Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#7 The Score

Grabe ang pagrereview ko kagabi. Today is our midterm exam.

I need to get higher score.

Higher score than Zion.

Tinatanong niyo kung bakit? Nakasalalay kasi dito kung saan magspend ng sembreak si Micah. Pero hindi niya alam.

Nilapitan kasi ako kahapon ni boy Zion.

Flashback

"Hey Miss hug."

Tinignan ko lang ang pinanggalingan ng boses at inirapan.

"Paano ba yan, may plan kaming magbabakarkada this sembreak and I'm planning to bring Micah with me. Wanna bet if she will choose me over you?"

Dahil doon mas tinulisan ko pa ang irap ko.

"Anong mapapala mo sa bet na yan ha? And besides Micah is my bestfriend. She will choose me over you!"

Sigurado kong sagot sa kanya.

"Sigurado ka?"

Sabi niya at ngumisi pa.

"Well.... O-oo."

Biglang alangan kong sabi. Kasi yon naman talaga si Micah.......dati.

Mukhang malabo nga yong sinasabi ko knowing Micah na ang lakas ng tama sa boy Zion na to.

"Unsure? Okay ganito nalang, if mas mataas ang overall score mo sa exam, hindi ko siya yayain, besides hindi ko pa naman nasabi sa kanya yong plan namin. But, if mas mataas ako well you already know the answer."

Full of confidence niyang sabi.

Aba! Madaya to ah. Sa section palang namin alam na.

"W-wait.. Wala bang iba? I mean bakit kailangan ko pang makipagkompetensya sayo eh hindi naman kailangan."

Nag-aalinlangan kong tanong.

"Bakit takot ka?"

Ano namang laban ko sayo?

Syempre sa isip ko lang iyan. Ayuko namang aminin na talonan ako sa lalaking ito.

"Hindi ah! Sige!"

Pagsasang-ayon ko.

"Okay, tignan nalang natin bukas. Good luck Miss hug."

Argh..that nickname again. Hindi na ako naka-angal dahil naiwan lang akong nangigigil na sipain itong lalaking ito dahil his back was already facing me.

Pero ilang hakbang lang ang nalakad niya noong lumingon ulit siya at bumalik sa kinaroroonan ko.

"Ah, I forgot to give you this."

Kumunot ang noo ko at tinignan yong nakapaper bag na iniaabot niya.

"Ha?"

Yon lang ang nasabi ko. Eh syempre nagulat ako, eh knowing na di kami close kahit girlfriend pa niya ang bestfriend ko tas magbibigay siya ng gift. If gift nga ito?

"Sige na abutin mo na."

Wika niya pero hindi ko iyon inabot at tinignan lang siya. Iniisip ko kung bakit niya ako bibigyan ng regalo.

Or baka gusto niyang makipagbati? Or gaining my trust na hindi niya sasaktan ang bff ko? O ...

Eh kanina lang nakikipag-bet-bet pang nalalaman.

"Tagal naman. Di pa abutin.."

Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak yong paper bag.

Ako gulat parin kasi hindi ko siya magets dahil nagbibigay siya ng gift.

Nong hawak ko na yong paper bag ay unti-unting umusli ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Pssff..huwag masyadong mag-isip. Kape yan, para sa pagrereview mo mamaya. Sigurado namang magpupuyat ka. Alam mo na baka sakaling matalo mo ako."

Nakuyom ko ang aking kamao. Tas yong gulat kong mukha ay biglang napalitan ng inis. I think nangamatis na ang buong mukha ko eh dahil sa inis sa taong nasa harapan kong nakangisi parin.

Malakas kong inihampas sa kanya ang paper bag at nahulog ito sa floor. At totoo ngang kape ang laman nito. Yong three in one pa. Kaya mas lalo pa akong nainis.

"Tatalonin kita Zion Hell!!! Kaya huwag mo akong yayabangan! "

Kako at nagwalk-out na.

"Sana nga at magdilang anghel ka Miss hug!!"

Pahabol na sigaw pa niya.

End~~

Kaya heto ako. Nananalangin na sana mas mataas ang makuha kong score kaysa sa kanya.

I was really praying for miracle to happen today.

"Okay class, clear your desk. Ayukong may makitang nakapatong na books o notes. I am strict pagdating sa exam ayuko ng nangungumpiya."

Mrs. Paz explained. Siya ang adviser namin.

Idinistribute niya na ang mga test papers sa bawat upuan namin.

Tumingin muna ako kay Micah, parang tense naman ngayon ang bestfriend ko. Akala ko ako lang, pero wait. That's not normal. Tense ako dahil alam kong may dapat akong higitan, but wait siya? Wala namang reason. Anyway inisip ko nalang na baka hindi nagreview si besty kaya siguro tense, hay ganyan ba ang nagagawa ng pag-ibig.
Naku!

Hinarap ko na din ang test paper na kabibigay lang ni Ma'am. I prayed shortly at saka ito sinimulan. Sana may miracle talaga.

Talagang sineryoso ko ang exam ko ngayon. I need to got them all perfect.

That's the only way para matalo si boy Zion.

****

4:00 pm na noong matapos ang exam. Nacheck lahat ng exam namin except sa exam namin sa Filipino kaya kinailangan ko pang puntahan yong teacher ko doon para makiusap na icheck na iyon para malaman ang score ko doon.

Nagulat nga ako noong makita doon si Micah. At parehas pa kami ng pakay. We want to know our score. Ewan ko kung anong dahilan niya, pero dahil siguro besty kami. Alam niyo na grade conscious kami, pero hindi namin pinag-aawayan iyon.

Noong macheck yong paper namin ay nagmadali ding umalis si Micah. Hindi nga nagpaalam sa akin eh if san man siya pupunta.

Bumuntong hininga nalang ako at pumuntang library. Doon daw kasi kami magkikita ni boy Zion.

Sayang yong physics ko. May isa ako doong mali. Perfect ko na yong iba, doon lang talaga. Sana may mali din si boy Zion.

Umupo ako sa kung saan ako makikita agad ni boy Zion kapag pumasok siya ng library. Hindi nga nagtagal ay dumating na siya. Lawak ng ngiti niya ha.

Parang, kailangan ko na ngang kabahan.

But instead na maging negative. Nagpray ako ng taimtim.

Sana, sana mas mataas ang nakuha ko sa exam, sana Lord.

Iminulat ko na ang mata ko noong makaupo si boy Zion sa tapat ko. With that ngisi na nakakaasar.

"What's your score Miss hug."

Ishh.. Nagsimula nanaman siyang mang-asar.

"You first."

Kako nalang. Ayuko ding mauna no.

"Okay.."

At inilapag niya sa lamesa ang kapirasong papel at nilapit niya sa akin iyon.

"I got all my exam perfect."

Wika pa niya na may pagmamayabang.

Nanlaki lang ang mata ko at tinignan yong kapirasong papel na iniabot niya.

Natulala ako doon. Grabe ang talino talaga nito. Sayang yong physics ko. Sayang yong isang mali ko doon.

"Madaya ka naman kasi eh! Alam mong hindi kita kayang talonin kaya yon yong pinili mo! Madaya!"

Halos mangiyak-ngiyak kong sabi. Nakakainis kasi.

Gusto ko lang namang makasama yong bestfriend ko. Anong masama doon? Bakit kailangan ko pang makipagkompitensya? Bestfriend ko siya, pwede kong sabihin iyon ng deretsa. Bakit kasi hindi ko naisip iyon?.

"Kakausapin ko nalang si Micah na hindi siya sasama. Total best friend naman niya ako kaya papayag yon!"

Kako nalang pero huli na noong marealize ko kung nasaan ako.

Heto at mukha nanaman akong nakagawa ng crime dahil pinagtitinginan nanaman ako ng mga istudyandeng nag-aaral sa loob.

"S-sorry."

Kako at inirapan si boy zion.

"Sinong madaya ngayon? May usapan tayo kaya huwag mong babawiin iyon."

Napapikit ako sa inis at noong magmulat ako ng mata ay nakatitig pala si boy Zion. At unti-unting umusli ang ngisi niya.

Inirapan ko siya bago ako tumayo.

"Whatever.."

Madiin na sabi ko at ibinato sa dibdib niya ang listahan ko na nalukot na at saka siya iniwan doon.

"Nakakainis talaga yong lalaking iyon."

Kako habang naglalakad na sa hall way palabas ng school.

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro