Oh Denisse!!"

Wika ni Micah dahil agad din naman niya akong napansin.

Magrereklamo na sana ako dahil hindi niya man lang ako hinintay kanina at ginising.

Pero nagsalita ulit siya.

"Ah Denisse, si Cheyeen pala. Girlfriend siya ni Jason."

So, may girlfriend na pala si Jason. Buti at hindi ako nahulog ng tuluyan.

Ssssshhh.. Crush ko kasi siya. Kunti lang.

Dumating na din sila. At pinakilala ako ni Micah sa kanila. So parang saling pusa lang pala talaga ako dito.

And guest what ako lang naman ang walang partner dito. Ay nakalimutan ko yong dave, siya din pala. Issshh..kami tuloy ang pinagtatambal.

Si Micah at si boy Zion. Si Jason at si Cheyeen, si Dave, tas yong Jimmy daw at girlfriend nitong si Diana.

Well close silang lahat. Ako nasa tabi-tabi lang. I regret kung bakit sumama pa ako. Kung hindi lang dahil sa bestfriend ko. Huhu

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro